watch now

Author Topic: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(  (Read 28270 times)

jemster

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #20 on: June 22, 2012, 05:52:01 pm »
Thank you po sa lahat ng nag advice, I know po pero reading sis priceless, queena and k-heart posts, sa mga posts nyo mga sis honestly mas I wan to abort the baby dahil sa KAHIHIYAN dahil mahal na mahal ko ang family ko. Though I know nagkamali ako, I know naman na hindi ako nag iisa na gumagawa nito, yun nga lang I failed..  It hurts me so bad, alam ko naman po kasalanan ko pero andito na po yung kasalanan, I know nagreregret ako but it's too late.

 
Yan kahihiyaan eh wala ka nang magagawa dyan kasi part of your consequence eh.. sorry na lang, kasi di ka nadala sa experience ng ate mo..


- masakit po talaga eto mabasa..
 

For now, I'm asking help from my friends. Pleas don't judge me if i will abort the baby. I can do my responsibilities pero I don't wanna see my parents suffer again because of this. Thank you again!

Priceless

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #21 on: June 22, 2012, 06:13:57 pm »
Hay naku sis jemster. Alam ko mahirap talaga ang situation mo ngayon at gulong gulo ka. Pero the advice of our sisters here (quennna, k_heart and the others) are not meant to lay blame or force you into abortion.

My advice was meant for you to be responsible for your actions. Which means keeping that baby dahil wala naman syang kinalaman sa situation mo. If you decide after giving birth that you can't support, love, raise that child, ibang usapan yun. Pero ngayon wag mong unahin ang hiya at takot mo sa mga magulang mo para magdesisyon kang magpa abort.

Talk to your sister first. Seek her advice. Baka may maitulong sya para maliwanagan ang isip mo dahil sya, of all people will know kung ano ang pinagdadanasan mo ngayon.

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #22 on: June 22, 2012, 06:27:51 pm »
nakakaloka ka sis jemster.....

I got pregnant at 21,my sister is also a kahihiyan sa aming pamilya..she got pregnant at 18 iniwan ng father,had a marriage at 21 pero much older guy sa kanya...Then sumunod din ako sa yapak nya...
I'm the bunso and my mom and dad is so proud of me,I'm the matalino,the honor student and makapag-abroad,ang magiging artista,presidente,terorista ay naku lahat na lang yata...so with my relatives,...nakatira din ako sa isang baranggay na lahat kamag-anak ko,...

then I got pregnant sa kapit-bahay namin na may GF that hehe)pero I was so happy kase buntis ako,I always wanted to be a single mom,kase di ba hot,and to think na mukha kang dalaga then may baby ka na pala(gulo ng isip ko noh?)

yes,I know na madaming chismis,siper chismosa lahat dun sa amin,I know magkakagulo...pero nasa isip ko...sabihin na at magkagulo na para matapos na!then ipapakita ko sa kanila na eventhough I'm a single mom eh pang-artistahin naman kaming mag-ina LOLz

I never want my bf na panagutan ako,then ang magiging siste is gagawa sya ng ATM para sa support?pwede ba?kaya ko kayang magtrabaho para sa amin at pamilya ko....After ng darama,take note,naglayas pa ako nun kase ang ate ko gusto akong dalhin sa Quiapo and i-abort si baby(di ako makakpayag nun)...

And now,I'm happy!and I know there's still chismis,eh ano ngayon?...sino ba mas masaya at maayos ang buhay?...Sis,wag kang maging unfair,di ka man pinapatulog ngayon ng kunsensya mo na masaktan mo ang pamilya mo,eh paano pa ang kunsensya mo pag-pinaabort mo ang baby mo...


