Simula pagkabata mulat nako sa ganitong kwento, thankfully di ako nakakakita.

Yung bahay na kinalakihan ko sa probinsya, may kalumaan na. Two floors, gawa sa kahoy, typical old probinsya house. Malaki yung bakuran namin, mostly sementado naman, pero nagkalat ang iba-ibang puno, at nagkalat rin ang mga lamang lupa.
Bukod sa mga multo na umaaligid sa loob ng bahay...
May kapreng nakatira don sa puno ng santol namin. Ang location ng puno kasi, mula 2nd floor matatanaw mo na sya, kita yung bubong namin e. Kung bababa ka, nasa labas ang hagdan, house kasi namin sa taas, then sa tita ko sa baba.
Story: Nasa baba mama ko with her friend. Tapos while they were smoking, sa puno may nanggagaling na malalaking bilog bilog na usok... Sinubukan daw nila gayahin to prove na di sa kanila nanggagaling yun, hindi nga. Sabay tawag sa daddy ko... Sabi nung friend sabihan daw na may asawa na yung mom ko.

Sa likod naman ng bahay, sa may kitchen, may isa pang hagdan. Eto konektado naman ng derecho sa loob ng bahay ng tita ko. Nandon din sa baba yung banyo namin. Paglabas mo ng kitchen nila, may puno ng duhat. May engkanto rin dito. (Personally, dito ako talagang naccreep out.)
Story: Kwento ng kuya ko. Pag gabing gabi na kasi, bumababa sya pag magkausap sila sa phone ng girlfriend nya, don sa likod nga. One time habang magkausap sila may sumisitsit daw sa kanya, malapit dun sa puno.
Story 2: May nangyayaring di maipaliwanag sa tita ko, nakalimutan ko na kung ano. Eto yata yung sobra sobrang naglalagas yung buhok nya. Nagpa-check up sya sa pero di pa rin gumaling... Kaya pumunta sya sa albularyo. Ayun, nung nagbuhos daw pala sya ng mainit na tubig may engkanto syang natamaan, sa may puno ng duhat. Nagpaatang sa kanya (may dugo pa ata ng manok nun) tapos magsorry raw. Tas gumaling sya. Nangyari rin to sa mama ko.
Story 3: Minsan habang nagrereview kami ng kuya ko pag madaling araw, may biglang kakalabog mula sa pintuan sa baba. Alam na namin pag ganon... Kaso one time may kumatok sa pintuan pero dun naman na sa taas (may isa pa kasing pinto pag akyat mula sa kitchen ng tita ko) ako naman si utusan noon dahil nakababata, bukas ng pinto. Kaso wala e, sobrang dilim patay lahat ng ilaw. Takbo ako sa kuya ko at di na ulit namin binubuksan pag ganon.

Story 4: Kaming magpipinsan nasa bahay non. One time tinawag ako ng papa ko, so iniwan ko sila sa baba. (Kung san yung kitchen ng tita ko.) Nung pababa na ulit ako, naririnig ko nalang sila sika-sigaw ng pangalan ko. Pagbaba ko kita ko sila naninigas sa takot, tapos yung kapatid ko naiiyak na sa takot. Nakaharap sila sa banyo, nakabukas kasi yung pinto so kita ang bintana... May dumaan daw sa labas na nakabarong, dumungaw pa sa kanila.
Sobrang daming kwento dun sa bahay namin na yon. May mga kwentong nakakatanda pa tungkol sa mga dwende... Meron pa ngang kwentong aswang sa may puno ng balimbing.

Pero sa kabilang thread nalang OT na. Hehe. Ewan ko ba sobrang lapitin ang family namin sa ganyan... or should I say buong angkan. Haha! Di ata ako mauubusan pag nagkwento pa ko. Next time na yung sa house ng tito ko sa manila. Mas violent at creepy mga entities don, may pinatay (ni-rape) ng mga espanyol nung panahon ng gyera. Poltergeist, etc... pagod na ko magkwento e.
