watch now

Author Topic: Skin Problems in Dogs  (Read 239697 times)

abuanddiego

  • Guest
Skin Problems in Dogs
« on: September 08, 2012, 03:43:21 pm »
Guys dito natin pagusapan skin related problems ng mga alaga natin

mga sis, help naman.  our dog has a skin disease yata.  ano bang affordable vet clinic sa manila?  yung pwede mag stay in ang dog duon para hindi mahawa yung other dogs namin sa bahay. :(

^sis hindi naman lahat ng skin disease nakakahawa. depende kasi sa type ng sakit. ang maganda nyan paskin scrape nyo para malaman kung ano ang cause. pwedeng allergy, bacterial or fungal infection, fleas, or mange---demodectic or sarcoptic. sarcoptic yung pwede makahawa. may mga dogs kaming nagkamange kaya medyo familiar ako. ilan taon na dog mo? actually immune system ang may problema pag may mange, so dapat palakasin nyo system nya. provide a healthy diet, vitamins and clean environment. San ka ba sa manila sis? Karamihan dito sa Vets in Practice pumupunta.

gumawa ako ng link for skin problems: http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,265583.0.html
« Last Edit: September 08, 2012, 03:48:20 pm by abuanddiego »

sweetarwen07

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #1 on: September 08, 2012, 05:05:06 pm »
^ sis, like i said earlier sa kabilang thread, meron syang flakes na parang dandruff.  tapos namumula skin nya.  kawawa naman.  gusto ko na sya itakbo sa vet.

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #2 on: September 08, 2012, 05:14:16 pm »
^may sugat ba? or flakes lang? nalalagas ba ang balahibo? saang part? kating kati ba sya? ano ang food? sana allergy lang kasi pag mange, matagal na gamutan. bigyan mo sya fish oil, ATC yung brand na gamit namin, and vco maganda yan sa skin.

sweetarwen07

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #3 on: September 08, 2012, 05:31:50 pm »
^ sis, may konting sugat pero konti lang.  namumula at nalalagas din medyo ang hair.  halos buong katawan nya.  di sya pihikan sa food sis, kaya di sya agad nagkaka allergy.  kaya nagtaka kami nung biglang nagkaganyan sya.  sige, try ko hanap ng med na sinasabi mo sis.  nakakaawa na sya eh.

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #4 on: September 08, 2012, 08:31:00 pm »
^sis try mo kuhanan then post mo dito. kelan pa nagstart yan? kung buong katawan, baka mange na nga. meron ba syang rashes? or parang naglalangib yung sugat? bland diet lang muna bigay nyo, boiled chicken/pork/beef, rice, pwede kayo magadd ng kalabasa, sayote, kamote, potato, carrots. dalin nyo na rin sa vet tapos ask for skin scraping. pag mange ivomec injectable or advocate usually ibibigay at mga vitamins. medicated soap din gamitin nyo, hanap kayo ng may madre de cacao magaling yun against skin problems.

sweetarwen07

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #5 on: September 11, 2012, 11:13:49 pm »
thanks sa reply sis.  di ko naasikaso agad, i got sick kasi.  after ko mabili yung meds, dalhin ko na din sya sa vet. :(

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #6 on: September 12, 2012, 12:47:31 am »
sis yung fish oil and vco are not medicines ha. supplements lang sila to help the skin and coat. pag ganyang may skin problem dapat makita talaga ng vet para mapinpoint nyo ang cause. pag allergy medyo madaling gumaling, minsan may lacking lang sa diet tapos pag binigyan ng fish oil magiging okay na. pero kung mange, yan ang magastos at medyo matagal gamutin. bigyan mo sya ng healthy food and vitamins para may panlaban. get well soon sa inyo

cocoysmom

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #7 on: September 12, 2012, 08:40:18 am »
^ sis, may konting sugat pero konti lang.  namumula at nalalagas din medyo ang hair.  halos buong katawan nya. 

your vet would do a skin scrape to determine the "possible" cause of the skin problem. then depende dun kung ano ang treatment na gagawin. kung nagka-fleas yung dog, it's also probably na flea allergy. look for superdog soap, it's php 150/bar pero it has done well for my dog's skin problem. if it's not the sarcoptic type of mange, then you can bring your dog home naman sis. it would add to his stress (and thus could worsen the problem if it's demodectic mange) if you leave him confined in the vet just for treatment. ;)