joanniekiko

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #23 on: June 22, 2012, 07:02:51 pm »
Hinde na bata ang 25 y.o , unang una bakit mo blame si God eh on the first place alam nyo na kapag nag sex ay may possibility to get pregnant? 2nd, dahil sa kahihiyan sa tao ipapaabort mo anak mo???  :o eh kay God hinde ka nahiya na papatayin mo sarili mong anak? hay..naku sis, sorry ha, since nag post ka ng ganito eh talagang against ako sa abortion, it's been 5 years before binigay sa amin ni God ang anak namin, samantalang ikaw ganun lang kadali na alisin ang nasa sinapupunan mo??? Kahihiyan para sa tao? oh my God sis, isipin mo pipiliin mo na walang masasabi sayo ang tao kesa sa ilalabas mo na bata. For me nasa right age kana since 25 kana, tapos kana din mag aral, eh ano ang ikakagalit ng mother mo? siguro for me panindigan nyo na yan, magpakasal kayo kahit hinde muna sa church before lumaki tyan mo. Wag ka mahiya sa tao, mahiya ka sa anak mo, ang explain it to your mother. God Bless!

airwaterfire

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #24 on: June 22, 2012, 08:40:29 pm »
at Jemster

naka decide ka na pala mag pa abort?

sana may kunting awa ka pa sa anak mo.

wala siyang kasalanan.

sumasakit ang puso ko sa nabasa kong reply mo. parang di ka 25 y.o. sorry.

di ka ba nasaktan everytime may napanood ka sa tv na fetus tinapon sa basurahan

sa kalye, iniwan sa simbahan? sana man lang makunsensya ka.


jemster

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #25 on: June 22, 2012, 08:41:46 pm »

-thank you sis priceless. sobrang depressed at confused pa din ako up to now kaya pag nababasa ko yung ganon, sobrang nahuhurt ako.. :(

sis honey ecclaire, thank you too. somehow, i was relieved dahil you had almost the same situation as mine. I admire your strength. just wanna ask, ano pala reaction ng parents when they found out that?

sis joanniekiko, thank you. I know I'm of legal age and nakatulong na ko sa parents ko sa pagpapaaral ng younger sis ko who graduated this March lang. ngayon ko naisip na magpakasal na kami ni bf kahit civil kaso baka mas mahirapan ako maghanap ng work kase married na pregy pa. :(
Saka hindi nababanggit ni bf ang wedding, pero parati naman sya andun for me dahil alam nya sobrang hirap din ako sa pagbubuntis ko. Gusto lang nya sabihin na din namin sa parents ko. :(

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #26 on: June 22, 2012, 09:13:14 pm »
reaction ng magulang ko?---
ayun nahigblood ang mama,ang papa halos nagkabarangayan pa,kase nga they want me na panagutan ni bf eh ayaw ko,...and dagdag pa sa problem is may gf si daw si bf nun,I mean were just playing around nun,I mean ako though mahal na mahal ko talaga yung lalaking yun,...

pero kase that time desidido akong i keep si baby and magkagulo na para madaling matapos,I was 4 months preggy nun nung nalaman ng lahat December pa,hiyang hiya ako,sa ANAK ko, na nasa tummy ko pa lang sya pinapahirapan ko na sya,..kaya sabi ko hold on ka lang nak at matatapos din to,gusto kong ayusin lahat bago lumabas si baby,my mom never touch my tummy until nung nagla-labor ako,false alarm pa lang sis,super iyak na ko nung first time na hinawakan ng mama ko yung tyan ko at kinausap si baby na huwag akong pahirapan...that time I know everything is fine...

sa mga chismosa,eh wala akong pakialam kase I'm so proud nun na ang ganda kong buntis hehe)proud ako kase nagtatrabaho ako and hindi naman ako masamang babae,di naman ako malandi...kaya nothing to be ashmed of,I know mega chismis sila eh ako naman mega iniinggit ko sila...

