watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176423 times)

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #340 on: October 30, 2013, 09:58:52 pm »
Last month ito encounter nina mommy:

Tuesday yun. Nasa dorm ako and my sister. Patulog na si mommy at tulog naman na si daddy. Bigla daw may pumanik at binuksan yung cabinet ko. Narinig lang ni mommy. Tapos yung tunog daw after yung parang nagpagpag ng pantalon bago isuot. Akala daw nya umuwi ako. Tapos sinara daw yung cabinet ng malakas. Di daw nagreact si mommy. Nagising si daddy at nagsabi na "umuwi pala si FOURever". Di sumagot si mommy kasi patulog na nga sya.. Tapos sinara na naman ng malakas yung cabinet. Dalawang beses na magkasunod. Akala ni daddy tulog na si mommy kasi di nagsasalita si mommy. Kaya lumabas sya ng kwarto at pumunta sa kwarto ko. Bukas sara bukas sara daw yung cabinet ko. Natakot daw si daddy nun. Pero tumigil daw nung pumasok sya ng tuluyan. Pagbalik nya ng bed, ganun na naman daw. Sinabi na lang nya na: matulog ka na. Ayun nawala. Kinabukasan nalaman ni daddy na narinig din pala ni mommy yun.

Nung isang araw naman, nagtutoothbrush ako sa bathroom. Biglang may humawak sa likod ko at tinataas yung damit ko. Akala ko ipis kaya hinawi ko pero wala. Hinatak ko pababa yung damit ko pero maya maya may naramdaman na naman ako. Sa takot ko, lumabas ako ng banyo.

Sa una di scary yung mga encounters. Pag narealize mo na baka SILA na yun, saka ka lang magpapanic or matatakot.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #341 on: October 31, 2013, 09:19:55 am »
^ regarding dyan sa mga clock-clock na yan, may ma-sheshare ako. Nagpost na ako dito about sa mga paramdam sa house namin so naisip ko na baka nga yung mga entities sa house yung nangti-trip sakin. Di naman 'to ganun ka-spooky pero weird lang.

Wrist watch-
Kabibili ko lang ng wrist watch (analog, yung may date view sa gilid) last December 2012, and bago pati battery. Syempre inadjust ko yun sa tamang date and time pagkabili ko. Nagtaka ako Feb. 4, naging late yung oras ko ng 45 minutes kaya na-late ako sa work! Ang pinagtataka ko pa, nag-advance din ng 2 days yung date nya! Walang ibang nakakahawak ng watch ko kasi pagkahubad ko, diretso lagi sa cabinet ko yun at my lock. Kaya kahit tinanong ko mga kasama ko sa bahay, di daw nila ginalaw yun. So di ko maisip na late watch ko ng 45 mins, pero advance ng 2 days yung date! Di naman pwedeng mahina na ang battery kasi nga bago pa yun kitang-kita ko and 3 months palang since binili ko yun. So inadjust ko na lang yung orasan ko. Pero the next day, Feb. 5, nangyari nanaman ulit! same parin. late ng 45 mins and advance ng 2 days. Mas kinabahan ako sa nangyari kasi hindi na tsamba yun. So naisip ko na baka napagttripan ako ng mga entities samen. While in my room, nagsabi na lang ako na "Please kung sino ka man, wag mo naman ako pagtripan. Nale-late ako sa work eh." Hahaha! yun yung sinabi ko, so the next days Ok na yung watch ko. Pero I'm still wondering what's behind the 45 mins late and 2 days advance in my watch last Feb.?

Wall clock-
Kanina lang, 2:45 am (tiningnan ko sa cp yung time), patay yung ilaw, nagising ako kasi bigla akong nilamig, so nagkumot ako, maya-maya biglang namatay yung electric fan. Ang tanging naririnig ko na lang is yung tik-tak ng wall clock sa room. Hindi naman brown-out kasi naaaninag ko sa bintana namin yung ilaw ng poste sa labas. So tumayo ako para buksan yung fan. Pagbukas ko ng ilaw, natangal pala sa saksakan yung fan, kahit na mahigpit na nakaplug yun. And yung hands ng wall clock, hindi umaalis sa 2:45 am pero tumutunuog parin ng tik-tak. Inisip ko na baka mahina na battery. Inadjust ko and binalik ulit sa wall, 2:54 yung pagkaka-adjust ko. Then, natulog nalang ulit ako. Pag gising ko kanina, as usual, nag-breakfast, naligo and nagprepare pumasok sa work today.

