we we're booked at Terra Rika.. we chose the suite room para sana makapagrelax from long travel.. pero waleyy!
imagine, sira ang stopper ng bath tub... so walang bath tub, binigyan kami ng timba!

never kami nakaconnect sa wifi.. tabing tabi ng reception ang room namin ha.
may ipis sa loob ng CR.. nung gumising ako ng madaling araw to use the CR, ayun bumulaga ang ipis.
walang signal ang cable.. cartoon network lang ang channel na makikita.
food from the resto is a big disappointment, as in! sa mango shake nalang kami nagpakabusog.
yung order ng anak ko na inihaw na liempo.. puro taba!
tapos may isang group na nagpareserve dun, 1 bus sila, more than 40 people.
nagpa-"exclusive" ata for breakfast. may choice sila ng food to serve for them ng breakfast.
nung dumating kaming mga other guests, sinabihan kami na 8am pa ang breakfast namin, mauuna daw kasi kumain yung mga 40+ na guest.

so umangal kami... bakit ganun, pare-parehas kaming guest dito... I even asked them ano ang breakfast naming mga guest, sabi danggit and egg daw.
i saw the breakfast for the group, danggit, egg, corned beef, mixed vegetable, fruits and fried fish.
nagalit na rin yung ibang guest, bakit hindi ready ang breakfast for others, bakit mauuna ang iba.
ayun, pumayag din yung staff na kumuha na kami ng food dun sa sineserve sa 40+ na guest.
ito pa, ang kape is nescafe 3-in-1...hihingi ka pa sa counter nila! kalagitnaan, naubusan pa sila, at bumili sa store sa labas!

hayy ewan.... talagang feeling namin we were robbed of that 7500 per night na rate.
we've been to bora, palawan, tagaytay, subic etc... kaya we can't help but compare.. ang milya ng difference.
customer service palang, walang wala na sila. wala man lang ngingiti at mag-go-good morning syo.
walang manager na pwedeng humarap, puro staff lang.
sabi pa nila, ayaw daw gumana credit card nila, nung nagagalit na isa customer kasi wala dalang cash.. ayun gumana naman na!