watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176330 times)

heaven_charm

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #320 on: September 29, 2013, 04:41:45 pm »
im back to share another experience. may gift na bago sakin si bf ko, swatch. hehe. yun doppelganger ko kasi sa office who loves stealing stuff from me like my ring and lipstick na na-share ko din dito before, eh mukhang nagpaparamdam na naman.

Nun friday I got my new watch, nagse-selfie ako using my iPad. eh may face detection yun. kaka-selfie ko it detected my face pero all of a sudden another square appeared on my right shoulder. so dalawang square na siya meaning it detected two faces kahit alone ako. it stayed there for a few seconds then disappeared. ako naman nagtataka padin pero di ako natakot. maya maya andun na naman yun square.

at first akala ko sira si iPad ko so I called another officemate and asked her to join me sa pagse-selfie. as soon as my officemate joined in, lumabas yun square and nawala nun umalis nadin siya. I tried it on other officemates pa saka weird kasi first time nanyare yun sa iPad ko. hehe. natakot nga officemates ko when I told them the story kasi may iPad din sila and wala naman sila experience na 2 squares yun lumabas pag nagse-selfie sila. I also do selfie everyday and first ko yun ganun.

sabi ng boss ko "buti di mo pinindot para ma-picture, baka maya lumabas mukha nun."

the same night yun katabi ko na trainer keeps complaining she is smelling an awful scent na parang patay na daga malapit sa kanya. magkatabi lang kasi table namin. wala naman kame naamoy na mga kasama niya but she keeps complaining na may naaamoy talaga siya kahit mega spray na siya ng lysol. nagpatawag pa kame janitors to clean the entire room pero sila din wala naman naamoy at kahit after nila maglinis she keeps smelling it padin. nawala nalang nun mag-morning na. panggabi kame. niloloko ko siya sabi ko sign yan ng demonic presence. kaso weird kasi siya lang nakakaamoy. I am also not sure if linked yun sa iPad incidence ko.

wittyjen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #321 on: October 02, 2013, 12:01:48 am »
^ kakatakot naman yun!! Pano kung nakasilip din sayo yung white lady? :o :o :o

yun nga eh.. kalurkee nagfreeze kaya ako nun pag silip ko haha

chai_girl

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #322 on: October 06, 2013, 02:29:06 pm »
wow ang haba na pala ng thread.. i really miss this site :)

wittyjen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #323 on: October 15, 2013, 02:23:54 am »
dahil avail ngaun dito sa ofc, pwede ulit mkakapagkwento..hehe

nangyari to like mga 8y/o ako..May lola lolahan ako, magulo kase, yung kapatid ng papa ko, yung asawa nun pamangkin nitong lola lolahan ko.. ayun, so close ako sa family nila, kase when i was born, wala pa silang apong babae na malapit sa kanila, so ako yung alaga nila.. May kapatid tong si lola na babae, mas matanda sa kanya, namatay yung asawa, tatawagin kong lola1 yung lola lolahan ko at lola2 yung kapatid niya na namatayan ng asawa..

