watch now

Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS  (Read 55983 times)

michperez

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #140 on: September 27, 2013, 01:13:12 am »
Mommy and daddy, I love you both soooo much

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #141 on: October 10, 2013, 10:35:33 am »
It's nice know you love my baby very much... you'll never know how much milestones you've missed during his first year but I do appreciate that you take the time to pick him up and get to know your own apo. Ok na ako dun :) and at least kahit papano you show concern about him and you care a lot to know his well being. O di ba proud kayo na medyo advance apo nyo.

sunako16

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #142 on: October 11, 2013, 12:13:31 am »
 :-X 

       Papa, 11 taon na ang nakakalipas simula ng iniwanan mo ko kay mama.. Sa mga nakalipas na panahon umasa ko na isang araw babalikan mo ko at magpapaliwanag kung bakit mo ko nagawang kalimutan at iwanan ng napakatagal.. Hanggang sa maraming paskon bagong taon at birthdays ko ang lumipas pero wala ka pa ding ginawang paraan para magkausap tayo..
  Minsan naisip ko na bago ko ikasal sa lalaking mag aalaga sakin habang buhay.. Hahanapin kita tapos ikaw ang maghahatid sakin sa altar pero lumipas na ang maraming taon at hanggang ngayon sarili mo nalang talaga ang inisip mo.. Pagod na kong umasa at maghintay na sana magkita pa uli tayo.. Sa pagtagal ng panahon nawala na yung pananabik ko para makasama ka ulit.. Kung masaya ka na sa buhay mo ngayon at kung talagang kinalimutan mo na may isa ka pang anak.. Ganun na lang din ang gagawin ko.. Salamat sa pagbuo mo sakin at sa pagiging ama sa loob ng 10 taon.. Paalam sayo..




      Mama alam ko hindi lang ako ang sobrang nasaktan at nagdusa sa pagkawala ni Papa sa buhay natin.. Ikaw din.. Nagpapasalamat ako sa pag aalaga mo sakin at pagtataguyod mo para lang makatapos ako ng pag aaral.. Alam ko marami din tayong hindi napagkasunduan at di pagkakaintindihan sa maraming bagay kaya ko nagawang bumukod na ng bahay.. Ayaw mong iwanan sila lola at lolo kaya pati ugali nila nagaya mo.. Salamat sa lahat ma mahal na mahal kita, di man kita pinili na makasama ngayon sa iisang bubong.. Alam ng Diyos na kasama ka palagi sa plano ko at gustong gusto kong ibigay ang magandang buhay para sayo..

       Alam ko naiintindihan mo na kung bakit ko kailangang lumayo.. Pangako ko lang sayo na kahit ganito ang sitwasyon natin.. Hindi kita kayang pabayaan.. I love you ma.. Godbless us..

super bratinella

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #143 on: October 11, 2013, 03:12:19 am »
I love you mama, get well and palakas ka ng sobra sobra. Namiss kita agad sa house, ang sarap ng feeling ng may mama sa house. See you..

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #144 on: October 12, 2013, 01:28:53 am »
Papa and Mama, ang bait bait niyo. Sana naman sarili niyo naman ang isipin niyo. :)

laupo mo

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #145 on: October 13, 2013, 01:56:07 am »
 papa, alam ko mataas expection mo sakin pero gumuho. oh well nandto pa din naman ako. may apo kana sakin kahit wala kang trabaho at asawa ko bumubuhay satin ok lang naman, pero sana iwan mo na yan bisyo mo dahil wala naman ibang ppuntahan at ikaw lang din ang nasisira at minsan tayo pa nag aaway. hindi po ako nagbago dahil nag kaka pera ng kaunti dahil sa pag sagot ko, nangangatwiran lang ako at minsan sobra kana kasi. pero mahal na mahal naman kita. masaya na ako kung iwan mo yan bisyo mo in 19yrs of life ko kinamulatan ko na sayo yan.

mama, fight that depression! please me and my sister need a mom may apo kana din sakin ohh ayaw mo ba syang malaro o mapasyal lage? gumaling kana ee. pero pag pumalya gamot mo u'll go back sa sakit mo keep refusing to take gamot again haaayyyy i grow din na ganyan ka lang mai sakit na tahimik like depressed di lumalabas ng bahay minsan ayaw kumain. ang hirap kaya para sakin na ganyan kayo. kahit na di na sakin sa kapatid ko nalang dahil may pamilya na ako..

pero i love u both pa din. mama and papa ko kayo eeh <3

slickchick

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #146 on: October 22, 2013, 02:21:45 pm »
dear mama and daddy, alam kong mahal na mahal nyo ang unico hijo nyong apo. and i thank you for that love. i do love him also because he is my one and only son. kaya lang sana, minsan hayaan nyo akong disiplinahin sya. don't be too overprotective, kasi ibang level din naman ang sumpong and topak ng apo nyo, as compared sa amin ng kapatid ko. i know my limits din naman in terms of imposing discipline on him, so makakaasa kayo na tamang disiplina lang ang i-apply ko sa bata. i just want my son to be more focused on his studies, instead of playing all day long. ayaw ko syang masanay sa thinking na "ok lang ang grades na 75.. ang importante, basta pumasa"... i want him to strive for high grades kasi may ambisyon yung bata, and education lang din naman ang sure na maipapamana ko sa kanya, as a single mom. sayang din kasi ang utak at potential ng bata kung hindi matututo ng tamang disiplina sa pag-aaral at sa sarili. sana wag nyo masyado i-spoil ang apo nyo. i love both and i appreciate all and everything that you have done for me and my son.

