Nung nag-aaral pa ako sobrang bait ko pa sa pagpapautang, well maliit na amount yun kasi consider the fact na school days pa yun pero yun nga na experience ko yung ang bait sayo na nakakaawa kapag hinihiraman ka pero wag ka kapag singilan na ikaw pa masama. Nadala na ako so now I became wiser. To be honest galante ako sa pagbibigay ng gifts sa inaanak at sa pamangkin. Pero swerte ko lang na matitino talaga cousins ko which is yun ang magulang nila kaya I have no problems with it saka wala naman akong inaanak na ang magulang ay mahilig mangutang o naninigil pa ng regalo.
Well dahil sa naka experience na ako during school days na pinahiram ko tapos hindi binabalik nung college naman ako natuto naman akong maningil. Kapag hindi ko siya masingil personally in school tumatawag ako sa bahay niya tapos nun kapag sinabing wala yung classmate ko saka ko sasabihin sa kung sino nakasagot. There was a time yung Nanay niya na matapang ang nakasagot sa kanya ko sinabi na kukunin ko na sana yung pinahiram ko sa kanyang pera. Well of course in a nice way.

Kaya ayun napilitan agad magbayad yung classmate kong yun. Tapos same thing sa ibang classmate ko na alam ko cellphone naman ng Nanay niya yung number na ginagamit niya so dun ko naitext. Kaya una natuto naman akong maging effective Singelera. After that hindi na talaga ako nagpapautang at dyan na ako natuto to say NO!
Depends on case to case basis, basta maliit na amount sige pwede pa but then they still have to return it. Pero kung parang atay ko na yung amount huwag naman at dahil yun nga ako mismo may problema rin financially.
Now naman na may bf ako, he is borrowing from me pero paminsan minsan lang. He is responsible enough to return it dahil alam na alam niya ugali ko kung paano ako maningil. Sabi pa nga niya grabe raw ako maningil parang hindi ko siya bf

