watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176525 times)

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #460 on: January 16, 2015, 05:38:33 pm »
Reading this thread made me realize madami nadin pala akong experiences pero lahat bata pa ko. pero hindi naman intense and basically harmless (or so I think) unlike sa ibang mga stories dito.

Sa province namin dati, buong pamilya as in lahat ng mga anak ng lola at lolo pati mga pamilya nila nakatira sa iisang bahay lang. Nasa kaloob looban sya. Magkatabi yung dalawang bahay, yung isa sa bahay naman ng kapatid ng lolo. Yun lang ang mga bahay dun. Napapalibutan ang mga bahay ng napakalawak na bukohan. Madaming malalaking puno like santol and mangga. Aware naman ang mga matatanda na marami kaming kasama sa bahay. meron kaming sariling bahay na maliit lang malayo dun pero dun pa rin kami madalas mag stay kasi masaya dun madami kami.

8 yrs old ako, lahat nagpunta sa hospital kasi manganganak ang tita ko. Ang natira lang sa bahay, ako at yung isang kasambahay. 4 ang kasambahay nung time na yun. The other 3, nasa hospital. Nanunuod ako tv when nagulat ako sumilip si yaya F. Ulo nya lang kita. Tinitigan lang nya ako wala naman sinabi tapos umalis na. Akala ko dumating na sila kaya lumabas ako, wala pang tao pumunta ko sa kusina sabi ni yaya G na kasama ko, wala pa daw sila.

Around that time din, madami akong alagang aso. Etong isang malaking aso, nangangain daw ng mga pato at gansa so papatayin na lang daw. Sobrang heartbroken talaga ko nun di ako tumigil kakaiyak nagkulong ako sa isang kwarto. Labas masok ang mga tao dun to comfort me pero di ko sila pinapansin. Then naramdaman ko me pumasok, umupo sa bed. Ramdam na ramdam ko kasi malambot ang bed and parang may weight sa isang part. Nagtataka ako walang nagsasalita. Paglingon ko walang tao pero yung weight sa gilid ng bed andun.

Nung 9 or 10 yrs old ako, nagkaron na kami ng sarili naming bahay na malaki malapit lang din dun pero di na sa area na yun. Since bago pa lang, dun pa rin ako madalas matulog sa bahay ng lola. Then one time umuwi ako samin sabi ni mama wag na daw ako matutulog sa kabila kasi sinabi sa kanya ng tita ko (na super daming encounters sa kanila) na may nakita daw syang lalake na nakatayo sa dulo ng bed ko tinitingnan ako. (Isang room lang kami ibang bed).

Dun sa maliit na bahay na nabanggit ko. Parang temporary house lang namin, madami din ako na experience. Nagstart yun nung kinalkal namin ang lumang family computer tas naglaro kami. Isa lang ang room nun so sa sala ako natutulog kasama ang maid. Kinagabihan nun nagising ako kasi naramdaman ko na may kumakalkal ng family computer sa lalagyan. Super lapit ko lang dun. Di nako gumalaw sa sobrang takot. Then naging sunod sunod na yun every night. Lagi akong nagigising, may naglalakad sa kusina, bubuksan pa yung ref tapos lakad2 lang. Dadaan sa tabi ko. Di ko alam kung magnanakaw lang or what. Either way baka mamatay ako pag bumangon ako so di talaga ako gumagalaw. Wala namang nawawala sa bahay.

Then one night nasa kwarto sya nina mama. Nagkakalkal nung box namin ng mga laruan. Sobrang lakas na imposibleng di magising si mama o papa. Tapos biglang may nalaglag na laruan bigla sya tumakbo sa palabas papunta sa door (na nasa uluhan ko lang) tapos pinipilit buksan yung naka lock na door pero di nya mabuksan. Convinced talaga ko na magnanakaw pero kinabukasan tinanong ko sina mama kung may narinig sila o kung may nalaglag na laruan sa sahig wala daw.

Tapos dun naman sa bago naming bahay, mga 13 y.o na ko. Meron kaming laruan na cellphone, yung tumutunog pag pinipindot yung numbers. Tapos naiwan yun sa sala. Then yung room namin laging nakabukas, 3 kami sa kama ako yung pinakamalaput sa door. Nagising ako tumutunog yung laruan sa sala. Eh di naman tutunog yun kung walang pipindot. As usual nanigas na naman ako sa takot. The next day tinanggal ko na lang ang battery.

