hello, tanong lang po if ok sa Antipolo?, naghahanap kasi kami ng mom ko ng bahay, ayaw ko sana sa south malayo sa work sa Ortigas kasi ako.
anong subd o developer na ok? TIA!!
Dati ayoko sa Antipolo sis dahil ang layo and ang work ko sa Ortigas din. Pero mas okay pala talaga dito in terms of commuting ha. Pede ka kasi dumaan sa South or East. Kasi you have two choices para makapunta sa Ortigas.
1) Sumulong to Marcos Highway - If you opt to ride LRT2 - Cubao
- then Cubao bus to Ortigas
- or MRT to Ortigas/Shaw Bldv Station
2) Junction - Ortigas Extension- Antipolo Simbahan Terminal is near Mang Inasal and meron isa pa sa tabi lang mismo ng 7eleven. Malapit lang yan sa Simbahan ng Antipolo
- Antipolo Simbahan terminal - ride a shuttle going to Ortigas for P50
dadaan ng muna pababa ng Tikling - Robinsons Cainta - Rosario - Jennys - Meralco Ave - Strata or Caltex(depends sa driver) - Robinsons Galleria - Megamall
mas convenient kapag sa terminal ka sasakay papuntang Ortigas.
From Ortigas to Antipolo meron ka rin 2 choices syempre1) Ortigas to Cubao (if you want sa Marcos Highway dadaan)- ride a bus going to Cubao
- lakad ka lang sa Farmers puntahan mo terminal malapit lang sa akyatan ng MRT. Meron dun shuttle na Antipolo for P50 ang daan nila Marcos Highway - Sumulong
- dadaan muna sa SM Marikina, Ligaya, Sta.Lucia East Grand Mall and Robinsons Metro East, Masinag, then Sumulong Highway na
kung nightshift employee ka:- meron sa Metrowalk dumadaan na mga shuttle ng Marikina Pay P25 at bumaba ka sa Marcos Bridge yun ilalim ng riverbanks. Tapos sakay ka nalang ng Antipolo jip for P22 deretso na simbahan
- meron ka rin makikita sa Metrowalk na dumadaan na Masinag - Marikina na shuttle. Pababa ka naman sa SM Masinag for P30. Tapos same lang sakay ka ng Antipolo jeep for P18-20 naman
- sa Strata ka tumambay usual na babaan ng mga tao dadaan yung Marikina Shuttle or Antipolo shuttles(either Sumulong or Tikiling Junction dadaaan. Ask ka nalang)
- sa Medical Plaza Ortigas (near megamall) meron din mga shuttle ng Antipolo pero lahat sila ang daan ay Junction Tikling.
Reminder: Lahat ng Marikina shuttles na dumadaan sa ilalim ng Riverbanks sa Marcos Bridge, hanggang 12pm mo lang sila makikita nag iikot ng Ortigas. After nun kasi hindi na sila bbyahe at sa gabi na ulet ang balik nila sa Ortigas at makikita mo nalang sila sa Terminal ng Megamall. According sa mga driver na pinagtatanungan ko hehe
2) Junction Tikling - Antipolo shuttles- makikita mo sila sa Megamall nagbababa.Pede kana dun maghintay sa likod ng megamall. Yung sa entrance ng Supermarket yung may car park
- meron din dumadaan sa tapat ng Medical Plaza Ortigas(see above)
- meron din syempre sa likod ng Robinsons Galleria pero ask mo nalang kung Sumulong or Junction ang daan

So yun sis kelangan kung taga Sumulong Antipolo ka edi Sumulong dapat. Kung malapit ka sa Simbahan kahit anong shuttle they all end up sa Antipolo Simbahan. Pero kung gusto mo makauwi ng mabilis dahil di mo masakyan yun tamang way (Sumulong or Junction), magputol putol ka nalang ng byahe. Makita mo naman above kung ano mga dadaanan nung mga sinabi kong shuttle at jip. Ako dati talagang kahit anong shuttle nalang ng Antipolo tapos baba nalang ulet hanap ako ng Cubao na jip kung sa Sumulong or Tikling kung pa Junction yun bahay mo.
*I hope this helps

Kung gusto mo North..sige sabak lang sa EDSA kung yun ang trip mong uwian sis hehe

Kung gusto mo sa Cubao ..ganun din sa EDSA ka dadaan..
Kung gusto mo sa Quezon City.. uhh ang complicated ng byahe non
kung sa Montalban Rizal.. ang shuttles lang nila lahat papuntang Cubao.
PERO kung gusto mo Marikina ayan meron din sila back and forth shuttles.

Sorry OT!! sinagot ko lang si sis natin hehe. Based from my experience talaga gusto ko kasi convenient palagi byahe ko haha
para OT naman.. Worst Housing Developer ay
Borland!!

imagine natapos na kami ni hubby sa equity nung December 2014 pa hanggang ngaun di maturnover. DI RAW NILA ALAM depende raw dun sa pinagsa-submitan na Deeds tapos approval ng Pagibig. Nakapag seminar na kami eh sila pa nagpadala samin dun. Tapos etong nakaraan lang sinabi na nalipat na sa name ni hubby yun bahay. So ngaun antay pa ulet kung kelan kami finally makakalipat. Dyusmio hindi totoo talaga yung "after equity" makakalipat kana! sus!
