watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191672 times)

bettyboop1322

  • Guest
^no sis. di nagbibigay si hubby kay MIL, pension nya yun sa SSS yung 8thou+, masama pa ba yun sis sa solong katawan at may sariling house? to think na kami ang kumukupkop sa anak nyang disabled (deaf/mute) that she totally abandoned, as in wala na syang pakialam. Naku sis, sinabi mo pa, sacrifice kami magkahiwalay para makaipon for our kids' future & di para pang waldas nya at sa lalaki nya. Sorry sa mga words ko di ko mapigilan kasi ang layo nya sa mom ko eh. Parang inoobliga nya si hubby na kailangan meron din pinapadala sa kanya regularly. Di naman nagkukulang si hubby, pag need ng pera sa gamot nagpapadala, nagpadala sa kanya ng jewelries, digicam, celphone, etc... Wag naman sana abusado.

Purple_Power

  • Guest
^Grabe naman to think may pension naman pala siya inoobligahan pa niya hubby mo and consideration naman niya sana na may pamilya na hubby niya. Siempre priority ng anak niya ang unahin ang sariling pamilya niya which is kayo. Hindi ang magulang.

bettyboop1322

  • Guest
^Exactly sis. Kaya mas lalo kong minahal ang mom ko kasi napakaswerte ko pala at di ako nagkaron ng ganung nanay pero malas pa din pala at MIL ko sya.. hahaha...

Purple_Power

  • Guest
^Yun lang nagkaroon ng Monster In Law.  ;D joke!!!!

Priceless

  • Guest
Sa ibang bansa, the government has a very good education program up to university level na either libre or nagbibigay ng subsidy or loans ang government para makapag aral ang mga bata. Sa Pilipinas kasi, unless mag public school from grade school to high school at makakuha ng scholarship sa isang magandang university, gagastos at gagastos talaga ang mga parents. Lalo pa na karamihan ng kabataan ngayon, hindi naman namumulat sa "working student" type of lifestyle.

Dagdag nyo pa na hindi naman ganun ka ganda ang health system sa Pilipinas na talagang magbabayad ka pa rin talaga kung magkasakit ka.

So kung titingnan nyo, aside from gastos ng mga magulang for schooling, dapat naghahanda na rin sila for their own retirement and sometimes talagang may ma-sasacrifice sa dalawang yun lalo pa kung hindi naman malaki ang sweldo ni nanay at tatay.

Sa bandang huli, by the time na matapos silang gumastos sa schooling ng anak nila (na sometimes na eextend pa dahil pa iba-iba ng course o di kaya parating repeat dahil bagsak ang grade), halos wala silang naipon for their retirement. Hindi naman ibig sabihin na after makapagtapos at magtrabaho at magsarili nang buhay ang anak nila, titigil na ang gastos pati ng pamumuhay si nanay at tatay diba? Syempre by the time makapagtapos ang anak or mga anak, malapit na rin silang mag retire so yung income nila at yung opportunity to save money, hindi na ganun ka laki.

So kung tutuusin, parang investment ng mga magulang ang pagpapaaral - na sana by the time nag mature na ang investment nila, may return silang makukuha.

Personally, ginawa kong obligasyon na tumulong sa magulang ko. Kahit ano mang kailanganin nila, sagot ko. Pero thankfully, responsable naman din ang parents ko na alam kong hindi sila manghihingi ng basta luho lang, at kung kaya nilang ayusin o gastusan sa sarili nilang ipon, alam kong gagastusan nila. Dahil alam kong ganun sila, ako pa mismo ang nagsshower sa kanila ng kung ano mang luho na pwede kong mabigay.

chedz.03

  • Guest
Sis priceless- agree ako sa lahat ng sinabi mo... Parents ko rin di sila nagsasabi samin na obligasyon namin na sustentuhan sila... Kahit paano may income pa sila kahit konti mgayon at kahit di ko sila bigyan eh makakaraos sila plus both sila magiging pensyonado pag 60 na sila pero ako mismo sa sarili ko ang nagkukusa na magbigay ano man kaya ko kasi napakasarap kaya makita ngiti ng magulang mo pag may binibigay ka sa kanila maliit na bagay man o malaki. Lalo pag nasasabi ng mga kamag anak o kaibigan na mabuti pa parents ko di natitiis ng anak nya...

m_lim

  • Guest
hindi obligasyon. pero isa kasi ito sa ugali ng mga Pilipino.

mag anak ng marami para buhayin sila. ngek.