Me isang room kami na ayokong tinutulugan kasi corner sya tapos 3 yung windows malalaki sa uluhan ng bed, sa gilid then sa paanan. Sakop yung buong walls ng mga windows. Nagising ako may kumakaluskos sa bandang taas sa dingding sa labas. Sabi ko manok lang yan. Niloloko ko sarili ko kase hindi naman siguro kaya ng manok maglakad sa pader and to think mataas yun. Medyo malaki ang bahay namin para sa amin 3 big rooms sa baba at isang mas malaki pa sa taas. Tapos isang room lang sa baba and yung sa taas ang occupied. Minsan pa lahat kami sa taas natutulog so empty lahat ng rooms sa baba. Ngayon pa si mama na lang at bunso ang nandun. Pero yung recent na uwi namin wala namang something.

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #461 on: January 16, 2015, 05:54:05 pm »
Meron pa pala, sa bahay din na yun dun kaming lahat sa taas natulog. Katabi ko sister ko sa single bed. Nagising ako kasi kinakalabit nya ko as in kalabit talaga na hanggang nagising ako nararamdaman ko pa. Tinanong ko sya ano kelangan nya walang sumagot then paglingon ko tulog na tulog sya and nakatalikod sa akin.

Plus, i have COUNTLESS episodes of sleep paralysis. Kahit nasan ako. Simula nung high school hanggang college then nag subside ngayon pero meron pa din minsan. Ikkwento ko lang yung medyo mga kakaiba. Sleep paralysis diba is gising na ang utak mo pero ang katawan mo hindi pa so yung nangyayari, hindi ka makagalaw pero gising ka na. Minsan may mga hallucinations na nakikita. One time during an episode, hindi ako makagalaw then may kumikiliti sakin sa tagiliran ko. Alam nyo yung pangit na kiliti sa tagiliran. Super panget ng feeling kasi di ako makagalaw feeling ko mamamatay ako sa kiliti. Di rin naman ako makatawa. Then another episode, may tumatawa sa tenga ko tapos dumadami sila then bilang sumisigaw na sila sobrang lakas sumasakit na tenga at ulo ko. Another episode, nakakamulat ako ng konti, may nakita ako sa wall na batang babae, naka orange na dress tinitingnan ko face nya pero di ko maaninag thrn biglang nanlamig ang paa ko na umakyat sa buong katawan ko papunta sa ulo.

Sa ibang episodes, me nararamdaman akong humahawak sakin. Halik, himas, basta mahalay. Pero never pa naman yung talagang all out. Siguro imagination ko lang pero hindi eh. Di ako makagalaw eh. And parang totoo sya talaga super light lang.

erza0916

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #462 on: January 17, 2015, 07:08:23 am »
Tagal ko nang binabasa mga stories dito. Wala kasi akong experience sa ganyan. Sobrang lakas siguro ng protection samin ng lola ko. Sobrang religious kasi yun and nagpapasalamat ako sa kanya hehe. Anyway ma share ko lang yung sa husband ko..

Nung bata pa daw sya pinatayuan sila ng daddy nya ng malaking bahay. Sila ang first owner and sila talaga ang nagpagawa. Sa city na toh ha walang province. Anyway malaki daw talaga yun and nakita ko naman sa pics. 3 lang sila ng mommy nya saka kapatid nya nakatira dun dahil laging wala ang dad nya. Bata pa sila kaya sama sama sila sa kwarto sa first floor. Hindi nila naenjoy yung bahay kasi almost every night daw may naglalakad sa taas na may kadena at bumababa ng hagdan. Ilang blessing na at alay yung ginawa nila dun hindi parin umaalis.

Pinicturean daw nila yung buong bahay at pagkadevelop may nakasulat na "Sonny" sa likod. Sa lahat ng pinadevelop yung pic lang daw ng bahay ang may nakasulat. So tinawag na nilang Sonny yung multo. Madalas ding hindi sila makapasok sa bahay kasi nilolock daw nung multo yung bahay. Yung tipong may susi naman sila tapos unlocked sa labas pero hindi parin mabuksan parang nakalock parin sa loob. Kailangan pa daw nilang pakiusapan at sabihing "Sonny papasukin mo naman kami" para bumukas.

Eventually naghiwalay ang parents nya at kailangan nilang ibenta ang bahay dahil walang financial support ang tatay nila.

