watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 192178 times)

Meian

  • Guest
I agree with the others. Hindi naman obligasyon. Yung parents ko hindi pinalaki ng ganyan at hindi naman may-kaya ang mga lolo't lola ko, so ganun din sa aming mga anak. Nasa amin na kung tutulong kami, syempre pag nangailangan ng tulog, tutulong ka talaga... but not to the extent na totally dependent sila sayo...

popi

  • Guest
Sa family ko, hindi obligasyon, pero gusto ko pa din gawin dahil sa nakitang kong pagsasakripisyo ng mommy ko para sa amin nung pinapalaki nya kami.  Kumbaga, pagtanaw lang din ng utang na loob saka pagpapakita ng pagmamahal sa kanya

euwie

  • Guest
Naka attend ako mass dati at eto sermon ng priest. Sabi nya, hindi daw utang na loob ng mga anak na palakihin sila ng mabuti ng mga magulang kasi obligasyon yun ng mga magulang sa mga anak nila. Para sa akin, kung buhayin ko man parents ko sa pagtanda nila, hindi yun para tumanaw ng utang na loob kundi dahil sa mahal ko sila.

twelvth_goddess

  • Guest
I've never really believed na obligasyon to dapat. It's the parents' responsibility to provide their children's basic needs. Pag kayang sobrahan, well and good. I don't think na kids are supposed to be treated as investments na pag napatapos ng pag-aaral eh sila naman ang may obligasyon. The thing is, the word OBLIGATION is the negative word here. I think whatever the children decide to give back in the future is something that should be done out of respect, love, and gratitude. Hinde dapat pinipilit na to the point na nahihirapan na magkaron ng sariling buhay ang anak.

I also say the same to a colleague who sends her nephew to school. Sabe nya after 2 more year spwede na sya mag-retire (at around 38 years old) kase yung nephew na bahala sa kanila ng mom nya. Sabe ko nga kawawa nephew nya, hinde pa nga nakakatapos meron nang napakalaking burden na kelangan paghandaan. This is a very bad mentality.

elainedprof

  • Guest
HINDI OBLIGASYON.  Kung pinalaki ng maayos at pinag-aaral ang anak eh magkukusa naman siya to reciprocate the love given by parents. i really hate it na di na nga pinag-aral ang bata by the time na magwowork na eh maghihingi agad ng sustento ang parents. tsk tsk.

isa.v00

  • Guest
I always tell my dad na babawi ako sa kanila ng mom ko once I get a job. My dad's reply to that is always the same: that I'm not obligated to pay them back... I always feel touched when my dad says that. It makes me even more motivated to give back to them what they provided for me. Siguro hindi obligation pero we still ought to do it anyway. ;)

Purple_Power

  • Guest
^Ang sarap siguro sa pakiramdam ng ganyang klaseng magulang. In my case I really feel na hindi lang existence ko pinagbabayaran ko kundi pati kasalanan ng tatay ko ako pa rin sumisikmura, I mean I just realized it lang.

Kung gusto ng magulang na magkaroon ng maayos na trabaho ang mga anak eh di motivate nila mabuti at huwag silang gagawa ng paraan na mapanghinaan ang loob.

isa.v00

  • Guest
^Ang sarap siguro sa pakiramdam ng ganyang klaseng magulang. In my case I really feel na hindi lang existence ko pinagbabayaran ko kundi pati kasalanan ng tatay ko ako pa rin sumisikmura, I mean I just realized it lang.

Kung gusto ng magulang na magkaroon ng maayos na trabaho ang mga anak eh di motivate nila mabuti at huwag silang gagawa ng paraan na mapanghinaan ang loob.

I agree with that last part you said. Kasi diba, give and take naman talaga dapat lahat ng relationships. Dapat talaga may balance eh. I hope that everything turns out well for you, though. Baka di lang nila napapakitang naaappreciate ka nila pero deep inside, naaappreciate ka naman talaga nila. Di lang nila ma-express.