Before going to work, napansin ko.. my wrist watch is advance ng 45 mins and late ng 2 days... again...

Happy Holloween everyone! Late again sa work!

mhy_pie03

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #342 on: October 31, 2013, 10:33:10 am »
^Itaya mo na raw sa lotto yung mga numero. jejeje!

Observer54

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #343 on: October 31, 2013, 04:21:43 pm »
Last month ito encounter nina mommy:

Tuesday yun. Nasa dorm ako and my sister. Patulog na si mommy at tulog naman na si daddy. Bigla daw may pumanik at binuksan yung cabinet ko. Narinig lang ni mommy. Tapos yung tunog daw after yung parang nagpagpag ng pantalon bago isuot. Akala daw nya umuwi ako. Tapos sinara daw yung cabinet ng malakas. Di daw nagreact si mommy. Nagising si daddy at nagsabi na "umuwi pala si FOURever". Di sumagot si mommy kasi patulog na nga sya.. Tapos sinara na naman ng malakas yung cabinet. Dalawang beses na magkasunod. Akala ni daddy tulog na si mommy kasi di nagsasalita si mommy. Kaya lumabas sya ng kwarto at pumunta sa kwarto ko. Bukas sara bukas sara daw yung cabinet ko. Natakot daw si daddy nun. Pero tumigil daw nung pumasok sya ng tuluyan. Pagbalik nya ng bed, ganun na naman daw. Sinabi na lang nya na: matulog ka na. Ayun nawala. Kinabukasan nalaman ni daddy na narinig din pala ni mommy yun.

Nung isang araw naman, nagtutoothbrush ako sa bathroom. Biglang may humawak sa likod ko at tinataas yung damit ko. Akala ko ipis kaya hinawi ko pero wala. Hinatak ko pababa yung damit ko pero maya maya may naramdaman na naman ako. Sa takot ko, lumabas ako ng banyo.

Sa una di scary yung mga encounters. Pag narealize mo na baka SILA na yun, saka ka lang magpapanic or matatakot.

from the sound of your story medyo naughty yang nasa inyo. better show some toughness or else lalo silang lalakas at mag mamanifest.

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #344 on: October 31, 2013, 06:02:22 pm »
^thank you. Ngayon sila parang naging aggressive compared dati na lakad lakad lang. Worst na dati yung doppelganger. Are you like cityhunter? I dont know what to call people like him (and you).. i've read may cleansing na pinapagawa minsan si cityhunter. Will do that before i go back to school.

marsh_candy

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #345 on: November 02, 2013, 01:43:32 pm »
Hi sa lahat, ngayon lang ako napadpad sa thread nato at dami ko ng nabasang creepy stories. Naniniwala kasi ako.

Anyway, Sir CH sana mabasa mo to ask ko lang kasi ano opinion mo sa nangyari sa sis ko kasi medyo creepy din sya for me..

Kahapon kachat ko sis ko asking kung kamusta sila at nabanggit nya dumalaw sya sa 2 babies nila ng mister nya na both angels.. Si sis ko, 2x na nakuna at both at 5.5 months.. Sabi ng doc, baka may problem sa system nya kaya nirereject ng body nya babies nya. At sabi-sabi din, may something din daw sa kanya kaya need pumunta sa albularyo para mawala sumpa ba.. Iniinsist pa ng mom in law nya na sya raw may problema kaya patingin sa albularyo. Kahapon, nabanggit nya na 4 babies na pala andun katabi ng babies nya kaya tinanong ko kanino yung 2. Sabi sa ate ng hubby nya yung isa dunno kung pina abort.. Pero yung isa sa past gf ng hubby nya at according sa pinsan ng hubby nya, 2x na raw nagpa abort yung gf nya at syempre aware yung hubby nya. Kaya napagtanto namin baka connected yun sa nangyari sa sis ko dahil 2x na kinuha baby nya sa kanya baka sumpa yun sa ginawa ng hubby nya nuon.

