watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 175956 times)

kutingpie

  • Guest
Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« on: January 16, 2012, 11:22:42 am »
Tuloy ang mga nakakatakot na kuwentuhan ;)

Previous Thread (Chapter 2): http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,232949.0.html

babykat

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #1 on: January 16, 2012, 12:34:40 pm »
let the scary stories begin!

last night, siguro mga past twelve na yun, everyone was asleep na.  Inaantok antok na din ako nun, and I was in that state na you're na yet asleep pero you're not fully awake.  Nagising ako kasi i could distinctly hear na may sumisipol sa may door namin.  Di naman sa loob, sa labas sya. Pero wala naman tao.

quennna

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #2 on: January 16, 2012, 01:41:37 pm »
aaawoooooh!!! kwento na!!

azel

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #3 on: January 17, 2012, 02:44:07 am »
joining..

one time, napansin na lang namin na may bakat ng kamay don sa wall sa left side ng wall clock namin sa kwarto  :-\
white ang paint ng wall & very distinct yun bakat ng kamay sa wall, creepy...
hindi sa amin yun bakat ng kamay, sabi ni bowa baka daw kamay ko daw yun baka naitukod ko daw nong naglilinis ako ng kwarto, eh ang taas non para maabot ko dapat nakatuntong ako sa silya eh di naman ako gumamit ng silya or tumuntong sa kung saan nong naglinis ako so imposibleng bakat ng kamay ko yun..  i immediately removed it na lang, pinunasan ko ng basang basahan.. ayon...hindi na lang namin masyado pinagtuunan  ng pansin yon nangyari para di kami matakot..

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #4 on: January 17, 2012, 09:30:29 am »
^ dati me mga ganyan din kaming nakikita sa dati naming bahay.  e wala namang ibang tao na hahawak sa pader na madumi kamay knowing na puti ang kulay ng pader namin. 

sa bahay naman ng tita ko, don sa may parang garden, me 2 puno ng mangga na magkaharap (both situated tig isa sa corners).  Yong isa, katabi ng balon, yong isa, katabi ng mga kulungan ng mga aso.  One time, nasa kwarto ako, tahol ng tahol mga aso, mainit yon.  Then parang me mga naghahabulan sa bubong namin tapos may maaamoy ka na amoy imburnal.  Di tumitigil mga aso namin.  Inisip namin na ipo-ipo yon.  Tinignan ng pinsan kong lalake, gulat kami kasi yong mga sampay sa tapat ng kulungan ng aso, tupsy turvy.  and yong mangga sa may kulungan nila, was uprooted.  yong tita ko, sabi niya me nakita siya na parang red eyes don sa parang ipo-ipo na dumaan.  nagtayuan nga mga balahibo  namin. 

e madaming nagsasabi na don sa parang garden may mga ibang nakatira daw kasi yong bahay na yon was vacant nong binili ng mga tita ko and yong mga puno ng mangga matagal na don.  don sa manggang malapit sa balon, meron daw white lady don.  me nagpunta na parang feng shui master at espiritista don at sinabi din sa kanila na meron ngang bad spirits daw so naglagay siya ng mga pangontra.  kahit yong ilaw ng grotto, pinabago niya kasi iba ang dating e. 

sweetsweet

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #5 on: January 17, 2012, 04:30:02 pm »
Sa bahay naman namin wala ng "supernatural" happenings eversince I applied the cures na itinuro ni Sir City Hunter. But dati normal na sa amin ang may nakikita at nararamdaman ka kahit na umaga o gabi.

But last week while I was browsing our pictures dito sa loob ng bahay (our happy Christmas and New Year's pictures), natakot ako kasi hindi ko nakikita dati pag sa camera ko lang naba browse yung pictures. Nung nilipat ko sa pc (i have a giant monitor for my work kaya ang laki ng picture din), kinilabutan ako sa mga shots namin sa sala beside the windows. Kitang kita mo na may mga mukha sa labas ng windows na nakasilip lahat sa loob ng bahay at nakatingin pa yung iba sa camera. And what's creepy is mga mukha ng wild animals like wolves, dogs, tigers ang makikita mo. Tapos yung mga mata parang matatalim yung tingin nila. Very evident kasi yellow ang lighting sa loob ng bahay tapos sa labas grayish.

Hindi ko alam pano ko dedescribe talaga mga sis, kasi lahat ng pictures andun sila sa window. Iniisip ko na lang na sana sila yung mga bantay sa labas ng bahay namin.