Nagpagawa naman ang mommy nya ng masmaliit na bahay na sakto sa kanilang tatlo so dun na sila lumipat. Yun na yung bahay nila hanggang ngayon. Pero meron parin daw dun.. isang beses nanunood daw silang magpipinsan ng TV. Yung lumang TV pa na pag pinatay mo parang may matitrang line sa gitna. Basta yung luma. Nanunuod daw sila biglang namatay. Tapos sa pinaka center ng TV may isang mata. Ewan ko kung right or left eye. Tapos gumalaw pa daw yung pupil. Parang tiningnan sila saka nawala.

Dun din sa same house hanggang ngayon may ibang nakakaramdam. Never pa ako nakaramdam dun kahit tumira ako sa bahay nila pero may friend kami na pag bumibisita may nakikitang lalakeng umaakyat sa hagdan. Hindi naman sila bnbother at sobrang bihira na nila makita or maramdaman

Isa pang story dun naman sa bahay ng lola nya. Maliit lang at luma na. Nagstay din ako dun pero wala akong nakikita. Pero one time gabing gabi na..hinuhugasan ko yung pinagkainan namin ng hubby ko ng midnight snack. Nasa kusina yung hagdan bigla syang sumigaw ng "Asa!!" kasi daw nung pababa sya may kamay daw na kukunin sana yung paa nya pero nakaiwas sya. Akala nya ako. Eh naghuhugas nga ako. Wala naman ibang tao dun kungdi kami lang.

prix

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #463 on: January 20, 2015, 10:02:06 am »
^^May mga Na-experience din ako na ganyan Sis. Ang dami ko ding Sleep paralysis nung single pa ako, nawala lang sya nung bliness ni Papa yung room ko. Lay Minister kasi si Papa so may mga alam syang dasal para sa ganyan. :) Pero last week lang or last last week na-experience ko ulit sya. Ganito yun, natutulog kami nung baby ko ng hapon tapos nakatagilid ako sa right side bali patalikod sa kanya tapos bigla akong para binangungot gising yung diwa ko pero di gumagalaw katawan ko. Nakita ko sa side ng mata ko na may kalaro or may naglalaro sa baby ko batang babae na blonde ang buhok, naririnig ko yung girl na tumatawa tapos nagsalita pa sya na ang kulit nito then nung titingnan ko sana yung mukha nya bigla nyang hinawakan yung hair & ulo ko na parang inikot nya para hindi ko makita mukha nya. :o Hindi ko malaman if mabait or nakakatakot ba yung batang babae na naglalaro sa anak ko kasi parang nagalit sya nung lilingon na ako para tingnan mukha nya. After non hindi ko na iniiwan mag-isa sa room namin yung anak ko or iwan ko man sya saglit na saglit lang tapos babalikan ko kagad.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #464 on: January 20, 2015, 08:24:24 pm »
^I somewhat agree with you sis. Sa ancestral house namin kase may elementals din. They liked my mom so much kaya nga kame lang ang tumagal sa house na yon. They didnt like my Dad though prolly cus my Dad was very matapobre.

prix

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #465 on: January 21, 2015, 09:13:13 am »
^^Ganun ba Sis? 1st time lang kasi nangyari iyon na sa baby ko naman nakita bangungot ko. Siguro nga engkanto yun, kasi nung single pa ako meron ding time na binangungot ako tapos may nakita ako na parang ang hitsura nya eh si Agua? (Agua Bendita) kung si Agua eh all white yung sa akin naman eh all black. Tapos parang sinama nya ako sa kaharian nila then lahat sila ganon ang hitsura siguro mga 5 or 6 yung nakasama ko, lahat sila mababait then ibang name yung tawag nila sa akin parang sinasamba nila ako tapos gusto nila mag-picture kami pero pag iki-click na yung cam nagigising naman ako. Twice na nangyari sa akin yung binangungot ako ng ganon nung una 2 lang kami na magpipic pero nung i-click nya na yung cam, nagising din ako.

-Nung pangalawang beses na nangyari sa akin yon naisip ko na bakit tuwing iki-click yung cam nagigising ako? if ever ba na matuloy yun at makasama nila ako sa picture eh hindi na ako makakabalik sa mundo natin? basta ang dami kong naisip nung time na yun. 