Pero sobrang sisi na naman ng hubby nya ngayon at mabuting tao na sya.. Pero baka di pa rin enough yun maliban sa pagsisisi and asking forgiveness?  Ano pa kaya pwede nyang gawin para mawala sumpa? Ano kaya hinihingi pa? Naaawa naman ako sa sis ko na sobrang faithful kay God, mabilis naman sya nakarecover dahil she all lifted it up to God.

Lyranika

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #346 on: November 04, 2013, 11:03:53 am »
Eto po sa bahay naman namin na sa Makati. Tantya ko mga 1997 sya nangyari.

1st incident, kaming tatlong magkakapatid na lang ang nasa baba ng bahay, si Mama asa taas na, ang father ko naman wala kasi nagwowork abroad. Sarado na pinto namin. Nung 12 ng gabi, biglang may kumatok (kung hindi ako nagkakamali, 3 knocks yun e), dahil sa mga bata pa kami, excited naman kaming nagbukas ng pinto, pero ayun, wala namang tao.

2nd incident, nangyari na naman, same time, binuksan ulit namin, wala pa ding tao. Natakot na kami. Dahil dun, yung kapatid kong lalake, gumawa na ng krus na parang may blade(parang sa knife) at kata-katabi nya sa pagtulog.hehe

Nangyari ulit sa pangatlong pagkakataon, pero syempre hindi na kami nagbukas ng pinto.
Kung hindi ako nagkakamali may pang-apat pa e. Ang weird lang pare-parehos na oras yun, at kung may tao mang kumakatok at umalis bigla e kitang-kita naman namin kung may papaalis, kaso wala e. At ako(dahil sa fave ko ang Math) napaisip ako, nabilang ko na 14days lagi ang pagitan nung nangyari yung mga yun e.

Hindi naman kami totally natatakot until nalaman namin ang kwento ng kapitbahay namin, sila rin pala naexperience nila. Kaya nakakatakot kasi sa kanila, pagbukas ng pinto, mga 3 hakbang sa kanan e gate na napakaingay kapag binubuksan/sinasara. Pagkatapos nun e yung daanan nila 2 tao lang ang lapad(kasi humingi lang sila ng ROA), tapos mga 7mtrs(tantya ko) mula sa unang gate nila, may gate ulit sila(na napakaingay din). Sa tapat naman ng pinto nila e bakanteng lote, na kitang-kita mo din kung may tao bang nanggaling sa kanila, ayun, wala din sila nakita.

Pero after nung mga pangyayaring yun, nawala na lang syang bigla. Thank God.

ococmodestatus

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #347 on: November 21, 2013, 07:25:39 am »
My parents told me when I was very young, I am behaving differently, like talking to someone and finding out that a relative of ours past away the next day or pinpointing on something they don't see.  But the ones I could never forget when I was in grade 5 seeing a Kapre.  After that incident, it's been a while that I never had freaky OBE.  But it was heightened again few years ago.  Really can't imagine that we have some mababait here at home.  First encounter was a doppelganger here in the living room.  Second was my necklace getting hot especially on the nape part when I was on our bedroom.  Next, half awake seeing a child's feet standing near my bed.  Then black figures in the bedroom.  Lady standing on the door across our bed, it was confirmed that she was here since before I moved.  Lady figure which is a late relative of ours standing on the corner where a previous favorite stool of hers has been removed.  Then some several nightmares... But lately, there were times that when asleep, will woke up and felt like floating then realizing still in sleep state but half awake, trying to wake up and even rolling to my bed floating until I could finally wake up, Insidious mode? damn :P

