watch now

Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS  (Read 56023 times)

killbill

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #180 on: July 29, 2014, 02:09:38 am »
Ma,

Ni hindi mo nga ako pinag aral eh, nung nabuntis ako halos isumpa mo na ako, sasabihan mo pa ako na mag japan na lang ako? Ganun ba kababa tingin ko sakin?

Dati 500 per sweldo lang kaya ko ibigay sayo, imbis na mag thank you ka sasabihin mo sakin "san makakarating to?"

Tapos ngayon nagsumikap akong itaguyod anak ko saka sarili ko without any single help from you kahit man lang emotional support kasi mommy kita ang laki laki na ng expectations mo sakin? Ang bango bango ko na sayo ngayon kasi laki ng pakinabang mo sakin. Ano to? Pera pera lang?

Alam ko ramdam mo na hindi na ako tulad ng dati na sobrang galante, sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana, may times na 10k a week ang naibibigay ko tapos the next week malalaman ko na mapuputulan na tayo ng kuryente? Na kelangan na magbayad ng tuition ng bunso kong kapatid? Na mulat sapul hindi naman ikaw ang gumastos sa pag aaral? Gusto mo ora orada kasi pag hindi ako naglabas ng pera at naputulan tayo ako ang may kasalanan? Kung alam ko lang may kelangan bayaran sana hindi ganun kalaki yung binibigay ko sayo.

Yung tindahan ko pinaubaya ko na sayo, hindi na nga tayo nangungutang sa palengke ng kakainin, may sarili ka nang income, puro ka pa din reklamo, dapat nga magpasalamat ka hindi na tayo namomoblema sa kakainin eh. Palagi ikaw may problema, puro ka bunganga.

Kita mo na ako yung single mom, yung dalawa kong kapatid na mas matanda sakin na may mga asawa sila pa yung kawawa. Sa kanila ka pa mas may malasakit. Anong akala mo sakin robot?

Ang aga aga ni hindi pa nga ako nakakapag kape tatanungin moko kung may pera ako, ni hindi mo manlang muna sabihin sakin na, nag almusal ka na ba? Alam mo namang may allergy anak ko tapos magluluto ka ng ulam binagoongan... Pag si ate pinagtira mo ng pagkain, pag ako ubos lagi. Pero pag pera ako unang una.

Kung alam mo lang yung nararamdaman ko mula bata pa ako, kaya nga 2 beses ako naglayas eh. Ilang beses ko nang naisip mag suicide dahil sayo. Kaya ako naging ganto dahil sayo, hinding hindi ako tutulad sayo. Lahat ng ugali mo na ayoko never kong gagawin sa anak ko.

Pag dumating yung time na malaki na si lala at kaya na namin dalawa bumukod. Aalis na talaga kami. Hindi ko pa lang kaya kasi hindi ko kayang ipagkatiwala lang siya sa katulong. When that day comes, sana marealize mo lahat. Kung dadating man yun. Kaso parang hindi. Maalala mo lang siguro ako pag kelangan mo ng pera.


Daddy,

I miss you so much. Sana nandito ka pa para nakita mo mga accomplishments ko, si mommy kasi never niya ako na appreciate. Buti pa ikaw. Hindi ka na nagpapakita sa panaginip ko. I feel so alone. Guide mo na lang ako palagi ha. I love you...
« Last Edit: July 29, 2014, 02:13:42 am by killbill »

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #181 on: July 30, 2014, 01:38:22 am »
Papa and Mama, thank you sa pag-aalaga kay S. <3

jasta01

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #182 on: July 30, 2014, 08:45:31 am »
Sa aking AMA!

Kung sino ka man at kung nasan ka man .. . PA.Q!  ^_^

melle17

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #183 on: July 30, 2014, 06:54:35 pm »
Sa ama kong magaling...

