watch now

Author Topic: No present "barkada"  (Read 36440 times)

Vans

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #220 on: March 31, 2015, 06:12:24 am »
Nakakadepress pag walang matakbuhang kaibigan lalo dito sa abroad. Di na nga ako naghahanap ng mapagbubuhusan ng problema, kahit yung pwede mo lang invite over coffee to talk about mundane stuff, ok na sa akin yun kaso WALA.

awesomemaia

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #221 on: April 01, 2015, 11:14:52 pm »
@mommykoi atlis me asawa ka na sis there is someone na always anjan para sayo kahit sakanya nalang ikot mundo at buhay mo ok lang yun kasi ganun talaga eh lalo na pag me anak na wala na talagang social
Life dahil kulang ang oras para unahin pa ang social life.. Kami dito single na nga wala pang mga friends to cry or lean on.. Haizz sobrang hirap ng nag aabroad ako nga last 2 weeks nagwatch mag isa ng insurgent naenjoy ko naman dahil
Ke Theo James.. Wow!!! Me gt meetup i wish anjan din ako to attend...

prettydefined

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #222 on: April 06, 2015, 10:25:02 pm »
Akala ko ako lang yung ganito, pakiramdam ko tuloy abnoy ako. Nung HS, I have my barkada tapos 4 na lang kaming may regular meetups, the last one di natuloy because of issues sa schedules. Lagi nagpaPlano yung iba pa na reunion daw tapos di naman magrereply pag malapit na yung date na napag-usapan. Nung college ako may barkada rin sa new school, transferee kasi ako at dun sa old school ko e naFeel ko namang we're close but not that close. So yung original barkada ko ng college, 7 kami before naging 6 then may falling out so yung isa tumiwalag. Tapos may isa sa barkada namin na may barkada rin so nagmerge yun & the process repeated. So sa pinakahuling merger (parang kumpanya lang) I feel that one of them is keeping or boxing me out of the group's adventures. Feel ko lang naman kaya I can't confront her. Recently nagyaya siya sa amin na may party sa place nya, I RSVP'd so kahit wala ako tulog, galing pa ako company meeting which ended at 10pm BTW e humabol ako. OTW pa lang e todo usap pa kami kasi she wants to know my exact location so she could guide me raw. Then it happened, nagkaproblema ako sa directions. I called her many times di niya sinasagot or nasasagot, busy yata sa videoke kasi may picture pa kasama ang isang colleague nya na naPost nitong colleague sa Facebook. So I told her na kaysa magtread ako ng streets mag-isa uuwi na lang ako. I was 10steps away from my house, dun na nya ako bombard ng messages about sa directions na kanina ko pa hinihintay sa kanila. Until now I'm still ignoring her. She did apologize pero the damage has been done. Di lang kasi yung time ko ang nasayang e, sumugal din ako sa safety ko. Nung nalaman nga ng mga katrabaho ko na pupunta pa ako sa party, they were saying wag na late na still di ako nakinig. I wanted to be there for her. Konti na lang kaming andito sa Pinas, a handful of them nasa Canada na. Di ko alam what her deal is. Ayoko lang ng BS. Sa work naman, may iilan lang din akong acquaintances pero for me to consider them as shoulders to cry on & vent e medyo malayo pa dun but I'm open to that possibility. I posted na dun sa GT meetup, dito raw sa may Kapitolyo e so I'm really looking forward to this. └(^o^)┘

You are such a nice friend sis. Para gawin yun sa friend mo. Yan ang mga totoong kaibigan na kahit ano man mangyari for the sake of friendship go pa din. Ang risky ng ginawa mo sis. Nakakasama nga lang din ng loob yung nangyari But I hope ok ka na sis. I have some replies din sa GT meet up. I want to join too. Hope to meet you there! :)

djctapalla23

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #223 on: April 15, 2015, 08:58:16 pm »
Hi sis prettydefined! Naku nabasa ko nga na may meetup sa Ace Water Spa. Ngayon lang! OMG di ako nakasama. Nakasama ka ba dun? Nalulungkot tuloy ako. Thanks prettydefined kasi naAppreciate mo yung effort ko. Ang sama ko bang tao by not forgiving her/them? Actually, dalawa silang may "kasalanan" on that incident, til now di ko sila PM or what-have-you. I'm a grudge-y person pala. Hay...