I hope everyone realizes this. After all, Fathers Day na bukas... For all those who don't have their dads anymore for what ever reason, I suggest you go do something special for your mom or guardian or kashit sinong father figure sa buhay nyo. :) All it takes is a little time and effort. :) Hope everything turns out great for you! :)

alexsy

  • Guest
may mga magulang naman kasi na sadyang makakapal ang fez. parang pinanday ng panahon sa kakapalan. yung tatay ng friend ko, nagpapabili ng montero. panay ang parinig. yung tatay at yung tiea, duet sa parinig.  e hello hindi nya nya tinulungan yung anak nya na makapag abroad. tapos ngayon na asenso na yung friend ko sa abroad, ayan nagpapariig na. kaloka lang.

gil12

  • Guest
how about the parents debts? kunyari, my parents owe a huge amount of money na umabot na sa demandahan and they need to settle the amount asap kasi they were given a deadline. I wasn't even part of the reason why they got themselves into that kind of situation. honestly, oo bitter ako sa kanila and I don't want to suffer cause of their faults and wala rin naman ako the amount of money they need. my priority right now is my own family, my partner and baby, next na dun are my siblings.. my parents, I don't know.. pinabayaan nila kami noom tas ngayong medyo okay okay ako financially parang bumabait sila.. kakabwisit!

jmljoven

  • Guest
i admired my mama (lola) for this - sya nagpalaki saken and sabi nya noon, pag malaki ka na at may trabaho ka na, wag mo na akong intindihin. di mo kelangan magbigay saken kasi kelangan mag ipon ka para sa sarili mo para gumanda buhay mo. but since i'm the only one she has, i always see to it na okay yung lagay nya. nagbibigay ako ng kusa sa kanya kahit madalas tumatanggi sya.

and this is what i hate about my inlaws. sila inoobliga nila anak nila magbigay ng mga pangangailangan nila and to think meron naman silang stable source of income and wala na silang pinag aaral. imagine, yung simpleng vitamin c, kelangan kulitin pa nila si hubby para ibili at ihatid dun yung vitamins nila! sabi ko sa hubby ko, sobra naman sila para bang mamamatay sila pag di nakainom ng vitamin c...and everytime na pupunta kami sa bahay nila, kelangan bumili kami ng kakainin namin. kelangan meron dalang pagkain kahit na sila naman ang nang imbita. at pag alam ng mother in law ko na pupunta kami, naku di yan magogrocery. pagdating namin, kunyari papadrive kay hubby to sm para magrocery tapos kay hubby ipapabayad yung biniling grocery. style na nakakainis!

mamabear16

  • Guest
 :-\ sa totoo lang yan nga din ang malaking confusion ko.. kasi dati namang nagwowork ang mama ko nung nag aaral ako pero ngaun ang pinagtatakahan ko, simula nang nakatapos ako sa pagaaral at nakahanap ng work (which is hanggang ngaun casual employee pa din ako) huminto na din sya para sa personal income nya tapos sa ngayon nag bibigay ako sakanya ng pera tuwing kinsenas.. aaminin ko nahihirapan ako kasi dahil doon wala akong maipon para sa sarili ko.. nakakalungkot kasi may asawa na ako ngaun at dahil doon mas lalo lang akong nagigipit dahil sa sinasama ko pa sya sa budget ko tuwing sahod.. siya kasi ang may choice kung mag wowork sya o hndi samantalang ang bata pa nya para huminto sa pagtatrabaho.. hayy ang hirap kasi syempre ayoko namang maramdaman nyang wala akong utang na loob.. kasi lagi nyang sinasabi na single parent nalang daw sya.. hay ewan ko ba, pakiramdam ko nakatali na ko sa sitwasyon na to hanggang magkaanak ako

Purple_Power

  • Guest
^Wala ba siyang sinabing dahilan kung bakit siya huminto ng work?

mamabear16

  • Guest
^Wala ba siyang sinabing dahilan kung bakit siya huminto ng work?

sis purple tower, meron po, ang sabi niya gusto niya daw mag spend ng time na mag serve kay God through church.. kaya huminto na siya at umasa nalang siya sa mga luto ng kapatid niya which is yun ang binebenta niya ngayon para kumita ng pera..