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #466 on: January 22, 2015, 11:53:31 am »
nabasa ko yong tungkol sa mirror sa may paanan ng bed.  e pano pag tv naman siya, e di ba kita pa rin reflection mo don, hehe....

meron din ako naexperience non sa bahay ng tita ko, kasi  2 lote yon, yong isa yong bahay tapos yong tabi ginawa nila sampayan at me grotto na maliit sa gitna, me mga halaman sa left side going to the main house' kitchen, tapos andon naman sa right yong cage ng aso.  both of that corners have mango trees.  sa gabi, madilim yong place na yon at ilaw lang ng grotto nakikita, e medyo gloomy pa yong ilaw.  iba pakiramdam sa kanto kung asan yong mga trees. minsan nga pinsan ko sabi niya nakakita siya ng red eyes don tapos bigla siya nilagnat.  madaling araw kasi umaalis mga tita ko so nong minsan na ako nagsara ng gate, ewan pero takot na takot ako magtagal sa labas kasi parang me bigla na lang magpapakita sa harap ko.

one time, patulog na kami, ako nasa kwarto, tapos tita ko nasa room na rin nila.  bigla me parang naghahabulan sa bubong namin.  pero before that me stench of parang bulok na galing kanal na naamoy tapos 'dumaan' yong something sa bubong.  takot na pumunta tita ko sa room ko.  kasi yong mga aso nagtatahulan din.  pagbukas namin ng pinto, yong puno na nasa me cage ng aso was uprooted.  pero himalang di nagalaw yong cage.  sabi ng tita ko, nong sumilip daw siya sa labas nong time na yon nga nakakita rin siya ng red eyes.  after non, nagpacleanse na ata sila ng bahay.  lumipat na rin kasi ako ng bahay non.  lagi rin pala me kumakatok sa cr habang naliligo ako or sa mga walls ng kwarto ko pag papasok ako ng school ng sobrang aga. iba rin pakiramdam sa loob ng bahay ng mga tita ko kasi, mainit sa labas, pagpasok mo, malamig, iba yong lamig.  ewan kung ok na ngayon kasi nagparenovate daw sila.  wala na rin ata masyadong issue after the cleansing.

Jamann

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #467 on: January 30, 2015, 12:15:02 pm »
Creepy experienced of mine was bisperas ng Bagong Taon. My boyfriend called me so I went to my mom's and dad's room. Dahil sa I was looking at the window I saw a shadow , bald and an eye so scary mga sis. At that time ganun din yun cousin ko nakakita sya. Ang sabe naman eh meron talaga sa house namen, imbis na okay yun bagong taon ko naging horror pa. Another one is that I had a nightmare which I was raped by an wax man.

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #468 on: January 30, 2015, 12:34:05 pm »
dati naman, yong tinirhan namin ni hubby previously, condo unit na nasa pinakaend ng hallway.  creepy nga yong hallway kasi tahimik, tipong hallway ng mga abandoned buildings or hospital.  minsan, hanap kami ng hanap sa isa namin na housemate who is taking the master bedroom, tinignan namin siya sa 3 rooms, wala siya, then yong isa bumalik sa room niya, nakita niya andon, natutulog. e tinignan na namin siya before, wala naman siya don.

pinakanatakot ako is, bigla ako naalimpungatan kasi si hubby nananaginip, so ginigising ko siya, bigla siya dumilat and yong mata niya nanlilisik na tumingin sa akin.  natakot ako at talagang niyugyog ko siya.  nong magising siya, di daw niya alam na dumilat siya pero nananaginip daw siya ng multo. 