t_r_i_s_h

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #224 on: April 21, 2015, 07:59:58 pm »
tara tara lets meet  :)

djctapalla23

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #225 on: May 08, 2015, 09:04:51 pm »
tara tara lets meet  :)

Tara tara! ∩__∩y Gusto ko rin ito

Nastygal

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #226 on: May 12, 2015, 11:12:40 am »
I have girl friends and we see each other on a monthly basis pero kolang parin. Dito din sa work i have acquaintances pero di ganun ka close. Sobrang busy sila sa task nila para lumabas at maka kwentuhan. yung mga staff ko naman sumasama lang sakin kasi manager nila ako. wala talaga yung masasabi kung kaibigan dito, nag resign na sha... sha yung dadaanan ako sa office para kumain. Wala narin ako Spiritual life... dina nakaka attend ng mga event sa church un like nung nasa single pa ako... Leader din ako noon so dami ko matatawag na friends. Pero now Office bahay nalang.

Sana may Mag Organize ng meet up ang mga walang BARKADA just like me. 

twenty5

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #227 on: May 12, 2015, 11:50:20 am »
ako din pa-join!

Wala na ako barkada.. Nalimutan na nila ako hehe


kinkytinch

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #228 on: May 12, 2015, 08:10:21 pm »
Kung sa may alabang area lang, sama ako :)

Angelite

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #229 on: May 12, 2015, 09:37:25 pm »
I think what's important is we have our few trusted friends instead of barkada who are there during happy times pero not always during tough times. Unless na lang the barkada are the closest friends also.

Nastygal

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #230 on: May 16, 2015, 02:25:42 pm »
re visiting this thread baka kasi may nag organized ng meet up....

raaachel25

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #231 on: May 16, 2015, 10:19:30 pm »
^it's not really my choice sis, kaso wala talaga ko matatawag na best or close friend, yung someone na pwede pagsabihan ng lahat ng problems ko or share ko yung happiness ko, someone like that. And I agree di talaga ko masyado sociable since lagi lang naman ako sa bahay, siguro all I have are acquaintances, fb friends, yun lang :(

i've been in this situation for years! ang hirap makameet ng taong komportable ka kausap at kasama. taong makakakwentuhan mo tungkol sa kahit saan nang hindi ka huhusgahan at irerespeto ang opinyon mo. taong mapagkakatiwalaan mo ng mga sikreto mo at dadamayan ka sa pinagdadaanan o sa pinoproblema mo. in short, taong "swak" sayo. :(

naalala ko dati nung nag aaral pa ako, bawat school year, pinagpepray ko kay Lord na magkaroon ako ng classmate na bestfriend material tulad ng naexperience ko nung nasa elementary ako.

nung nasa elementary ako, kahit apat na beses akong nagtransfer ng school, hindi ako nahirapan magkaroon ng mga kaibigan. may mga naging barkada ako at bestfriend. telebabad everyday kami ng bestfriend ko, as in paggising sa umaga mag uusap na kami sa telephone. pagdating sa bahay galing school, mag uusap ulit kami. ganun lagi hanggang sa grumaduate kami at dinala ako ng parents ko abroad kasama sila para ituloy ang pag aaral ko sa high school.

nung tumungtong na ako sa high school, nagsimula akong magkaroon ng problema sa social life ko. apat na beses ulit akong nagtransfer ng school nun, pero hindi related sa social life issues ko. all in all, walong beses kong naranasan maging transferee.

ngayong graduate na ako at magiging employed soon, problema ko parin to at hinihiling ko parin kay Lord na may makilala akong magiging bestfriend ko for life. :'(
« Last Edit: May 16, 2015, 10:52:08 pm by raaachel25 »