Observer54

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #348 on: November 22, 2013, 09:14:01 am »
^thank you. Ngayon sila parang naging aggressive compared dati na lakad lakad lang. Worst na dati yung doppelganger. Are you like cityhunter? I dont know what to call people like him (and you).. i've read may cleansing na pinapagawa minsan si cityhunter. Will do that before i go back to school.
--

nope to be honest minimal lang ang alam ko about them. at kahit na ayoko at takot ako hindi sinasadya nakikita ko sila at nararamdaman. marami rami na rin akong experience about them but i try not give attention too much. yun lang out of curiousity nagbabasabasa din ako.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #349 on: November 22, 2013, 11:55:05 am »
Last Tuesday lang to. Nag-install ako ng Dota 2 sa pc namen and hinintay ko matapos yun and inabot ako ng 2am. Siguro mga 2:05am may kumatok sa pinto, inisip ko agad baka yung kapatid ko na galing work, so binuksan ko.  Pero pag-open ko, madilim, walang tao, instead, I saw a someone wearing a white dress, mga 3 meters away sa door namin. Nakatalikod sya. I know white lady yun and aware naman ako na meron talagang ganun samen. Natatakot parin ako kaya sinara ko ulit yung pinto. Mga 5 mins lang. May kumatok nanaman! Sabi ko "Sino yan?" pero walang sumasagot. Tinext ko kapatid ko para makasiguro na sya na yun. Pero di pa daw pala sya nakakaalis from work. So nagduda agad ako kaya dinedma ko nalang yung katok. Nawala ulit yung pag-katok. Pero ilang saglit lang din, may kumatok nanaman! pero hindi na sa pinto, nasa aparador ko na.

Beng01

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #350 on: November 22, 2013, 12:06:03 pm »
Last Tuesday lang to. Nag-install ako ng Dota 2 sa pc namen and hinintay ko matapos yun and inabot ako ng 2am. Siguro mga 2:05am may kumatok sa pinto, inisip ko agad baka yung kapatid ko na galing work, so binuksan ko.  Pero pag-open ko, madilim, walang tao, instead, I saw a someone wearing a white dress, mga 3 meters away sa door namin. Nakatalikod sya. I know white lady yun and aware naman ako na meron talagang ganun samen. Natatakot parin ako kaya sinara ko ulit yung pinto. Mga 5 mins lang. May kumatok nanaman! Sabi ko "Sino yan?" pero walang sumasagot. Tinext ko kapatid ko para makasiguro na sya na yun. Pero di pa daw pala sya nakakaalis from work. So nagduda agad ako kaya dinedma ko nalang yung katok. Nawala ulit yung pag-katok. Pero ilang saglit lang din, may kumatok nanaman! pero hindi na sa pinto, nasa aparador ko na.


Katakot naman, pero parang bitin po ang kwento, after may kumatok sa aparador anong na
nangyari?

graZiousa

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #351 on: November 22, 2013, 03:13:59 pm »
Mga sis, maramin akong experiences to share.

1. During college days, nakatira kami sa boarding which is nasa likud lang ng pinapasukan namin. One time gumala ako and since madilim yong daanan papuntang boarding house galing highway nagtry ako na sa school dumaan baka kako payagan ng guards kahit may curfew. Nakasakay ako ng pedicab, may maliit na tulay na madadaanan. May salamin ang pedicab na nasakyan ko. Normal gesture lang na nalamin ako, may nakita akong lalaki na nakaupo sa pinakagilid ng tulay sa tabi ng old faucet na di na nagpa function. So sabi ko sa driver "kuya, gabing gabi na yong mama nakatambay pa sa tulay". nilingon ni kuya driver, sabi nya "wala namang tao a". So nag-quiet nalang ako ang nagtanong tanong ako tungkol sa tulay sa taga walis sa school. Naikwento nga nya na may namatay daw na lalaki during construction ng said tulay. And kapareho ang description ni ate sa nakita kong lalaki.

2. Sa bahay namin nung di pa narenovate. One lang ang c.r but pagpasok mo yong comfort room ang una then may division tapos bathroom na. One time naliligo ako, while sabon sabon inaabot ko likud ko may batang nakasilip sa door (yong in between sa cr and bathroom) sigaw ako sa mga tao sa sala whose watching tv. Sabi ko "may bata dito palabasin nyo kasi nakasilip naliligo ako". Sigawan silang lahat natakot na sila, kasi wala naman daw bata na pumasok ng bahay at lahat sila nasa sala. Nung sumigaw kasi ako di ko na tiningnan yong bata tumalikod na ko sa kanya. Maliit na ang itim itim, hindi clear yong detalye ng face nya but sure ako na bata sya and tao ang itsura..

