Hi Sissies. I have a story to share pero hindi ko alam kung multo ba ito or elemento.
This happened sa house namin sa laguna, during my elementary gang college days. Sa house na yun, may 2 rooms lang. Maliit lang bahay namin, 4 lang kame sa family. My sis and I share the same room. Yung isa sa parents. Yung room namin, madilim sya, walang bintana, kasi partition lang talaga yun, nilagyan lang ng Papa ko ng divider at pinto para me sarili kame kwarto, as in kulob sya. Then, nung bata ako, may mga nights na, may sister will wake me kasi ang ingay ingay ko raw. Ako naman, hindi ko alam na maingay pala ko in reality kasi akala ko dream lang sya, para kasing totoo eh, di ko rin talaga alam kung dream ba sya. Kasi ang nangyayari sakin, pag matutulog ako, andun yung feeling na bigla ako mahuhulog sa malalim na tulog, tapos meron na ko kausap na 3 lalake. I know matatanda sila. They keep on talking sa ears ko, na ang iingay nila. Gabi gabi yan, at gabi gabi din ako ginigising ng sister ko kasi nagigising sya saken pag sinasaway ko yung mga nag uusap sa tenga ko. I know 3 silang magkakaibang entity na sa isip ko, matatanda na lahat sila naka salakot. Yung damit nila di ko tanda pero yung usual na suot ng isang matanda sa bukid na naka salakot (saklob na yari sa banig). Ganun lang palagi, gang mag highshool ako. Then nung nag college ako, iba na, yung 2 lalake ganun pa rin itsura nila, pero yung isa, isa syang hairy na tao, buong katawan at mukha nya, hairy na kulay blue at matapang ang mukha nya. Dahil sanay na ko na nag uusap sila palagi sa tenga ko, nung minsan, sinasaway ko sila na tumigil kasi napupuyat ako sa ingay nila. Ayaw nila tumigil, gang sa sinigawan ko sila na "TIGIILLLLL" na sobrang lakas na narinig din ng sister ko. Sa pagsigaw ko na yun sa kanila, nagalit yung isa, dun nya pinakita yung itsura nya na yun, na yung mukha nya galit na. After nung ganun scenario, matagal ko sila di narinig. Gang sa maka grad ako ng college at ang work sa manila at nagka asawa at anak ( btw wala na kame anak ngayon, he died 2 yrs ago ) Madalang na ko maka uwi sa house namin sa laguna, tapos nung minsan na nagbakasyon kami family kasi umuwi Mama ko from abroad, para magbakasyon din at makita nya anak namin, napansin ko sa sister ko palagi sya puyat. College naman sya nun. Dun pa rin kame natulog sa room na yun, husband ko naman dun natulog sa salas. So kame magkakatabi, sister ko, ako at si baby. Tapos tinanong ko sister ko bakit mukhang puyat na puyat sya. Kinuwento nya na palagi sya ma naririnig sa tenga din nya na mga nag uusap. The same ng nangyayari saken nung bata pa ko. One time, iniwan ko natutulog si baby sa room na yun, nasa salas lang ako at bukas naman pinto so maririnig ko pag iiyak sya. Binuksan ko din ilaw nung iwan ko sya. Bigla na lang nagising anak ko at sumisigaw, eh di takbo ako sa kwarto. HIndi pa nakakapagsalita baby namin nun, base sa mukha nya, pagkita nya samin ng Papa nya, bigla sya tayo at yakap samen. Nilabas namin sya sa kwarto. Nakukwento ko to sa husband ko kaya nung nangyari yun, may idea na kame. After nun. dun na kame natulog lahat sa salas, never ko na hinyaan magpunta dun sa room si baby.
Btw, yung bahay na yun, dati may puno ng mga mangga dun sa area na yun bago pinutol at para matayuan ng bahay namin. Share kasi ni mama sa lupa yun nila Lolo. Na kwento ko na to kina Papa. Wala naman reaction pero sa tingin ko alam din nya kasi tadtad ng rosaries sa kwarto nila nun. Nung na renovate na yung bahay, inalis na yung kwarto namin sa pwesto na yun, Nilipat ni papa at at nilagyan na din ng bintana. Pag nagbabakasyon naman kame ngayon dun, wala naman na ko naririnig sa tenga ko. Feeling ko wala na sila.
Sis Cityhunter, sa tingin mo [textspeak!] sila?? Gang ngayon, tumanda na ko, di pa rin sila nawawala sa isip ko, tuwing uuwi ako sa laguna sa bahay na yun, di pede na maalala ko yun.
Thanks sis.