watch now

Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS  (Read 56174 times)

miminibebe

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #220 on: April 01, 2015, 09:08:51 am »
Wag kang magtaka kung bakit malayo ang loob naming magkapatid sayo.  Sarili mo na kong anak nakukuha mo pa kong siraan sa mga kapatid mo at sa mga kapitbahay mo.  Anak mo ba ko talaga????

lyn cheema

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #221 on: April 22, 2015, 12:14:19 pm »
nagpapasalamat ako sa malaking tulong mo sakin.
Ayaw ko man lumabas na walang utang na loob na anak, pasensya na.
Lumalagpas ka na sa linya.

Alam mo naman nag tratrabaho kaming mag-asawa, never naman kaming naging malaking THANK YOU, ni-re-respect ka namin. Pero ikaw hindi mo alam kung pano bibigyan ng sarili kong pamilya ng respect na katulad ng pag- respect mo sa pamilya ng mga kapatid ko. Kung maliitin mo ang asawa ko, hindi ka na nahiya sa harap pa ng mga anak namin. Hindi mo na naisip kung ano ang mararamdaman ng magulang nya kung naririnig nila ang mga sinasabi mo. Bakit sa iba kong mga bayaw at hipag hindi mo sila ma trato ng ganyan? dahil ba abroad sila? kami mga ordinaryong manggagawa lang ng Pilipinas?

Lahat ng desisyon namin sa loob ng  bahay mag-asawa wala ka man lang abiso kung papayag kami, nagugulat nalang kami pinakelaman mo pala.. Pag hindi kita sinunod pinipila mo ang UTANG NA LOOB na hindi ko naman alam kung pano babayaran ng pera. Lahat ng mura inaabot namin, may mga anak na kong naririnig kung pano kaming mommy at daddy nya murahin ng lola nila. Buong kapitbahay naririnig ang mga pananalita mong halos hindi namin malunok sa kahihiyang inaabot naming mag-asawa sayo.  Akala ko nung mga time na may mga sakit ang mga anak ko, pinag mamalasakitan mo kami dahil ikaw ang nanay ko, ako ang anak mo, at sila ang mga apo mo... HINDI PALA, pabor pala lahat yun na dapat kong paghandaan ang panunumbat na tagos tagos hanggang buto.. HINDI NAMAN KAMI MALAKING THANK YOU HANGGANG SA HULING KUSING BINALIK NAMIN SAYO. Lahat ng gusto mo pikit mata naming sinunod dahil sa HIYA NAMIN SAYO.

Pero dadating pala ang araw na kahit anong tiis mo hindi mo na kayang tanggapin kahit ayaw mong lumaban gagawin mo. Sinong mag pro-protekta sa Pamilya ko laban sayo kundi ako na asawa at ina ng mga anak ko.

Pag may kasama sa bahay kung [textspeak!]-anong kalidad ng trabaho ang hinahanap mo, damit na puting puti, bahay na linis na linis, hindi pwedeng matulog si yaya kahit tulog ang mga alaga dapat maglinis. Araw-araw kung pagalitan mo. Katwiran mo aalis talaga ang mga yan dahil hindi sila sayo, hindi mo sila pag-aari, pero sana maunawaan mo ituring mo silang pamilya. Mahirap mag hanap ng kasama. Pano ang mga anak ko? Hindi naman ikaw nag papasweldo, hindi lang ikaw mahihirapan, sino mag-aalaga ang lolo na hidni na makawak ng maayos ng basong inuman? Pag umalis ang kasama sa una mag-aalaga ka tapos susunod na araw palagi ka nang galit samin. Obligado naman kaming mag abot sayo pakunswelo sa hirap ng pag aalga sa mga anak namin na hindi naman namin ginustong alisan ng kasama. Pagkatapos Hahanap na naman ng kasama, ganun parin, gang aalis na naman....Ilang kasama na ba namin ang umalis sa bahay ng umiiyak dahil sa kung pano mo sila ituring? Ngayon, araw araw nag ttxt ang mga kapatid ko sakin, hirap na hirap na si tatay sa pag-aalga, may sakit si tatay.. kala mo ba hindi mabigat sa kalooban ko yang nababasa ko nay? KUng ako lang, ayaw ko ma obliga si tatay sa pag-aalga ng mga anak ko kaya nga palagi naming ginagawan ng paraan. Noon pa iniiwasan ko na ganitong sitwasyon dahil mahal ko si tatay.  Sya ang lakas ko bukod sa sarili kong pamilya... at Ayaw ko dumating ang araw na ako ang sisihin ng mga kapatid ko. Pero kahit anong gawin namin paraan lahat sayo mali, hindi pasok sa desisyon mo.