msnowhere

  • Guest
Bitter ako sa parents ko mga sis. I dont know if I want to blame them or tama ba na maski isipin kong sisihin sila sa sitwasyon namin. Nag-working student ako, Sa awa ng Diyos natapos ko naman pag-aaral ko. It took me more than 6 years para matapos. I have 6 siblings. Pang-3 ako. While paying for my tuition and my personal expenses, I still have to give to my parents for expenses sa house. Also, I had to give allowance to my 3 younger siblings. Hayyyy, parang di ako makapaniwala na nakayanan ko yun. May maintenance na gamot ang mother ko so I understand na di talaga nila priority ang pag-aaralin kami kahit gustong gusto nila. What I remembered was my dad told us, mga elder siblings na mag-aral ng mabuti so we can help our younger brothers/sisters sa school. Kaya ako naman I give allowance to my siblings and if may sobra bili ng pagkain sa bahay. One time nagalit parent ko kasi bakit di ako makabigay. It really triggered me to burst out my hinanakit. Graduating ako nun so pressure at super stress sa work, school and specially sa finances. Wala pa akong masandalan. Mas ginusto ko pa dati na to live on my own para atleast sarili ko na lang isipin ko pero di ko kasi matiis mga kapatid ko.

Moving forward, tumutulong parin ako. I still live with them. Di na ganun ang kabigat ang probs sa finances. Malapit na magtapos mga kapatid ko. Makakaahon rin kami. I swear to myself na if ever magkaroon ako ng sariling pamilya, I will never oblige my child/children to support me. I will be a good provider.

cloudzy_09

  • Guest
Ako hindi obligasyon ng anak mag bigay pero kung kaya tumulong mas maganda pero kung may sarili ka ng pamilya dapat unahin mo muna e secure yung anak mo at asawa bago yung extended family.

Dati mom ko binibigyan ko ng monthly pati kapatid ko pero wala ako work Im a house wife so galing sa hubby ko yung binibigay ko mabuti na lang mabait asawa ko. Kaya lang dumating sa point na sobra na yung demand ng mom ko pati charity work niya inaasa sa akin. Medyo masakit lang sa loob na after mo mag tipid at tiisin ang anak mo ayun pala ibibigay sa ibang tao yung pera at kung saan saan ginagastos yung pera. I tried giving her business pero after 1 week lang or hindinpa na ooperate yung business ayaw na niya e ang laki pera din yung ginagastos doon. Tapos yung kapatid na pinag aaral ko tamad naman ilang beses na bagsak ng bagsak at hindi pumapasok ang gusto pa ng mom ko e private school siya pumasok.

May 1 incident na talaga sinabi ko i had enough na noong party ng anak ko inubliga niya ako mag bigay ng pera sa mga bisita niya nag kataon wala na talaga ako pera sa wallet kasi nag bayad ako supplier. Nahihiya lang ako sa mga bisita kasi naririnig nila pag uusap namin ng mama ko e galit yung mom ko. After that incident sinabi ba naman sa mga bisita ng asawa ko sa bahay ang damot damot ko daw at maldita daw ako. Pati yung pinag shopping at parlor ko siya before the party kulang daw at ang luripot ko.

Up to now ang sama ng loob ko hindi ko na siya kinausap about that basta sabi ko yung mga ibang expenses nila sa kuya ko na lang hingiin kung tutuusin siya naman yung mayaman at wala pamilya sino supportahan.  Pero feel ko pa din na masama loob niya dahil hindi na ako masyado nag bibigay.

Len0523

  • Guest
I  need your opinion guys.

My situation is, I am the youngest sa first family ng mama ko. My sister and brother, may sarili ng pamilya. May ate never helped us. Nag asawa sya at dun nagfocus. Ako nag aral, at nagtrabaho
at kumikita ako ng sobra-sobra sa pangangailangan ko kung sarili ko lang ang iisipin ko.
Pero naging bread winner ako ng second family ng mom ko. Nagpapaaral ng step brother at nagpapagawa ng bahay for my mom. Yung bahay malapit na matapos siguro mga 100k na lang at totally tapos na sya. My step brother naman 2nd year college pa lang. So ako lahat nagpprovide sa needs nila. Yung income ko less monthly bills at pangshopping ay napupunta na sa kanila lahat.
So hindi na ako nakakapagsave na pinag aawayan namin ng partner ko. We are planning to get married soon. Pero sa nakikita daw nya yung pamilya ko pa rin daw ang priority ko. At sumasama loob nya dun. Dapat daw nagffocus ako sameng dalawa. Hindi ko daw obligasyong buhayin ang pamilya ko.
Pero nangako ako sa kanila na bago ako mag asawa secured sila. Maayos yung kalagayan nila.
Ang hirap. Kase naiintindihan ko naman si bf. It's just parang ang hirap makita na nahihirapan pamilya mo. And tama si bf, mas nagiging priority ko yung pamilya ko kesa yung sameng dalawa.