cutieann12

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #469 on: February 11, 2015, 11:39:57 am »
meron kami na-experience na creepy pero hindi sa loob ng bahay, sa loob ng sasakyan on our way to our province. usually kasi madaling araw kami na byahe para less traffic around 1 am or 3 am. Palabas na kami ng subdivision meron kaming narinig na iyak ng pusa so huminto si kuya at itinabi yung sasakyan. Sinilip nya yung ilalim ng sasakyan at nakita nya sa gulong yung kuting. So tinanggal nya, kaya lang sumusunod pa din yung pusa. Ang ginawa namin, kinuha ni kuya yung pusa tapos inilabas ko ng gate ng subdivision yung sasakyan. Umulan at bumaha nung gabi na yun, malapit na kami sa may sm bacoor meron ulit kami naririnig na iyak ng pusa, nagtataka kami kasi medyo mabilis na yung takbo namin nun at may mga baha pa kaming nadaanan. Kung may pusa pa sa gulong baka namatay na yun at nabasa kasi halos 20 mins na kami ng babyahe. Tumabi ulit kami dun sa walang baha then check, we mimick na din yung sound nang pusa para lumabas, wala na kami nakita so dumiretso na kami. Nasa slex na kami meron ulit kami narinig na iyak ng pusa, na paranoid ako kasi ang bilis ng takbo ko umaabot ng 80-100kph na. Natatakot na din kami kasi sabi nila bad omen yung makapatay ng pusa. Itinabi ko yung sasakyan to check kung may pusa pa nga. Nakalagpas na kami ng mga gasoline stations so wala na kaming choice kundi i-check sa tabi yung sasakyan. We mimick again yung iyak ng pusa at nicheck namin lahat ng gulong walang pusa. Then sabi ko kung sino ka man, kung gusto mu sumabay sa amin sumabay ka na lang wag mu na kami takutin. Then we continued, binagalan ko na lang yung takbo ko. Thankful kami kasi we arrive home safe. Btw, apat kaming nasa sasakyan at lahat kami kinikilabutan nung time na yun. Hindi eto yung first time na may maexperience ako na kakaiba habang nasa byahe. Mga tao yung nakikita ko dati na nakatingin sa amin.

Evolet027

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #470 on: March 05, 2015, 06:37:24 pm »
Hi Sissies. I have a story to share pero hindi ko alam kung multo ba ito or elemento.

 This happened sa house namin sa laguna, during my elementary gang college days. Sa house na yun, may 2 rooms lang. Maliit lang bahay namin, 4 lang kame sa family. My sis and I share the same room. Yung isa sa parents. Yung room namin, madilim sya, walang bintana, kasi partition lang talaga yun, nilagyan lang ng Papa ko ng divider at pinto para me sarili kame kwarto, as in kulob sya. Then, nung bata ako, may mga nights na, may sister will wake me kasi ang ingay ingay ko raw. Ako naman, hindi ko alam na maingay pala ko in reality kasi akala ko dream lang sya, para kasing totoo eh, di ko rin talaga alam kung dream ba sya. Kasi ang nangyayari sakin, pag matutulog ako, andun yung feeling na bigla ako mahuhulog sa malalim na tulog, tapos meron na ko kausap na 3 lalake. I know matatanda sila. They keep on talking sa ears ko, na ang iingay nila. Gabi gabi yan, at gabi gabi din ako ginigising ng sister ko kasi nagigising sya saken pag sinasaway ko yung mga nag uusap sa tenga ko. I know 3 silang magkakaibang entity na sa isip ko, matatanda na lahat sila naka salakot. Yung damit nila di ko tanda pero yung usual na suot ng isang matanda sa bukid na naka salakot (saklob na yari sa banig). Ganun lang palagi, gang mag highshool ako. Then nung nag college ako, iba na, yung 2 lalake ganun pa rin itsura nila, pero yung isa, isa syang hairy na tao, buong katawan at mukha nya, hairy na kulay blue at matapang ang mukha nya. Dahil sanay na ko na nag uusap sila palagi sa tenga ko, nung minsan, sinasaway ko sila na tumigil kasi napupuyat ako sa ingay nila. Ayaw nila tumigil, gang sa sinigawan ko sila na "TIGIILLLLL" na sobrang lakas na narinig din ng sister ko. Sa pagsigaw ko na yun sa kanila, nagalit yung isa, dun nya pinakita yung itsura nya na yun, na yung mukha nya galit na. After nung ganun scenario, matagal ko sila di narinig. Gang sa maka grad ako ng college at ang work sa manila at nagka asawa at anak ( btw wala na kame anak ngayon, he died 2 yrs ago ) Madalang na ko maka uwi sa house namin sa laguna, tapos nung minsan na  nagbakasyon kami family kasi umuwi Mama ko from abroad, para magbakasyon din at makita nya anak namin, napansin ko sa sister ko palagi sya puyat. College naman sya nun. Dun pa rin kame natulog sa room na yun, husband ko naman dun natulog sa salas. So kame magkakatabi, sister ko, ako at si baby. Tapos tinanong ko sister ko bakit mukhang puyat na puyat sya. Kinuwento nya na palagi sya ma naririnig sa tenga din nya na mga nag uusap. The same ng nangyayari saken nung bata pa ko. One time, iniwan ko natutulog si baby sa room na yun, nasa salas lang ako at bukas naman pinto so maririnig ko pag iiyak sya. Binuksan ko din ilaw nung iwan ko sya. Bigla na lang nagising anak ko at sumisigaw, eh di takbo ako sa kwarto. HIndi pa nakakapagsalita baby namin nun, base sa mukha nya, pagkita nya samin ng Papa nya, bigla sya tayo at yakap samen. Nilabas namin sya sa kwarto. Nakukwento ko to sa husband ko kaya nung nangyari yun, may idea na kame. After nun. dun na kame natulog lahat sa salas, never ko na hinyaan magpunta dun sa room si baby.