Kahit anong pagsisikap naming mag-asawa hindi mo makita dahil hinaharangan mo ng UTANG NA LOOB namin sayo... NI minsan ndi ko nakitang trinato mo ang pamilya ng mga kapatid ko ng katulad ng pag trato mo samin...

P.S..
hindi ko sinasadyang malaman- ilang dolyar pala ang utang sayo ng isa kong kapatid, ilang bwan palang syang nasa Pinas baon na naman cya ng utang sainyo.

Yung isa ko pang kapatid na lahat ng branded na gamit ng bata binibili, halos isang taon na palang hindi nag aabot ng upa sayo. Kapag umuuwi sila sa mansyon mo, kayo pala ni tatay ang nagluluto ng pagkain nilang mag-asawa, Ikaw din ang nag huhugas ng pinag kainan nilang dalawa.
Ikaw rin ang nag-aalga ng anak nila. Matanong ko nga nay... Ilan taon na ba yang apo mo? simula noon gang ngayon wala silang kinukuhang kasama solo mong inaalagaan gang makauwi ang ina galing sa trabaho.

Kaming mag-asawa nag huhumilahod man kami pilit namin inaangat  ang dignidad namin bilang pamilyang nag susumikap ng husto. Baka sakaling tapunan mo rin kami kahit konteng respeto. Baka sakaling ma realize mo na hindi kami pasakit. Gumagawa kami ng paraan. Hindi kami Thank You. Responsable rin naman pala kami.

Note: Pasensya ka na hindi kita mabilhan ng sandals na BRANDED AT MAMAHALIN--- pang gatas na yun ng mga inakay ko.

         Pasensya ka na hindi ko mabilhan ng mamahaling gamit ang mga anak ko katulad ng mga nabibili ng mga bayaw at hipag ko. Ordinaryong manggagawa lang kami na kailangang unahin ang dapat naming unahin. Parang ikaw noon, nung mga bata pa kami. Wag mo naman set-sakin ang lifestyle na hindi ko kayang abutin..

Wala kaming alahas ng katulad ng sayo, wala kaming bahay na ubod mong iniyayabang sa mga tao. HIndi kami abroad, hindi kami kumkikita ng dolyar.
Pero tao rin kami nay. Ginagawa naming mag-asawa ang lahat ng  kaya namin para maging maayos at masaya ang pamilyang binuo namin na walang sinusundang kahit anong rules mo para samin.

 " this is the part when i say i don't want it, i'm stronger than i've been before, this is the part when i'm break free, co'z  i can't resist it no more! "


#rebeldengina
  2015
  manila




swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #222 on: April 22, 2015, 03:49:04 pm »
Naku Papa, sa ginagawa mong yan sama sama tayong magugutom at mababaon sa hirap niyan. Hindi po namin pinupulot ang pera, itong magkaroon na ako ng Carpal Tunnel Syndrome kakatrabaho. Susko Papa anong nangyari saýo?  :(

remilicious

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #223 on: May 12, 2015, 08:08:28 pm »
Hay bakit simula this year, palagi nalang ikaw biglang nagsusungit? Wala naman valid reason tapos nabibigla nalang ako na inis o galit ka nanaman. Nakakainis kasi di ko alam kung bakit at kung kelan ka nanaman aatakihen ng mood swings mo. Dala ba yan ng pagiging senior citizen mo? Sana lang naiisip mo nahihirapan ako kapag ganyan ka.