So sinama ako ni lola1 nung araw ng libing. Hindi ko sinilip yung patay nung nasa chapel pa, dahil di ko yun kilala natatakot ako hehe. So after mailibing, we went to lola2's house sa may Q.C i cant remember nung exact name ng subd. but may "vista" and "verde" yata. So there may pakain db after ng libing. Yung house, is a bungalow style, tapos yung room nila lola2 is sa likod na part. Dun kami pumwesto, while eating kasama ko sa upuan yung 2 pang apo ni lola1, tapos yung harap namin is malawak na taniman ng saging, alateris, etc. , habang kumakain kami ng ice cream napatingin ako sa may isang puno ng saging, may nakatayong mama, nakabarong at nakatingin sa amin, inaninag ko, di ko kilala, so deadma ako at nag uusap kame nung mga kasama kong bata, then after namen kumain, pumasok ako dun sa room nila lola2 para mag cr at maghugas ng kamay, pagpasok ko may mga pictures sila lola2 at asawa niya dun naka hang sa wall, tinignan ko, ayun pala yung nakita kong mama na nasa may tabi ng puno ng saging, yung namatay! hindi ko kase nasilip nung nasa coffin pa eh db, ayun nanlamig ako, pero di na ako nagkwento. tapos nung pauwi na kame, jeep sasakyan namen kase madame kame nun nakipaglibing na galing manila, paulit ulit yung nadadaanan namen, e alam naman nung driver yung way palabas ng subd., ayun nung pangtlong beses na namin ng ikot, napadpad ulit kame sa tapat nung bahay nila lola, tinawag nila si lola at sinabe nga na di kame makalabas nung subd., ayun, sabe ni lola ayaw pa daw siguro kame pauwiin nung namatay niyang asawa, magbaliktad na lang daw kame ng mga damit, ayun di lahat kame bumaba at binaliktad mga t-shirt/blouse namen, sa awa ng Diyos nkalabas nga kame after nun. pagdating namen ng manila taka yungmga tao at bkt daw ganun mga damit namen haha
« Last Edit: October 15, 2013, 03:03:05 am by wittyjen »

babythug28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #324 on: October 15, 2013, 02:37:47 am »
sarap lang makibasa pero share na din ako ng experiences ng mga tao dito.

* nanay ko, pupuntang kusina eh madadaanan yung CR. naiwan nakabukas so kita pati bintana. may nakita shang pugot na ulo na may malaking mata.

* sa room na katabi ng CR na yun, nakitulog yung tita ko and her family. yung daughter nya nakitang may nakasabit na putol na katawan (neck to foot) sa gilid ng wall

* pagkabukas ng pinto kita yung open part ng kusina. nakita namin si utol ko sumungaw yung ulo parang chineck kung sino dumating (kami). so tawag kami to help us sa groceries eh kaso wala pala sha dun. natutulog pala sha sa room sa taas

* sa room ng parents namin, both our mom and dad while sleeping, biglang nagising ng sabay kasi may tumalon sa kanila and para daw silang nakaramdam ng malaking tela na dumaan sa faces nila.

* nung ginagawa pa yung 2nd floor, natulog yung pinsan ni daddy sa taas para magbantay daw sha (kasi open na open yung bahay). di nya alam kung panaginip ba yun pero sinasakal sha ng galit na galit na white lady. binangungot daw sha.

*same area sa ^ story. nanay ko binangungot din. ndi daw sha makasigaw dahil yung babae nasa taas nya lang nakatingin sa kanya pero galit na galit ang ichura.

at madami pang iba hehe

pomegranate

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #325 on: October 15, 2013, 10:31:19 pm »
^^ sa mga folklore nga ng karatig nating south east asian countries sa banana tree lumilipat yung kaluluwa ng namatay

Anyway, naalala ko yung pamahiin ng mga matatanda sa pamilya namin na kapag naglamay dapat maligo aga pagkarating sa bahay. Other than hygiene, I don't remember exactly what is the reason behind it. Baka may nakaka-alam dito.

One incident is yung pinsan ko (who is 6-7 during that time) sumalubong agad sa tita namin na kakagaling lang sa lamay, biglang tumaas yung lagnat at kailangang isugod at maconfine sa Manila pa from the province pero after a day or two parang nagdahilan lang.

bidu

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #326 on: October 17, 2013, 05:40:33 am »
I was reading chapter 2 of this thread, yung mga bandang unahan ng thread is about ghost sa photos. I remember a photo of mine taken years ago.

Namasyal kami nun sa Luneta, and may isang maliit na museum dun mostly out of of recycled materials ang nakadisplay. Nagselfie ako sa isang statue, color white and medyo creepy yung ichura nya but it looks so cool. Cellphone lang gamit ko nun, malabo pa yung kuha. Hindi naman yung buong statue nakuhaan, halos mukha ko nga lang. hehe

After ilang days, I was browsing the photos tapos nung natitigan ko yung picture ko with the statue, a child was beside me, nakayuko and her little hand was holding my face. Sobrang putla ng kamay nya, mahaba buhok and nakawhite but hindi kita yung mukha. I am very sure hindi yun yung statue.

