watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176497 times)

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #400 on: April 09, 2014, 06:20:41 pm »
Hi, theshopaholicprincess.

As its a suicide that happened to the place next to yours the key would be to have a priest do a deliverance prayer as well as praying for the soul of that person.  When one does suicide ay hindi iyan makakaalis.  Stuck iyan until such time it can be allowed to move on or maybe not at all even.  Depende kasi sa gravity ng nagawa niya plus who cursed his/her soul.

There is nothing to fear with such - though syempre ay even I still get jumpy when handling such - dahil you are never alone.  For it to manifest sa inyo it has to feed on something.  The more you fear it the more you fuel it.  The more positive you are plus you call upon Him or His workers/helpers ay it would help ease the experience.

Yun nga lang for a place to have such happen to it ibig sabihin lang matindi yun negative energy that caused them to do that.  May mga places which attract people and even animals to do that kasi. 

For now until you've yet to transfer ay use warm light in all areas of your place save sa kitchen. regularly cleanse your place.  Have cacti outside next sa door and windows and do regularly pray together.  Again, critical that a deliverance prayer be done.

IF you think moving out is going to solve things ay that is a 50-50 possibility lang.  Pwedeng sumunod sa inyo rin iyon.  More so if the spirit of that has great hatred o sorrow for you trying to avoid it.

Sa situation like kay sis gharz412 ay hindi biro that something wants to harm or even kill you.  Same pa rin ang solution - do not let fear or anger control you at such a moment.  Remain calm and call upon Him regardless of how your knees are shaking, etc.

Napansin rin ninyo na madalas next to your head, hands and feet iyan mararamdaman.  When you turn your head its as if ka-height mo sila.  Its because your energy is being leeched from those energy gates on the said parts I mentioned.  Cross your ankles and hands.  Cover your head rin - now you know bakit may belo when praying sa church then and when being wed.

robin.scherbatsky

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #401 on: April 10, 2014, 06:33:39 pm »
Hello sisses, hindi naman ganun ka creepy yung experience ko but I will share it anyway.
 
I was renting a 2 storey house with several housemates 2 years ago. That night, 2 lang kaming girls sa house and nagpunta ata sa gimikan yung other housemates. There was nobody in the bathroom since kasama ko sa room yung 1 pang girl. Pero napahinto kami and nagkatinginan when we both clearly heard the faucet turn ON for several seconds and turn OFF by itself.

The faucet was in good condition since bagong renovate lang yung bathroom, and hindi sya naging leaky during our stay. So, hindi na lang namin tinakot sarili namin lalo that night pero we were both scared to pee  ;D

rara_avis

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #402 on: April 16, 2014, 01:45:32 pm »
This happened to my office mate a few days ago. She is on business trip here in Singapore and she stayed at our corporate condo. Around 3am naalimpungatan sya kasi may nasipa daw sya sa bandang paanan ng kama, di naman daw unan kasi wala naman daw sya nilagay don. Then moments later, may yumakap sa kanya tapos bumubulong sa kanya. Di daw nya maintindihan, biniro ko na lang na baka chinese or malay or tamil ang language kasi nasa SG sya. Tapos hinawakan nya yung yumakap sa kanya and parang skeleton daw. Nagdasal na lang sya hanggang i-let go sya, lumabas na sya ng kwarto ng di lumilingon at ayaw nya makita kung ano man yun.

teresy24

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #403 on: April 16, 2014, 03:14:23 pm »
Itong experience na ito made me super duwag until now.

Dati sa dorm namin, common yung shower area. Dun din kami naglalaba kasi napakalaki talaga nung cr. Dahil nag aaral ako hanggang gabi, madaling araw na ko nakakapaglaba. Matapang ako noon kasi yung dorm namin bagong gawa lang at wala pang creepy stories. Naglaba ko sa may sink na may sobrang laking salamin. Makikita talaga yung buong cr. Tapos naramdaman ko parang may nakatingin sa akin from the 3rd shower cubicle. Shower curtain lang yung nakaharang kaya I double checked kung may tao. Wala naman. Tapos may narinig akong umuungol. I checked naman yung mga toilet cubicles. Inisa-isa ko pa talaga. Wala ding tao. Tinuloy ko pa rin ang paglalaba ko. Tapos naramdaman ko na naman yung nakatingin. Tumingin na lang ako sa labada ko para di ako makatingin sa salamin. Tapos biglang sumitsit. Nagtatakbo ko sa room ko kahit madami pang sabon yung kamay ko. Hindi ko na nagawang maghugas ng kamay sa sobrang kaba. Nilagyan ko na lang ng alcohol.  ;D


Kinabukasan, kinwento ko sa guard yung nangyari tapos hindi sya naniniwala. After a few days, sya mismo nagsabi sakin na may narape daw na dormer sa kabilang room namin. Nung pauwi sya sa probinsya nila nirape at pinatay daw tapos that day lang nakita yung bangkay. Feeling ko noon, akala nya nakabalik na sya ulit ng dorm kaya nasa common cr sya. Ipinagdasal na lang namin tapos lahat ng shower sinabitan namin ng rosary.