simang

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #224 on: June 26, 2015, 03:09:42 pm »
Tatay and Inay,

Thank you po for driving all the way here kagabi just to bring me my passport. Sobrang sorry na naabala ko pa kayo and napagod pa kayo sa pagdrive. Pero thank you po sobra. Buti na lang my visa got approved so sulit naman pagpunta nyo. :) Thank you, thank you, thank you....

donselle

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #225 on: July 02, 2015, 09:18:46 am »
Nay, Tay,

Aalis na po ako ng bahay. Ngayong Tuesday na po ang lipat ko sa room na uupahan ko. Wag nyo pong isipin na ayaw ko na po dyan -- totoo lang, mami-miss ko ang bahay at ang pag-aalaga nyo sa akin. Pero kasi andaming oras na nasasayang sa tagal ng byahe ko mula bahay hanggang office, and vice versa.

Naintindihan ko po kung nung dati eh hindi nyo pa ako pinapayagang bumukod, bilang nasa QC lang naman ang work ko noon. Pero Makati na po kasi ang work ko, at kahit sabihing libre ang service eh hindi ko naman mabawi yung oras at energy na nawawala sa halos 2-4hrs na byahe papunta at pabalik. Mabuti sana kung lagi akong nakakasabay sa service pauwi. Eh paano po kung maulit yung last Tuesday na naiwan ako ng service dahil hinahabol namin ang due? Kung sumakay agad ako eh mga 10-11pm pa rin ako makakarating ng bahay dahil kasagsagan ng trapik dala ng rush hour.

Bahay at office pa lang po yan. Paano pa kung may pasok ako sa school? Yung oras na nasasayang sa byahe sana eh pinapahinga ko or even inire-review ko. Tapos sa bahay eh di rin naman ako makapag-in the mood na mag-aral kasi may wi-fi, ayaw nyo na sinasara ang pinto at maingay. Gusto ko po kasi na tahimik at walang istorbo pag nag-aaral.

So sana maintindihan nyo na kailangang-kailangan ko nang umalis ng bahay. Hindi ko na kayo kinausap tungkol dito dahil baka i-blackmail nyo ulit ako para di na bumukod. Pasensya na po. Di bale po, madali naman pong hanapin yung lugar na lilipatan ko. Alam kong familiar kayo sa place na yun, kaya makakadalaw kayo basta lang magpasabi kayo. Makikita nyong solo lang ako sa room, pero may housemate akong college student, at di rin po kami nagtanan ni BF. Naman Nay, Tay, gusto ko nang masolo ang kwarto, idadamay ko si BF? Gets nyo?

Yung mga ibang gamit ko dyan sa bahay (lalo na ang ibang books ko), saka ko na po kukunin, pag kailangan ko na sa review classes ko.

Dalaw po kayo ha? Isama nyo si bunso!

simang

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #226 on: July 16, 2015, 01:48:08 pm »
Dear Inay and Tatay,

Thank you po sa lahat ng support. As in, thank you... Hindi ko na alam kung pano magpapasalamat sa inyo. Thank you, thank you. Tatay, the money that was lost last time, hayaan mo na yun, pera lang yun, kikitain din ulit. Wag mo na masyado isipin. If everything goes well, siguradong more than that pa ang babalik. Inay, salamat sa sobrang laking pagmamahal at pag intindi mo sa akin, at higit sa lahat sa masarap na luto. Mahal na mahal ko kayo. Para sa inyo to. *fist bump*

harley18

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #227 on: July 26, 2015, 08:47:42 am »
Sana yumaman ako ng todo para maipasyal ko kayo sa magagandang lugar. Para maenjoy nyo mabuti senior days nyo. Para mapataasan na natin ang bahay at di na abutin ng baha.