Btw, yung bahay na yun, dati may puno ng mga mangga dun sa area na yun bago pinutol at para matayuan ng bahay namin. Share kasi ni mama sa lupa yun nila Lolo. Na kwento ko na to kina Papa. Wala naman reaction pero sa tingin ko alam din nya kasi tadtad ng rosaries sa kwarto nila nun. Nung na renovate na yung bahay, inalis na yung kwarto namin sa pwesto na yun, Nilipat ni papa at at nilagyan na din ng bintana. Pag nagbabakasyon naman kame ngayon dun, wala naman na ko naririnig sa tenga ko. Feeling ko wala na sila.

Sis Cityhunter, sa tingin mo [textspeak!] sila?? Gang ngayon, tumanda na ko, di pa rin sila nawawala sa isip ko, tuwing uuwi ako sa laguna sa bahay na yun, di pede na maalala ko yun.

Thanks sis.

iloveshimmer

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #471 on: March 05, 2015, 08:07:49 pm »
Grabe kinilabutan naman ako sa mga stories nyo. Basta keep in mind na lahat ng mga yan eh works ng devil. Para takutin tayo at mawalan ng faith kay God. Basta pag naencounter nyo, just say, "In Jesus' Name!" Tatakbo na sila palayo hehe.

My story is actually not mine but by my sister. Mga 20 yrs ago na ata yun sa dati naming apartment sa Angono Rizal. Tabi kasi kami ni ate lagi but that night tumabi ako kina daddy (i am around 10 and my sis, 20+). So nung matulog si ate alone sa room namin, bigla syang nagising at nakayakap sya sa white lady na nakahiga din sa tabi nya (*goosebumps now). The white lady is wearing white of course, her hair sooo long and placed on her left side. So dahan dahang inalis ni ate kamay nya sa pagkakayakap sa white lady at nagdecide na umalis. Creepy part is they were in a kulambo, hahahaha! Dahan dahan daw umalis si ate sa bed kasi daw baka magising. Successful naman sya. Then tumabi na sya samin. The following morning na nung knuwento samin ni ate. Sabi ng dad ko, "bakit di mo sinabi saken agad sana ako na lang tumabi!" Hahaha joketime. Di na naulit yun pero yung mga kapitbahay namin sa apartment na yun marami ding bad experiences.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #472 on: March 06, 2015, 09:56:34 am »
^nakakaloka sis haha, paanu kaya kung biglang dumilat yung white lady? my god di ko maimagine  :o

prix

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #473 on: March 06, 2015, 10:16:03 am »
Hi mga Sisses! May i-share din ulit ako sa inyo pero sa ofc naman ito nangyari. One afternoon kasi yung team na malapit sa area ko nag-meeting tapos yung boss ko nasa meeting din so ako lang naiwan sa side namin, meron akong kasama kaso mejo malayo sila sa pwesto ko. Habang busy akong may ginagawang sa pc ko biglang may "Huminga ng malalim" dun sa pangatlong chair na ka-row ko. Yung area na yun nasa sulok pero hindi naman sya nakakatakot, so napatingin ako sa side na yun kasi nga alam kong walang tao dun tapos hindi pa ako nakuntento inurong ko yung chair ko para ma-double check na walang tao & presto! wala ngang tao.. :o Hindi lang once na ako napapatingin sa side na yun parang everytime kasi na maiiwan ako dun mag-isa sa area namin eh may mga naririnig naman ako na kaluskos pero hindi ko naman pinapansin baka sa iba nanggagaling pero yung narinig ko na "paghinga ng malalim" hindi ako pwedeng magkamali dun talaga nanggaling..

iloveshimmer

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #474 on: March 06, 2015, 11:48:13 am »
Di na daw nya nakuhang tumingin sa muka. Grabe pwede pala mangyari yun

