watch now

Author Topic: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(  (Read 28288 times)

quennna

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #60 on: July 06, 2012, 12:10:47 am »
di ka makakausad kung di mo uumpisahan agad..
so, sis, have a courage... pray harder para may guidance ka...
take care of your baby.. swerte ka. nagkababy ka..
yung iba gusto magkababy pero di magkababy..
make your baby healthy... pa feel mo sa baby mo.. importante sya sa iyo dahil kasama mo yan na lumalaban... God bless you !

jemster

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #61 on: July 06, 2012, 08:38:01 pm »
Ang parents mo kakaiba...responsibilidad nila na pagaralin ka..hinde un sinisingil sa anak..saka buhay mo yan dapat ikaw ang masunod.. ang parents support lang dapat sila hinde dapat ang ngccontrol sa buhay mo.


- hay tama ka sis.. alam mo I told them magstart nako next week magwork and magrerent ako house pero ayaw nila. Nakakainis??? ang tanda tanda ko na. Dito na lang daw ako magwork sa probinsya namin. Kase hindi yung pinagtapusan ko ang work ko kaya SAYANG daw ang pinagpaaral nila. Hay lalo lang ako nahihirapan sa kanila.

sisbeng01 and sis queena, hindi ko din alam. but I'm gaining strength.. sana makaya ko lahat.. Knowing them, kahit 25 na ako, ayaw nila ako hayaan mag isa at alam ko pag naglayas ako, kahit sa kadulu duluhan ng Pilipinas, hahanapin nila ako. Hay. Pagod na ko sa pagcontrol nila saken.

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #62 on: July 06, 2012, 08:44:51 pm »
That's the proper term sis,KONTROLADO ka nila,you know yang gagawin mong desisyon sa buhay di lang talaga para sa baby mo pero para na din sayo,...Now,nakikita mo na they are controlling you...

sana wag mong hayaan na patuloy pa din nilang  diktahan ang buhay mo,yes mahal mo sila and definitely mahal na mahal ka nila pero you will not grow and be successful if ganyan sila...

ayaw ka nilang hayaan mag-isa?O ayaw nilang maiwan mo para kung ano man ang ikakatagumpay mo most of it will go to them,sis ang dating sa akin eh inaani na nila yung itinanim nila before,..

Like my uncle has has 9 children(all grown ups now)at late 40 eh tumigil ng magtrabaho ang katwiran kaya daw sya nag-anak ng madami para may bubuhay sa kanya.Tama ba yun?ikaw ano palagay mo sa ginagawa ng parents mo?...(parang madali s aamin ang magsalita kase wala kami sa sitwasyon mo and magulang mo yan but this is the way how we see the picture)

Princess_Chill

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #63 on: July 07, 2012, 04:06:24 am »
Sis ang magulang malaki talaga inuubos na pera para sa mga anak nila...pero hinding hindi nila dapat sinusumbat sa anak nila iyon...

naku sis you know what to do...huwag mo hayaan magpadikta sa kanila..may sarili ka na buhay na need mo pag tuunan ng pansin...

ang anak ay hindi investment!

Purple_Power

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #64 on: July 07, 2012, 12:29:04 pm »
 When I've read the post I really want to raise my eyebrowsed as in ==>>> ???

Each sentences or phrase ng post gusto ko nang magbigay ng violent reactions saka ewan ko ba what kind of mentality and logic is that? And baka may masabi ako na medyo off topic kasi yung religious aspect here is mapapasama talaga since it was mentioned here na hindi dapat ignore. Sorry ha! but I really need to be frank here.

First of all your family is a typical conservative Catholic family and in other terms they are conservative by religious belief. My question here is are they really valuing the word of God? Or it is just about the image itself that they want to portray? Na tipong what they care is just about the reputation or kung ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa inyo so why pleasing everybody if that is the case? Diba ang sabi ni Jesus you can't please everybody? Sabi nga rin ni Jesus and it is indicated in the bible na huwag kang manghusga ng kapwa mo. Are they really religious matured or spiritually matured? Dalawang magkaibang bagay yan. Religious maturity is something na ginagawa mo ang usual na rituals ng church like attending mass every Sunday, go to novenas, vigil, saka yung mga pag-attend mo during mahal na araw consider yun. Pero spiritual maturity is if you are valuing the word of God. Now my question is pareho ba sila meron nun? Sa napansin ko iisa lang ang pinahahalagahan nila.

Your father said sobrang kahihiyan yun sa pamilya niyo, so why in the first place he needs to cheat on your mother by having another woman. Conservative na Catholic nga siya diba? Bakit siya gumawa ng matinding kasalanan na labag sa 10 commandments? Nasaan na yung pagiging Catholic niya? Do you think sa kaso na yan God Fearing person pa ang Dad mo yung may asawa tapos nakikiapid siya? Dapat in the first place he is already solving the problem and realize kung ano rin ang pagkukulang niya bilang magulang kung bakit nabuntis yung 19 year old daughter niya. Your Ate is already in the legal age during that time kahit na ba college pa siya nun. Kita mo nga nakapagtapos pa ng pag-aaral, hindi ba yan considered as achievement already?