3.Di ko nalang ikekwento ang iba, yong latest nalang. Sa college na pinag aralan ko where i'm employed ngayon, merong time na umalis sa pwesto nya yong kasama ko. Tapos maya2x may dumaan sa likud ko so parang makatagilid na ako ng upo kasi may nagtouch ng tagiliran ko yong gesture na may nakikiraan sayo. Tapos maya2x dumating yong kasama ko, sabi ko now ka lang ba dumaan dito? Sagot naman ng kasama ko "oo now lang ako nakabalik, bakit nakatagilid ka?". Kweninto ko sa kanya na may dumaan, hinawakan pa nga tagiliran ko. Kaya mula nun natatakot kaming mag isa nalang sa office. Tapos nung lumipat kami ng office sa 2nd floor, pagpasok sa area namin unang table ang sa kasama ko. Sa bandang gilid na yong akin, may nakita akong lalaki nakatayo sa harap ng computer ng kasama ko while yong kasama ko nakaupo sa harap ng computer nya. Yong nakadungaw sya sa monitor ng kasama ko. Sa gulat ko sabi ko lang "hala!!!" tapos biglang talikod ako. Di kona ikiwento ang nakita at baka magkatakutan nanaman, Same office when ang printer biglang nagprint samantalang wala naman daw nag initiate, may isang bond paper na nahulog sa floor unang tingin ng tao na nakastay sa office clean naman daw yong paper nung pupulutin na sana nya, OMG!!! may bakat na ng paa.. Meron bang magpapaa sa office, eh mga faculty ang nandito...  :o

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #352 on: November 22, 2013, 03:51:21 pm »
^^ Pasensya po naputol, dumating kasi si boss eh haha. Pagdugtungin ko nalang para kumpleto and mas effective haha.

Last Tuesday lang to. Nag-install ako ng Dota 2 sa pc namen and hinintay ko matapos yun and inabot ako ng 2am. Siguro mga 2:05am may kumatok sa pinto, inisip ko agad baka yung kapatid ko na galing work, so binuksan ko.  Pero pag-open ko, madilim, walang tao, instead, I saw a someone wearing a white dress, mga 3 meters away sa door namin. Nakatalikod sya. I know white lady yun and aware naman ako na meron talagang ganun samen. Natatakot parin ako kaya sinara ko ulit yung pinto.

Mga 5 mins lang. May kumatok nanaman! Sabi ko "Sino yan?" pero walang sumasagot. Tinext ko kapatid ko para makasiguro na sya na yun. Pero di pa daw pala sya nakakaalis from work. So nagduda agad ako kaya dinedma ko nalang yung katok. Nawala ulit yung pag-katok. Pero ilang saglit lang din, may kumatok nanaman! pero hindi na sa pinto, nasa aparador ko na.

Syempre takot naramdaman ko. Ang ginawa ko, dinedma ko ulit. Nag salpak na lang ako ng earphone tapos full volume para wala akong marinig na kahit anong weird noises, then humiga na ako para matulog.

Maya-maya pumasok si mama sa kwarto ko. Bakit daw ang ingay at kumakatok daw ako sa dingding? Sabi ko hindi ako yun kasi matutulog na ako. Tinuro ni mama yung dingding sa bandang ulohan ko na dun daw may kumakatok kaya naisip nya na ako daw yun. Then bumalik na ulit sya sa room nya.

Lalong di ako makatulog sa sinabi ni mama. Di ko rin narinig yung katok kasi naka earphone ako. Hindi na ako nag-earphone kasi baka maulit yun, kaso natatakot naman ako ulit makarinig ng ganun. Ang ginawa ko, naglaro ako ng pc, nilaro ko yung kaka-install ko lang na Dota para maaliw ako, 2:30 na un gising pa ako.