Sana magbago ka na! I hate you for all the pains you've caused to my mom and to us your 3 children. twice you had a stroke and the near death experience didn't even rattle your system. Ganun ka pa din ang sama sama pa din ng ugali mo! Sana ganyang matanda ka na at sakitin pa maisip mo naman yung mga kasalanan mo samen at pagsisihan mo na din! matanda na si nanay at mahina na din pero still di ka pa din tumitigil sa pagbibigay sa kanya ng sama ng loob! mahiya ka naman di ka na nga nakakatulong perhuwisyo pa ang dala mo! please mauntog ka na sana at magising sa katotohanan. di sapat ang mga ginagawa mo para mabawasan ang mga kasalanan mo samen lalo na kay nanay...

gharz412

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #184 on: July 30, 2014, 07:22:19 pm »
Mama and Papa, nadisappoint ko man kayo dahil naging ganito yung marriage ko I promise na hindi ko na uulitin pa na sundin ang kung ano lang ang alam kong tama. Thank you din po sa pag aalaga sa apo niyo. Iloveyou both! Nakakaya ko dahil narin sa inyo :-*

kobrakid

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #185 on: August 07, 2014, 09:50:32 pm »
ma- you were great, i mean you ARE great when it comes to being a mom iyun nga lang takot ako sa iyo kasi minsan mabait ka at nasa mood, minsan masungit and ang tingin mo sakin puro mapanuri pero deep down naiintindihan ko, bakit? kasi nagsinungaling ako sa iyo. from the time na tinago kong undergraduate ako. remember that day? ang alam niyo ni dady ga graduate ako, nagbihis tayo and pumunta ng school. Hindi nyo ba nakitang balisa ako? it's because i'm not graduating. i faked sickness para makaiwas. pero nakalusot ako, buti nalang. masaklap nga lang, hanggang ngayon hindi nyo pa alam na hindi ako tapos. sorry i lied. na nag-ojt ako, na nag work ako. i lied about everything.

i miss those times when i am young palagi tayo gumagala sa ATC, ngayon hindi na kita kinakausap. who would have thought?


dady-takot din ako sayo. pero thankful. salamat sa lahat and really, bawas bawasan mo pagkamasungit mo dahil takot talaga ako sayo.


sa inyong dalawa, i'll pay for everything soon. babayaran ko kayo sa mga nagaw anyo mabuti saken.


I am a lost child. Pero masaklap, you have no idea. And let's keep it that way, I'd rather keep this to myself.

caterpillar-girl

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #186 on: October 02, 2014, 09:18:21 pm »
I love you mommy. Naiinis ako sa sarili ko na kung kelan lang ako nagasawa at nahiwalay sa inyo, dun ko lang talaga kayo naappreciate ng husto. I love my husband and he's great. I just miss your presence every day. I know we see each other every day but iba pa rin pala talaga. I miss our conversations over breakfast and dinner. Please always take care of your health. Eat well and wag magpaka stress para di tumaas presyon mo ha. I love you. See you tomorrow.

krystalB

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #187 on: October 03, 2014, 05:53:13 pm »
Tatay wag ka magigive-up alam ko hirap na hirap kna  pero kasama mo kami sa lahat ng pagsubok na kinakaharap natin ngayon.Kung pwede lang wag na'ko magwork para ako nalang sasama sa dialysis mo 3times a week. kaya lang need natin ng pang gastos.Alam ko hirap kna pero Pagaling ka. Alam ko hindi tayo papabayaan ng  Ama. Kailaangan namin maging matatag kasi kami yung pinagkukuhaan mo ng lakas.


Nanay ikaw ang pinakastrong sa lahat. Lahat ginagawa mo para sa aming magkakapatid,apo at kay Tatay.Sobrang idol kita. Maraming salamat sa lahat.

kulotz

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #188 on: October 12, 2014, 08:57:18 pm »
Mommy, pagaling ka. Kahit minsan, never kang naging pabigat sakin. I appreciated all the efforts and sacrifices you made para maging stay-at-home mom at mapalaki kami ng maayos. Dati lagi akong nabuburyong sa pagka-strict mo sakin, pero in the end, para din pala sa ikakabuti ko. Thank you. Sana patuloy na ang pag galing mo, kasi gusto ko pang bumawi sayo ng todo todo. I love you to the moon and back.

