watch now

Author Topic: Skin Problems in Dogs  (Read 239681 times)

bugs

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #20 on: September 15, 2012, 03:57:55 pm »
^thanks,  sis abu.  Buti na lang andito ka din.  ;) 
switch ko siguro si disney sa boiled then mashed potatoes.  Ihahalo ko sa pork nya.  Naku,  parang pasarap na ng pasarap ang food nitong mga alaga natin ha!  Hahaha..

Di pa ako nakadaan ng fishoil sa SM.  walang tiyempo.  Dun sa isang stall sa isang mall kanina,   may fishoil, kaya lang Kirkland.   Hahanapin ko muna yung ATC brand mo.  Thanks!

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #21 on: September 16, 2012, 01:57:14 am »
^walang anuman sis. oo nga at parang mas healthy pa sila kesa satin pag homecooked meals food nila hehe. yung fish oil check mo lang sis yung label kung may soy or vitamin e, pili ka nung wala or very minimal lang like 0.something lang. tapos yung epa and dha 300mg sana per capsule.

sweetarwen07

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #22 on: September 28, 2012, 12:05:35 am »
mga sis, may scabies daw aso ko sabi ng vet.  worth 700 ang injection every 2 months. 

another problem is, kailangan ko na sya ipaampon sa iba after nya gumaling.  bawal kasi sa building namin ang dogs.  at wala naman sa ibang relatives namin ang may kaya pang mag alaga ng dogs.  what am i to do?

cristyles

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #23 on: October 04, 2012, 12:45:23 pm »
Mga sis may question ako about dog skin problems. I have a full grown dog, but recently napansin ko merong lump or naka-inflate na skin sa chest area niya. Parang may liquid or blood inside of that lump. Kinapa ko siya at malambot. Nag-search na rin ako sa internet pero wala akong makitang sagot  :-\ . Any feedback would be greatly appreciated  :) .

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #24 on: October 04, 2012, 02:29:32 pm »
^sis diba yung dog mo yung may UTI? baka swollen lymph node yan due to infection? sabay ba sila nagappear nung UTI? pacheck mo na lang sa vet baka kasi tumor, mahirap na, or pwede rin hernia. mga gano kalaki yung lump, may kakaiba ba sa behavior nya like matamlay? fever? loss of appetite? pablood test mo rin sya para mas marami kayong info na makuha.

cristyles

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #25 on: October 04, 2012, 03:04:18 pm »
^Sis we have 3 dogs  :) . 1 black lab, 1 aspin puppy and 1 full grown aspin probably mga 10 or 11 years na siya sa amin.

Yung may skin problem si full grown aspin, yung lump niya sa chest medyo mas malaki lang ng unti sa 10 peso coin sis. Di ko napansin last month yung lump sa chest niya. Mabalahibo kasi siya, napansin ko lang nung nagchecheck ako kung may kuto ba sila.

So far matakaw siya, hindi na siya ganun kaactive maybe medyo matanda na siya.

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #26 on: October 04, 2012, 04:20:48 pm »
^baka due to old age na rin yung lump nya? pacheck nyo na lang sis para sigurado, mahirap kasi pag matanda na ang dog, mahina na ang panlaban sa mga sakit. sana hindi ganun kaseryoso yung lump.

cristyles

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #27 on: October 04, 2012, 04:23:48 pm »
^Thanks sis, ipacheck namin siya this weekends sa Vet para atleast malaman namin kung anong cause at nagkaroon siya ng lump. Sana di siya cyst  :( .

anniegurl

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #28 on: October 04, 2012, 08:10:33 pm »
mga sis, saan nkakabili or nakaka kuha ng madre de cacao?