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #8 on: September 12, 2012, 02:24:06 pm »
To those using Acana, did it make your dog's skin more sensitive than other brands? After using acana lamb and apple for a month, I have noticed that my shih tzu's skin tends to get easily wounded. At hindi lang basta sugat ha, may pus pa :-\ Nung una kala ko nasobrahan lang sa scratch or bite kaya may nana, pero yung 2nd wound nilagyan ko na ng sunflower oil then nung nagdry meron ulit pus. Actually sa 2 years namin magkasama, this is the first time that I've seen fresh wounds with pus on his skin. Kahit yung razor burn sa kanya nagredden lang then natuyo agad, pero yung ngayon kakaiba talaga sa paningin ko---Scratch=pus kaagad? Ang weird diba. I'm wondering tuloy kung Acana ang cause nito. Wala naman kasing nabago sa kanya except yung food.

^hi sis abuanddiego...
hmm...napaisip tuloy ako. hehe. si daddy before nag-acana nag-start na yung problems ko sa skin nya. he's still on acana now but wala naman rash. his skin is dry and may new fur na tumutubo na, he's on acana puppy small breed, rice/meat diet.

you described what looks like pyoderma. better start him on antibiotics sis before kumalat. yan naging problem ko with daddy. doc ian told me before that yung mange makes their skin prone to that problem.  :(

sis yung mange ba ni daddy kumalat sa skin or may specific parts lang? good to hear na gumagaling na ang skin nya, kakatuwa pag tumutubo na yung hair, para bang new life for them and new hope for us :)

the other day pala may nakita akong maliit na sugat sa hita ni diego (bulldog with mange) kinabahan ako kasi feeling ko start na naman ng mange nya. ginawa ko sinabon ko ng anti-mange soap, di ko nirinse, hinayaan ko lang overnight. So far di pa naman lumaki yung sugat, dyosmio sana wag na talagang tumuloy!

kinabahan ako sa pyoderma na yan. I swear ngayon lang nagkaganito skin nya. Noon pa sya (abu-shih tzu) madalas magscratch and kagatin sarili nya pero di naman nagkakaron ng pus yung sugat. Mamumula lang then after 2-4days wala na. nagulat talaga ako nung makita ko, first sa may ribs then second sa may top knot nya. Hindi pa naman kumalat sa skin pero yun nga bakit pag may sugat sya meron din pus? Pus means something else kaya nakakaworry. Sabihan ko yung vet about his condition. Last month nagantibiotics din sya for his bacterial and parasite infection, pero allergies lang lumabas nun and not the wound with pus. Thanks sis for the info.

shayan30

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #9 on: September 12, 2012, 07:05:06 pm »
sis baka "staph infection", try to look for some pictures sa net kung katulad ng sa dog mo.. if it's staph infection kasi contagious sya sa ibang pets mo kung may broken skin sila..

kasi parang same nung sa dog namin, scratch then nagka redness, tapos pus.. para syang acne..

cocoysmom

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #10 on: September 12, 2012, 10:24:54 pm »
^^looking back, yung kay daddy una sa face sya. napagkamalan namin ng nag-away sila ng anak nya kasi pag-uwi namin mapula yung area tapos may naliit na wound. tapos parang panay kamot sya. after a day or two ata, may blood na. since sila lang nasa house nun, we assumed again na nag-away na naman kaya dumugo. we consulted a vet tapos he checked his coat and found several pus-filled pimples sa may chest ata. nung time na yun, medyo long-hair pa si daddy. not so long like sa show pero long enough na mukha syang chow-chow. so sabi sa vet, mukhang pyoderma daw. she advised us to have daddy's fur clipped then antibiotics na. ito sis yung nakwento kong andami naming shampoo kasi tuwing scrape iba ang nakikitang cause, una yung pyoderma, then fungal, until finally, demodectic mange daw. 3 wks atang naka-antibiotic kami nun bago naghilom. then wala pang 1 month from the last intake ng gamot, ayan na naman, meron pus ulit sa limbs naman, then yung gumaling sa face hanggang ears na nagkaroon. so gamot ulit. gagaling ng ilang wks then ayan na naman. each time na uulit parang mas matagal bago mapagaling saka parang mas lumalaki yung area.:( pinaka-nakakainis is yung wetness nya. slimy kasi nga may pus, may smell din.:'( sobrang awa ko talaga kay daddy nun. buti may appetite pero every movement parang ang sakit. ang bagal nya gumalaw, ang sungit, hindi na naglalaro. akala ko talaga yun na yun. :((

