Kaya pala ayaw kumain ng anak ko ng banana, ayaw niya nung ima-mashed ang banana, gusto lang niya yung ini iscoop ko ng pakonti konti ng spoon yung laman ng banana, then isusubo ko na sa kanya, ay naku ang daming nakain.
My boy is turning 11 mos. sa Aug. 11, kumakain na siya ng table food, kaya mga ulam namin ngayon palaging may sabaw, plus kanin na minashed ko ng fork.
Nakain na din siya ng Jollibee spaghetti and fries, pati mojos ng pizza hut LOL.
He loves ice cream too, and breads, basta hihimayin ko lang ng pakonti konti, kahit dadalawa pa lang ang ngipin, matakaw na siya, nakakatuwa.
Hindi din ako nagpapaka stress sa food niya, ang baby naman eh more on sa food taste lang talaga at this stage, sa milk naman talaga sila kukuha ng madaming energy na need nila.
Payo lang mga sis, huwag sanayin ang baby ng pureed food, dapat may texture ang pagkain, kasi kapag nasanay yan ng pureed tatamarin yan mag chew, ang ending kahit malaki na, may tendency na ang gusto lang niya pureed, sabi yan ng pedia ko.
Kaya ako talaga, ang pang mashed ko lang ng mga food niya sa simula eh yung fork, kaya nasanay si baby na may texture yung kinakain niya, until now.