Mga 3:15am, habang naglalaro ako, narinig ko yung pusa namin sa labas na ngiyaw ng ngiyaw. Paulit ulit na parang may sinasabi. Then may kumatok ulit sa pinto. "Kuya pabukas ng pinto".. inisip ko na baka kapatid ko na nga yun and kaya nagiingay yung pusa namin, pero naniguro ako, sabi ko.. "Ano muna password ko sa cp ko?".. "14MP0G1" sabi nya.. walang duda kapatid ko nga yun. Pag bukas ko ng pinto, yung alagang pusa lang namin ang nakita ko, at nakapwesto sya kung saan ko nakita yung white lady before.

Lalo akong natakot, pero mga 5secs after, dun lang dumating kapatid ko. Naabutan nya akong nakabukas yung pinto and nakatingin sa pusa. Biglang tumahimik si pusa.

Mejo nakahinga na ako ng maluwag dahil dumating na utol ko. Nakatayo parin ako sa pinto, habang kapatid ko naghuhubad ng jaket (nagmomotor kasi sya). Nagtaka ako, biglang nag-ngingiyaw ulit yung pusa namen. Nakatingin sya samen. Parang may gusto syang sabihin. Nung huhubarin na ng kapatid ko yung sapatos nya, pag yuko nya.. eto nakita ko nakatayo sa likod nya:

https://lh6.googleusercontent.com/-Ar-z1CJl_vc/Tqhey7Y-MEI/AAAAAAAABRU/d0I_su22nHA/s800/Scary%252520White%252520Lady%252520Halloween%252520Look_2.JPG

(About sa image, makeup lang yan, nakita ko sa web, pero hindi nalalayo jan yung nakita ko sa bahay)

Bigla kong hinila braso nya papasok sabay sara ng pinto. At kinwento ko yung nangyari at nakita ko.
Kinabukasan, nagpatawag kame ng albularyo, at nagpausok sa bahay. May naligaw daw na masamang espiritu kaya daw nagpaparamdam. So far hindi na naulit yung mga pangyayari, and pinipilit ko na matulog ng maaga.

Nhetskii

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #353 on: November 22, 2013, 06:59:52 pm »
^katakot naman sis... Di ko na inattempt tingnan yung itsura nung nakita mo, baka di pa ko makatulog... hehe

trishevil

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #354 on: November 25, 2013, 10:36:16 am »
^^natakot naman ako sa image na yun. Nagulat ako. hehe

Last Saturday lang, nag-overtime ako sa office. DI naman ako mag-isa. Tatlo pa kami nung time na yun. Mga 3:45 pm na ata. Yung supervisor ko nagrereview ng papers sa cubicle niya. Tapos yung maintenance namin, naglilinis. Naka-on yung radio namin tapos yung "Wake me up when September Ends" ang kanta. Sinasabayan ko yung kanta pero mahina lang yung boses ko tapos bigla akong may narinig na batang babae na nagsalita. Di ko naintindihan yung sinabi kasi kumakanta ako. Tapos napalingon ako kasi akala ko may dumating na officemate ko na kasama yung anak. Kaso paglingon ko, wala naman dumating. Napansin nung maintenance namin na lingon ako ng lingon. Kaya tinanong niya ako, "bakit po mam?"
 Sabi ko, "May narinig kasi akong batang babae. Akala ko may dumating."
Sabi niya, "Batang babae mam?" tapos natawa siya. "Naku mam, hanggang mamaya pa naman kayo dito."
Sabi ko na lang, "Naku baka favorite niya rin yung kanta kaya baka nakisabay lang."