Purple_Power

  • Guest
^Honestly that is sad reality. Investment ang anak. Habang maliit pa kayo pamumukha sayo ng magulang na hirap na hirap silang kumita ng pera tapos magagalit kapag ang anak nila puro laro lang ginagawa. Sabay pagtanda niyo at nakatapos na ng pag-aaral sasabihin sayo ang laki ng nagastos nila sa pag-papaaral sa inyo. Hanggang sa magtrabaho ka na kasi obligasyon mong tumulong sa pamilya mo sabay sasabihin pa sayo huwag ka muna magboyfriend o mag-asawa dahil kailangan nila ng tulong mo. Tsk tsk tsk!!!!

cha_kobi

  • Guest
It is indeed, our duty to help. It is not about feeling ‘obliged’, it is about duty of care. And it is also, above anything else, ‘love’.

At the end of the day, if our parents needed financial help from us, then we would find it, no matter what.

It is the duty of every right-thinking son and daughter to tend to the needs of their elderly parents if they need our help.
« Last Edit: September 13, 2012, 10:26:19 pm by cha_kobi »

zieaja

  • Guest
pa join...sisses para sa akin hindi siya requirements pero as anak siguro obligasyon natin mga magulang natin. nakapagtapos man tayo o hindi basta we're on the right age na para kumita obligasyon talaga siya. lalo na kung walang wala talaga sila, hindi kasi lahat nang magulang nkapag prepare na para sa mga sarili nila sa pagtanda dahil mas priority nila tayo, kaya sana naman pag time na kaya na natin na tayo naman ang magparaya para sa kanila gawin natin, wag nalang tayo magreklamo...someday magiging parents din tayo..at gaya nang iba hindi talaga tayo maggiging perfect parents pero gagawin natin ang lahat just to prioritize our children..kaya pag tanda natin makakalimutan din natin ang para sa atin, hindi siya isang simple lang na responsibility pero isa siyang walang katapusang obligasyon, bakit pag nag asawa ba kayo at walang wala magulang niyo kakalimutan niyo sila? titiisin niyo sila? diba hindi? kasi hindi talaga natin sila matitiis. unless iresponsible ka na anak...

sa iba nating sisses dito wag sana ninyo pangunahan ang mangyayari lalo na kung di niyo pa alam ang future niyo. tandaan niyo magiging magulang din kayo in the future baka kainin niyo lang sinabi niyo na hindi maganda sa mga magulang ninyo!

chedz.03

  • Guest
sis zieaja- super like... :)

snix

  • Guest
for me hindi siya obligasyon pero parang kapalit naman ng paghihirap nila na igapang kami sa pagaaral.. modesty aside, kami ng kuya ko nagaral sa isa sa mga top universities na hindi buro ang tuition..umaabot ng 100k ang isang sem.. to think nagsabay pa kami ng college..

nakita ko kung pano igapang ng magulang ko yung pagaaral namin sa tuwing bayaran na..kulang kasi kinikita.. ang nanay ko kung ano anong raket ang naiisipan gawin magbenta ng yelo, manahi at kung ano ano pa..ganun din ang tatay ko..

sa nakita ko i think it's just right na kami naman ang magabot sa kanila..hindi siya parang utang na dapat bayaran pero sa dinanas nilang hirap sa pagpapalaki at aral samin hindi ba tama lang na magbigay kami? ang walang kwenta naman namin kung ganun..

though kahit kelan hindi kami inobliga na magbigay kusa kami nagaabot o kaya tumutulong na sa bayarin sa bahay.. at kahit magasawa pako magbibigay pa rin ako..kung pwede ngalang sitting pretty magulang kl eh kaso ayaw pa tumigil mgwork

the sad reality is that karamihan sa mga pinoy anak ng anak sa pagasang eto magaahon sa kanila sa kahirapan.. in short inoobliga nga nila


zieaja

  • Guest
chedz.03- Sis kmusta kana? update ka sa kabilang thread excited kami for you...he he. btw opinion ko lang yan sis. iba iba naman din tayo nang paniniwala...para sa akin kasi vise versa lang siya. while di pa natin kaya nandyan parents natin for us, pag time comes na kaya na natin at di na nila kaya tayo naman ang andyan para sa kanila. intindihin natin parents natin why they always say "SUMBAT" kasi syempre tao lang din sila napapagod din, intiative nalang sana natin na mag offer sa kanila, at may isa akong napansin, mga anak lang na iresponsible kadalasan pinagsasabihan nang mga sumbat nang magulang...pero ang mga anak na may initiative, sobrang proud sa kanila parents nila...parents pa nila magsasabi na "wala akong masabi sa anak ko, sobra sobra na sacrifice niya sa amin".