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #29 on: October 04, 2012, 10:55:58 pm »
^sis sabi sa quiapo meron daw. or try mo maghanap sa neighborhood kasi nasa tabi-tabi lang daw sila. other term is kakawate. pag wala ka makita okay rin yung mga soaps na may madre de cacao. effective din yun sa kanila. okay din ang turmeric (luyang dilaw) and vco fro skin problems. then supplement with human grade fish oil for better results.

brandi

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #30 on: October 23, 2012, 10:08:26 am »
I have this french bull ok naman sya before.pero habang tumatagal yung balahubo niya nauubos. naka beef ako na dog food. i remember yung case na nauubos balahibo sa isang boston terrier namin. namumula parang may glakes or balakubak tapos namumula skin niya. pina shift sa lamb dog food. ganoon pa din so bumalik ako sa beef meal dog food. habang tumatagal lumago at kapal balahibo na kaso ngayon naglalagas na naman and namumula hindi ko na alam ano talaga problem. now going back with my french bull, yung kanya naglalagas balahibo nga. tumubo na siya pero nag try ako mag lamb sa kanya nalagas na naman. Yung skin niya unlike kay boston hindi namumula at walang parang dandruff pero yung kay french, nangingitim naman skin na mukhang dry at gray nga yung color. bumalik ako sa beef meal. may mga tumutubo na ulit. kaso pag tingin ko ngayon parang bumabalik na naman sa dati.

pinapahitan at pinapainom ang mga dogs namin ng vco daily. ok naman sila lahat maganda coats at makapal. except dito sa boston at french. hay.... ;(

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #31 on: October 23, 2012, 05:06:28 pm »
^hi sis, ang mga bulldogs, pugs, and bostons (brachycephalic breeds) mas sensitive talaga than those with longer noses. due to their built na rin kaya mas mahina immune system nila. meron akong english bulldog who is really sensitive, mabilis masira ang tyan at sensitive ang skin. nagkaron na rin sya ng mange, at medyo matagal ang gamutan namin pero one year na rin kaming mange-free. this year umulit twice pero small spots na lang at kaya ng medicated soaps, noon kasi advocate spot on and ivomec gamit namin monthly, pero ilang months na rin kaming nagstop.

Ilang taon na yung frenchie and boston mo? I highly suggest na ipaskin test mo sya para malaman kung ano ang cause ng skin problems, baka kasi mange na yan. Lalo yung nangyare sa french mo na nagdarken na ang skin, yung iba mahirap ng ibalik sa dati kasi pag nangitim parang dead skin cell na at pwedeng di na tutubuan ng balahibo. Pag mange kasi mahina ang immune system, symptom lang yung mange, pwede ring may underlying problem like thyroid issues lalo kung adult na ang dog, so maganda rin kung mapabloodtest nyo sya para malaman ang root cause.

Magshift ka rin sa magandang food, malaki ang matutulong ng magandang food sa pagboost ng immune system nila. hindi kasi maganda ang beef meal at yung mga lamb variants, di porket lamb okay na, kailangan sipatin maigi yung ingredients para sure na human-grade. Pag puro kasi fillers (grains) and by-products nagcacause ng allergy and stress sa organs, pag ganyan pwedeng bumaba ang immune system then lalabas ang mange. Check mo ang last page ng best dry dogfood thread, maraming helpful links doon para malaman kung high quality ang isang brand or hindi.

Sana gumaling na mga dogs mo


brandi

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #32 on: October 23, 2012, 05:45:35 pm »
^thanks.

Sa lahat ng boston isa lang yung nagkaganun. same as frenchies. sa dami nila isa lang din. wala pa siya 1yo male yun worry ko lang siyempre baka wala magpa stud dahil baka isipin nakakahawa or kadiri lalo na yung mga walang alam sa aso na feeling may alam dahil nagbbreed. hay . hindi ko kasi pina check up dahil eventually nagiging ok may tumutubo tapos bigla after a few months balik sa dati. kaya problem ulit. :(

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #33 on: October 23, 2012, 06:32:18 pm »
^bata pa pala sila, baka juvenile mange yan since di pa fully developed ang immune system. try mo magpalit ng food and see what will happen. bigay ka rin ng human grade fish oil for skin and coat recovery.

kung inooffer mo as stud dapat 100% healthy siya, at may regular check-ups para may proof na healthy. remember the goal of breeding, breed quality dogs to improve the breed, so kung may fault or may health issue ang aso, di talaga sya recommended for breeding.