Now it is your turn to face the challenge. Why do you need magpaabort? Kapag nagpaabort ka ba it will solve the whole issue and the reputation will still the same? Ano ang pinahahalagahan mo? Yung sasabihin at iisipin sayo ng mga tao, impression at trato nila sayo lalo na yung mga chismosa dyan sa labas? O yung batas na galing sa Diyos na huwag kang papatay ng nilalang? You are also Catholic kaya dapat alam mo yan. Again in short lang dito ulit papasok is this just about valuing the IMAGE or WORD OF GOD?

Tapos ngayon they are obligating you to work hard just because ang laki ng nagastos nila sa pag-aaral mo?  :o What DUUHHHH? Sounds like mabigat sa kalooban nila na naipag-aral ka nila at lalong mabigat sa kalooban nila na pinagtapos ka nila sa isang reputable university? Isn't that is their choice na ipag-aral ka nila sa mamahaling school? Why in the first place na isinilang ka nila rito sa mundo tapos yun pala hindi nila mahandle yung obligasyon bilang magulang? Saka tama yung iba hindi ka invesment o lalong hindi investor. So meaning to say kaya pala sila gumawa ng anak para may magbayad sa utang nila?  ??? Ewan ko ba.

Another question here is did your parents thought you about moral values and did they also value it? Lalo na yung mabuting pakikitungo sa kapwa tao? O baka naman puro na lang, don't do this, don't do that because nakakahiya sa mga tao baka isipin nila na ganito at ganyan ka? At may bukambibig na ANO NA LANG IISIPIN SAYO NG MGA TAO? Sa napapansin ko I maybe right or wrong, baka naman kasi sila yung tipong parents na who wants to portray as perfect family who are religious, na tipong super prim and proper with good reputation na walang pagkakamali at hindi makasalanan. Hindi niyo ba napapansin kung sino ang kumikilos ng ganito, kaunting mali pa lang eh! parang ang laki na agad ng ginawa niyong kasalanan sa mundo? Mas napapansin agad yung isang particle ng alikabok. Pwede rin naman kasi it is about defense mechanism na marami na rin silang kalokohan on their past kaya they have to act that way para matakpan rin ang mga kahihiyan before. But I think now they have to realize something with using their logic.

Generally speaking at totoo ito. Kung napapansin niyo mas matitindi ang binibigay na challenge lalo na sa mga conservative o yung religious people. Yeah religious maturity nga diba? Kahit nga sa mismong nagvavalue talaga ng word of God. Bakit? This is to test your real stand and conviction in life lalo na kung ano ang kahinaan mo at kung hanggang saan talaga ang pananampalataya mo. Dito rin sinusubok kung sino ba talaga pinahahalagahan mo yung panghuhusga ng tao o Diyos?

Now tell me sino ang mas nakakahiya? As for me it is not you or even your sister. Both of you were not even katorse during that time, again nasa legal age na nga kayo eh! Seems that binigyan ng malaking test ang parents mo. As I backread your other post ikaw lang ang makakapagdesisyon sa sarili kung kailan ka mag-aasawa. Hindi nila pwedeng idikta na dapat kapag 30 years old dun ka palang pwedeng mag-asawa. Yan kasi ang hirap kapag sobrang expectation, meant to be broken talaga yan.

Sana lang you have the power to let them realized at ipagising ang mga magulang mo sa katotohanan. Hindi ito madali, I am sure of that pero dapat rin kasi may marealize sila sa mentality nila. You said your father change sana yung pananaw niya sa totoong mundo at sa buhay nag-iba rin.
 

jemster

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #65 on: July 07, 2012, 09:26:19 pm »
That's the proper term sis,KONTROLADO ka nila,you know yang gagawin mong desisyon sa buhay di lang talaga para sa baby mo pero para na din sayo,...Now,nakikita mo na they are controlling you...

sana wag mong hayaan na patuloy pa din nilang  diktahan ang buhay mo,yes mahal mo sila and definitely mahal na mahal ka nila pero you will not grow and be successful if ganyan sila...

ayaw ka nilang hayaan mag-isa?O ayaw nilang maiwan mo para kung ano man ang ikakatagumpay mo most of it will go to them,sis ang dating sa akin eh inaani na nila yung itinanim nila before,..