Tipirin nyo mga binibigay naming pera, you'll be surprised kung magkano maiipon nyo sa hindi pagbili ng abubot na inaalikabukan lang.. :D One day pupunta ako jan para lang alisin ang mga bagay hindi ginagamit katulad ng empty bottles, tupperware na walang takip, pigurin, kupas na damit, stuff toys, etc.
Promise, ang luwag ng bahay pag wala na ang mga ito!

Gusto ko tumambay sa bahay natin at maglinis lang.. makipagkwentuhan lang. Kaso busy pa ako sa bahay at baby namin.. Sana dumating na ang araw na ito.

little.black.dress.lover

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #228 on: August 06, 2015, 10:52:28 am »
Dito ko lang mabubuhos, mga sis. Pag pasensyahan niyo na po.

Ma, matanda na panganay mo na anak, bakit binebaby mo pa? Bakit ako, hindi ko naramdaman? Nung nag asawa siya, full support ka? Ikaw pang gumastos sa pampagawa ng bahay niya? Yung mga appliance na dapat sa akin eh napunta sa kanya.

Oo, nagseselos ako, mama. Mula bata pa kami eh lahat na ng pabor nasa kanya na. Hindi ko naramdaman na naging proud ka sa akin, kahit buong buhay ko eh ialay ko. Bakit siya, kahit ni singkong duling walang binigay (at nakuha pang dalhin babae niya sa bahay natin) ever proud ka?

Ngayong ako ang nagbabalak magpakasal sa partner ko (na by the way, walang ginawa kung hindi pagsilbihan ka noong nandito pa siya) wala kang imik? Wala kang comment?

Pero kahit ganoon, eh mahal na mahal pa din kita.

Madami akong plano para sa iyo, mama. Papagawan pa kita ng bahay na may malaking garden at ipapasyal kita sa Vigan. Kapit lang, mother!

-----
Sa tatay ko. Bakit ang kapal kapal ng mukha mo na ipamukha sa amin na ang nanay ko ang nanlalake where in ikaw naman talaga itong kating kati na ipagpalit ang nanay ko sa isang mukhang hipong ni hindi maganda at makinis tulad ng nanay ko, desperado ka ba?

Ikaw pa ang malakas ang loob na sabihin na ititigil mo ang sustento sa amin after ko magtapos ng pag-aaral?

Pwede ba, tigilan mo pag kokonsensya sa amin na matanda ka na at nahihirapan ka na? Na ang dami mong sakit? Kasalanan mo kung bakit ka nagkaka ganyan dahil hindi mo inalagaan sarili mo. Bakit hindi ka pa-alaga sa anak mo sa labas at sa kabitchina mo?

Pa, stop denying na may kabit ka. Juicecolored, matanda na ako, at alam ko na noon pa na nagsisinungaling ka.

Maganda sana ang buhay namin... at close kaming mga anak mo sa'yo kung naging matino ka. Hindi eh, 3 buwan ka pa lang sa ibang lugar may babae ka na agad. Worse, dineny mo pa, at sinisi mo ang nanay ko, saying na may lalaki siya kaya kayo nag hiwalay. DUH! Kasama ko siya buong buhay ko, at ako magpapatunay na sinungaling ka.

Tigilan mo kami sa mga nakakaawang salita mo, kasi marunong kaming mag spot nang sinungaling. Pinag-aralan ko iyon noong college, marunong akong kumilatis kahit chat lang.

Pakisabi sa mga spies mo, puntahan nila kami sa bahay at magtanong ng maayos sa amin, para hindi sila nag iimbento ng kwento, ha?

Paki sabi din sa mga kamag-anak mo na tigilan paninira sa amin. Noong may nakukuha silang pera sa amin, anong kay bait. Pero noong nag simula na kaming mahirapan, unti unting nawala at nanira? Aba matinde po sila.

Hindi mo kami masisisi ng mga anak mo kung hindi ka namin ka close.