May isa pa kong napansin na orb na kasama sa pictures namin, pag na-zoom in mo siya ng konti, makikita mo may smiley face sya. Haha. Iisa lang lagi itong orb na sumasali sa pictures namin.

techgirl

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #6 on: January 18, 2012, 02:50:02 pm »
i got curious with your pics sis. patingin naman po. thanks! :)

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #7 on: January 18, 2012, 05:31:12 pm »
I have something to share din pero hindi to first hand. Kwento ng older sis ko.

Nagduduty sya sa isang hospital eh antok na sya kaya nakitulog sa isa sa mga rooms na bakante. Hindi nya ata inoff ilaw kase isa pa din yung takot. Pero nilock nya pinto kase baka hindi naman sya tigilan ng mga nurse na tawagin sya. Normally pag antok ka na wala ka na paki sa mga surroundings mo...sya naman wala na sya sana pakialam kaso daw may dumadampi sa mukha nya akala nya buhok nya kaya hinahawi nya lang. Eh kaso wala daw tigil kaya binuksan nya mata nya pagdilat nya raw may buhok kalapit ng mukha nya..pag describe nya ulo na nakatalikod sakanya pero pag kalapit lapit. Pinikit nya daw mata pero sabi nya hindi nya maigalaw sarili nya eh...Akala nya friend nya nakitabi lang, pero isip nya nilocknya pinto e. Kinilabutan raw sya talaga

shatz

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #8 on: January 23, 2012, 11:30:06 am »
^^sis post mo pics,. wanna see it din.

kwento ko,. yung office building namin open secret na haunted na talaga, in fact even the director may na encounter na so pinabless nya the whole building,.. nangyari to nung 3rd day ko palang sa work at wala pa ko alam sa mga haunted stories..

sumakay ako ng elevator, mag isa lang ako,. so press ko yung floor ko,. tapos huminto siya sa 4F bumukas,. ang tagal naka open,. e wala naman pumapasok, so press ko yung close para sumara ang door,. pasara na bigla nag open ulit so isip ko may nagpress sa labas,. so sabi ko "up" para sumakay na sana,. wala padin,. so sumilip na ko sa labas pero hindi ako lumabas ng elev, inuwang ko langa body ko,. to my surprise it's a vacant floor,.. tinignan ko talaga,. parang bodega na na maagiw na,. tapos yung wall, across the elev mataas [textspeak!] ceiling namin nakita ko pagka dami-daming bakat din ng kamay na parang putik as in buong wall tapos mga 4 layers ata yun,.. so iniisip ko kanino kamay yun, saka pano nila naabot yun e mataas nga,..

nag iba na pakiramdam ko,. so pumasok ako sa elev,. press ko yung close ssara ng konti tapos biglang bubukas,. sensor kasi yung elev namin pag may nag block sa pinto bbukas ulit,. so close-open lang siya,. hanggang sa tumunog na ayaw talaga sumara ng pinto,.. sa likod ng elev is mirror,. hindi na ko makatingin dun kasi narramdaman ko na na may nakisakay,.. im getting frustrated pano ako aalis dun,. alam ko may stairs at fire exit,. pero hindi ko alam kung open ba yun,.. so i stayed sa loob ng elev,. wala ako dala CP,. press ko [textspeak!] close,. tunog lang ng tunog yung sensor,.. hanggang sa naisip ko pipindutin ko n yung alarm and yung voice speaker to ask for help,. i was about to press it bigla na sumara pinto,..

so pagbalik ko sa office namin casual lang ako i said to my officemates,. wala pala occupants ang 4F.. nagtinginan sila sabi pano mo nalaman,. sabi ko bumukas yung elevator e,. ang tagal ko nga dun kala ko trapped n ko dun,. natakot sila sabi nila hindi daw bumubukas ang elevator dun,.. sabi ko e ang tagal ko nga dun dpat nga magsstairs na ko [textspeak!] ayaw sumara ng door,. sabi nila buti hindi ko daw ginawa,. naka padlock daw ang mga fire exits and stairs dun,. bawal daw [textspeak!] pumasok dun,. it was closed kasi nga haunted ang floor,. dati may nag ooffice dun pero sa dami ng nagpaparamdam they opted to close it at gawin nalang tambakan,..