Like my uncle has has 9 children(all grown ups now)at late 40 eh tumigil ng magtrabaho ang katwiran kaya daw sya nag-anak ng madami para may bubuhay sa kanya.Tama ba yun?ikaw ano palagay mo sa ginagawa ng parents mo?...(parang madali s aamin ang magsalita kase wala kami sa sitwasyon mo and magulang mo yan but this is the way how we see the picture)

- so true sis, alam mo when I told my mom na magwowork na ako next week, sinasabi nya na agad saken kung magkano ang ibibgay ko sa kanya monthly. Hay sad bu true. Yung father ko naman is working din, but ;ahat ng gusto nya bilhin sa aming mga nak nya pinapabili like small and big stuffs at kapag hindi namin napagbigyan, parang ang sama sama namin. Sabi nga ng ate ko kanina, lahat na lang eh inaasa samen. another thing, mom ko lang ang gumagastos mainly sa expenses sa bahay. ewan ko ba, kahit nung nag aaral ako. mom ko lang parati. hay.

jemster

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #66 on: July 07, 2012, 09:39:43 pm »
sis princess chill and purple power, thank you. I do understand what you mean. Nakakalungkot lang isipin kase nga bakit ganon, porke malaki nagastos nila saken, I really have to do what i don't like to do. Hay. Sa totoo lang, for my past 3 years working halos wala ako naipon kase that time I am helping also sa studies ng bunso namin na nakatapos na this year. I am not earning much that time pero every month, 5k pa binibigay ko. Hay nakakalungkot lang talaga. Parang ngayon ko lang naiisip parang hindi pa ba enough yun? :(

zieaja

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #67 on: July 07, 2012, 10:12:55 pm »
sis jemster dapat maging malakas ka inspite sa mga nangyayari, at isa pa wag muna tanungin si god why it happens, kasi ikaw mismo sa sarili mo alam mo naman siguro sagot sa mga tanong mo, sis kung kaya mong pasukan yung ganyan na consequences i am pretty sure na kaya mo din labasan yung circumtances na yan, be sure lang na pag gagawa ka nang move wag kana gumawa nang isa pang mali, yes natatakot at nkakafeel ka nang guilt sa pain na maibibigay mo sa  family mo pero at the end mahal ka pa din nila. masakit oo nkakahiya oo pero mas nkakahiya kung papalaglag mo si baby para lang mka scape ka sa katotohanan. keep on praying sis para di ka makakaisip nang negative moves. mas masasaktan mama mo kung gagawa kapa ulit nang mali. at if concern tlaga si bf sayo at kung tanggap niya si baby dapat naglakas loob na siyang harapin parents mo, di man kayo mgpapakasal pa pero pag pinakita nya sa family mo na willing siya damayan ka sa lahat lahat nkakagaan din sana yun nang pakiramdam sa side nang parents mo.

quennna

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #68 on: July 07, 2012, 11:26:54 pm »
tama.. matututo ka na magkaroon ng paninindigan sa buhay..

Princess_Chill

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #69 on: July 08, 2012, 12:36:10 am »
sis jem

tandaan mo na walang tamang kabayaran pag utang ng loob...kasi parang ang dating sakin tingin ng nanay mo na utang na loob mo sa kanila na pina aaral ka nila kaya parang payback period na ngayn...

prang investment nga...sis obligasyon ng magulang na bigayan ng magandang buhay anak nila..so now obligasyon mo na bigyan din ng ok na life anak mo diba? so mas need mo unahin anak mo...

ang sabi kasi saakin na para mabayaran ko ang ok na buhay na binigay ng parents/ relatives ko saakin ay i need to work hard para mabigyan ko ng ganoong buhay anak ko or mas better pa for me to repay them...na bale ang magiging kabayaran ko is to give a good life sa anak ko and not sa kanila....

Purple_Power

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #70 on: July 08, 2012, 01:31:24 am »
Curious lang ako. Bakit nga ba nawalan ka ng work pati si BF mo?
Ilan kayong magkakapatid?


ella

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #71 on: July 08, 2012, 11:45:18 am »
hi sis, hope na medyo ok ka  na.

based on your post naman parang nawala na sa isip mo yung abortion and i am glad, basta ano man ang mangyari lagi mo isipin ang kapakanan ninyong mag ina. I know mahirap ang situation mo now lalo na mataas ang expectations sa iyo ng parents mo especially your mom, pero meron ka na rin isang buhay na nakadepend sa iyo which is your baby. Your child is now your main responsibility, so yun lang ang lagi mong isipin.

Just continue to pray for guidance and dont lose hope. Matatapos din yang pinagdadaanan mo, please just keep the baby no matter what happen. If you want a place for unwed mothers, meron here sa pasig which is called Grace to be Born. You can stay there until you gave birth and pwede mo muna iwan si baby dun para makapag work ka at makaipon, after that balikan mo siya agad. Yan lang eh kung gusto mo lumuwas dito sa manila.