Though respect sa mga magulang at ate ko,ilang buwan din akong di lumalabas ng bahay,di rin nila ako sinasabihan ng masasakit na salita though di na sila ganun ka-sweet sa akin...tiniis ko lahat yun,masakit,naawa at nakukunsensya ako,pero kakunchaba ko baby ko na,kumapit lang sya at papasayahin namin ang lolo at lola nya...
« Last Edit: June 25, 2012, 04:04:45 pm by honey-ecclaire »

joanniekiko

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #27 on: June 22, 2012, 10:36:16 pm »
alam mo sis, priceless ang pakiramdam kapag nakita mo baby mo, yang kahihiyan na yan walang sinabi, pag usapan nyo ng BF mo kung ano plano nya/nyo, mas ok nga na kayong dalawa ang kakausap sa mother mo, pwede din naman na postponed wedding nyo, try nyo for 1 year if ok pagsasama nyo, sis  hinde na panahon ng hapon ngayon na nakakahiya ang dalagang ina, at ang mga tao talagang naghahanap ng pag uusapan kahit hinde pa tungkol sa pagbubuntis at kasal mo, natural na sa tao ang tsismosa lalo na sa mga tambay na walang magawa sa buhay kaya wag ka sa kanila magpa apekto dahil hinde naman sila ang bubuhay sayo at sa baby mo, after mo mag give birth tsaka ka na lang mag work, alagaan mo muna si baby sa tummy mo, take vitamins, be happy, hinde ka naman pala iniiwan ni BF, basta wag na wag mo ipapaalis ang bata, kasi habang buhay na wala ka peace of mind. Nakakaawa cia, wala cia kasalanan.

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #28 on: June 22, 2012, 10:43:44 pm »
For me sis,sabihin nyo na...expect the worst but isipin mo na you will be blessed for keeping the most precious gift...

alam mo bang nararamdaman ng mga mommy if buntis ang anak nila?..
pwedeng now if magkasama kayo araw-araw ng mommy mo eh may hinala na sya na buntis ka,if as you said

"Not to mention, I am experiencing so much from this pregnancy, from severe throbbing headache, sleepless nights, all day sickness. "

quennna

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #29 on: June 22, 2012, 11:53:36 pm »
masaket talaga makarining ng katotohanan..
sis, sa ganitong bagay hurt ka na... mas marami ka pang pagdadaanan..
kung dito pa lang bibigay ka na.. then learn to comfort yourself more..
tell yourself.. ma-oovercome mo yan..

gagawa ka ng kasalanan.. as in malaking kasalanan para lang mapagtakpan yang sinasabi mong kahihihyan..

ang mga magulang mo.. pag nakita ang apo sa iyo.. nawawala ang galit..
magalit man sya sa iyo, huhupa din yan.. sa tamang pagkakataon..

ang patayin ang batang ikaw rin ang dahilan.. lifetime ang pagdala ng konsensya na.. wag mo kami iblame.. wala kaming kinalaman sa kalagayan mo.. infact, nandito kami to support you.. balance nga dito eh.. may taga comfort.. may taga batok virtually... hehe..

ang dapat mong gawin, bigyan lakas yang sarili mo.. matutong manindigan sa mga bagay bagay.. now pag naovercome mo yan.. be an inspiration to other.. just what sis honey-e claire.. ang galing nya di ba? makakayanan mo rin yan.. kala mo lang ende pero ang totoo, kaya naman..

Princess Anne

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #30 on: June 23, 2012, 09:08:26 am »
sis jemster,

first off, I would like to congratulate you for your pregnancy. Whether pinagiisipan mo na tanggalin yung baby na yan sa tyan mo or hindi, life pa din yan na dapat i-celebrate. kahit man lang sa konting time na pinagsama ninyo, ipa feel mo naman sa kanya na kahit konti you were happy na anjan sha. so cheers!

re: kahihiyan sa family, ano sa tingin mo ang magiging reaction ng family mo pag nalaman na pinaabort mo yung baby mo? Do you think they'll be proud of you? ano ba mas nakakahiya, yung mabuntis ng walang asawa but nag try kang tumayo sa sariling paa or yung magpalaglag ka ng bata dahil ayaw mo maging kahiya hiya sa mata nila?