zieaja

  • Guest
chedz.03- sis tama ka dyan, ang sarap nang pakiramdam sa tuwing nkakapag abot tayo sa parents natin, lalo na pag sasabihin nang nanay mo na "SALAMAT anak" nakakataba nang puso...share ko lang on my own experience kasi noong nag aaral pa kami nang elementary at high school super bongga! binibigay sa amin lahat nang gusto namin, ayaw nang parents namin na maiyak kami dahil may gusto kami na di nila kayang ibigay nang mama ko, kaya lahat ginawa nila para sa amin. after graduation nang kuya ko naghirap kami di ko sinasabi na mayaman kami kasi hindi naman din talaga kami mayaman nagagawan lang nang paraan para mapagbigyan kami sa gusto namin. college ako nagworking student ako dahil may sakit na papa ko at mama ko nagresign from work dahil para mapalaki lang kami nang maayos. in short di na nila naisip mga sarili nila. kaya in return ginagawa namin lahat nang makakaya namin for our mother kahit may sarili na kaming pamilya, per sweldo nagbibigay talaga kami ni hubby, si ate ko nagbibigay din kay mama, si kuya ko ganun din nagbibigay din, kahit may pera naman mama namin...nagbibigay kami kasi yun lang ang way to show her that we loved her. pagmamahal siya. kaya naging obligasyon siya kasi part na siya nang monthly budget mo. wag niyong sabihin sa magulang ninyo na responsiblity nila na pag aralin tayo at alagaan...bakit matanong ko kayo ikaw anak anong responsibility mo sa magulang mo? kung responsibilidad nila na gawin sa atin yun, tayo ano responsibilidad natin sa kanila?? kaya sana before mag comment nang ganito isipin niyo may magulang kayong nasasaktan sa mga comment niyo!

kvandenhaak

  • Guest
sa iba nating sisses dito wag sana ninyo pangunahan ang mangyayari lalo na kung di niyo pa alam ang future niyo. tandaan niyo magiging magulang din kayo in the future baka kainin niyo lang sinabi niyo na hindi maganda sa mga magulang ninyo!

I am a parent myself and I don't feel any morsel of sympathy for parents obliging their kids to help them after they finished school. THAT IS TOTALLY UNFAIR! That's just how it is. I chose to have a child then it is my responsibility to raise and give him the best that I can give. I chose him, he didn't choose me as a parent. The kid can't wait til he's 16 so he can work. I can't wait til he can take care of himself. That is all I'm asking really. If he can take care of himself, I am happy. That means I have done my job. If he can't help me later in life, I will definitely not take it against him. Obliging your kids to help you is basically robbing them of their future.

zieaja

  • Guest
kvandenhaak-Sis ilang taon na anak mo? kung in the future lalaki na mga anak mo i'm sure kahit di mo sabihin sa kanila siguro gagawin din nila kasi mahal ka nila tulad nang pagmamahal mo sa kanila. opinion ko lang yun. kahit naman magulang ko hindi kami inubliga pero we have our own initiative to give kasi paraan namin yun para makabawi sa parents namin. bakit unfair? unfair ba na kung kaya mo naman obligahin magulang mo bakit hindi diba? kailangan paba sabihin nang magulang mo na oi anak wala akong pera, wala akong gamot ikaw naman bahala sa akin ngayon! siyempre ikaw anak di kana dapat mag antay pa na mangyayari yan diba?

chedz- nku sis same feeling and opinion tayo pag dating sa ganito...when i got married ngayon ko lang din naintindihan ang mga bagay na to. kaya ang gaan nang loob pag nakikita mo silang masaya. and i'm sure malaki pasasalamat nila kay lord kasi napalaki nila nang maayos mga anak nila na kahit hindi man sila biniyayaan nang maraming salapi pero andito tayo ngayon maayos ang buhay at dahil yun sa pagsisikap nila. kung proud daughter tayo sa kanila i'm sure proud parents din sila para sa atin.

zieaja

  • Guest
chedz- agree ako dyan sa sinabi mo malaki o maliit ang naging kontribusyon nila sa atin ay responsibilidad pa din natin sila sa pagtanda nila. oo sabihin na natin na yung iba dito naka prepare na financialy sa future nila...ang tanong naman ngayon may pera nga kayo hanggang saan naman ang kaya niyo? pag matanda na kayo? saan at kanino kayo lalapit diba sa mga anak niyo? kaya realidad ganun talaga ang buhay di mo matatakasan ang katotohanan! sis chedz ang kwento mo reality talaga yan. may mga kakilala family namin na ganyan mga anak nila mag asawa lahat profesional, may pangalan na, kaso nakakahiya kasi di nila naalagaan magulang nila, nagkasakit na lahat lahat di pa madala sa ospital kahit lahat nang anak may kaya. to think may doktor pa siyang anak! namatay parents nila syempre dahil patay na iniyakan na, pero after libing di man lang maisip ang 9 days,40 days at death anniv napapasyalan lang pag november. may guts pa ang magkapatid na pag awayan ang lahat nang naiwan nang magulang nila. ngayon kaninong kahihiyan yun? syempre sa mga anak din. nakakainis yung mga anak na mayayabang porket may narating mayabang na...na para bang ang dating pabigat sa kanila ang magulang nila? isipin sana natin kung wala sila wala tayo ngayon sa tinatayuan natin...