Stay strong sis,  for you and your baby! God Bless!

enilec

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #72 on: July 17, 2012, 09:46:41 pm »
If you can muster enough courage, I highly suggest sis na, with or without the help of your bf, try mo na to live on your own. It's not like hindi mo yun pwede gawin kapag hindi ka pinayagan ng parents mo. Masyado ka nang nabibigatan sa mga pasan mo kaya baka mas makabuti kung lumayo ka na muna at intindihin mo sarili mo.  You may not be able to live up to their expectations for now, but that's ok. Kasalanan na nila yan, kung masyado silang umaasa. You'll be able to repay them later, but for you to do that syempre you gotta get yourself together.

Alam mo sis, similar ang parents natin, pero unlike you, ako nga hindi nila ako pinag-aral ng college. But even at that, sobrang taas parin ng expectations nila sakin. So I just did what I thought was best for me. I left home, and sent myself to school as I worked. It was hard, but I preferred that compared to all the emotional baggage from my family. 

missreese

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #73 on: July 18, 2012, 07:07:52 am »
naalala ko yung cousin ko, di alam ng mama niya na may boyfriend siya.. eh di ayun nga nabuntis, ginawa niya eh nagboard siya kasi ayaw din nya makita siya ng ibang tao na naglilihi or kung ano man kasi nga eh alam ng lahat eh wala siyang boyfriend. so ginawa niya nung nasa boarding siya, nagkameron siya ng lakas ng loob na sabihin sa mama niya over the phonem, sa phone niya talaga sinabi kasi alam nya mageeskandalo ang mama niya.. ayun syempre inabot siya ng mura. at sampal :D pero after din nun... mga isang linggo... ok na... tuwang tuwa na sila pag aantay sa magiging apo nila.  :)

Princess_Chill

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #74 on: July 28, 2012, 05:35:39 am »
sis jem

musta ka na? update us sana...Hope everythings ok na :)

jemster

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #75 on: August 05, 2012, 06:51:42 pm »
hi sisses.. sorry ngayon lang ako nakapag update uli. Anyway, I'm already working here in Manila with my bf. He also found a work here kaya magkasama na kami and we're staying here. And for my pregnancy, medyo natatakot ako. After my ultrasound when I was 7 weeks na super ok ang result, hindi pa uli ako nakakabalik sa OB ko sa province. Wala naman ako alam na ok na OB dito sa Manila. Anuway, medyo nagwoworry ako yesterdaym nagbuhat ako ng madaming files sa work (envelopes and folderss) bigla sumakit puson ko and lower back pero wala naman spotting. I'm exactly 3 months pregnant today and super worried. haaaay. Pano ko kaya machecheck kung ok pa si baby inside? :(

sum.mer

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #76 on: August 05, 2012, 07:01:02 pm »
^sis congrats parang mas ok ka na talaga :) sis, pacheck ka na sa OB. sorry wala ako mairerecommend for now pero i suggest magpa-check ka na agad. marami naman ok na OB dito sa manila. i hope our other sisses can suggest. :)

k_heart

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #77 on: August 05, 2012, 07:36:14 pm »
^^i'm glad that you're ok sis Jemster! : )
Naku,wag ka masyado magbubuhat ng gamit lalo na at nasa first trimester pa lang ang baby mo. Will pm you an OB Gyne.

Princess_Chill

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #78 on: August 05, 2012, 10:12:54 pm »
hi sis jem!

im so happy for you...btw alam na ba ng parents mo about the pregnancy? kung hindi keri lang yan ang impt is nakapag decide ka na para sa sarili mo :)

saan ka ba malapit? para kung malapit diyan sa inyo barkada kong OB refer ko sa iyo :)

wag masyado buhat pinaka mahirap ang first 3 mester...stay happy :)

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Kahihiyan sa pamilya.. Please help :(
« Reply #79 on: August 06, 2012, 07:25:06 pm »
hi sisses.. sorry ngayon lang ako nakapag update uli. Anyway, I'm already working here in Manila with my bf. He also found a work here kaya magkasama na kami and we're staying here. And for my pregnancy, medyo natatakot ako. After my ultrasound when I was 7 weeks na super ok ang result, hindi pa uli ako nakakabalik sa OB ko sa province. Wala naman ako alam na ok na OB dito sa Manila. Anuway, medyo nagwoworry ako yesterdaym nagbuhat ako ng madaming files sa work (envelopes and folderss) bigla sumakit puson ko and lower back pero wala naman spotting. I'm exactly 3 months pregnant today and super worried. haaaay. Pano ko kaya machecheck kung ok pa si baby inside? :(

so glad to hear from you,do they know sa office na you're pregnant?...
for OB naman as of now you can visit mga lying in clinic muna para ma make sure na okay si baby,then sa mga private hospitals they have some OB na nagki-clinic din,like my OB in PAsig before she's a doctor from The medical city,VRPMMC,pero nagki-clinic din sya which is very affordable consultation is 300,Where you in Manila?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close