cloudzy_09

  • Guest
Sa ngayon ano ba gusto mo e prioritize family mo or yung bf mo ( future husband?) kung nasa stage ka ng life mo na mas importante sayo ang family mo siguro e pa intindi mo na lang sa bf mo na you want to see them settled down bago ka mag asawa. Pero habang priority mo yung family mo try mo din mag ipon kahit onti onti lang just incase of emergency pag ikaw ang nag kasakit or may biglaan pangangailangan (knock on the wood)

Dapat talaga mag karoon kayo ng serious discussion ng bf mo kung pano mo susupportahan ang family mo ngayon at in the future kailangan may agreement kayo about that para pag nag sama kayo hindi ninyo pag awayan yung money binibigay mo sa family mo.

Before i got married kasi kinausap ko din bf ko about sa topic na yan sabi ko darating yung time na kailangan ko supportahan totallly yung parents ko and maari sila maka tira sa house namin. Kaya ngayon ang hubby ko katulong ko sa pag supporta sa familya ko.

Girltalker2

  • Guest

^^ sis, bakit hindi maintindihan ni bf na you are happy supporting your family, at kung iprioritize mo sarili mo, ikaw mismo ang hindi matatahimik.  that's part of you, at kelangan niya i-accept yun.  wala din ba syang ibang pinapakain? 

IMO, naniniwala ako na dapat pareho ang view ninyong mag asawa sa mga ganyang issues. kung sa umpisa palang may issue, that means he might not be the right one for you.  sorry sis ha, pero kasi may mga friends din ngako na hindi Pinoy, and normally I warn them if they want to have a Pinay gf, sabi ko, dapat ready sila i-accept iyan fact na iyan na part ng culture na binubuhay ang buong barangay/relatives nila. If they cannot take that, then better not marry a Pinay.

Len0523

  • Guest
Sa ngayon ano ba gusto mo e prioritize family mo or yung bf mo ( future husband?) kung nasa stage ka ng life mo na mas importante sayo ang family mo siguro e pa intindi mo na lang sa bf mo na you want to see them settled down bago ka mag asawa. Pero habang priority mo yung family mo try mo din mag ipon kahit onti onti lang just incase of emergency pag ikaw ang nag kasakit or may biglaan pangangailangan (knock on the wood)

I can say na family pa rin ang priority ko. Kase dun pa nga honestly yung focus ko.
Pero syempre ayoko naman na mag-away kami ni bf dahil nga sa pagsuporta ko. Sabi ko ngayon lang naman yan ilang years na lang ba natitira sa kanila para mabuhay dko pa ba bibigay yung kaunting rangya? Ang ayaw nya nagiging dependent daw saken masyado yung family ko.
Which I know, totoo naman. Kase alam nila na may kakayahan nga ako.
Ang hirap lang. Totoo yun, I should save din for myself kase in case ako magkasakit wala rin naman ako mahahabol sa mom ko.

^^ sis, bakit hindi maintindihan ni bf na you are happy supporting your family, at kung iprioritize mo sarili mo, ikaw mismo ang hindi matatahimik.  that's part of you, at kelangan niya i-accept yun.  wala din ba syang ibang pinapakain? 

Di nya maintindihan kase he's not supporting his family na. Kase nga parang namulat sya na mag aral ang mag work to raise his own family. So independent sya totally. Ang worry nya nga siguro pag kinasal kami baka buhayin ko pamilya ko tapos umasa ako sa kanya. Ewan parang ganun naiisip ko. Gusto nya magspend ako ng magspend pero para sa sarili ko. Hindi sa family ko. Parang may something selos pag gumastos ako sa family ko. =(

He's keep on saying, paano pag nagkasakit ka? Panu pag nawala trabaho mo? Panu pag namatay ako, paano ka? Dapat di mo sinasanay  family mo ng ganyan.

pero sa culture ng pilipino diba normal lang naman yun. Di ko lang alam kung sobra sobra na ba ginagawa ko. AYoko din naman masacrifice yung relationship namin ni bf. 26 na rin kase and he's 31 na. Kaya gusto nya na rin magsettle down na kami.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close