Ano yun? the spirit intends to trap me sa floor na yun?

sweetsweet

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #9 on: January 25, 2012, 12:17:23 am »
@ sis techgirl and shatz, i'll see what i can do to share some of the pictures. naka private kasi fb namin ni hubby and baka ma-warning na naman ako ng mods pag nagbigay ako ng links! haha mahirap na :D

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #10 on: January 26, 2012, 01:38:18 pm »
^sis shatz ang scary naman yun...

meloids

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #11 on: January 26, 2012, 10:02:34 pm »
uuuuy! ang scary nung maraming faces sa window. sana sis i-share mo naman sa amin.

slovy

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #12 on: January 26, 2012, 11:07:45 pm »
waahhh sis shatz while reading your story naggo goose bumps ako.. buti wala kang nakita while nung na-stucked ka sa 4th floor, nag-iisa ka pa man din.. katakot yun sis ahh! kaya ayaw ko talaga sumakay ng elevator mag-isa. haha. likas na duwag kasi ako. ;D

shatz

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #13 on: January 27, 2012, 10:42:48 pm »
^haha! sis sanay na ko dun,. try mo magread ng mga post ko sa previous thread ng creepy stories,. you'll see why,..

azel

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #14 on: January 28, 2012, 07:06:02 am »
waaaahh!  :o kalurkey experience mo sis shatz, super katakot naman yun!
sis sweetsweet na-curious din ako sa pics, hehe

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #15 on: January 28, 2012, 11:40:01 am »
when i was in el pescador, i was with my friends sa isang room. sa sahig ako natulog with kutson. Next to my feet is yung ilalim ng kama ng friend ko.. Parang tapatan kami. Naka-kama sya while me was lying on the floor. Yung paa nya, katapat ay yung paa ko. Pero elevated sya. Basta ayun. Ako kasi pinakamaaga na natulog. Mga 1am natulog na sila.. Mga 2:30am yata yun naalimpungatan ako.. Nilalamig ako sa sobrang baba ng temperature ng kwarto.. So yung kumot ko, inayos ko, hanggang leeg. Nakatagilid ako.. Pero pagkaayos ko, nagulat ako kasi parang may humihila pababa. As in. Hanggang bewang.. Tapos hinila ko pabalik hanggang leeg.. Pumikit na lang ako kasi ayoko tumingin dahil ilalim ng kama ng friend ko makikita ko once na chineck ko kung may humihila sa bandang paanan ko :(

9eisha

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #16 on: January 28, 2012, 02:54:04 pm »
i never ride elevators alone. too many scary paranormal experiences  :(

slovy

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #17 on: January 28, 2012, 04:51:13 pm »

I was playing cards, nanghuhula,. hehe,. marunong ako dati e,. then biglang may sumulpot na lalaki sa bandang pinto papunta sa kusina,. nakawhite tshirt, brown khaki pants, maputi masyado, yung mata maliit na itim lang ang eyeball, walang ilong, mapula lips,. naka smile siya sakin, then, dumaan kapatid ko, pupunta kusina, tinagusan nya yung lalake,. bigla kong natapon ang cards sa kilabot,. I closed my eyes, then pag open ko andun parin siya, naka-smile padin sakin, mejo airy ang silhouette nya kasi tagusan nakikita ko bro ko sa kusina,. pumasok ako ng kwarto,  sobrang taasan na lahat ng buhok ko at naluluha ng sobra mata ko,.  hindi naman ako natatakot kaso yun lagi reaction ko pag naeencounter ko sila, taas lahat buhok at parang lumalaki ulo at naluluha talaga mata ko,. 


So while combing my hair, naglakas loob ako tumingin a mirror, and dun ko nakita, biglang may nag appear na mukha ng babae sa tabi ng mukha ko, parang nilapit nya sa at pinatong sa balikat ko,. babae, naka itim, maaitim ang aura, nanlilisik ang mata, magulo ang buhok, black ang eyeliner at liptick, inshort mukhang bruha,. nanlaki ang mata ko, nabitawan ko yung suklay ko sa sink, i wanted to shout,. tinignan ko mga katabi ko pero ako lang ang nakakakita sa babae,. tinignan ko ulit sa  mirror andun padin yung mukha side by side ng face ko,. nanglilisik ang mata parang galit sakin na ewan,. hanggang sa nkahalata na yung katabi, kasi habang inaayos ko gamit ko, naglalaglagan lahat, naibitawan ko, tapos naluluha na yung mata ko sa sobrang kilabot, ang lakas ng power nya ramdam ko,. ayun,. lumabas ako ng CR ng walang ibang nakakita sa bruha n yun,.