Binura ko din after ko pakita sa mga friends ko.  :'(

trishevil

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #327 on: October 18, 2013, 04:40:08 pm »
whoah...grabe naman yung mga kwento dito.

My story is not actually creepy pero medyo weird lang.

One time, we were eager to watch a movie at Star Movies kaso di namin makita yung remote so we dismissed the idea. The next day si father in law naman gusto manuod kaso di pa rin nakikita ang remote. Umabot ng 3-4 days na di pa rin nakikita yung remote control ng digibox. Talagang nag-over-all cleaning na sila ng buong bahay makita lang yung remote to  no-avail.

On the 3rd or 4th night, I wanted to watch a movie kaya kahit na alam kong lahat tiningnan na nila sa paghahanap ng remote, tiningnan ko pa rin yung same cabinet on where we usually place the remote. Kaso, wala pa rin. I jokingly remarked na magbibigay ako ng honey basta ibalik lang yung remote. My hubby asked why honey of all things and I told him about a folklore I read na yung mga creatures na mahilig magtago ng gamit is attracted sa honey or suagr and kapag nag-offer ka nun may possibility na ibalik niya yung kinuha sayo. My hubby just laughed at my superstition.

Immediately after that conversation, I went back to the cabinet (I dont know why but I just had the sudden feeling to try and look for the remote again) and voila! The remote control in it. I even exclaimed my surprise because the cabinet was within our sight the entire time I was talking to my hubby and no one even approached it after I searched it.

My hubby, and in-laws who happen to heard my "honey" remark, were all freaked out. They can't believe it just appeared there.

bidu

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #328 on: October 19, 2013, 12:14:46 am »
^ Nagyayari din samin to minsan. Yung mga nawawalang gamit na hindi makita kahit saan, nagalugad na lahat ng sulok ng bahay para makita wala parin. Pag di mo na hinahanap chaka lalabas. Or minsan sobrang pagod na kami maghanap sasabihin na lang naman "Pakibalik naman yung gamit, wag na itago please." The next day na sabihin yun, makikita na namin yung gamit. Hehe

aoshi_01

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #329 on: October 22, 2013, 02:27:48 am »
so sis... nagbigay ka ba ng honey or anything sweet afterward? just curious. :D

trishevil

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #330 on: October 22, 2013, 09:59:33 am »
Yep. Nagbigay ako ng honey kaso langgam ang nakaubos nung honey na binigay ko. hehe

little_princess

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #331 on: October 22, 2013, 10:21:51 am »
not my house but bigla ko lang naalala..

on my lola's 1st death anniversary, we had a mass celebration in sanctuarium where her ashes are kept. when the doors of the elevator opened on her floor, i heard a woman crying. i thought it was my aunt and i went looking for her to see what's up. when I got to my lola's area, no one was crying and nobody heard anyone crying. i was sure because the crying was loud and we were the only one there.

on the same day, my sister heard someone call her name and she thought it was our male cousin teasing her. when she turned around, he was far from her and he was concentrating on the mass.

prix

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #332 on: October 22, 2013, 10:41:51 am »
mag kwento din ulit ako mga sis.. nangyari ito this month lang..

Nanonood ako ng tv sa sala namin habang yung baby ko natutulog sa kwarto namin sa itaas, binuksan ko lang yung door para if ever na umiyak sya or tumawag ng mommy marinig ko.. yung kwarto ng parents ko & kwarto namin magkatabi lang so parehong bukas yung mga pinto tapos yung liwanag na galing sa bintana tagos sa hagdan namin.. Habang nanonood ako paharap ako sa hagdan namin, parang may dumaan na anino mula sa kwarto ng parents ko papunta sa kwarto namin so napaisip ako baka may tao sa taas di ko lang napansin pero para sure umakyat kagad ako papunta sa kwarto namin dahil nga nandon si baby pag silip ko wala namang tao kaya kinabahan ako ang ginawa ko is pinatay ko na yung tv sa sala at sinamahan ko na baby ko sa kwarto.