awesomemaia

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #232 on: May 17, 2015, 05:26:19 pm »
Hi mga sis! I am getting worst and the fact that I am aware of what is happeninh to me my mind is bery stubborn. Haiz ganto kasi recently when my guy bestfriend celebrated his birthday bigla naming marealize na magbabakarda na wow! 13 years of friendship na pala kami! So kami din ng guy bestfriend ko 13 years nang magbestfriend. Sila kasicircle if friends na trusted ko talaga sila ang mga HS Friends ko for life! Pero wala na talaga eh lumilipas ang mga buwan na wala talagang kamusthan. Pati ngayon code name ko nalang sakanya is J. Si J he migrated 8 years ago. Pero since parehas kaming overseas pero ako ofw siya kasi citizen na and were apart din like ako asia lang din siya naman Europe. So ganyan tumagal ang friendship namin. Pero recently lang din nahurt ako sa sinabi niya. Least priority niya ako bisitahin. And yet kaya niya mag request saken na umuwi ako dahil darating siya.. Yun lang ang sakit lang isipin na saken almost first priority ko sila! Lalo na siya. Pero ako sa huli pala?? Even andun yung thought na he wanted us to meet dahil nga bihira siya umuwi. I can really go home amd meet them and him. Mabawbaw lang ako kahit man lang effort na o [textspeak!] we'll see kelan ako makavisit jan. Pero on the other side naman atlis nalaman ko na wala talagang chance na dalawin niya ko. Mga sis can afford naman siya tsaka pagdating niya dito ako na bahala sakanya! Ayaw pa.. Dati pang biruan yan eh biruan lang pala talaga. Ngayon tuloy tinatamad ako sundan ang sched ng pag uwi niya. Alanganin kasi. Dec ko gusto uwi siya naman Nov. Natauhan lang ako nung sabihin ng dad ko na uuwi ka lang para sakanya? Panu family mo/natin?? From the past Ako lagi nagbibihay ako lagi nag rereach out?! Wala bang mag rereach out saken?! Hindi enough saken uung elem bestfriend ko. Life is unfair talaga nha noh. Kaya ang peg ko mag isa nalang ako.. Im getting tough and hard and strong lahat na ng katigasan ng puso ata! Gusto ko na nga maging heartless.. Numb na para di na masakit. Kahit tuloy sa love ganyan na ko. Parang tanggap ko na nga kung ako lang talaga mag isa eh. D naman ako likable and wala naman akong sinisi kundi sarili ko lang din...

Walang halong opposite love yung ke james. Mahal na mahal ko siya as friends dahil yun lang kami. I dont see it going further nor deeper.. Do not get me wrong. This is still about friends. Pero wala na ko niyan ngayon. Di ko nga siya matiis pero kaya niya ko tiisin. Lagi nalang ba ako magbibigay? Ako pa ba makakasira o sisira sa 13 years of friendship?? Pinaghirapan kong makuha ako din ba ang mawawala at aalis nalang... Haiz sobrang sakit.

Dapat ko bang sabihin sakanya na im hurt? Dapat pa ba niyang malaman yung nararamdaman ko? Does it matter?! 😔😔😔 natatakot ako sa sagot. Mag bibirthday pa man din ako... Pero lilipas lang din yun madadagdagan lang ako ng taon. Nahihirapan na ko mabuhay nh ganito...
« Last Edit: May 17, 2015, 05:32:48 pm by awesomemaia »

momentum

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #233 on: May 17, 2015, 08:59:27 pm »
Tayo tayo nalang ang magkabarkadahan! :D

Yan din sinabi ko sa introvert thread hahaa. Wala rin akong barkada. Naranasan ko ng iwanan ako ng mga kaibigang akala ko eh barkada kami. Naranasan ko rin yung i-drop na parang hot potato ng isang ka-close ko sa office 3yrs ago just because na-hire yung friend niya. Dahil sa kanya at sa friend niya na yun na insecure sakin, ayaw ko na tuloy nakipag close sa mga officemates ko. Pinagchismisan ako, binack-stab ako. Nag build ako ng wall. Don't get me wrong.. Approachable parin ako at lagi ako nagpapatawa kapag nag uusap usap kami ng ibang officemates ko pero other than that, wala na.