Mula noon hindi na ako nanonood ng horror movies. Kahit wala naman talaga akong nakita. Pero yung feeling na sobrang takot ayoko na sana maramdaman.


Kaso nag enjoy ako sa thread na to e.


donya_dyosa

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #404 on: May 04, 2014, 09:10:47 pm »
My ex of 8 years who died dec2012... nagpaparamdam na naman..last paramdam nya ay nung pagkamatay niya , . tapos nun wala naman na. nagdadrive ako going to work ng 430 am. Callcenter ako nagwowork...  bigla nalang naamoy ko trademark na pabango niyang perry ellis. Nasa edsa nako nun sa ayala ilalim... alam ko nasa likod siya ramdam na ramdam ko... yung mata ko tumingin pa sa rearview mirror kahit ayaw ko.. pero split second lang yun... kaya hindi ko nakita. Sobrang tapang nung pabango... ginawa ko nagwindows down nalang ako para kahit papano hindi kami enclosed..  naiyak nalang ako sa takot..  hindi nako nagstop dumerecho ako sa office kasi malelate nako..


Sa tingin ko tinatry nya maaksidente ako ngayon.. may tendency kasi mabangga ako sa takot at sa pagtingin sa rear view nung buhay pa sya may pagkapsychotic kasi..

By the way nung nagparamdam siya nund dec2012., traffic nuon sa southbound ng ayala.. nung naamoy ko pabango nya.. pagdating ko edsa taft pinara ako mmda..pagstop ko.,sabi ni mmda nasan daw ang kasama ko katabi ko hindi daw nakaseatbelt! pero parang nagtataka siya talaga ako naman kala ko hulidap so pinago na nya ako... ng walang violations..  ayun paguwi ko andami ngfb msgs sakin na patay na nga daw si ex.

Iniisip ko prin bkt panay ayala... walanaman nangyare significant dun

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #405 on: June 06, 2014, 04:26:38 pm »
Hi, theshopaholicprincess.

As its a suicide that happened to the place next to yours the key would be to have a priest do a deliverance prayer as well as praying for the soul of that person.  When one does suicide ay hindi iyan makakaalis.  Stuck iyan until such time it can be allowed to move on or maybe not at all even.  Depende kasi sa gravity ng nagawa niya plus who cursed his/her soul.

There is nothing to fear with such - though syempre ay even I still get jumpy when handling such - dahil you are never alone.  For it to manifest sa inyo it has to feed on something.  The more you fear it the more you fuel it.  The more positive you are plus you call upon Him or His workers/helpers ay it would help ease the experience.

Yun nga lang for a place to have such happen to it ibig sabihin lang matindi yun negative energy that caused them to do that.  May mga places which attract people and even animals to do that kasi. 

For now until you've yet to transfer ay use warm light in all areas of your place save sa kitchen. regularly cleanse your place.  Have cacti outside next sa door and windows and do regularly pray together.  Again, critical that a deliverance prayer be done.

IF you think moving out is going to solve things ay that is a 50-50 possibility lang.  Pwedeng sumunod sa inyo rin iyon.  More so if the spirit of that has great hatred o sorrow for you trying to avoid it.

Sa situation like kay sis gharz412 ay hindi biro that something wants to harm or even kill you.  Same pa rin ang solution - do not let fear or anger control you at such a moment.  Remain calm and call upon Him regardless of how your knees are shaking, etc.

Napansin rin ninyo na madalas next to your head, hands and feet iyan mararamdaman.  When you turn your head its as if ka-height mo sila.  Its because your energy is being leeched from those energy gates on the said parts I mentioned.  Cross your ankles and hands.  Cover your head rin - now you know bakit may belo when praying sa church then and when being wed.