Tatay pa din kita, kaya kinakausap kita kahit paano. Pero sana kapag nag usap tayo, tigilan mo yung mga pangongonsensya, wala kaming ginawang masama sa iyo, ikaw ba, hindi ka nakonsensya?
« Last Edit: August 06, 2015, 10:55:39 am by little.black.dress.lover »

contala

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #229 on: August 31, 2015, 10:22:32 pm »
Pa Ma,mahal na mahal ko po kayo kahit po ramdam ko na mas special pag asikaso niyo sa kapatid kong babae at mas proud kau saknya hindi ko po kau pababayaan hanggang sa pagtanda niyo.

eman306

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #230 on: September 01, 2015, 02:21:23 pm »
sana everything falls into place na this month :(

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #231 on: September 13, 2015, 03:51:02 pm »
Ma,
 Bakit ba lahat na lang ng kadiprensyahan ako sinasabi mo? Lahat ng nega sa akin, lahat ng papuri kina Ate at Kuya. Di ka ba thankful sa mga nagawa ko para sa iyo? Nung inatake ka ng low blood pressure, abah! Ako ang nagtatakbo sa iyo sa ospital. NAGPASALAMAT KA BA? HINDI. Nung kinailangan mo ma dextrosan, at nagpa home  dextrose tayo sa pinsan ko sa bahay niya. Anong oras nun?! 1-4am tayo. Habang ako, inikot ko mga Mercury Drug para lang makabili ng kakailanganin sa dextrose mo. Again, NAGPASALAMAT ka ba? HINDI.  Pero kung i describe mo ako akala mo ako na pinakamasamang anak.  Kung makapag DRAMA ka, parang inaapi ka. Pinapalabas mo kina Ate at Kuya, aping aping api ka.Galing mong UMARTE Ma, bakit kaya di ka nag artista?! Baka ma awardan ka ng Best Actress, mapakinabangan pa Talent mo,ikayaman mo pa.

Yung sa Japan trip ko. Sabi mo kay Ate na gusto mo mag puntang Japan, pero di naman ikaw niyayaya. ( alangan naman yayain kita, sponsored trip lang naman ito ng pinsan namin)sabagay, okay na rin na di ka kasama.. Baka ISUMBAT mo pa sa akin ang trip, na kaya ako makakabili ng mga kung ano doon, ay dahil  andoon ka kaya mabuting mamalagi ka na lang sa bahay. Besides, nakapunta ka na rin naman ng Japan. ( niyaya mo ba ako? Hindi naman ah.Si ate lang lagi ang sinasama mo) kaya baka mangyari lang yung nangyari sa US natin last year. Lagi mong pinaaalala sa amin, na nakita mo na ang US, SEVERAL TIMES.( I wonder, bakit sumama ka pa?)  ngayon,sabi mo kay Ate na di kita niyayaya, kahit gusto mo. Sinabihan kita di ba?  Kung gusto mo rin sumama at mag apply? Ano sabi mo? " ay, hindi. Hindi na ako mag aapply. NAKAPUNTA NA RIN NAMAN NA AKO SA JAPAN" yan! Pero iba ang sinabi mo kay Ate, parang ang sama ko na hindi kita niyaya.  Kaya alam mo, imbyernang imbyerna na ako sa iyo. Punong punong puno na ako. At, THANK GOD, at magiging frequent flyer ako sa HK. Isang malaking RELIEF, at di na kita laging makakasama. Bahala ka na. Ayokong mainis lagi, pero nakakainis ka kasama sa bahay. Sabi ni cousin sponsor, na every month na ako pupunta HK, para mag assist sa work. Id rather get busy na lang sa work. Kesa naman araw araw na naiinis sa iyo sa bahay. Nakaka stress ka kasama sa bahay. Sana nga lumilipat lipat ka sa bahay nila kuya at ate at ng MAGKA ALAMAN NA!( kung bakit ako inis na inis sa yo)
 Yung sa Japan, work related kaya ako sponsored.  Ngayon, kung sasama ka.. Alagain ka pa doon. At ayoko mag alaga ng taong  MADRAMA sa buhay. Break ko na rin yun from you. BREATHER kumbaga. Para di ka NEGAHAN ang nasasagap ko.( tinalo ko pa ang 2nd hand smoker sa pag sagap ng di magandang hangin) gagawin kong 1st and last week ako aalis. Para 1-2 weeks lang ako sa bahay. Maganda ng ganun. Di tayo nagkikita. Sila Ate at Kuya ang bahala sa iyo. Sila mag tatakbo sa iyo sa ospital. Magbabantay sa iyo sa ospital. Sila ang pagagalitan mo pag sinasaway ka. Para malaman din nila kung gaano ka kahirap pakisamahan.Kasi, that is the ONLY way. Hindi nila maintindihan where Iam coming from. Now, kung sila ang magbabantay.. Magegets nila  kung anong HIRAP ko sa iyo. At kung bakit may GALIT ako sa iyo. Tawagin mo pa akong BLACK SHEEP, at mag ma migrate na ako. Bahala na kayong lahat dito sa Pinas. Tignan ko kung kaya ka nila. At baka mabwisit din sila sa iyo.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #232 on: September 13, 2015, 10:22:03 pm »
Papa, thanks for taking good care of our "friend" sa bahay  :P

