My bf just broke up with me, and I was devastated for several weeks. I was in my room most of the time when I was home. Like the usual heartbroken pips, I spent most of my time crying.
One day there was a birthday celebration in one of my neighbors. I was invited but I just stayed in my room, as usual down and gloomy. Alam nyo yun usual drama. But my Mom just suddenly suprised me with her heavy knocking. Pag bukas ko, it was my Mom with my neighbor. They asked me to turn on the lights and leave the room.
Para na kaming nagkaroon ng counseling session sa sala. Embarrassing!

My neighbor asked me kung may problem ako, but I just said na ok ako. She was not convinced kaya sinabi nya ang reason bakit sya pumunta.
It turns out while she was on her way to our neighbor's house, may nakita syang silhouette ng isang lalaki na nakatayo sa labas ng bintana ng room ko. Mga 5 seconds din daw nya tiningnan, and nun convinced nga sya na nakatingin sa window ko at di tao yun, kinatok na nya house namin.
Mula nun, pinigilan ko ng magmukmuk sa room ko.

Iniisip ko lagi happy thoughts. hahaha
My Ate's Room. Nun di pa nirerenovate yun house, I used to sleep sa kwarto ni Ate. We had bunk bed then. Ako sa baba, si Ate sa taas. But there came a time na pinag-aral ni Tatay yun isang cousin ko so pinatira na rin sya sa house. Ang nanyari, si cousin sa baba ng bunk bed, kami ni ate sa taas.
My cousin, after a week of stay, already complained na may bumubulong sa kanya every night. Unlike my bro, super takot sya. We advised her to pray, and one of our neighbors told my Mom to let her use anything red sa bedsheets. Binigyan pa ng rosary ni Nanay si cousin. But wala rin.
One time, nagising kami ni Ate kasi nagsisisigaw yun pinsan namin ng "Auntie, hinahatak nya!" Hagulgol ever sya. She told us na nun nagstart na naman syang bulungan, she started to pray then mahigpit na kapit sa rosary. Nun nag-stop daw ang bulong, after a few seconds, nafeel nya hinatak unti-unti yun rosary. Dun na sya nagsisisigaw.
It was hard then. Sa sala na namin sya pinatulog after nun kasi wala na talagang space sa house. Pero sya ata talaga ang fave ng "resident" ni Ate.
One afternoon nakita ko na lang syang nakabulagta sa floor ng room ni Ate. Nagpanic ako. With the help of some neighbors, nadala namin sya sa sala. Swear, mahigit isang oras bago sya nagising. Naiiyak na si nanay nun. Pati yun isang kapitbahay na nurse, pinapunta na kasi baka nga health problem. But one of our neighbors said (same neighbor dun sa 1st story ko) na hindi raw kasi nakatingin daw yun resident ng room sa amin.
Nang nagising, my cousin told us her story. Nilalagay lang nya sa cabinet nya (which was in my Ate's room) yun mga bagong laba nyang damit nang may nag-tap ng balikat nya. Pag lingon nya, she saw a lady na maputi pero walang mukha. Right then and there ata nawalan na sya ng malay.
After that, my mom talked with a certain man (di ko alam kung ano exactly ginagawa nya). He gave something to my cousin na nasa isang pouch na dapat daw nyang dalhin kahit saan. Never kong nakita kung anong laman nun.
My sister never experienced anything unusual sa room nya.