Meron din mga pagkakataon na habang nanonood ako parang may sumisilip sa hagdan namin na bigla akong napapatingin, mahilig kasi akong manood na ang pwesto eh laging paharap sa hagdan namin..

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #333 on: October 22, 2013, 11:40:46 am »
im back! :)

share ko lang nangyari samin last month..

siguro mga 8pm, habang nagdidinner kami ng family ko, biglang nangamoy kandila sa buong kwarto. as in ang lakas ng amoy! parang hindi lang isang upos kandila yung nangangamoy. kahit san pumunta sa loob ng house, cr, sala, etc... wala namang nakasinding kandila sa amin. pero paglabas ng house, wala namang amoy, wala rin sa kapitbahay kasi nagtanong kami.. pero pag pasok, andun talaga yung malakas na amoy ng upos ng kandila! hindi nawawala sa loob ng house namin for 5mins. talagang kami lang family nakakaamoy, kapitbahay namin wala raw maamoy. kaya kinabahan na kami.

after mga 10mins, tumawag tita ko from bicol, patay na raw yung kapatid na boy ng lolo ko, then the 2nd day, yung kapatid na girl naman ni lolo, sunuran sila.. then the next day ulit, kapatid naman ng papa ko sa bacolod, nagtext yung tita ko.

twice na po nangyari sa family namin yan. yung first was bata pa ako, long time ago na, nangamoy kandila din sa buong house, then dumating pinsan ko, binalita na nabaril yung isang tito namin.. patay! and kahit sa house ng mga kaanak namin sa taguig nangamoy kandila din daw, dun pala kasi dumaan yung ambulanysa carrying my tito's dead body.


prix

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #334 on: October 23, 2013, 03:30:18 pm »
May isa pa mga sis, This Month lang din..

Habang natutulog kami ni Husband & Baby sa kwarto mga 3-3:30 am, biglang parang may kumatok ng malakas sa pinto ng Room namin.. Napabalikwas talaga ako ng tayo tapos binuksan ko yung pinto pag open ko ng door wala naman tao, so kinabahan ako nakiramdam muna ako bago ako bumalik sa pagtulog. Kinaumagahan sinabi ko yun kila Mama & sabi lang nya baka may kumalabog lang sa 3rd floor namin, sabi ko naman imposible pasado alas 3 pa lang yun wala pang gising sa taas & dinig na dinig ko nanggaling sa ulunan ko yung malakas na katok. Dalawang katok lang yun mga Sis pero sa sobrang lakas nagising kagad ako, nagtataka lang ako kung bakit ako lang ang nagising sa amin ni Hubby & pati sila Mama na katabing kwarto lang namin eh Hindi nagising..  :o :o

Lyranika

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #335 on: October 24, 2013, 11:27:56 am »
Sali po..

Wew! natapos din magbackread from Thread 2. Dami natin matatakutin na tambay dito.hehe

Ako eto una share ko, sa pinsan ko muna. Sa bahay ng aunt namin sa Cavite.
Tipikal na itsura ng mga bahay dun (IMO), yung main door sa gitna, sa kaliwa e living room, sa kanan e 2 bedrooms, so sa unang bedroom, ang window nya e yung asa harap ng bahay tsaka sa gilid.
Tapos bakuran sa harap, then gate, tapos may poste na may ilaw sa harap. so dun natulog pinsan ko,
bukas ang window sa unahan, off-lights kasi may liwanag ng konti galing dun sa poste. Yung bed nya e nasa sulok, Pag bumaling sa kanan e yung window sa unahan ang harap nya.

So isang gabi, natulog nga sya dun. Pagbaling nya sa kanan, may katabi sya, puti ang naaaninag nya sa kaantukan. So naisip nya, lola namin yun na nakakumot lang ng puti, kahit nagtataka sya kasi parang matangkad pa sa kanya, e hindi na nya pinansin yun sa sobrang antok, ayun, niyakap/dinantayan pa nya.

Kinabukasan, nalaman nya na sa sala natulog ang lola namin at wala namang ibang tumabi sa kanya.

