^^ Pasensya po naputol, dumating kasi si boss eh haha. Pagdugtungin ko nalang para kumpleto and mas effective haha.
Last Tuesday lang to. Nag-install ako ng Dota 2 sa pc namen and hinintay ko matapos yun and inabot ako ng 2am. Siguro mga 2:05am may kumatok sa pinto, inisip ko agad baka yung kapatid ko na galing work, so binuksan ko. Pero pag-open ko, madilim, walang tao, instead, I saw a someone wearing a white dress, mga 3 meters away sa door namin. Nakatalikod sya. I know white lady yun and aware naman ako na meron talagang ganun samen. Natatakot parin ako kaya sinara ko ulit yung pinto.
Mga 5 mins lang. May kumatok nanaman! Sabi ko "Sino yan?" pero walang sumasagot. Tinext ko kapatid ko para makasiguro na sya na yun. Pero di pa daw pala sya nakakaalis from work. So nagduda agad ako kaya dinedma ko nalang yung katok. Nawala ulit yung pag-katok. Pero ilang saglit lang din, may kumatok nanaman! pero hindi na sa pinto, nasa aparador ko na.
Syempre takot naramdaman ko. Ang ginawa ko, dinedma ko ulit. Nag salpak na lang ako ng earphone tapos full volume para wala akong marinig na kahit anong weird noises, then humiga na ako para matulog.
Maya-maya pumasok si mama sa kwarto ko. Bakit daw ang ingay at kumakatok daw ako sa dingding? Sabi ko hindi ako yun kasi matutulog na ako. Tinuro ni mama yung dingding sa bandang ulohan ko na dun daw may kumakatok kaya naisip nya na ako daw yun. Then bumalik na ulit sya sa room nya.
Lalong di ako makatulog sa sinabi ni mama. Di ko rin narinig yung katok kasi naka earphone ako. Hindi na ako nag-earphone kasi baka maulit yun, kaso natatakot naman ako ulit makarinig ng ganun. Ang ginawa ko, naglaro ako ng pc, nilaro ko yung kaka-install ko lang na Dota para maaliw ako, 2:30 na un gising pa ako.
Mga 3:15am, habang naglalaro ako, narinig ko yung pusa namin sa labas na ngiyaw ng ngiyaw. Paulit ulit na parang may sinasabi. Then may kumatok ulit sa pinto. "Kuya pabukas ng pinto".. inisip ko na baka kapatid ko na nga yun and kaya nagiingay yung pusa namin, pero naniguro ako, sabi ko.. "Ano muna password ko sa cp ko?".. "14MP0G1" sabi nya.. walang duda kapatid ko nga yun. Pag bukas ko ng pinto, yung alagang pusa lang namin ang nakita ko, at nakapwesto sya kung saan ko nakita yung white lady before.
Lalo akong natakot, pero mga 5secs after, dun lang dumating kapatid ko. Naabutan nya akong nakabukas yung pinto and nakatingin sa pusa. Biglang tumahimik si pusa.
Mejo nakahinga na ako ng maluwag dahil dumating na utol ko. Nakatayo parin ako sa pinto, habang kapatid ko naghuhubad ng jaket (nagmomotor kasi sya). Nagtaka ako, biglang nag-ngingiyaw ulit yung pusa namen. Nakatingin sya samen. Parang may gusto syang sabihin. Nung huhubarin na ng kapatid ko yung sapatos nya, pag yuko nya.. eto nakita ko nakatayo sa likod nya:
https://lh6.googleusercontent.com/-Ar-z1CJl_vc/Tqhey7Y-MEI/AAAAAAAABRU/d0I_su22nHA/s800/Scary%252520White%252520Lady%252520Halloween%252520Look_2.JPG(About sa image, makeup lang yan, nakita ko sa web, pero hindi nalalayo jan yung nakita ko sa bahay)
Bigla kong hinila braso nya papasok sabay sara ng pinto. At kinwento ko yung nangyari at nakita ko.
Kinabukasan, nagpatawag kame ng albularyo, at nagpausok sa bahay. May naligaw daw na masamang espiritu kaya daw nagpaparamdam. So far hindi na naulit yung mga pangyayari, and pinipilit ko na matulog ng maaga.