Sir CH, thanks for the advise. Sorry ang tagal ko kasi nawala dito sa GT because medyo naging busy sa work. Actually isa ko pa itatanong kasi nito mga nakaraang weeks, wala kami madalas sa apartment usually nasa parent's house kami ng husband and my in-laws are the ones left sa apartment. I noticed nung bumalik ako ng apartment yung isang cactus namin nangingitim na. Tapos yung mom ko naman nung pumunta ng apartment, pinapatanggal naman yung mga cacti ko kasi daw malas daw may cactus na alaga. :P Eh sabi ko for protection purpose nga yung mga cacti ko tapos tatanggalin.

When you say warm lights, is it yung mga usual lights na fluorescent lamps? Usually pag nasa apartment naman kami lagi may ilaw yung kitchen at room namin. Pero I am a bit worried kasi for two weeks wala natutulog sa apartment. Pano kaya namin ma-ensure na hindi sya susunod sa new house namin. Almost finished na yung bahay namin and baka by the end of the year makalipat na rin kami. I want to make sure na sa new house puro positive energy na dapat. Does it mean po ba na yung apartment na tinitirhan namin nagdadala rin ng negative energy samin?? Thanks sir CH

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #406 on: June 07, 2014, 01:27:11 pm »
Hi, theshopaholicprincess.

Warm light aka yellow light aka incandescent light not white light aka florescent light.  Ideally one does cleansing of the place once they visit it no matter how infrequent those visits are.


kaiz

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #407 on: June 07, 2014, 01:52:17 pm »
just last last friday, helper namin sinaniban na naman. exactly 1 year ago, sinaniban din siya. as in ang lakas. sabi, yung house namin daanan daw kasi nila kaya madami daw kami kasama.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #408 on: June 09, 2014, 10:58:01 am »
Hi, theshopaholicprincess.

Warm light aka yellow light aka incandescent light not white light aka florescent light.  Ideally one does cleansing of the place once they visit it no matter how infrequent those visits are.

thanks Sir CH :) will try this at home. Ngayon kasi gamit namin sa house is fluorescent lights. Hindi kami nag ooff ng ilaw sa bedroom and kitchen since tumira kami sa apartment.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #409 on: June 09, 2014, 04:34:28 pm »
Hi, kaiz.

Worrisome iyan as it simply points that what it was has returned and yun root niya has not just taken hold but has continued to make inroads.  Critical na the subject cleanses ASAP.  Confession is one way to do that.


Hi, theshopaholicprincess.

Oh boy.  Taas siguro kuryente ninyo.  Natural sunlight helps cleanse the place ng such unwanted energies.  Try to see what options you could effect kasi if artificial lighting lang siya ay kapag irregular yun cleansing ay it mas felt yun mga malas and weird episodes.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #410 on: June 09, 2014, 05:04:23 pm »
^ Hi Sir CH, sa morning naman po natatamaan ng sunlight yung apartment namin kaya lang yung pwesto kasi ng pinto namin medyo tapat sa neighbor so medyo natatakpan ng konti yung sunlight. Sa gabi naman hindi ako kampante na patay yung ilaw sa kitchen at bedroom kaya I let it open until morning. Overdue na rin yung cleansing samin and nalungkot ako kasi in my absence yung money tree ko at isang cactus eh natuyo during summer days. :P

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #411 on: June 16, 2014, 04:24:22 pm »
Quote
Halos lahat ng classmates ko tumawag sa bahay to say that i should be extra careful because masamang pangitain daw yun

k_fine, a doppelganger.. sabi nga nila malas daw un.. lalo na pag ikaw mismo nakakita ng sarili mong doppel.. many of my friends narin nakakita ng doppel.. kahit ako.. but most of us di pa nakakita ng sariling doppel namin..

But meron ako isang friend, nakita nya doppel ng sister nya, and a bad news happened.. alam ko nai-share ko na yun dito pero share ko ulit.. May samaan kasi ng loob yung friend ko at yung sis nya, so yung time na manganganak yung sis nya, hindi nya sinamahan sa hospital and asawa lang ng sis nya yung sumama. Then the night came, nasa 2nd floor sya, and he saw a tricycle na huminto sa tapat nila, at nakita nya sis nya na may dala-dalang baby! Syempre nagtaka sya na kapapanganak pa lang bakit nakalabas na agad  ng hospital, so pinuntahan nya sa baba.. but he saw no one.. walang tao.. wala kahit sinong dumating.. then right that time tumawag asawa ng sis nya.. at sinabing PATAY daw yung bata pagkalabas..

So far, personally, yan palang nalaman kong nagka-bad news about sa doppel..