One time i tried na sa sala nalang namin matulog dahil nga sa pangggambala nila.  Niyaya ko bro ko para may kasama ako.  In the middle of the night nagising ako, malamig ang hangin, may nararamdaman akong entitiy, i just closed my eyes, unti-unti nararamdaman ko bumababa ang kumot ko, so hinatak ko and griped on it tightly, nagtalukbong ako,. then ang ginawa, yung dulong part sa paanan, yun ang itinaas nya, i was still holding my blanket, naghahatakan na kame, i opened my eyes nakalutang ang kumot ko parang may humahawak pero wala ako makita,. malakas and malamig na yung hangin nito na may kasamang mainit,. di ko ma-explaine  I looked at my brother tulog na tulog siya.   i gathered my strength at biglang inagaw ang kumot ko sabay takbo papunta sa kwarto ko.


after a week, nag CR ako sa school namin,. ako lang mag isa sa loob. while peeing i heard a loud cry, saying "ate tulungan mo ako",. nagmadali ako,. hinanap ko san nanggagaling ang iyak, sa dulong cubicle nanggaling, sinilip ko ang nakita ko is elementary student walang ulo, nung una nagtaka ako pano siya umiiyak e wala cia ulo, until biglang nagsarahan ng malakas ang mga pinto ng cubicle ng CR,. i was shocked coz ang direction ng pagsara is papunta na sa main door,. i ran and managed to get out,.


Sis shatz, nacurious talaga ako kaya yun, nagtyaga akong basahin ang mga previous posts mo at nagimbal ako sa mga kwento mo sis. Actually, mahilig lang ako magbasa at makinig ng mga nakakatakot na stories pero pag sa akin nangyari, ewan ko na lang. Lupet ng mga experiences mo sis. Grabe! If you don't mind me asking, up until now ba nanggugulo pa rin sila o hindi na? Pero bilib ako sa fighting spirit mo ha. Kung ako siguro, mababaliw ako nyan sis, ang worse baka mamatay pa ako sa takot.  ;D




shatz

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #18 on: January 29, 2012, 01:57:03 am »
^haha! i still feel them but i dont see them.. hindi na kasing lala ng mga encounters ko dati,..

kwento ko ulit,.. nakalipat na kami ng house i mentioned it na sa previous thread ,. so ang pinagpray ko talaga,. sana maiwan na sa old house lahat ng mga bad "things'.. so i felt peaceful na sa new house,. sure ako walang entity dito,. but sadly they can reach me still through dreams,.. so mga after a year, i had a nightmare again,. may tao sa gilid ng kama ko nakahiga,.. the same guy na nanggambala sakin sa old house.. he was reaching for my blanket,. so nagising daw ako,. takot na takot daw ako,. and i said "no! bakit kayo nakarating dito, tigilan nyo na ako" hanggang sa hinahatak na nya paa ko pababa (the same things na ginagawa nila sakin nung nasa old house pa ko, the difference lang is gising ako nuon it wasn't just a dream)... so ayun i ran daw papunta sa kwarto ng parents ko,. 
iyak daw ako ng iyak tinatawag ko papa ko,.. nasa terrace daw siya ng kwarto nila nakatalikod siya,.  sabi ko papa nasundan na nila ako,. hagulgol talaga ako,. humarap siya sakin, nagsmile lang,. ang sabi ganun talaga,. hindi mo na yan matatakasan,. tapos nag iba ang mata nya same eyes na nakita ko dun sa lalaki na nsa post above,..

and i shouted daw, "no!!!  hindi ikaw ang papa ko!" and he held me on my shoulder saying andito na kami sa bahay mo.. iyak ako ng iyak,. ayun nagising ako humahagulgol talaga ako at nagsisikip dibdib ko,.. i was so scared ano meaning ng dream ko na yun,.. and i prayed hard,.. so far,. i still dont feel them here,. only in my sleep sila nanggambala,. pero i can walk around the house in the midle of the night kahit pa 3am,.. wala akong nararamdaman,. but i cant look sa labas ng bahay,. dun ko nararamdaman parang may nakamasid,. but hindi sila makapasok,... i know we're protected,..

and speaking of that guy na naghahatak ng paa ko lagi,.. i have many kwento about him na hindi pa ko handa i share,. it's a little sensitive kasi,.. and as usual as im typing these nagsisikip dibdib ko at nanglalamig ako,.. so not ready pa talaga,.. soon sana,. or perhaps i'll consult GTalker Cityhunter muna,..

quennna

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #19 on: January 29, 2012, 03:47:53 pm »
wow, shatz, katakot yang pinagdadaanan mo ha...
prayers lang talaga ang only protection mo..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close