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #475 on: March 06, 2015, 02:32:48 pm »
katakot naman yong katabi mo yong white lady. 

naalala ko tuloy yong kwento ng kaibigan ko.  i invited here kasi to my mom's hometown, holy week pa yon.  so don kami natulog sa bahay ng lola ko, renovated siya, pero me malaking puno sa tapat nong isang bintana.  e pag sa probinsiya, kahit me kuryente na, ewan ko bat si lola gasera pa rin iniilawan niya pag nasa kwarto na siya.  3 yong kwarto sa taas so yong isa don kwarto ng lola ko, yong 1 kami ng kaibigan ko, tapos yong isa parents ko at sister ko.  walang pintuan bawat room kasi di pa tapos ayusin.  so ako ang nakapwesto kasi sa me door side, tabi kami ng kaibigan ko who was near the window (kung san malapit yong puno).  akala ata ng kaibigan ko unan ako minsan kaya nakadantay kamay niya sa akin, heheh.  so nong umaga, me kinuwento siya sa akin.  sabi niya, di daw niya alam ano oras yon, pero nong minsan daw dumantay kamay niya sa akin, sobrang balahibo daw nong nahawakan niya.  magaspang, hindi ko kamay.  e kami lang andon.  natakot daw siya kaya ginawa niya nagtalukbong siya at tumalikod sa akin.  kinilabutan ako non kasi baka kung totoo yon, ibig sabihin tumabi sa amin kung ano man yong me ari ng kamay na nahawakan niya.  sabi ko sa kanya don naman lagi ako natutulog sa kwarto na yon so far wala pa naman ako experience na ganon.  nakwento ko rin sa mama ko tapos sabi niya baka guni guni lang daw niya yon kasi don na rin lumaki si mama sa bahay na yon pero la naman daw siya encounters sa ganon.  inisip ko na lang na baka nakatuwaan lang yong kaibigan ko.  alam ko marami don mga kulam ata  sa hometown ng lola ko kasi ayaw niya ako pumasyal mag-isa sa isang area na me mga matatanda.  lagi ako pinapadala ng posporo pag di maiwasan na don dumaan.  lalo na mga galing kami city kaya madali daw mabati.

alam ko nong bata pa ko, me mga kwento din noon ang lola ko at ibang pinsan na me mga engkanto daw sa me likod ng bahay nila lola, it was near a creek kasi tapos me mga puno don. never ko na nabisita ulit yong bahay ng lola ko. i was out of the country na kasi after that.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #476 on: March 09, 2015, 04:39:36 pm »
share ko lang.. last week.. hindi sa bahay nangyari pero sa marikina animal park na tawag nila.. linear park sa tabi ng ilog going riverbanks mall..

last week we had a short ride (biking) with my fiends at pasig.. from pasig, dumeretso kami dun marikina, 7pm na ata yun.. marami din nagbibike dun.. 5 kami magkakasama, all boys..

at first tumambay muna kami malapit sa malaking statue ng girl along the river.. then later on tumawid pakabila malapit sa parang mini-grandstand/garden:

"mga tol mejo madilim sa animal park walang ilaw dun, ingat lang, open nyo mga blinkers (lights) nyo" -sabi nun isang tropa namin..

then nag-ride na kame papuntang park.. habang gumagala kami sa park, nagkkuwento yung isang kasama namin:

"dati ang ganda dito, kaso nun dumaan si bagyong Ondoy, wala, pumanget na.. kawawa naman 'tong hayop na to (animal statue), tumba na, yung isa naman wala nang ulo! hahaha.."

then bandang gitna ng park, lalong dumilim, only moonlight and blinkers lang namin ang maliwanag, beside the river is full of plants na parang talahib ata yun kasi matataas na ang damo, may mais pa nga ata..

isang kasama naman namin is maloko.. (si 'deejay') tinatapat nya yung lights nya sa mga puno at mas madilim na part ng park:

"ilawan natin to, minsan kasi merong mag-jowa jan sa tabi-tabi nag-totorjakan!"

"hahahaha!" -nag-tawanan kami bigla..

tapos isang kasama namin, (si 'macoy'):

"ayun oh! may nakita ako, chix, ang puti!" -pabirong sabi ni macoy..

"asan?" -sabi ni deejay..