Lyranika

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #336 on: October 25, 2013, 12:46:23 pm »
Sa bahay naman ng isa ko pang tyahin sa Bicutan naman sila. Eto reason kung bakit naniniwala ako sa mga sapi.

Isang hapon, wala yung aunt ko tsaka asawa nya. Naiwan lang sa bahay e yung 4 na anak- mga 7yrs old lang ata yung eldest tapos 1yr old yung youngest- at yung yaya nila. Pumunta si yaya dun sa isa kong tyahin, na kalapit nila , mga 15 houses ang layo at sinabi nya na sunduin yung mga alaga nya kasi daw sasapian sya. So yung tyahin ko naman, kinabahan kaya sinundo naman nya mga pinsan ko. Tapos ayun nga sinapian sya. Nawitness ng tyahin ko yun, sobrang lakas nya, ilang lalake na daw ang pumipigil sa kanya, pero nahahagis lang daw sila lahat. Napakalma lang sya nung lagyan ng palito ng posporo yung pagitan ng mga toes nya.

Nung okay na, sabi nya nakita nya daw dun sa puno ng ipil-ipil sa tapat ng bahay yung sasapi sa kanya, mag-aswang engkanto daw.

Ang kwento daw kasi, nung bata sya, naglalaba sya sa ilog nung una syang kunin nung mag-asawa at dinala sa kaharian nila. Gusto daw syang ampunin, hindi sya pumayag, tapos inaalok syang kumain ng kanin(eto nga yung pula, puti at itim), hindi nya tinanggap, bilang lumaki sa probinsya, alam nya daw yung mga kwento ng ganun, na kapag nagkamali ka ng pinili e hindi ka na makakabalik pa sa totoong mundo mo. Kaya ang sabi na lang daw nung mag-asawa, kapag daw dumating sya sa takdang edad, babalikan daw nila sya ulit. Kaya ayun nga ang nangyari.

budzwhiz

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #337 on: October 26, 2013, 09:43:49 am »
Simula pagkabata mulat nako sa ganitong kwento, thankfully di ako nakakakita. ;D

Yung bahay na kinalakihan ko sa probinsya, may kalumaan na. Two floors, gawa sa kahoy, typical old probinsya house. Malaki yung bakuran namin, mostly sementado naman, pero nagkalat ang iba-ibang puno, at nagkalat rin ang mga lamang lupa.

Bukod sa mga multo na umaaligid sa loob ng bahay...
May kapreng nakatira don sa puno ng santol namin. Ang location ng puno kasi, mula 2nd floor matatanaw mo na sya, kita yung bubong namin e. Kung bababa ka, nasa labas ang hagdan, house kasi namin sa taas, then sa tita ko sa baba.

Story: Nasa baba mama ko with her friend. Tapos while they were smoking, sa puno may nanggagaling na malalaking bilog bilog na usok... Sinubukan daw nila gayahin to prove na di sa kanila nanggagaling yun, hindi nga. Sabay tawag sa daddy ko... Sabi nung friend sabihan daw na may asawa na yung mom ko. :o

Sa likod naman ng bahay, sa may kitchen, may isa pang hagdan. Eto konektado naman ng derecho sa loob ng bahay ng tita ko. Nandon din sa baba yung banyo namin. Paglabas mo ng kitchen nila, may puno ng duhat. May engkanto rin dito. (Personally, dito ako talagang naccreep out.)

Story: Kwento ng kuya ko. Pag gabing gabi na kasi, bumababa sya pag magkausap sila sa phone ng girlfriend nya, don sa likod nga. One time habang magkausap sila may sumisitsit daw sa kanya, malapit dun sa puno.

Story 2: May nangyayaring di maipaliwanag sa tita ko, nakalimutan ko na kung ano. Eto yata yung sobra sobrang naglalagas yung buhok nya. Nagpa-check up sya sa pero di pa rin gumaling... Kaya pumunta sya sa albularyo. Ayun, nung nagbuhos daw pala sya ng mainit na tubig may engkanto syang natamaan, sa may puno ng duhat. Nagpaatang sa kanya (may dugo pa ata ng manok nun) tapos magsorry raw. Tas gumaling sya. Nangyari rin to sa mama ko.