3rd "attack" na nung dinala namin sya sa tiendesitas. our vet that time kasi parang running out of ideas na on how to treat kaya hanap ako 2nd opinion. i've had good experience sa tiendesitas before so dun namin dinala. alam mo na story nun. hehe. so far so good, knock on wood. we had our last weekly injection so monthly na daw. kawawa na din 8x syang weekly, pumapalya minsan nga eh kasi walang magdadala sa min dun pero pinipilit ko talagang ma-every wk. hehe. salamat naman graduate na. sana wag na bumalik...si daddy playing na nga ulit eh, hindi nya alam senior citizen na sya. :P

usually naman sis mababaw lang daw ang pyoderma, pwede nga betadine lang muna. kaka-worry talaga kapag may kakaiba sa mga anakis natin eh. sana wala naman maging problem sa panganay at bunso mo. 

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #11 on: September 13, 2012, 02:15:53 am »
^sis, akala ko mahirap na yung samin pero mas nahirapan ako sa situation nyo. Yung kay diego kasi mabilis gumaling, isang advocate lang nagdry up agad ang mga sugat nya. hindi na bumabalik at kung bumalik man, maliliit na lang. Yung dinescribe mong wetness, slimy na may pus and foul smell, ganyan din yung nakita kong tzu sa vet namin. alam ko nasa 7-8yo na rin yun pero okay naman daw yun nung bata, nun lang daw lumabas nung tumanda na. kakalungkot kasi di na nya kinaya, naggeneralize na daw sa buong system yung mange. natakot tuloy ako sa mga pwedeng mangyare pag tumanda na sila :-\

natutuwa ako sa progress ni daddy. I'll be praying fo his full recovery na at sana wag na talaga bumalik ang skin problem nya. pakiss nga daddy! ;D

sis shayan, parang acne nga tapos naglalangib diba? yung nakita kong pictures, malalaki and madami yung parang acne pero yung kanya 2 lang. halos wala na yung sa side nya pero yung sa head may onting crust pa. di ko pa masabi kung staph, pero sure ako na pyoderma nga. anong meds binigay sa kanya? kumalat ba yung mga sugat? delikado din kami kasi may napansin akong maliit na sugat sa bulldog ko. wag naman sana staph at baka maghawahan, hay nako papatayin ako sa stress ng dalawang to!

Nabasa ko rin na pwedeng pollens ang cause ng staph and pyoderma At kanina nakita ko yung grounds namin, ang daming nalaglag na pollen galing sa puno ng mangga. Di kaya ito ang cause kasi may onti na naman syang allergy sa tummy at panay na naman ang kamot nya. Alala ko rin medyo nagluluha sya the past few days, once nga nagkaron pa ng eye discharge. Ilang days daw ba bago lumabas ang symptoms? last week pala nagstud din sya, pwede rin kaya na dun nya nakuha?

Naiirita talaga ako pag naiisip kong kailangan na naman nyang gamutin. Dyosmio marimar! tantanan na kami ng problema ibigay nyo na lang po sa masasamang tao yung mga sakit sa balat! ;D

shayan30

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #12 on: September 14, 2012, 07:36:57 am »
^ sis, we didn't give any medication, ang ni-treat kasi namin yung source nung itching muna, kasi ngka flea sya,.. nung nawala flea nya, nawala narin yung mga acne-like na sugat nya, siguro dahil di na nya nasusugatan sa kaka kamot yung skin nya..