. Natatakot rin siya na baka mamaya tumawag ako sa bahay sabay Lola niya kausapin ko tapos pagagalitan siya. Alam niya pwede kong gawin yun dahil adik talaga ako sa singilan.
The last time may nanghihiram sa akin ng huge amount na halos 1 month salary ko na or ni lampas pa nga sa 1 month salary ko yun. Una kasi may binebenta siya tapos sabi ko wala akong alam na mapagbebentahan niyan tapos nakikusap na sa akin agad na pahiramin siya agad at nangangako na ibabalik niya rin agad. So siempre ako I explain a lot na hindi ko kakayanin and so on pero ito sinabi ko sa kanya na kahit ako problematic rin in terms of finances pero ayaw niyang intindihin as in namimilit pa so because of that naturn off ako. As much as nun una gusto ko siyang tulungan I can do it agad kasi kilala ko naman magulang niya. I already explain kung ano ang pwedeng gawin niya in order for her na makabenta pero parang nabastusan ako nung hindi niya pinakinggan explanation ko tapos gusto agad pahiramin ko siya ng amount dahil due na yung pagbayad ng puhunan. Kaya later on pinagsabihan ko siya na sana noon pa inalam niya yung target market nung bebentahan niya. Imbis na sarili na lang niya tinutulungan niya ngayon yung pera napupunta kung kanino lang tapos kailangan pa niyang mangutang. She apologize already at mula nun hindi na siya nanghiram. Hindi ko na mashadong idedetalye kasi mapapahaba nang husto.
Ito lang naman ang advise ko on how to refuse kapag may nanghihiram sa inyo. Sometimes depende rin minsan sa ugali niyo or pakikitungo niyo sa ibang tao. Meron naman effective na kapag sinabing NO stop agad pero minsan meron kasing sobrang makulit na hindi titigil hangga't hindi nagagawa.
Kung ayaw niyo maging matapang or kayo yung may pakikitungong mahiyain sa mga nanghihiram sa inyo just give time a bit to analyze and know kung bakit niya kailangan ng pera. Ano ba nangyari. Explain your side na hindi mo rin kakayanin yan at mahirapan ko. Ngayon kung makulit pa rin at hindi inintindi either ignore it, pagalitan niyo, o bigyan ng advise kung ano ang dapat na ginawa niya para to earn money sana at hindi na umabot sa point na nangungutang na siya kasi that borrower is making another big problem again.
Hangga't maaari maging matapang kayo lalo na if you want to explain or simply in saying NO para wala nang second thoughts yung manghiram na mangulit pa.
Huwag na huwag magpapadala sa paawa effect nila, remember kayo mismo may problema rin kaya unahin niyo dapat settle yung problema niyo bago yung iba. Minsan kasi yung mga paawa effect strategy nila yan para macarried away ka sa problema nila. Minsan nga yung iba nanloloko dyan sa paawa effect eh. Pero wag ka walang pambayad sa utang yan. Baka imbis na yung pera pa nila pambayad sa utang sa inyo pinambili na agad ng luho nila.
Hangga't maaari kapag nagpahiram kayo know all the contact details at kung sino rin ang pamilya niya. Para walang lokohan pagdating sa singilan. Kasi baka umabot sa point na kapag kayo na nangailangan ng pera at ang pag-asa pa run ay yun huge amount na pinahiram niyo, mapipilitan na kayong mag file na kaso. So ask legal advise na rin bago kayo magpahiram para in case hindi ibalik alam niyo na kung ano ang dapat gawin.
ito ang problema ko ngayon. may isang kakilala si hubby na nangungutang. 3k lang naman. ito yong isang sinu-supply-an namin noon ng meat sa palengke. last week, nagtaka kami kasi sarado ang pwesto nila. so, we though na baka may nilakad lang or something. tapos kinabukasan, wala sarado na naman ang pwesto nila. so we assume na wala siguro pamuhunan. the other day, nakita nila kami ni hubby dun sa pwesto nila, nagbukas na sila pero konti pa lang ang tinda. siguro pinilit na makapagbukas kahit konti lang nag puhunan kasi nga mas mahirap pag hindi sila nagtinda. anyway, sabi sa akin kung pwede daw ba sila manghiram.ang sagotko, hindi ko maipapangako pero titignan ko kasi may mga bayarin pa kami sa ngaoyn. sagot ba naman, sigen a tulungan mo na ako ngayon pamumuhunan ko lang. ang akin lang, hello! sana noong mga panahon na nagtitinda kayo nagtatbi rin kayo kahit paunti unti tapos ngayon nasaid kayo mangungutang kayo ng pamuhunan. pero hindi ko par in sinabi yon kasi nga parang ako ang nahihiya. last night, bago kao pumasok, sabi ni hubby pumunta daw dito, at tinatanong ako dun sa usapan namin, eh hindi naman ako nagsabi na oo,ang sabi titignan ko at hindi ako nangangako kasi nga may mga obligasyon rin kami. hay nako nakakairita lang. porque nagsabi na sila sa amin na manghihiram sila parang kailangan talaga pahiramin sila at pumunta pa talaga sa bahay namin. to think na hindi naman nila alam house namin so hinanap lang nila.
Sis nessy seems that desperate na yang nanghihiram, as I've posted above ganyan rin naging dilemma nung gustong manghiram dahil kailangan sa puhunan tapos ganyan rin ang lakas mamilit na hindi naman siya gumagawa ng paraan para kumita ng pera. Kung ikaw pa nga sinabi mo pa na titingnan mo kasi may babayarin dito naman sa akin sinabi ko na hindi ko kakayanin pero todo pa akong pinilit. Kaya ayun nung nagsalita ako frankly saka siya tumigil. In your case naman seems that nung pumunta siya sa bahay niyo parang nag-assume agad na pahihiramin mo na siya kahit walang affirmation. Ito sana advise ko sayo sis, kung may utang na siya hangga't maaari huwag munang magpahiram nung susunod hangga't hindi siya bayad since for sure may susunod pa yan at baka kayo na asahan niyan. Sa mga desperate na tulad niya hangga't maaari huwag magsabi na titingnan mo pa na parang may 50-50 chance pa siyang makakapanghiram sa inyo. Maganda sana kung sabihin agad na hindi mo na magagawa kasi may problema na kayo, well kahit hindi totoo. Maganda rin sabihin niyo na kakailanganin pa nga sana niyo yung 3K na pinahiram niyo kasi gipit kayo.

Nasa sa inyo naman yan kung anong strategy niyo basta ang point ko lang rito is huwag kayong magbibigay ng statement na may makikita pa siyang butas na hiraman kayo.
nadal na rin kasi ako magpatuang, yong college friend ko, nangutang sa akin ng 17k, hindi na nagbayad, ever! tapos may friend ako, nanghiram,noong sinisingil ko na, ang sagot ba naman sa akin, "marami ka namang pera wag ko na [textspeak!] bayaran". kainis lang wala naman kaming maraming pera gipit gipit nga kami tapos gaganunin pa ko. kainis lang.
Naku sis! 17K is huge amount

Kung ako yan baka nagfile na ako ng kaso at gagawa ako ng way na masingil ko siya. Baka tinakot ko na yan na magfile na ako kaso tapos magpapadala na ako ng demand letter.

Hindi ko siya titigilan. Ganyan ginawa ko sa isa kong friend which is effective, hindi ito pautang kundi bayad niya sa akin dahil nagwork ako sa kanya. Pero hindi ko talaga tinantanan kaya napilitan magbayad completely. Then to your other friend seems that she is brat to say na huwag ka na bayaran dahil marami kang pera. Seems that sobrang naging bait mo sa friend mo kaya she abused it.