Halos lahat ng classmates ko tumawag sa bahay to say that i should be extra careful because masamang pangitain daw yun
k_fine, a doppelganger.. sabi nga nila malas daw un.. lalo na pag ikaw mismo nakakita ng sarili mong doppel.. many of my friends narin nakakita ng doppel.. kahit ako.. but most of us di pa nakakita ng sariling doppel namin..
But meron ako isang friend, nakita nya doppel ng sister nya, and a bad news happened.. alam ko nai-share ko na yun dito pero share ko ulit.. May samaan kasi ng loob yung friend ko at yung sis nya, so yung time na manganganak yung sis nya, hindi nya sinamahan sa hospital and asawa lang ng sis nya yung sumama. Then the night came, nasa 2nd floor sya, and he saw a tricycle na huminto sa tapat nila, at nakita nya sis nya na may dala-dalang baby! Syempre nagtaka sya na kapapanganak pa lang bakit nakalabas na agad ng hospital, so pinuntahan nya sa baba.. but he saw no one.. walang tao.. wala kahit sinong dumating.. then right that time tumawag asawa ng sis nya.. at sinabing PATAY daw yung bata pagkalabas..
So far, personally, yan palang nalaman kong nagka-bad news about sa doppel..
Tibayan na lang natin ang faith natin kay God.. kasi di natin alam ang mga mangyayari, maaaring hindi nga tayo malasin sa mga doppel.. or HINDI PA tayo minamalas..
AND may i-share ulit ako.. since matagal din akong nawala sa GT kasi busy din sa work..
This happened kahapon lang, Sunday, father's day pa.. syempre inuman session ng mga tatay na magkakapit-bahay sa amin.. kinagabihan mga lasing na.. then yung isang lasing is umihi sa maliit na eskinita papasok sa may lumang boarding house sa baba namin (mejo madilim, mabaho and maraming kalat, kahoy at bato) nakita ko sya pumasok kasi nasa labas ko that time.. then nung umiihi sya, narinig ko na nagsasalita sya mag-isa, dinedma ko lang kasi nga nakainom.. pero nagtataka ako kasi palakas ng palakas boses nya, parang nakikipag-away..
"anong tinitingin-tingin mo? bakla ka ba?!"
"loko ka ah di ka aalis dyan? iihian kita !@#$ ka!"
na-curious ako, so sumulyap ako sa eskinita, then napansin ko na may usok sa tabi ni manong, slow-moving smoke.. parang singaw na galing sa lupa.. tapos nangamoy kandila sa eskinita.. wala naman akong napansing ibang pumapasok sa eskinita para gumawa ng usok kasi matagal ako nakatambay sa labas.. kinabahan ako.. di ko alam gagawin ko kaya lumayo agad ako sa eskinita.. tapos mga 15 secs lumabas si manong at bumalik sa inuman.. di ko na ulit sinilip yung eskinita.. the rest of the night is normal naman..
kanina before ako pumasok sa work, dumungaw ako sa eskinita, parang wala lang.. nothing interesting, nothing weird.. pero napapaisip pa rin ako about last night..