sis, nung una 1 or 2 lang din yung kanya, then after 3days  medyo dumami kaya dun nako nag search sa net about his condition.. and yes sis may langib sya, although hndi sya dark, basta may flakes sya... hth :)

christinep_111187

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #13 on: September 14, 2012, 07:41:35 am »
Pag mga skin allergies sa dogs proven and tested ko na ang amdre de cacao na dahon...
Papakuluan papaligo sa dog tapos yung soap madre de cacao din...
Yung puppy ko dati grave ang allergy , langib, flakes, wala ng balahibo. Chinaga ko lang talaga kase di nya naman kasalanan nagkasakit mom nya nung buntis kaya ganun .. Ayun! muka sya hito nung una pero gumanda na after nagmuka ng shihtzu  ;D ;D ;D

kid09do

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #14 on: September 14, 2012, 10:55:08 am »
hello po,,anung medicated soap po ba ang effective sa itchy skin? kasi nangngati yung dog ko may konting sugat kakakamot,pero maliit lang at madali namang matuyo kaso lately napapansin ko madalas na talaga syang magscratch and nagkakaron ng bumps or parang pimples yung skin nya pero walang pus at minimal lang ang redness..wala din namang flakes magkakaron lang pagpagaling na yung sugat ganun naman po diba naglalangib...tas one time nakita ko kasi may nakakapasok palang pusa dito sa bahay and that cat ang daming sugat and may portion sa skins nya na walang fur naisip ko tuloy na baka may contagious type ng mange or scabies yung pusa at nahawa na yung dog ko..huhu kaya now pa lang gusto ko maagapan..may maisusugest ba kayong medicated soap yung affordable sana with potent effect..magtarty na muna ako the kung persistent pa din yung itching magseek na ko ng advice ng vet..thanks sissies! :) :) :)

mama squeak!

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #15 on: September 14, 2012, 11:42:59 am »
^You can try sulfur soap as per advise of our vet. We use Dr. Kauffman's. Lather/rub it on real well on his skin. Just make sure you rinse it off well after. 

kid09do

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #16 on: September 14, 2012, 03:38:18 pm »
mama squek !thanks po sa suggestion...bibili na lang po [textspeak!] mamaya ng sulfur soap,,yung white box po ba ng dr.kauffman's?saka okay lang po ba gamitin sya everytime na paliguan ko sya?thanks ulit  :D

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #17 on: September 15, 2012, 12:34:00 am »
sis shayan, so parang yung fleas ang cause ng wounds nya? yung kay abu natuyo na yung 2 sugat at wala na ako nakita ulit. sana lang wala na talaga. nilalagyan ko lang sunflower oil mukhang effective naman.

okay yung mga soap na may madre de cacao, kakawate, vco. sa petshops maraming soap na merong madre de cacao like doggie's choice and lori. marami ako nabalitaan from diff. pet forums before na gumagaling talaga ang skin kahit galis sa madre de cacao. tyaga lang talaga kasi herbal sila at hindi instant ang results. check din maigi kung allergy ang cause kasi kahit anong gamot natin mahirap gumaling kung food or environment ang source. add nyo rin ang fish oil as supplement kasi maganda sya for their skin and coat, kahit allergies kaya nyang pagalingin.

bugs

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #18 on: September 15, 2012, 07:21:28 am »
Pwede din bang mag cause ng itchiness and allergies ang cooked rice sa doggies?   Wala kasi ako makitang lamb kaya from sawdust,  I switched to pure ground pork na.  No more chicken,  no more beef na kahalo.  I just mix it with bigas and boil until maluto.

Medyo dinagdagan ko ng rice ang food ni Disney lately.  I noticed,  parang mas nagkakamot sha. Wala naman skin lesions.  He just scratches.  And licks his paws.  Wala din nman fleas and ticks when I checked.

Kung aalisin ko ang rice,   anong pwedeng ipalit?  Ground corn? Anong ibang substitute kaya for his  carbohydrate source?

abuanddiego

  • Guest
Re: Skin Problems in Dogs
« Reply #19 on: September 15, 2012, 10:30:46 am »
^pwede sis kung super sensitive. pero pansin ko rin kay abu, madali sya mangati, same ng nangyayare kay disney. iniisip ko naman from the meat itself (omega 6 causes inflammation diba) kaya lagi kami may fish oil. fish oil lang talaga nagpapasubside sa pangangati and redness ng skin nya. pwede ang potatoes or sweet potatoes, brown rice or oatmeal. wag ang corn kasi allergen daw ang corn sa dogs.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close