watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191895 times)

snowyice

  • Guest
quoting from the Bible:

2Corinthians 12:14 ...for the children ought not to lay up for the parents, but the parents for the children.

but a Bible verse also quoted that if you don't help your parents your worst than unbeievers...sorry can't find the verse for that. I guess, if there's a need the children should help but your parents should not expect anything from their children.

jamberryknots

  • Guest
ako naman hindi ako ino-obliga ng parents ko especially my dad (hiwalay sila) but kita ko kasi na hirap ang mom ko financially so nagoffer ako to help her..plus [textspeak!] pamangkin ko (eldest apo) lives with me and my mom so ako na din ang nagshoulder sa lahat ng needs niya..right now i'm working abroad para mas makapag provide ako for them..and it's fine with me, hindi ko feel na obligation yun but it makes me happy and contented knowing na nabibigay ko ang kailangan nila..how i wish i'm earning more para lahat din ng gusto nila kaya kong ibigay but in time i know i can..

hazeldust

  • Guest
sa part namin yes, kasi wala naman ng trabaho si nanay tapos si tatay naman namatay na kaya sinusuportahan namin sya pero yun nga di naman nya kami inoobliga pero parang utang na loob na nga rin..

AnneGEAM

  • Guest
Well in our society it's expected for us to take care of our parents. I don't think we have nice enough homes for the aged to be placing our parents there....

i.love.siomai

  • Guest
It's not an obligation...for me, it's my dream of helping my parents in the future..sana maging successful ako so i can do that :)

meandmyhoney

  • Guest
for me, its not an obligations, 2003 start ako nakapag work, by then hindi nawala support ko sa kanila . hindi nila ako pinilit. pero hindi ko kaya hindi tulungan eh,

before getting married nag invest ako , binigyan ko si mama ( wala na kasi papa ko ) ng konting pangkabuhayan, sabi ko palaguin na lang nila ng bunso ko kapatid, kasi naisip ko na magaasawa na ko at maiiwan na sila, kaya gusto may konti silang negosyo.

now, nakikita ko na ok naman negosyo at natutuwa ako nakikita na stable na din sila, at hindi na rin ako monthly nagbibigay unlike before,

everytime na dumadalaw ako sa bahay, walang prob na sumasalubong sakin, at super happy ako.at thankful mama ko, 

sori for the long read  ;)

LBT Foodcartlink

  • Guest
For me, it's not an obligation. It's just a right. Why? Kasi nung mga bata pa tayo, sila ang nag-alaga satin, sila yung naghirap pra mkapag-aral tayo at mkapagtapos. Then, it's time para tayo nman ang bumawi skanila. But you know, in my case, parang npaka-unfair din kasi like now, I graduated my associate degree but after that, I didn't pursue my Bachelor's degree kasi kailangan ko na magtrabaho para sa family needs namin, ako nlng kasi inaasahan ng family. Kaya ayun, ganun tlaga, either it's obligation or not, magtatrabaho padin tayo for ur family. :)

janix athena

  • Guest
^^Sis meandmyhoney buti ka pa you were able to teach them how to fish instead of just giving them fish all the time. If I may ask sis, what kind of kabuhayan did you give your mom? I'm in the same boat as you kasi. My mom is not a widow but my dad left her and now has a family of his own, so wala na talaga sustento. I'm still giving mom a fixed amount of money every month, and would like for her to be independent now that I'm married and planning to have kids.

Thanks in advance for your reply. :)

izabelle

  • Guest
For me.. Hindi. :) parents ang may obligasyon and responsibility sa anak nila. hindi anak sa magulang. IMO lang yun.

BUT case to case basis, kasi minsan wala naman choice e.. dahil walang ibang aasahan.

swerte lang ako kasi never kong naging responsibility parents ko.. they never asked even for a single centavo from me.. kahit ngayon na matanda na sila, ako pa binibigyan minsan. LOL

i give them gifts minsan para kahit papaano naman makabawi :)

meandmyhoney

  • Guest
^^Sis meandmyhoney buti ka pa you were able to teach them how to fish instead of just giving them fish all the time. If I may ask sis, what kind of kabuhayan did you give your mom? I'm in the same boat as you kasi. My mom is not a widow but my dad left her and now has a family of his own, so wala na talaga sustento. I'm still giving mom a fixed amount of money every month, and would like for her to be independent now that I'm married and planning to have kids.