usually ganyan ang mange, pabalik-balik kasi nga di basta skin lang but internal ang problema. though hindi nakakahawa ang demodectic mange (kung yun man ang sa kanya) unethical pa rin gawing stud or ibreed kapag may mange. dogs with mange kasi have compromised immune system, so pwedeng makaaffect yun sa pups at ayaw natin yung mangyare. so pagalingin mo muna and make sure na walang underlying health condition bago sya ioffer as stud para di kayo magkaproblema. the best thing to do now is to perform skin and blood testing on him. kung mange nga ang makita, sabihin ko sayo yung process na ginawa namin, baka sakaling makatulong.

brandi

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #34 on: October 23, 2012, 07:30:48 pm »
^yup and ayoko ng unhealthy pups kasi kahit hindi ko ibenta maaawa pa din ako sa pups. :'(

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #35 on: October 24, 2012, 09:43:52 am »
^update mo lang ako dito about the diagnosis. then let's compare yung treatment na sinuggest sa inyo. hope maging okay na ang dogs mo.
________________________________
^Sis, yung allergic reactions ng dogs ko sa boiled chicken naman.  :(

^hindi mo na sya binibigyan ng chicken sis? yung shih tzu ko naman lately maparaw or cooked nagkakaron din ng allergy, pero ang weird kasi pati sa pork, pork liver may reaction pa rin. Kahit nung naka Acana lamb sya bumabalik pa rin ang allergies.

^naku Sis. painful lesson sa akin yan.

3 furkids at Animal House. Bill was a whopping 10k - hindi pa kasama yung medicines and soap that were prescribed.

so silang 3 pala may allergic reaction sa chicken? I wanna know sana what happened to their skin, namula ba yung belly? may red bumps? may other symptoms ba like vomitting? change in stool and behavior? can you share the prescribed treatment sis?

yung sakin naman napuno ang chest and belly, even his birdie ng red bumps, non-stop scratching sya nun. but when I put some sunflower oil before going to bed, paggising namin biglang nagsubside ang allergy. the vet just prescribed some antihistamines kasi nawala naman daw sa oil. then she advised to stay away from the food that I was giving him. kaso after a few days bumalik din, I was giving acana lamb, solid gold green tripe and go natural canned dogfood (diff variants) na nun, so sabi ko di lang basta chicken and pork ang cause nito. Feeling ko may mali sa absorption ng protein.

Then naalala ko yung fish oil nakakalimutan ko pala sila bigyan, ayun after giving him for 3 straight days nawala ang allergy. Actually sa ATC sya hiyang, kasi nung naubusan kami I tried another brand, meron kasing 1bottle sa bahay pero parang di effective. With ATC kasi kahit 1 or 2 capsules pa lang may effect agad eh. So ayun naging daily vitamin nya na ang fish oil ;D Twice/day yung may most effective results sa kanya.

minnie99

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #36 on: October 24, 2012, 10:55:08 am »
^Thanks sis, ipacheck namin siya this weekends sa Vet para atleast malaman namin kung anong cause at nagkaroon siya ng lump. Sana di siya cyst  :( .

Kamusta na kaya dog ni sis cristyles? Ngayon lang ako napadpad sa thread na to. I asked a vet friend sabi niya lumps could be: lymphoma, hygroma (found in pressure points), hematoma (clotted blood). Baka nga lymphoma kung sa chest ito near the neck.

---

Okay kaya pala ako nandito is because I wanna know about fish oil and/or ACV haha. actually so far supplements lang namin is multivits from the vet... Matagal ko na actually alam yung fish oil and ACV na yan... but since ngayon lang ako may chance to actually spend on the dogs dahil may work na ko...ayun I'm here haha.

Where do I find these ba? Fish oil in tablets ba to? Then how do I give this? What should I look for in the bottle?

Same with ACV---alam ko hinahalo to sa water. My problem is, one of my puppies likes dipping his feet in the water so EVERY HOUR pinapalitan water nila... (grr) haha.