Tibayan na lang natin ang faith natin kay God.. kasi di natin alam ang mga mangyayari, maaaring hindi nga tayo malasin sa mga doppel.. or HINDI PA tayo minamalas..

AND may i-share ulit ako.. since matagal din akong nawala sa GT kasi busy din sa work..

This happened kahapon lang, Sunday, father's day pa.. syempre inuman session ng mga tatay na magkakapit-bahay sa amin.. kinagabihan mga lasing na.. then yung isang lasing is umihi sa maliit na eskinita papasok sa may lumang boarding house sa baba namin (mejo madilim, mabaho and maraming kalat, kahoy  at bato) nakita ko sya pumasok kasi nasa labas ko that time.. then nung umiihi sya, narinig ko na nagsasalita sya mag-isa, dinedma ko lang kasi nga nakainom.. pero nagtataka ako kasi palakas ng palakas boses nya, parang nakikipag-away..

"anong tinitingin-tingin mo? bakla ka ba?!"
"loko ka ah di ka aalis dyan? iihian kita !@#$ ka!"

na-curious ako, so sumulyap ako sa eskinita, then napansin ko na may usok sa tabi ni manong, slow-moving smoke.. parang singaw na galing sa lupa.. tapos nangamoy kandila sa eskinita.. wala naman akong napansing ibang pumapasok sa eskinita para gumawa ng usok kasi matagal ako nakatambay sa labas.. kinabahan ako.. di ko alam gagawin ko kaya lumayo agad ako sa eskinita.. tapos mga 15 secs lumabas si manong at bumalik sa inuman.. di ko na ulit sinilip yung eskinita.. the rest of the night is normal naman..

kanina before ako pumasok sa work, dumungaw ako sa eskinita, parang wala lang.. nothing interesting, nothing weird.. pero napapaisip pa rin ako about last night..



mochistar

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #412 on: June 17, 2014, 12:47:24 pm »
lalo tuloy ako natakot after reading your stories pero can't stop reading haha

nung high school ako first time ko makakita. Madaling araw yun. I woke up since I had to answer the call of nature. Habit ko kasi pag gising ko titingin agad sa clock which is sa wall sa tapat ng bed. Pag tingin ko it was past 3 am mga 3:05 am ata yun. so tumingin ako sa paligid at eventually napatingin na ko sa pintuan ng room. May nakita ako parang white mist... basta parang hindi siya solid talaga walang mukha pero may shape na parang dress na bagsak. At first i thought ilaw lang na galing sa labas na nakalusot sa windows. Napaupo na ko sa kama, getting ready to stand up para mag cr. Pero pag tingin ko sa door.. andun pa yung white thing at nakalutang siya! natakot ako at tinry ko gisingin mom ko na katabi ko matulog pero di siya nagising. Nagtalukbong na lang ako and pilit ko matulog ulit kahit na ihing ihi na ako.

kinwento ko sa kasambahay namin since ayaw maniwala ng mom ko. nagulat ako at parehas kami ng nakita at dinescribe niya pa. parehas talaga pero sa stairs namin niya nakita

second naman is mga 5 years ago

Mag evening bath na sana ako. Pag pasok ko ng bathroom, may narinig ako malakas na tunog. yun pala yung window ng cr namin nagsara. Hindi siya hangin eh since may force talaga na parang tinulak. Hindi rin magsasara ng husto yung window hangga't walang pwersa. Hindi rin naman malakas hangin since sa likod ng bahay yung washroom na yun katapat ng laundry area. so washroom tapos yung side ng window is laundry area na and sigurado ako walang tao dun nung time na yun. For three consecutive nights ganun nangyari sakin. hindi ko na pinansin hangga't sa tumigil na

third naman is 3 years ago

dinala ko sa taas yung dog ko sa kwarto. Naglalaro kami ng fetch with his new toy. I was inside the room tapos yung dog ko nasa kabila lang kasi napunta dun toy niya. Tinawag ko siya pabalik at lumapit siya. Kaso bigla siya umupo. Body straight at yung ears niya nakataas na parang alerto talaga. Tapos he started barking at something na nakatingala siya dun sa direksyon sa tabi ng headboard ng bed namin pero wala naman ako nakikita. Nakakatakot lang lalo kasi nakatingala siya meaning baka nakalutang yung nakikita niya. Ayaw niya tumigil tumahol hangga't sa tumakbo ako sa takot pababa at naiwan siya sa taas haha naawa ako sa kanya pero napangunahan ako ng takot. pati ata siya natakot sa pagtakbo ko kasi natigil yung tahol niya