Story 3: Minsan habang nagrereview kami ng kuya ko pag madaling araw, may biglang kakalabog mula sa pintuan sa baba. Alam na namin pag ganon... Kaso one time may kumatok sa pintuan pero dun naman na sa taas (may isa pa kasing pinto pag akyat mula sa kitchen ng tita ko) ako naman si utusan noon dahil nakababata, bukas ng pinto. Kaso wala e, sobrang dilim patay lahat ng ilaw. Takbo ako sa kuya ko at di na ulit namin binubuksan pag ganon. ;D

Story 4: Kaming magpipinsan nasa bahay non. One time tinawag ako ng papa ko, so iniwan ko sila sa baba. (Kung san yung kitchen ng tita ko.) Nung pababa na ulit ako, naririnig ko nalang sila sika-sigaw ng pangalan ko. Pagbaba ko kita ko sila naninigas sa takot, tapos yung kapatid ko naiiyak na sa takot. Nakaharap sila sa banyo, nakabukas kasi yung pinto so kita ang bintana... May dumaan daw sa labas na nakabarong, dumungaw pa sa kanila.

Sobrang daming kwento dun sa bahay namin na yon. May mga kwentong nakakatanda pa tungkol sa mga dwende... Meron pa ngang kwentong aswang sa may puno ng balimbing. ;D Pero sa kabilang thread nalang OT na. Hehe. Ewan ko ba sobrang lapitin ang family namin sa ganyan... or should I say buong angkan. Haha! Di ata ako mauubusan pag nagkwento pa ko. Next time na yung sa house ng tito ko sa manila. Mas violent at creepy mga entities don, may pinatay (ni-rape) ng mga espanyol nung panahon ng gyera. Poltergeist, etc... pagod na ko magkwento e. :D
« Last Edit: October 26, 2013, 09:57:05 am by budzwhiz »

little_princess

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #338 on: October 26, 2013, 12:40:36 pm »
i just remembered something creepy happened here sa office namin. Our office is along EDSA, Pasay. Sa baba it's the store and office then sa second floor is the bodega. I rarely go up there and lagi lokohan ng employees that there is something there.

One time, may natapon na paint so I was supervising the employees cleaning it. Sa second floor, there is a window sa front and i was at the back part of the bodega. When you look out the window, you will see the MRT and EDSA na. It's too high up  na maging ka-level ng mga cars or busses.

On the corner of my eye, I saw a shadow move from the corner of the room near the window. I looked and saw nothing. I just said na nagpapakilala yung ghost sa akin.

gorgeouschef

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #339 on: October 30, 2013, 09:38:00 pm »
may question na din ako sa isang ghost encounter ng officemate ko, here's the story:

One of my officemates died last May of this year. Nabagok ulo niya sa loob ng bahay.. since mag-isa lang siya sa apartment, no one was there to help her. That was Saturday ng gabi nangyari. Kasi nakita pa namen siya ng Friday, and night shift kame. So Saturday evening siya nasa bahay dahil day off na..

Come Monday, hindi siya pumasok. then nung hinahanap na siya ng mga leads, dun na nalaman na dead na siya sa bahay. kasi nangangamoy na and mejo naddecompose na siya ng Monday or Tuesday ata.

Now, nagpakita siya sa isa sa mga newbies namen sa floor, kasi may 3rd eye yung isang officemate ko.. nakita niya yung namatay ko na officemate nung Monday, nakatayo sa harap ng isang cubicle.

Take note: Naagnas ang mukha niya nung nagpakita., tuklap tuklap na daw.

My question is, ganun ba talaga sila pag nagpapakita, kung paano ichura nila nung namatay mismo, kung halimbawang naagnas na siya or decomposing stage na, ganun din sila makikita?

Sa pagkaka-alam ko kasi, base sa mga naririnig ko lang, pag peaceful na sila, pag nagpakita sila, peaceful ang mukha nila, kung paano ichura nila nung masaya sila habang nabubuhay.   :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close