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #147 on: October 27, 2013, 09:13:09 pm »
pa,

pano ba yan, election na bukas.

ayaw mo man aminin, alam ko na kinakabahan ka. natetensyon ka kasi marami kang kalaban at iilan ay namumudmod ng pera makabili lang ng boto. ako man, natetense. gusto ko sana mawitness yang election kaso malayo ako e. ayoko mag expect tayo kasi ayoko masaktan ka. pero alam ko naman na ibinigay mo ang best mo to be heard and noticed. kung papalarin, edi maganda at maimplement mo yang mga adhikain mo. alam ko naman na gusto mo rin magkaron ng magandang impact so, kung para sayo talaga yang position na yan, ibibigay yan sayo. we always look at the brighter positive side of life. no matter how complicated life is, no matter how competent other candidates can be, you have God with you. manalo matalo, palagi kaming nasa side mo. good luck pa..pray and be tough.

kaya mo yan....we love you

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #148 on: October 28, 2013, 01:21:44 am »
Papa, sayang at umambon kahapon hindi ka nakapunta ng bukid. Sana umaraw na.

Mama, enjoy your short vacay. You deserve it. :)

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #149 on: October 28, 2013, 04:45:54 pm »
papsi,

ayoko muna tumawag sa bahay kasi baka wala din kayo doon. hindi ko alam kung aalamin ko ba ang resulta ngayon or mag aantay ako ng final results from comelec. gusto ko manalo ka, at sana may pag asa tayo kahit mahigpit ang laban niyo. good luck papsi

ococmodestatus

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #150 on: November 21, 2013, 06:57:32 am »
hope both of you are doing great and hope to see you soon on new year's eve!! :)

Maldita AKO

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #151 on: December 01, 2013, 10:46:51 am »
kahit anong mangyari sakin wala kang malalaman. Tinalikuran mo ako!

pathetica

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #152 on: December 01, 2013, 02:12:13 pm »
Ma, Pa salamat sa lahat ng sakripisyo and sa pagtanggap nyo sa akin sa kabila ng lahat ng ginawa kong mali. Pasensya na kung sumasagot ako minsan. Alam nyo, gustong gusto ko na bumukod (live alone) pero minsan naiisip ko na mas mabuting kasama ko kayo. Mahal ko kayong dalawa, kahit na hindi ko man naipapakita sa inyo madalas

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #153 on: December 11, 2013, 04:30:38 pm »
Daddy,
Salamat at nakinig ka sa amin ni ate na dalhin ka na sa ospital para macheck up. Huwag kang manghinayang sa binayad natin sa doktor, lab test at pinambili ng gamot, dahil kahit anong mangyari tulong-tulong kaming tatlong magkakapatid para maging maayos ang kalusugan mo. Makinig ka rin sana kay mommy kapag oras na ng inom ng gamot mo.

megumiii

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #154 on: December 13, 2013, 07:00:56 pm »
Mommy, please take care of yourself more. I can't bear to lose another parent. I can't imagine life without you.  :'(

sugardrop

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #155 on: December 15, 2013, 12:29:40 pm »
Please stop being overprotective. I'm no longer a child, I'll be 30 next year. Let me go. You don't seem to want to let me go out. When you do, I receive sms from you non-stop telling me to go home right away and all your unfounded suspicions. Stop. Please don't make me want to move out. I just want to live my own life without you trying to take control of it. And you wonder why I never open up to you and introduce any guy I've dated in the past. Please, time to grow up as a parent as well.

sugardrop

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #156 on: December 15, 2013, 03:08:17 pm »
Mommy, please don't forget that I love you and it's not that I want you out of my life. I need to live my own life too.

glacy_rein

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #157 on: December 19, 2013, 04:00:44 am »
i'll be home soon, konting patience pa you'll be surprised. :)

and hopefully makayanan ko ang ginagawa mo ma.. tapos sama nako sa europe tourrr.. hehe! :D

sistah!

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #158 on: December 19, 2013, 09:55:10 am »
sorry talaga. konting tiis na lang, hopefully next year i'll get a raise and a promotion and then I can really spend more for you guys.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #159 on: December 24, 2013, 07:17:56 am »
Ang OA mo nakakairita ka, malapit na maubos patience ko sayo. Mabuti na lang konting time na lang kame magtitiis sa ugali mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close