Last naman nangyari 2 weeks ago
nagovernight ako sa bahay ng friend ko sa subdivision sa paranaque. pag uwi ko kinabukasan, bigla ako nanghina. nanakit buong katawan ko. una left arm and side ng back ko lang masakit. so yung day na nakauwi na ko from their house, nagpamasahe nalang ako sa massage therapist baka napasma at may naipit na ugat. ilang days na nakalipas, nanghihina na ako and halos buong katawan ko na sumasakit. nagpamasahe ulit ako pero ganun parin. Halos mag one week na ko panay tulog nalang sa kama at walang gana. sobrang hina ng mga arms ko. hanggang sa naisipan ko na magpatawas at sabi nga may lamang lupa daw na naka usog sakin. sabi sakin nung magtatawas na nakuha ko daw yun sa lugar na pinuntahan ko. tapos tinanong niya ko saan ba raw ako nagpunta and yun nga sa bahay ng friend ko. Sabi ng mom ko baka nanibago sa mukha ko at tahimik rin kasi sa lugar nila. Binigyan ako nung papel na pinagsunugan na may image ng entity. Higaan ko raw for 3 days at sunugin. Biglang umayos pakiramdam ako


Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #413 on: October 28, 2014, 12:35:32 am »
I-up ko lang to maghahalloween na mga sisses, share your creepy stories  ;D

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #414 on: October 28, 2014, 02:22:04 am »
Just yesterday.. Nag mall kami sa hapon then nun paguwi namin ng gabi, when i opened the front door nakita ko bukas ang ilaw sa kitchen. Just brushed it off baka napindot lang bago kami umalis.. Pero i know at the back of my mind, imposible kasi ang liwanag pa bago kami umalis. Then around midnight i was checking the locks tapos binuksan ko un pinto to check kung naka lock ba un screen door.. Then nun sasara ko na un door and i lift my head up may nakita ako nakatayo.. Mga 3 steps away sa pinto. Nagulat pa ko, bigla ko nasara ng malakas un pinto then sa lito ko binuksan ko ulit. meron talaga.. Haha! Silhouette lang na parang babae na naka tshirt.. So sinara ko na ulit un pinto. Until now nag iisip pa rin ako kung namalikmata lang ba ko or what..

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #415 on: October 28, 2014, 10:01:17 am »
sige mag-share ako..

last august pa to eh.. lumipat kasi ako ng boarding house sa pasig para mas malapit sa work. May maliit na gate sa gilid ng owner's house, tapos mahabang eskinita yun, papasok sa mismong boarding house.. madalas gabi na ako umuwi.. 1st week ko pa lang nun sa boarding house, meron na ako naramdamang kakaiba..

one time, past 11pm ako nakauwi, so binuksan ko yung gate, may ilaw naman sa mismong gate, pero di yun sapat para mailawan ang buong kahabaan ng eskinita.. mejo madilim na sa bandang dulo.. so pagpasok ko, may mga sinampay na mejo humaharang sa daan.. mejo mababa kasi yung sampayan di pa daw naaayos.. so lumakad ako habang hinahawi ko yung mga sinampay..

padilim na ng padilim ang eskinita.. maya-maya biglang humangin ng malamig! kinabahan ako.. so huminto ako then pina-ilaw ko cellphone ko.. tapos inilawan ko yung dadaanan ko.. lumakad ulit ako..

sa bandang dulo, meron ako napansing nakatayo.. since nakatakip yung mga sinampay, yumuko ako konti.. and meron ngang nakatayo.. nakaharap sa direksyon ko.. naka-paldang puti at naka-paa lang.. kinabahan ako so lumakad ako pabalik sa labas..

may narinig akong "pssst!".. lalo ako kinabahan.. at may nagsalita na parang nagmamakaawa, "pailaw naman ng daan".. napalingon ako, Boarder pala sa kabilang room ko.. hahaha! binalikan ko sya at inilawan ang daan.. napahawak pa sya sa dingding habang naglalakad at napansin ko singsing nya, mukang mamahalin.. sinamahan ko sya hanggang gitna lang ng eskinita.. tapos lumabas n sya..

di ko man lang natanong bakit pala sya naka-paa! so dedma.. naglakad ulit ako.. and nakarating na ako sa pinto, pero pagpihit ko ng doorknob, naka-lock!