Sabi kasi nung mga officemate ko, may batang babae daw na nagmumulto sa office namin pero mabait naman daw. Mahilig lang maglaro. Mga 10 mins after ko kausapin yung maintenance namin, narinig ko ulit yung bata na parang sumasabay sa kanta sa radio "Domino by Jessie J.". Napangiti na lang ako kasi gusto ko rin yung kanta. Inisip ko na lang na siguro nag-eenjoy siya sa mga bagong kanta. hehe. At least di naman ako natakot. nagulat lang ako na may sumasabay sa pagkanta ko rin.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #355 on: November 25, 2013, 02:42:47 pm »
@Nhetskii and trishevill make up lang yang sis nasa link.. hehe.. pero mas nakakatakot syempre in person.. halos ganyan din kasi talga nakita ko. less blood lang. mga 2 secs ko lang natitigan kasi natakot talaga ako.. aware na talaga kami na merong white lady sa bahay.. maaaring white lady yung nakita kong nakatalikod, pero yung nasa likod ng bro ko, parang multo ata yun.. kasi lahat ng nakakakita ng white lady samin hindi naman pinapakitaan ng mukha eh.. madalas di maaninag yung face or nakatalikod or side view..

kagabi nga lang yung kapitbahay namen may nakita daw na babaeng nakaputi nakatingin lang daw sa bodega sa ilalim ng hagdan eh bandang 10pm.. lasing kasi yun nag-inuman kahapon kasi nanalo si pacman sa boxing haha! sabi nila lasing lang daw kaya baka gumagawa ng kwento, pero for me naniniwala ako.

sweetsweet

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #356 on: November 25, 2013, 04:47:42 pm »
^katakot naman yan sis! Baka there's something dun sa bodega under the stairs? Kaya restless soul yun ang white lady? Baka may body dun (hope and pray there's none). What's the history of your place? Yan kasi unang tanong ni sir city hunter eh.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #357 on: November 25, 2013, 05:45:40 pm »
^ guy po ako hehe..

Ngsimula ang lahat ng kababalaghan mula nung namatay yung pinaka may-ari ng house namen kasi boarding house type kami.. then yung isang anak nya kung ano-ano yung pinag-gagawa sa bahay kesyo may aayusin pero di naman tinatapos. And matagal nang hindi napapa-blessing yung bahay mula nang mamatay yung may-ari.. Wala akong background sa kinatitirikan ng house namen..

Yung ground floor dati maayos kaso pinahukay ng anak kasi lalagyan daw ng bagong poste kasi patataasan daw yung bahay pero di naman tinapos. So ang nangyari, nagmistulang coal mines yung itsura sa baba.. and sa tagal na nakatiwang-wang yung mga dumi at kalat sa baba, pinamugaran na raw ng kung ano-ano.. minsan may nakikitang batang nagtatampisaw, kambing na itim, white lady, etc.

About sa hagdan, matagal na raw may white lady dun. yung ang sabi ng kapitbahay naming matanda, bukas kasi 3rd eye nya. Madalas din syang makakita ng white lady or aswang sa amin.

Nakwento ko na yung ibang stories sa amin na may kinalaman sa hagdan. Share ko ulit yung iba mabilisan lang..

-pinsan ko umihi sa ilalim ng hagdan gawa ng kalasingan, kinabukasan namumula mata, super taas ng lagnat at hindi pantay yung daliri nya
-pamangkin ko dati palaging naka-upo sa hagdan may kinakausap na di namin nakikita
-ka-border naming matanda magtatapon ng basura sa madaling araw, nakakita ng white lady sa hagdan, nakaharang..
-isa pa naming ka-border hinihintay dumating asawa nya, gusto nya daw takutin kaya pinatay nya yung ilaw sa baba, pero pagtingin nya sa malaking salamin sa tapat ng hagdan, may white lady sa likod nya
-si ninong, tita and papa ko, may time na uuwi sila ng madaling araw, may nakikita silang babae naglalakad pataas ng hagdan, akala nila bisita pero wala naman pala
-ako madaling araw nag-cr ako, biglang umungol yung aso ng kapitbahay namen, then nakarinig ako ng naglalakad sa hagdan mula taas papunta sa harap ng cr ko. merong anino pero pagbukas ko ng pinto walang tao.

Ayan.. connected sa hagdan lang yan ha..

« Last Edit: November 25, 2013, 06:59:07 pm by jaymejorrol »

Prunella

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #358 on: November 25, 2013, 06:38:46 pm »
^Super creepy.


jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #359 on: November 25, 2013, 06:58:08 pm »
^ story pa lang yan na may kinalaman sa hagdan..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close