cha_kobi

  • Guest
If you REALLY love your parents and you accept the fact that you OWE them your life...

this is not an ISSUE  :)

Purple_Power

  • Guest
Hindi naman nangangahulugan na may mga comment yung sisses rito against their parents eh! hindi na nila tutulungan yung magulang nila. Understood naman na tutulong pa rin ang mga yan kahit ano pa ginawa ng magulang sa kanila. In other terms hindi naman meaning nun is ayaw nilang tulungan magulang nila kahit gaano kasakit yung pananalita na binitawan ng mga magulang sa anak nila.

There is nothing wrong if they want to express their bad experiences towards their parents. Natural lang mag react diba? Alam naman natin na iba iba ang tao diba? Iba iba rin ang nararamdaman at normal na magkakaroon ng violent reaction kapag ang magulang may hindi magandang ipinakita sa anak. Hindi mo maaasahang magiging pare pareho ang ugali ng mga anak na maging humble, sobrang bait, magkaroon ng tolerance dahil una sa lahat may limitasyon pa rin ang lahat ng bagay. Ano kaya mararamdaman mo kapag pinamumukha sayo na utang na loob mo yung existence mo rito sa mundo? Minsan nga nakakaramdam yung iba na istorbong anak sila dito sa mundo. Ano rin kaya mararamdaman mo na tinutulungan mo na nga sila pero ikaw pa masama? Swerte mo kung ikaw yung tipong tumulong sa magulang tapos in the end they acknowledge your hard work.

Being a parent is still a decision and a choice. Hindi naman ito same aspect na sasabihin mong balang araw tatanda ka rin. Kaya nga bilang magulang hindi lang finances ang dapat mong unahing paghandaan. Ang dapat mong gawin ay kung paano mo palalakihin ng maayos ang anak mo at yung hindi iparamdam sa kanya na utang na loob niya ang existence dito sa mundo. Hindi niyo ba naoobserbahan sa kahit sa ibang bagay? The more na pinararamdaman niyo yung tulong niyo the more na nawawalan sila ng gana to reward it back kasi pakiramdam nila they've already paid everything. Ano rin kaya mararamdaman niyo minsan kapag sinabihan kayo ng magulang while asking help eh! ang banat sa inyo ay "tapos na ang obligasyon ko sayo?" Isn't that unfair? Parang na rin niyang sinabi na tapos na ang pagiging magulang ko sayo. Kaya kung magdesisyon kayong magpamilya hindi dapat maging talamak ang puro pera pera na lang ang usapan.

kvandenhaak

  • Guest
kvandenhaak-Sis ilang taon na anak mo? kung in the future lalaki na mga anak mo i'm sure kahit di mo sabihin sa kanila siguro gagawin din nila kasi mahal ka nila tulad nang pagmamahal mo sa kanila. opinion ko lang yun. kahit naman magulang ko hindi kami inubliga pero we have our own initiative to give kasi paraan namin yun para makabawi sa parents namin. bakit unfair? unfair ba na kung kaya mo naman obligahin magulang mo bakit hindi diba? kailangan paba sabihin nang magulang mo na oi anak wala akong pera, wala akong gamot ikaw naman bahala sa akin ngayon! siyempre ikaw anak di kana dapat mag antay pa na mangyayari yan diba?

He is still young nasa Grade 3 pa lang. Initiating is totally different from obliging. I am replying in the context of obliging and as a parent. Of course it is totally unfair to oblige him to help me when he grows older. So palagay mo fair ang mang-obliga just because you raise them? So having kids are investments?

You know me and my boss were talking about this. Isa lang ang sabi nya, she doesn't want her kids taking care of her when she's old. Same with my byenan, ilagay na lang daw sya sa old age home care. She's probably already senile to really know what is happening daw. That is the difference between our culture and theirs. Living with dignity is more important to them than to be comfortable. I'm sure their kids are not going to abandon them but as far as these people are concerned, they are their own problem. No wonder they are mas maganda ang quality of life nila dito.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close