Mama, thanks for your ice cream treat :)

killbill

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #233 on: September 14, 2015, 01:40:04 am »
Tutal ako naman ang masama sa paningin mo, kahit pa ako na sumalo ng obligasyon mo. Sakin lahat ng gastos at wala na talaga akong napala sa tindahan maliban sa sinusumbat mong pagkain dito sa bahay araw araw. Eh di dun ka na lang tumira sa ibang kapatid ko. Tutal mas mahal mo naman sila at mas naawa ka sa kanila kumpara sakin. Hindi porket okay ang kinikita ko ako na lahat sasagot sa inyo lahat. Baka namakalimutan mo single mom ako, mga kapatid ko may mga asawa pero bakit ako sumasalo ng lahat ng gastos? Puro ka reklamo, ikaw lagi ang kawawa. Eh pano naman ako? Mabait ka lang talaga sakin pag naabutan kita ng pera.

cl1995

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #234 on: September 14, 2015, 03:01:42 pm »
Inay and Tatay,

Bakit niyo ba laging kinukunsinte ang ugali ng panganay niyong anak? Hindi na nga nakapagtapos tapos kung inaaway kami sinasabi niyo pabayain na namin. Aba hindi pwede!

Kung may pupuntahan siya na malayo, papayagan niyo. At take note, KOTSE KO PA NA AKO PA ANG NAGPAPAKARGA NG GAS ang ginagamit. saan pupunta? makikipagdate lang pala sa tagaytay.. tapos hindi kinargahan ng gas?? May perang pang date pero walang pang gas. Tigilan niyo na din ang kakabigay ng pera sa kanya.. kaya lalung nagiging batugan eh.

Eh kami kung magpapaalam hindi pede, kesyo baka hindi niyo ang daan doon, masikip ang daan doon, pero siya OKAY LANG? Kasi panganay eh, lahat ng pabor nasa kanya.

Sana naman maging fair kayo. Hindi yung laging siya. hayyy

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #235 on: September 22, 2015, 01:19:35 pm »
Thank you sa support. Alam ninyo talaga kapag may problema ako kahit wala pa akong sinasabi. Ang sarap pakinggan ng "Wag ka ng mag-alala, kami na ang bahala". Babawi na lang ako sa susunod.

cadie36

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #236 on: September 22, 2015, 02:47:04 pm »
maraming maraming salamat po sa lahat daddy mahal na mahal ka namin ng apo mo

duhyan

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #237 on: November 03, 2015, 10:32:39 am »
Super miss ko na kayo mama and papa!
Miss ko na ang masasarap na luto at pagaalaga nyo sakin.
Salamat sa pagaalaga nyo kay Haru (dog ko).