Daddy, thank you sa sacrifices na ginawa mo para buhayin kami. Ngayon gusto mo bumawi samin for the time na wala ka, pero slowly, nag start na din mag drift apart ang relationship natin kasi lagi tayong nagka-clash. Sad lang kasi we used to be close, pero ngayon hindi na. And from the things you said awhile back, parang lalong nag intensify ang sama ng loob ko sayo. I can forgive, but I don't forget. Nasabi na lahat ng nasabi and hindi mo na mababawi yun. I love you still.

miminibebe

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #189 on: October 17, 2014, 08:18:49 am »
Ma,

Suko na ko.  We will never have the mother daughter relationship na gusto mo, na as if we're friends dahil na din sa ugali mo.  Para akong laging nakatapak sa numero sa yo.

young_maiden

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #190 on: October 18, 2014, 10:08:16 pm »
Daddy, sorry na. Pero natouch ako at nag-alala ka sa akin. Akala ko wala kang paki kahit gabihin ako. Ang saya ko lang nung tinext at tinawagan mo ako para lang malaman kung nasaan ako.

chedz.03

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #191 on: October 19, 2014, 09:20:08 pm »
I love you mommy. Naiinis ako sa sarili ko na kung kelan lang ako nagasawa at nahiwalay sa inyo, dun ko lang talaga kayo naappreciate ng husto. I love my husband and he's great. I just miss your presence every day. I know we see each other every day but iba pa rin pala talaga. I miss our conversations over breakfast and dinner. Please always take care of your health. Eat well and wag magpaka stress para di tumaas presyon mo ha. I love you. See you tomorrow.
same thing I wanna say to my parents. I envy you sis kasi you get to see your mom everyday unlike me sobrang layo ko sa kanila. Hayyy...

simang

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #192 on: October 20, 2014, 01:06:21 am »
Inay and Tatay, thank you for everything. I always have sworn that I will raise my future kids like how you raised us. I want my future kids to experience a childhood like ours. You guys are the best!

purple.strawberry

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #193 on: October 20, 2014, 01:51:14 pm »
To both of my parents,

I'm grateful for everything you've done for me. Sana lang ngayon irecognize niyo na that I'm an adult and you should trust me when I go out. Pag aalis ako with friends or out-of-towns palaging sermon or magagalit, never akong nakarinig ng, "O anak, ingat ka." Tsaka yung mga texts na umuwi na ko ng 10pm, *facepalm*, I'm too old for curfews. It's enough na sobrang restricted ako in high school and college, that you told me "you don't need friends." I can't live forever stuck in that house. Stop trying to suffocate me.

chiqmom

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #194 on: October 22, 2014, 12:48:21 pm »
Dear Pa, I am really sorry for the way I acted last Wednesday. I feel shy that despite my bad behavior, you are the one who is reaching out. Thank you and I love you :)

insanelypurpleprincess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #195 on: October 25, 2014, 10:36:54 pm »
Mum... I pray for the day that we finally see things eye to eye. I am not sure if our similarities will forever end in our taste in shoes and bags. I pray for something less superficial than shopping. I swear, sa food... we agree on chicken and it stops there, too! I hope we finally come to terms with being different and just accept it na as it is. Be safe with the boys in S. KOREA! I know it will be hell being the only lady in that trip!

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #196 on: October 30, 2014, 12:36:52 am »
Papa, lagi mo nalang akong pinapaiyak. Sigh!

little_princess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #197 on: October 30, 2014, 01:47:44 am »
I miss and love you, Mommy. I will be home soon!

simang

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #198 on: October 31, 2014, 09:52:35 am »
Thanks for everything and I love you!!!

insanelypurpleprincess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #199 on: November 02, 2014, 10:11:54 pm »
Mum, hypothetically, will you mind if I do get hitched ahead of all my brothers? Not that I never tried before.. haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close