When I've read the post I really want to raise my eyebrowsed as in ==>>>

Each sentences or phrase ng post gusto ko nang magbigay ng violent reactions saka ewan ko ba what kind of mentality and logic is that? And baka may masabi ako na medyo off topic kasi yung religious aspect here is mapapasama talaga since it was mentioned here na hindi dapat ignore. Sorry ha! but I really need to be frank here.
First of all your family is a typical conservative Catholic family and in other terms they are conservative by religious belief. My question here is are they really valuing the word of God? Or it is just about the image itself that they want to portray? Na tipong what they care is just about the reputation or kung ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa inyo so why pleasing everybody if that is the case? Diba ang sabi ni Jesus you can't please everybody? Sabi nga rin ni Jesus and it is indicated in the bible na huwag kang manghusga ng kapwa mo. Are they really religious matured or spiritually matured? Dalawang magkaibang bagay yan. Religious maturity is something na ginagawa mo ang usual na rituals ng church like attending mass every Sunday, go to novenas, vigil, saka yung mga pag-attend mo during mahal na araw consider yun. Pero spiritual maturity is if you are valuing the word of God. Now my question is pareho ba sila meron nun? Sa napansin ko iisa lang ang pinahahalagahan nila.
Your father said sobrang kahihiyan yun sa pamilya niyo, so why in the first place he needs to cheat on your mother by having another woman. Conservative na Catholic nga siya diba? Bakit siya gumawa ng matinding kasalanan na labag sa 10 commandments? Nasaan na yung pagiging Catholic niya? Do you think sa kaso na yan God Fearing person pa ang Dad mo yung may asawa tapos nakikiapid siya? Dapat in the first place he is already solving the problem and realize kung ano rin ang pagkukulang niya bilang magulang kung bakit nabuntis yung 19 year old daughter niya. Your Ate is already in the legal age during that time kahit na ba college pa siya nun. Kita mo nga nakapagtapos pa ng pag-aaral, hindi ba yan considered as achievement already?
Now it is your turn to face the challenge. Why do you need magpaabort? Kapag nagpaabort ka ba it will solve the whole issue and the reputation will still the same? Ano ang pinahahalagahan mo? Yung sasabihin at iisipin sayo ng mga tao, impression at trato nila sayo lalo na yung mga chismosa dyan sa labas? O yung batas na galing sa Diyos na huwag kang papatay ng nilalang? You are also Catholic kaya dapat alam mo yan. Again in short lang dito ulit papasok is this just about valuing the IMAGE or WORD OF GOD?
Tapos ngayon they are obligating you to work hard just because ang laki ng nagastos nila sa pag-aaral mo?

What DUUHHHH? Sounds like mabigat sa kalooban nila na naipag-aral ka nila at lalong mabigat sa kalooban nila na pinagtapos ka nila sa isang reputable university? Isn't that is their choice na ipag-aral ka nila sa mamahaling school? Why in the first place na isinilang ka nila rito sa mundo tapos yun pala hindi nila mahandle yung obligasyon bilang magulang? Saka tama yung iba hindi ka invesment o lalong hindi investor. So meaning to say kaya pala sila gumawa ng anak para may magbayad sa utang nila?

Ewan ko ba.
Another question here is did your parents thought you about moral values and did they also value it? Lalo na yung mabuting pakikitungo sa kapwa tao? O baka naman puro na lang, don't do this, don't do that because nakakahiya sa mga tao baka isipin nila na ganito at ganyan ka? At may bukambibig na ANO NA LANG IISIPIN SAYO NG MGA TAO? Sa napapansin ko I maybe right or wrong, baka naman kasi sila yung tipong parents na who wants to portray as perfect family who are religious, na tipong super prim and proper with good reputation na walang pagkakamali at hindi makasalanan. Hindi niyo ba napapansin kung sino ang kumikilos ng ganito, kaunting mali pa lang eh! parang ang laki na agad ng ginawa niyong kasalanan sa mundo? Mas napapansin agad yung isang particle ng alikabok. Pwede rin naman kasi it is about defense mechanism na marami na rin silang kalokohan on their past kaya they have to act that way para matakpan rin ang mga kahihiyan before. But I think now they have to realize something with using their logic.
Generally speaking at totoo ito. Kung napapansin niyo mas matitindi ang binibigay na challenge lalo na sa mga conservative o yung religious people. Yeah religious maturity nga diba? Kahit nga sa mismong nagvavalue talaga ng word of God. Bakit? This is to test your real stand and conviction in life lalo na kung ano ang kahinaan mo at kung hanggang saan talaga ang pananampalataya mo. Dito rin sinusubok kung sino ba talaga pinahahalagahan mo yung panghuhusga ng tao o Diyos?
Now tell me sino ang mas nakakahiya? As for me it is not you or even your sister. Both of you were not even katorse during that time, again nasa legal age na nga kayo eh! Seems that binigyan ng malaking test ang parents mo. As I backread your other post ikaw lang ang makakapagdesisyon sa sarili kung kailan ka mag-aasawa. Hindi nila pwedeng idikta na dapat kapag 30 years old dun ka palang pwedeng mag-asawa. Yan kasi ang hirap kapag sobrang expectation, meant to be broken talaga yan.
Sana lang you have the power to let them realized at ipagising ang mga magulang mo sa katotohanan. Hindi ito madali, I am sure of that pero dapat rin kasi may marealize sila sa mentality nila. You said your father change sana yung pananaw niya sa totoong mundo at sa buhay nag-iba rin.