Ma,
Eto na naman tayo! Gigil n gigil na ako sa iyo talaga! Minsan, gustong gusto na kitang BUSALAN! Yes, kasi puro kanegahan ang alam mo sabihin sa akin. Even ate thinks your hirits are OFF! Ang gusto mo lagi intindihin ka, kung may masabi kang hindi maganda sa amin, gusto mo INTINDIHIN KA! pero kami bawal MAPUNO sa mga pinag sasasabi mo. At yung sinabi mo kanina " palibhasa matandang dalaga ka kaya ka cranky!" Ikaw kaya sa katayuan ko, at nanay na katulad mo ang araw araw mo nakakasama? Kung hindi ka mabuburaot! Oo, nakakaburaot ka! Anak ni ate, sinabihan mo " ang liit ni ( insert name) sa age niya no?! ( tawa) anong nakakatawa doon? Nung tinanong ni ate " dapat bang matawa ka na maliit yung anak ko? Sagot mo? " natutuwa ako" DUH!! Natutuwa ka na maliit yung bata sa age niya? Sinabi mo pa yan sa HARAPAN ng bata! Kaya wag mo expect na matutuwa kami sa mga sinasabi mo. Pero pag gawin namin yan sa iyo, ayaw mo, pag ikaw ang gumawa, dapat intindihin namin lahat! Kung na mild stroke ka man last month, wag ako sisihih mo! Sisihin mo sarili mo, at ikaw lang galit na galit, kahit dapat hindi naman. Nakakahawa nga siguro ang pagiging NEGA! Ako, ayaw ko na maging nega, pero kasama ko sa bahay na ubod ng NEGA! Ikaw yun! Sabi mo " maikli na lang buhay ko" kaya spend your life na wag ng nega! Ayusin mo na mga sinasabi mo. Para maalala ka naman sa good times, hindi sa mga pang lalait at pang iinsulto! I remember last week [textspeak!]! Ang tira mo sa mga Binay, physical. Ako, di ako makabinay, pero kung may titirahin ka man, sa panloloko nila, sa ginagawa nila sa taong bayan, hindi yun " si Jun Jun, kuhang kuha ang kapangitan ng tatay" " ang papangit ng mga anak ni Binay no?" Ang galing mong manlait, pero pag may masabi sa iyo, ayaw mo. Kaya ka napagsalitaan ng kapitbahay! " bago mo ako ireklamo, ayusin mo muna sarili mo" di ba?! Ang galing galing mo kasing mamuna ng ibang kamalian! Pero sarili mong mali, di mo makita!
Nakakapagod ng umintindi ng matanda. Matandang walang pinagkatandaan. Hwag mo akong sisihin sa ginagawa ko sa iyo, hindi kita gaganituhin, kung naging okay na ina ka. Puro pasakit mga sinasabi mo, may sinabi ka bang maganda sa akin? Wala akong maalala. So, malamang wala! Stop living in the past! Move on ka din. I may have hypothyroid problem,and you think, gusto ko magka hypothyroid problem? Huwag mong isumbat sa akin lahat ng ginawa mo for me ngayon malaki na ako. Live in the present, I no longer live in the past, magaling na ako, Iam functioning well and normal. Huwag mo ng ipaalala pa "ikaw, kung di pa kita pina check, malamang ngayon vegetable ka na! Siguro, mas okay pa nga yun! Kesa pinalaki mo ako, puro kasumbatan naman ang naririnig ko. Ikaw, ba gusto mo ipaalala ko sa iyo ang cancer mo? Kung paano kita inalagaan? Kung hindi kita inalagaan, baka wala ka na ngayon? Gusto mo? Ganyan mo kasi ako sinusumbatan ngayon!