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #238 on: November 14, 2015, 12:02:24 am »
To my mom and dad, iba pala ang feeling pag malayo kayo. But I appreciate the times we spent the last four days in Iloilo with you. Lalo na sa dad ko super thankful ako and grateful for the great things he'd done for us. Natutuwa rin ako that my hubby keeps saying that I am truly blessed with my dad kasi napaka mapagmahal sa parents nya, sa family nya and most especially to my son.


hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #239 on: November 14, 2015, 12:11:50 pm »
Ma,

Eto na naman tayo! Gigil n gigil na ako sa iyo talaga! Minsan, gustong gusto na kitang BUSALAN! Yes, kasi puro kanegahan ang alam mo sabihin sa akin. Even ate thinks your hirits are OFF! Ang gusto mo lagi intindihin ka, kung may masabi kang hindi maganda sa amin, gusto mo INTINDIHIN KA! pero kami bawal MAPUNO  sa mga pinag sasasabi mo. At yung sinabi mo kanina " palibhasa matandang dalaga ka kaya ka cranky!" Ikaw kaya sa katayuan ko, at nanay na katulad mo ang araw araw mo nakakasama? Kung hindi ka mabuburaot!  Oo, nakakaburaot ka! Anak ni ate, sinabihan mo " ang liit ni ( insert name) sa age niya no?! ( tawa) anong nakakatawa doon?  Nung tinanong ni ate " dapat bang matawa ka na maliit yung anak ko? Sagot mo? " natutuwa ako" DUH!! Natutuwa ka na maliit yung bata sa age niya? Sinabi mo pa yan sa HARAPAN ng bata! Kaya wag mo expect na matutuwa kami sa mga sinasabi mo. Pero pag gawin namin yan sa iyo, ayaw mo, pag ikaw ang gumawa, dapat intindihin namin lahat! Kung na mild stroke ka man last month, wag ako sisihih mo! Sisihin mo sarili mo, at ikaw lang galit na galit, kahit  dapat hindi naman. Nakakahawa nga siguro ang pagiging NEGA! Ako, ayaw ko na maging nega, pero kasama ko sa bahay na ubod ng NEGA!  Ikaw yun!  Sabi mo " maikli na lang buhay ko" kaya spend your life na wag ng nega! Ayusin mo na mga sinasabi mo. Para maalala ka naman sa good times, hindi sa mga pang lalait at pang iinsulto! I remember last week [textspeak!]! Ang tira mo sa mga Binay, physical. Ako, di ako makabinay, pero kung may titirahin ka man, sa panloloko nila, sa ginagawa nila sa taong bayan, hindi yun " si Jun Jun, kuhang kuha ang kapangitan ng tatay" " ang papangit ng mga anak ni Binay no?"   Ang galing mong manlait, pero pag may masabi sa iyo, ayaw mo.  Kaya ka napagsalitaan ng kapitbahay! " bago mo ako ireklamo, ayusin mo muna sarili mo"  di ba?! Ang galing galing mo kasing mamuna ng ibang kamalian! Pero sarili mong mali, di mo makita!   

Nakakapagod ng umintindi ng matanda. Matandang walang pinagkatandaan. Hwag mo akong sisihin sa ginagawa ko sa iyo, hindi kita gaganituhin, kung naging okay na ina ka. Puro pasakit mga sinasabi mo, may sinabi ka bang maganda sa akin? Wala akong maalala. So, malamang wala! Stop living in the past! Move on ka din. I may have hypothyroid problem,and you think, gusto ko magka hypothyroid problem? Huwag mong isumbat sa akin lahat ng ginawa mo for me ngayon malaki na ako. Live in the present, I no longer live in the past, magaling na ako, Iam functioning well  and normal. Huwag mo ng ipaalala pa "ikaw, kung di pa kita pina check, malamang ngayon vegetable ka na! Siguro, mas okay pa nga yun! Kesa pinalaki mo ako, puro kasumbatan naman ang naririnig ko. Ikaw, ba gusto mo ipaalala ko sa iyo ang cancer mo? Kung paano kita inalagaan? Kung hindi kita inalagaan, baka wala ka na ngayon? Gusto mo? Ganyan mo kasi ako sinusumbatan ngayon!
« Last Edit: November 14, 2015, 01:20:42 pm by hazelbrown_eyes27 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close