Thanks in advance for your reply. :)

hi sis, thank you. sari sari store and may bigasan . almost complete na rin tinda.  from school supplies down to kikay stuff ( divi lang to sis )

2 freezers at 1 fridge from coke  ;D complete na rin alcoholic drinks  ;D

tulong tulong din kami magkakapatid, kapag nag stay kami sa house tumutulong talaga kami, kasi sayang kasi. lalo na kung matao lugar. ;D

janix athena

  • Guest
^Nice. :) Ang galing mo sis, and magaling din mom mo kasi mukhang mahirap din mag-monitor invetories and mag-make sure napapaikot ang puhunan. This may not be ideal for my mom kasi masyado syang maluwag sa pera. Thanks for the reply sis. :)

jonielle

  • Guest
Obligation ng parents na buhayin ang kanilang mga anak, pero hindi obligasyon ng mga anak na buhayin ang kanilang magulang.

pero kahit naman na sinong anak lalo na alam nilang nahihirapan at kailangan ng tulong nga mga magulang nila eh tutulong at tutulong tayong mga anak diba?

Purple_Power

  • Guest
In my own opinion. Hindi talaga obligasyon ng anak ang magbalik o magtanaw ng utang na loob. Nasa choice ng anak yan if they really want to help back. At kung nangangailangan na ang magulang mo ng tulong mula sayo of course you really have to help them. I hate this mentality too na pinamumukha sayo at parang sinisingil ka afterwards na in the first place sila ang nagplanong mag exist ka sa mundo. Ayoko rin yung feeling na parang utang na loob mong binuhay ka nila sa mundo, parang kasing sinasabi nila na naging pabigat ka sa pag exist dito sa mundo kaya dapat pagbayaran mo yung existence mo. Eh kung ganyan pala eh di sana in the first place hindi na lang tayo ginawa. Honestly nakakatabang rin tumulong kapag pinararamdam sayo ng magulang na you have to pay them back on the obligations they've done for you lalo na yung fact na pinakain ka nila at pinag-aral pa. Tapos yung tipong sasabihin sayo na hirap na hirap sila magtrabaho para buhayin ka kung alam mo namang nagsusumikap ka rin makapagtapos ng pag-aaral mo. I agree with the author of this topic parang minsan pera pera na lang ang usapan.

Ako nga in my case parang pakiramdam ko I've already paid for the things they have done to me. I mean oo nabigay nila yung mga pangangailangan ko pero grabe naman sakit rin yung nasikmura ko at sakripisyo na pinagdaanan ko sa kanila. Although the good part rin naman is that sinabi na rin naman nila na sa akin lang naman ang pera ko eh!

mslcgrey

  • Guest
As most of our sisses here said, I also believe it is not our obligation. Obligation ng parents to support their children. They have to do their best to give them food, shelter, education,and other things. As children, we have a choice to help our parents especially once we start working. Ako nung magkawork ako, ayun may share na ako sa bahay. I buy groceries every sweldo. Since kaya ko ng buhayin yung sarili ko dapat hindi na ako nakaasa sa mom ko for all my needs so instead na magrent eh bumibili ako ng groceries as parang kapalit ng pagtira ko pa rin sa house.
When all of us had work, nagkaroon na kami ng monthly share sa bahay since lahat kami nakatira pa rin dun. By the way, my dad passed away when i was in my 4th year high school. Fortunately, may pension kami natatanggap sa SSS and also sa work niya. Nung wala pa kaming 21 years of age, lahat kami may portion dun sa pension but as we become adults ayun nawawala din yung portion namin. Ngayon, yung sa mom ko na lang ang natatanggap.
Once umalis na ako sa bahay, putol na rin yung monthly share ko. Though ako I plan na magbigay sa Mama ko ng a certain amount of money every now and then for her wants like magpasalon o gala sa mall. Ganun lang... If my emergency, kung meron naman ako pwede ako tumulong but that is simply my choice.
Nakakainis na merong magulang na umaasa na lang sa mga anak nila. I know iba iba ang status ng buhay natin but for those parents na medyo ok naman financially eh I guess it is a very good idea na meron silang plano kapag nagretire na sila like a small business or savings or pension. I have a friend na nag-early retirement yung dad niya when she was still in hs. May natanggap silang money sa company but since they have opted to have it in lump sum mabilis din naubos. She was not able to finish college, sayang because she is intelligent at alam mo di magloloko sa pag-aaral. Napilitan siya magwork agad to support herself, her parents, and her brother. Right now, she is in abroad. She is paying for their house tapos may allowance pa yung family. Before kahit bro nya na of working age na naman eh siya pa bumubuhay but fortunately nag-abroad na rin. Hindi niya maisip na magkaroon ng srailing family kasi nga ang dami nyang obligations.
I don't want my children to have that kind of obligation.