Anyway, I pray na i-guide ka ni Lord sa kung ano yung dapat mo na gawin sa situation na to. kasi at the end of the day ang magiging kalaban mo anuman ang maging desisyon mo is yung konsensya mo, nothing else. And as a catholic (like you are), we believe that Jesus will come back for the second coming, right? if He asked you baket mo nagawang ipa abort yung baby dahil sa situation na to, can you look at Him in the eyes and justify yourself? whatever your decision is.. you can do whatever you want... nobody will judge you here in girltalk.. but He will. Goodluck!

maiandra

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #31 on: June 23, 2012, 09:22:18 am »
Isa lang masasabi ko. Keep the baby. You will look back on this 5 or 10 years from now and you will just laugh and shake your head at how trivial this "problem" is. Marami pang mas younger sayo sis at nakayanan ang gantong sitwasyon.

Never let yourself or your baby think this is something na "kahihiyan" just because people will gossip and think about you. That is immature. Hold on to the belief that everything happens for a reason and you will be glad someday that you made the decision to keep your baby.

rae

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #32 on: June 23, 2012, 06:44:10 pm »
Isipin mo na lang yung mga artista, 14 pa lang yung iba nabubuntis na. Tapos buong Pilipinas ang nakakaalam.

Baka mas nakakahiya kung magpaabort ka kasi 25 ka na e, wala ka pa ding 'balls' as they say. Anyway, kung sasabihin mo na sa parents mo: have an idea na kung ano yung plans and stand by it. Ganun ginawa ko e.

Bago ko sabihin, nag-isip na ako ng plano at diskarte. Tapos nung nagsabi na ako, I was sitting straight and I prepared myself sa lahat ng hurtful words that I can hear. I tried not to cry.

Tapos itatanong usually kung anong plano mo. Sinabi ko na, aalagaan ko yung baby magttrabaho, etc. In a "take charge" attitude.

Naisip ko nun, kung makikita ng parents ko na kaya ko and that I'm in charge, it softens the blow.
« Last Edit: June 23, 2012, 06:46:14 pm by rae »

rae

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #33 on: June 23, 2012, 06:50:35 pm »
Your parents won't treat you like an adult if you dont act like one.

And the moment na iisipin mo yung kahihiyan, it shows na you're not taking charge of your life, other people are.

Show them that you dont care what other people will say and ang mahalaga yung baby.

Show your parents na hindi mo sila katulad. Mas iniisip nila yung kahihiyan kesa sa kapakanan ng anak at apo nila e. Isn't that what you'll be doing if you abort the baby? Pareho ka lang din ng magulang mo, kung gagawin mo yun.

Princess_Chill

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #34 on: June 24, 2012, 12:09:13 am »
@ sis rae

i agree! mga artista nga buong pilipinas pinag uusapan sila pag nabuntis sila e...! pero taas noo sila humarap sa tao dahil inspite of being 14 or what they are brave enough na ituloy ang bata...

@jemster

sis it would be best na sabihin mo na agad sa parents mo...masyado narin na stress ang baby mo..sis agree ako sa mga sisses natin here na priceless pag nakita mo na anak mo..then habang lumalaki siya at mahal na mahal ka niya sobrang iba talaga..

sis walang ibibigay si God sa iyo na di mo kaya....

alam mo sis kanina lang galing ako sa DSWD kasi feeding program ng office namin...nakita ko mga kids doon na mga iniwan ng parents sobrang naiyak ako kasi hindi nila kilala parents nila ang hindi nila naramdaman ang pagmamahal ng parents then iniwan pa sila...

you can go there tignan mo kung kaya mo iwan ng ganoon anak mo para mas makapag isip ka...

sa lahat ng panahon hindi puro sarap meron ding hirap...pero mas mararamdaman mo ang sarap pag napag daanan mo ang hirap..