"si ate talaga, alam na palang andito ako, ni-lock pa pinto pag-alis.." , so kinuha ko susi ko..
 
nang sususian ko na yung pinto, biglang may nag bukas! si Ate ang nagbukas ng pinto! sya yung babaeng nagpatulong at inilawan ko kanina sa eskinita! sya ang nasa loob! tapos:

ate: "akala ko kung sinong KUMAKATOK, ikaw pala kuya.."

tumayo mga balahibo ko nun time na yun! unang-una, hindi ako kumatok! kinabahan talaga ako.. pero kinausap ko sya..

me: "oh bat gising ka pa ate?"
ate: "oo eh hinahanap ko singsing ko.. mahal pa naman bili ko dun.. kanina ko pa hinahanap eh, baka may napansin ka kuya?"
me: "ha? anong itsura ng singsing?"
ate: "white-gold sya na may red stone sa gitna"

bigla ko naalala yung singsing na nakita ko kanina.. ganun na ganun ang description! sinabi ko nalang:

me: "ay.. wala ate eh.. sorry.."

sabay punta sa kwarto ko.. kinakabahan parin ako.. nagsinungaling ako dahil alam kong di sya maniniwala at ayoko gumawa ng isyu lalo't new boarder pa lang ako.. but i guess, yung singsing na hinahanap nya, yun yung nakita ko sa eskinita!

kinabukasan, nakita nya yung singsing, bigla daw ulit lumutang dun sa pinaglagyan nya sa mga damitan, ang weird nga daw eh..

di ko alam kung doppel yung na-encounter ko that night, di ko kasi sure kung nagsasalita ang mga doppel eh..
« Last Edit: October 28, 2014, 10:03:33 am by jaymejorrol »

cutieann12

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #416 on: October 28, 2014, 03:21:49 pm »
share ko din kasi simula pa nung bata pa ako lagi ako nakakakita ng mga maligno. akala ko sa probinsya lang may ganun hindi pala, wala pala sa lugar un. nung college ako summer vacation meron field trip yung isa sa klase namin nung summer class. late na nakabalik yung bus kaya di na ako nakauwi sa bahay. sa dorm ako natulog at mag-isa lang ako nun, around 12 may narinig akong unti-unting umaakyat pagkarinig ko natakot ako kc alam ko walang ibang tao sa dorm. bandang 3am nagising ako at may narinig na naman akong kumatok ng tatlong beses sa room, sa sobrang takot ko umiyak na ako at pinilit kung makatulog. yung dorm namin lagi ako nakaka experience ng may kumakatok sa pinto pero paglabas wala naman tao at madalas ako magising ng 3am, di ko alam parang may something na gumigising sa akin ng ganung oras.

2 years ago naman sa pasay lagi  ako nagigising ng 3am, ilang linggo na ganun ako di ako bumabangon kc baka kung ano pa makita ko, pinipilit ko lang na matulog ulit, nawala lang yun nung may hawak na ako ng rosary sa pagtulog.

last feb naman sa apartment ng kaibigan ko, since ramdam ko kung may something ang isang lugar grabe papasok pa lang ng pinto ang bigat sa pakiramdam ramdam ko na kakaiba yung vibes ng bahay. tapos habang nasa kwarto kami may narinig kami na footsteps sa hagdan nagkatinginan kami kasi kaming 5 nasa iisang kwarto. lagi din ko nagkakasakit pagkagaling dun, ayaw na ayaw ko na bumalik dun buti na lang lumipat na kaibigan ko.

sa may greenbelt naman sa tapat ng PRADA area, meron isang malaking puno dun pagtingin ko sa puno may nakatitig sa akin na isang malaking lalaki pagkakita ko di na ako ulit tumingin sa puno.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #417 on: October 28, 2014, 06:31:12 pm »
Last night wifey heard a growl from under the bed but wala naman doon any of our dogs.

purple.strawberry

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #418 on: October 30, 2014, 08:16:24 am »
I had a friend who has an active third eye. One time while we were hanging out at my house, he asked me if connected ba yung storage room in our 2nd floor sa cr namin sa 1st floor. I thought it was a very random question but also tama naman siya. Kasi the storage room has a connecting pipe sa cr, it was originally designed to be another cr din kasi. So I said, "oo, bakit mo natanong?" He replied, "Wala lang, kasi yung batang babae na nakita ko sa cr niyo andun din sa storage room e. Nakatingin sa'tin ngayon."

brandi

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #419 on: October 30, 2014, 08:56:34 pm »
^too creepy! He should have just kept it to himself na lang then tell you when you're not in the house haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close