Are these both available in groceries? Actually ang gusto ko tingnan is Healthy Options kasi yung savemore sa may samin parang limited lang ang merchandise (usually necessities lang... yung ice cream nga kulang kulang flavors, kainis). Mas mahal ba sa Healthy Options? My other place to look for these is in Landmark TriNoma. What are the brands you would recommend?

TIA! :)

brandi

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #37 on: October 24, 2012, 09:25:08 pm »
the vet that i've talked to, suggested bathing my boston and french using sulfur soap and zonrox diluted in water. allow it to dry so that it will be absorbed by their skin. haven't tried it yet though probably this coming weekend. also, im planning to switch back to vitality instead of beef meal. then for my 2 dogs that are having skin prob, i'll be buying acana separately for them. hope it will work.  :(

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #38 on: October 24, 2012, 09:47:29 pm »
may nabasa rin ako na pwedeng toxins ang dahilan ng lumps. kamusta na nga kaya si daddy, sana wag naman madagdagan ang sakit nya.

sis minnie, kahit sa groceries meron, yung fish oil, this is fish body oil and not cod liver oil or squalene. fish oil talaga nakasulat sa label. meron sa watsons and mercury. usual dosage for healthy dogs is 100mg of EPA DHA per 10lbs, double the dose if needed. pero ang isang fish oil capsule, kahit 900-1000mg, ang EPA and DHA is only around 300mg. check the label na lang. yung mga alaga ko twice a day so around 600mg ang nakukuha nila daily. ATC nga pala gamit namin, ang importante dapat walang soy oil/tocopherol/vitamin e. yung ATC may .5mg vit e pero okay lang siguro since napakaonti lang nya. kung may mahanap kang glycerin and gelatine lang laman mas maganda yun. may nakita ako sa watsons color orange yung label, nasa 400-600mg ata yung omega 3 if Im not mistaken, wala rin syang vitamin e. nakalimutan ko yung brand name hehe.

may dogs na ayaw pero merong ginagawang treats, yung bulldog ko feeling nya treat ang fish oil, gustong gusto pero yung shih tzu hate na hate nya, iniipit ko pa sa boiled meat or liver para kainin.

Yung ACV naman, look for unfiltered brands, color yellow na may lumulutang na particles. alam ko Bragg lang yung pure ACV satin, yung del monte kasi filtered na eh so wala na rin saysay yun. Kung di mailagay sa water pwede rin sya imix sa food, sana lang kainin kasi weird ang amoy ng ACV, amoy panis na ulam ;D Try mo sa SM Hypermarket and bigger groceries, sa Landmark Trinoma meron din ATC fish oil.

------
sis brandi, woah! seryoso sya sa zonrox? alam ba nya gaano katoxic ang bleach sa dogs? may something sa zonrox na very bad for the lungs, kahit nga sa kamay at damit natin may effect sya, ipaligo pa kaya?  ang dami ng latest medicated soaps, meron ding herbal pet soaps pero bakit zonrox pa rin sasabihin nya? :-\ tsk tsk, di ko gusto sinasabi ng vet nyo, If I were you I'll find another vet, baka lalo lang lumala skin ng dogs mo. teka nagskin testing ba sila? wag ka na gumamit ng zonrox, meron namang doggie's choice anti-mange soap, meron din herbal soaps like papi or lori. give them vitamin c as well kailangan nila yan to boost the immune system and for faster healing.

brandi

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #39 on: October 24, 2012, 10:02:52 pm »
^natawa nga din ako eh. actually, naka encounter na ko na ang pinanglilinis ng mga doctors sa hospitals pag malalang sugat yung tipong nabubulok na is zonrox with water kaya tingin ko ok lang(and totoo talaga ito. btw, im working in one of this country's biggest and known hospitals). pero thinking na aso yun at hindi tao, plan ko isubsitute na lang is hydrogen peroxide. tsaka duh, hindi naman nabubulok na sugat balat ng mga doggies ko, kaloka haha! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close