@
ironlady:
1) pano kung bus lang papuntang vigan? super layo ba? commute lang kasi kami
8 hrs. po by bus pag daytrip, around 7 hrs. pag night trip kayo. I suggest riding Partas, Viron transit or aniceto trans. They have stations inside Vigan.
2) gusto ko naman may beach sana.. malayo ba yung thunderbird o ilocos resorts sa vigan? ilang oras ang byahe at ano ang sasakyan? para makapgsurf sana.. o kaya daytour man lang sa thunderbird?
Thunderbird is located in Poro Point La Union which is around 3 hours away from Vigan. Out of Bus route sya, meaning malayo sa main highway. Pero if you want to go there, sabihin nyo na lang sa bus ibaba kayo sa papunta ng thunderbird (San Fernando La Union) then I guess tricycle na alng kayo papasok.
Kung surfing ang gusto nyo, why not sa San Juan La Union na lang kayo, at least dun famous for surfing talaga and there are resorts along the highway lang, so nasa bus route sya.
Kung Vigan naman kayo, may resort na although hindi white sand, eh ok naman blue waters and mababaw lang kahit medyo malayo ka na sa tubig

It's called Cabugao Beach Resort, located in the town of Cabugao Ilocos Sur, 45 mins. away from Vigan. It's just along the hway kaya nasa bus route ka. May website ata sila, just check it. ANd I suggest e magdala na lang kayo ng food kasi minsan yung canteen nila dun konti lang pagkain, although may drinks. Pwede swimming lang dun, may fee yata then may mga beach huts din sila.
Pero nandito na rin kayo sa North, why not proceed to Pagudpud?

3) may masusuggest ba kayo na itinerary kung ang alis namin friday night, tapos balik kami sa manila ang alis e sunday noon?
Kung Vigan lang, kahit kalesa tour lang kayo, ride the calesa and they'll know where to take you..pero i suggest e magresearch din kayo para di sayang sa oras

As in kahit half day lang pwede na malibot ang Vigan so pwedeng pwede kayo mag-tour hangang pagudpud. 150 per hour ang kalesa rate.
4) pano ba nagwowork yung mga tours nila glenn, lenzer, etc.? recommended ba silang kunin given eto lang yung time namin dun.. 2 lang kami ng fren ko.
i haven't tried these so siguro yung mga other sisses na lang sasagot