mas lalu mo mamahalin ang baby mo pag na overcome mo na yang problem mo ngayon at mas mamahalin ka ng baby mo dahil alam niya na pinag tanggol mo siya

sweetpea blush

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #35 on: June 24, 2012, 02:13:37 pm »
sis Jemster... i pray for you to keep your baby... kaya mo yan sis...

di ba parang sa pelikula lang... sadyang magwawala sa galit ang mga magulang mo pero pasasaan bat di ka rin nila matitiis.. lalo na apo naman nila yang dinadala mo.

tama lahat ng mga sis natin.. don't mind the chismosas.. ganun talaga machichismis at machichismis ka pero keber di ba.. di naman nila buhay yan....

be strong sis... pray for proper discernment... God is with you, you just have to believe and trust in him more....

brownpinay

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #36 on: June 27, 2012, 01:33:18 pm »
Ganito din ako nuon, i got pregnant before I was able to finish college naman. At super conservative ng aming pamilya - na wala pang nabuntis na nag aaral at hindi pa kasal. Kaya super takot ako.

Sa totoo lang sobrang disappointed ng mga magulang ko nuong malaman nila na halos hindi na nila ako pansinin, hindi nga nila ako kinakausap pero mas masakit ang silent treatment.

pero katagalan, pinakita naming mag asawa na kahit na nagkaganun man at nabuntis ako ng wala sa oras ay naging masaya at ma alwan ang aming buhay.  Napagtapos ni hubby ang sarili nya at ako din ay ganun nakatapos thru my hubby.

katagalan din, napatawad na kami ng mga magulang namin at love na love nila ang kanilang apo.

There was a time din na dahil nga estudyante pa ako nuon na naisip ko din na alisin ang aking baby. pero i am glad that i stood my ground and my husband and I keep her.  never mong isipin ito ha basta ang isipin mo makakaraos ka, mapag dadaanan mo ito, maoovercome mo and it will make you a better person.  wag kang gagawa ng bagay na mas higit na pagsisihan mo sa katagalan dahil pag nagkataon baka mas maging mas malaki itong kahihiyan.

Sa umpisa lang magiging magulo yan, ikaw at ang partner mo ang magweweave at magmomold ng foundation ng buhay mo.  Masakit at madaming salita na maririnig , reactions na makikita, dis appointment na madarama, kaya ipakita mo na lang na kahit na ganun pa man ang nangyari ay aayusin mo ang family life mo, magiging mabuting ina at asawa ka.

You cannot correct a mistake from another mistake.  Face your problem.
« Last Edit: June 27, 2012, 01:37:14 pm by brownpinay »

quennna

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #37 on: June 27, 2012, 06:16:10 pm »
thanks for your sharing, brownpinay..
very inspiring... :)

pero nasan na kaya si TS?

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #38 on: June 27, 2012, 06:24:36 pm »
oo nga eveynow and then chinecheck ko ang thread para ma-update at para malaman na hindi itinuloy ni TS ang pagaalis sa kanyang angel...
Sana talaga wag naman!

enilec

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #39 on: June 27, 2012, 08:59:14 pm »
Sis, I don't think looking for the easier way out will ever be the solution to your problem. Kung sa tingin mo abortion ang pinaka ok na solusyon sayo FOR NOW, well I believe sa simula lang yan magiging ok. Mahirap mag-sikreto ng ganyang bagay. Later on, news of your abortion will MOST LIKELY leak out. Ganun naman lagi. napakahirap maitago ng ganyang klaseng secret. When that time comes, lahat ng kinakatakot mo, babalik sayo tenfold. ayaw mong ma-judge, takot ka sa kahihiyan. Well... most likely pag nabisto ka na, a lot of people will judge you for the rest of your life. Sobrang magiging malaking kahihiyan din for your family. It will be really sad to see someone being chased by her conscience for as long as she lives. It will be very hard to have peace in your life if that happens. But anyway I wish you good luck and I hope that with all your decisions in your life, may you never forget to seek God's guidance.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close