"ayun, nailawan mo eh.. nakatingin sayo papa deejay yummy ka daw haha! " -sabi ni macoy..

nagtawanan ulit kami.. then ilang distansya lang, napahinto kami kasi biglang napa-preno ng malakas si macoy:

"woah! muntik na'ko bumangga pre dahan2x sa preno baka dumeretso ako sayo hehe.." -sabi ni deejay, siya kasi yung nakasunod kay macoy..

"sorry pre may nakaharang eh.. " -sabi ni macoy habang nakatingin kay deejay..

"ano nkaharang?" -sabi ni deejay

"wala, yung chix mo, hinahanap ka makiki-angkas daw hahahaha!" -pabirong sabi ni macoy

diretso ulit kami habang nagtatawanan, then lahat kami nakaramdam ng mas malamig na hangin habang papaikot kame sa park going riverbanks mall.. then nagkakabiruan kami:

"biglang lamig pre ah.. baka may multo dito bilisan natin hahahaha!" -sabi ko sa kanila..

"ayan kasi ang ingay nyo, ayan tuloy nagagalit sila hahaha! oh paunahan tayo, mahuli manlilibre!" -biglang sabi ni macoy..

"hahahahaha" - tawanan ulit kamin at binilisan ang pagpadyak..

hanggang sa narating namin ang plaza sa baba ng riverbanks mall.. kumain ng fishball at kikiam, nanonood ng mga nagii-scateboard.. ngpapahinga tapos nagkwentuhan..

at dun namin nalaman na si macoy ay may 3rd eye..

shet..

ceejhei

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #477 on: March 26, 2015, 04:15:29 pm »
we are renting our unit (condo) in makati. napabalita na it took so long before it gets constructed at may mga namatay na construction workers dito.

i asked my mom's maid to come over to clean and do laundry saamin kasi wala kaming maid, sabi ko baba lang ako sa office. wala naman siya nasabi sakin na may naramdaman siya, mommy ko lang nag kuwento, sabi niya "alam mo sabi ni cecile habang naglilinis siya merong sumitsit sakanya, lalaki ang lakas lakas at galing sa loob ng unit daw talaga yung boses" di nalang daw sinabi sakin kasi baka daw matakot kami.

tapos one time, natutulog na kami, mga bandang 2AM nagising ako kasi may bumagsak sa CR tapos parang umaagos tubig, ginising ko si hubby sabi ko iniwan mo ata bukas gripo sa cr so nagpunta siya, he saw the bidet na nakabaklas and it looks like may humila kasi nasira sa pinagkakabitan niya.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #478 on: March 26, 2015, 08:49:41 pm »
Another story that I remember in our ancestral house was one of those times na inakyat kame ng magnanakaw. Our house was between 2 slum areas kase and my mom was very friendly with the neighbors in the hopes of avoiding untoward situations with them but my dad wasn't, he was very matapobre kase. Ilan beses na kame inakyat ng magnanakaw but for some reason hinde sila nakakapasok sa house.

So that time, I was around 9 yata, we woke up to a commotion kase si mama nakarinig ng kaluskos sa window where her ac was. She peeped through the curtains and saw the face of one of the robbers and mejo nagkagulatan sila. So na-alert ang buong bahay namin, mga helpers, my brothers, and our driver. My dad was in the US that time, last year of service nya sa Navy. So in short, nahuli yung isang magnanakaw, who unfortunately was one of our neighbors na pinapakisamahan ng maigi ni mama. When he was brought to the police station for questioning, he said na magi-isang oras na daw sila sa labas ng bahay namin (our house was on an acre lot with a big garden) and hinde daw nila mahanap hanap yung door kaya hinde sila makapasok. The thing is, our house had 3 doors: 1 main door, 1 that leads to the dirty kitchen, and 1 back door. The first 2 doors are very visible even from the outside of our gate especially the main door kase double doors yon eh. Plus, since neighbor namin sila, Surely alam na alam nila yung ichura ng bahay namin sa labas, including where the doors are at. Sabe nila mama, talagang pino-protect kame ng elementals don kase ilan beses na nangyari na pinasok kame pero hanggang bakuran lang sila lage.

akosiekaburgos

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #479 on: May 06, 2015, 08:21:14 pm »
@cityhunter :)

nabasa ko po kasi sa isang thread na nag tanong sayo about opening 3rd eye at sagot mo ay "be careful what you wish for" bakit po ninyo nasabi? ano po ba ang pag kakaiba sa inopen lang at sa natural na meron...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close