sonia62

  • Guest
hindi obligasyon ng anak na buhayin ang magulang. pero dahil sa pagmamahal natin sa magulang natin, tulungan at gabayan natin sila lalo na sa pagtanda nila kasi kung di naman dahil sa kanila eh wala tayo sa mundong ito. lalo na kung ang magulang natin hindi naman nakapagipon para sa pagtanda nila.

jhenpretty

  • Guest
Sa aking opinyon, hindi po obligasyon ng anak na buhayin o tulungan ang magulang. NGUNIT kung sa iyong palagay kailangan ng iyong mga magulang and tulong mo bilang anak, dapat lamang na tumulong tayo sa kanila. Ito ay paraan ng pagpapakita sa kanila na mahal natin sila at iginagalang.

pinkberries

  • Guest
hindi naman obligasyon, pero like what other sisses here mentioned, dahil sa pagmamahal natin sa kanila, tutulongan natin sila when they need our help.  i remember when i had my first job, i promised to myself to give half of my salary to my parents.  hindi na ako nakatira sa kanila noon, and i paid my own bills na.  even if they didn't ask for help, i gave them my monthly share.   i made that practice as my inspiration to earn more, ayoko maramdaman na pabigat sila sa akin.  my dad is still working and he's not asking anything from me, ako pa nga ang naglalambing minsan, hehe.  pero i opened a trust fund (balanced fund uitf) for him, in case he needs it in the future.   

mas mabuti naman talaga na tumulong sa magulang, basta sa magulang lang.  ;)  hindi sa pamilya ng mga kapatid, or mga pamangkin.  ibang usapan kasi yon para sa akin.  okay din na mag-ipon ng maigi ang anak para makapagtayo ng business para sa kanyang magulang.   :)

luckymommy88

  • Guest
kami naman ni hubby what we did is pinatayo namin sila ng negosyo. we bought a small lot where they could plant and open a small store para sa everyday consumption nila. we are also educating them on how to save and invest yung kinikita nila. baby step lang ito para eventually mafeel nila ulit yung independence kahit na matatanda na sila.

cutiemom5775

  • Guest
for me hindi rin obligasyon ng anak pero dahil parents natin sila more on kelangan natin silang tulungan. Sa family kasi namin yung eldest sister ko talaga ang nag support sa amin though may work pa naman yung father ko before si ate ko talaga ang tumutulong sa kanya sa mga gastusin sa bahay si mom kasi house wife and anim kaming magkakapatid so hindi talaga kakayanin kung father ko lang mag wowork. Now na meron na kaming sariling mga pamilya at matatanda na yung parents ko si eldest sister ko ang kasama nila sa house and syempre lahat kaming magkakapatid tumutulong sa kanila not because obligasyon natin kundi dahil parents natin sila at mahal natin sila...  :)

yukishih

  • Guest
Sa family namin hindi ganyan. We were not obliged na buhayin ang magulang like most of the sisses here sobrang capable ang parents ko to live a comfortable life even without our help. As a matter of fact tinutulungan pa kami magkakapatid and they still want to earn so much para daw for us. I have lived a comfortable life and was able to get what I want because of my parents. Pero kahit na hindi kami inoobliga I personally would really loved to return all their love and care na binigay sa amin. It has always been my dream na makita sila na nag eenjoy na lang at patour tour ng wala ng worries. I want to give them the best talaga.
Sobrang grateful lang talaga ako sa kanila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close