Pero I'm slowly trying to change this na. Nakakalungkot din kasi na wala na akong ka-close talaga.. Yung bang mapapagsabihan ng problems, mag share ng happy moments.. Kahit isang tao lang na totoong friend sana makahanap na ako

awesomemaia

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #234 on: May 17, 2015, 09:07:33 pm »
@momentum hello
Sis online ako dito hahah nakita ko agad message na bago anyway ganyan din ako sama tayo i am bery firm and professional sa office. Pag work work talaga. Pero after nun kung me nakabangga man ako dapat lang no hard feelings. Oo nga tayo tayo nalang I wanna see what is our mistake?! Ano nga ba problema natin kasi alam mo somehow me part tayo o meron din talaga tayong contribution bakit. Saken I admit sis di ako likable madami din ang insecure anung gagawin ko buti sana kung nakikipag talbugan ako? Kasalanan ko ba na ganto ko? Tsaka intimidating daw. Oh anyway malungkot nga talaga sis super parang everyday I wanna end my life di ko lang alam panu and kasi I fear the Lord din talaga. So My Life is meaningless kahit na alam ko na mas madami pang ibang tao anh mas malaki problema pero di yun ang point eh. Me problema pa din yun lang yun malaki o maliit man nasa pag dadala. Di lang halata kasi I am hardworking nawawala yan mga thoughts na yan pag nagwowork ako kaya nga mas gusto ko pa pagod nalang ako lagi... I hope na pag umuwi ako makasa ko sa event na maoorganize ng page na ito 😉

Filipinasadhart

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #235 on: May 17, 2015, 10:46:33 pm »
I have no Barkada. Dati Meron pero nakilala yun tunay na ugali sa pera. kaya pili Lang ang kaibigan ko.

SarSi_Em

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #236 on: August 08, 2015, 03:40:35 am »
ganito rin ako dati dahil di ako pala labas ng bahay
dati may barkada, college friends, di ko kc kaya sumabay sa kanila esp usapang signature bags, shoes, travel, mukha lang ko engot
sa running group ko naiwanan na ko dahil nagka shin splints ako. mamaw na sila tumakbo, ako, 5k pa rin
nag try na ko sumama sa ibang forums, esp sa food trip ng mga bloggers pero, pag talikuran na sila tirahan na, plastic ba.


pero dahil dito sa GT, may nakilala ko 3.. nag eb na kami last Sat, then next Sat ulit, tapos
next month, Baguio naman kami  :D

AlphaFemale

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #237 on: August 11, 2015, 06:31:44 pm »
Count me in :)

This is my actual first post. (Halatang walang friends) LOL!

While growing up I thought I was an extrovert because I was "maboka", I always joined school activities like plays and dances, I was the cheer captain, student council president up until when I was working in the corporate world, a lot of people knew me and I knew a lot of people.

Then recently, I read an article on the net about extroverts and introverts. I had confirmed that although I showed signs of being an extrovert deep down I am an introvert.

Now the sad part is, I don't have barkada, buddies or girlfriends that I can shop, gossip or do girl-y stuff with. I pity my husband because there are some things that he shouldn't know about, you know all of the kikay stuff. Heck! now he knows if I am wearing a "no makeup look" or not, which nail polish color I should wear, which brand of every feminine product there is. I appreciate that he puts up with me but mawawala naman mistery sa pangangatawan ko niyan alam na ni hubby lahat. LOL

My life is more peaceful now, too peaceful that the only people I interact with are my hubby and my son. For me the less people I deal with, the less BS in life. LOL. But nasobrahan naman yata. Lagi na lang si hubby ang classmate ko sa mani and pedi.LOL

I am praying for new friends...

honeybunny

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #238 on: August 12, 2015, 05:12:24 am »
I am in this situation. The people i thought my friends are e hindi naman pala. Bigla ba lang missing in action soon after mangutang. I keep my circle small. Actually sa ngayon, my circle is just me (and my SO)

I dont know why i just cut myself easily from people that disapoints me. And weird din kasi ako and i feel people wont accept my weirdness. I dunno.

Jean_dL

  • Guest
Re: No present "barkada"
« Reply #239 on: August 12, 2015, 07:01:03 am »
I thought ako lang!

Meron naman akong handful of friends, as in handful. mga 8 lang sila na matatawag ko na close friends ko. Kaso hiwahiwalay sila kasi nasa ibang bansa. Pero yung masasabing maraming kaibigan na parang lahat ng social circle from elementary, HS, college, work ay meron silang barkada, waley ako.

I do believe in quality over quantity.. Pero minsan napapaisip ako na, ako lang ba ang may mali? may mali ba sa akin or sa pakikitungo ko sa tao kung bakit parang very less ang friends ko compared to other people?

My bf has a lot. From HS to college to work to his hobbies, different social circles so all the more na narerealize ko na may pagka-loner type ako kaya minsan, nakakadepress.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close