watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176363 times)

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #240 on: April 17, 2013, 06:21:56 pm »
Kahit walang tao sa ground floor kapag super gabi na, I think that there are ghosts roaming around. Feeling ko lang, since our home residence (permanent address in short chos!) used to be a huge mansion, I think. (:

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #241 on: April 18, 2013, 08:57:39 am »
Kahit walang tao sa ground floor kapag super gabi na, I think that there are ghosts roaming around. Feeling ko lang, since our home residence (permanent address in short chos!) used to be a huge mansion, I think. (:

i believe there are ghosts and spirits kahit saan.. hindi lang talaga natin nakikita.. and mas mabuti nang hindi talaga natin nakikita hehe.. unless magambala natin sila..

Also, yung salamin din e fave hang out ng evil spirits.

thanks po sa info about possessed things.. it's true about mirror! kahapon ko lang po nabasa sa net. mirrors are portals din to other worlds.. spooky! maraming paniniwala pala regarding sa salamin.. and for me.. looking at the mirror sa hating gabi is very creepy! wew.. try nyo.. ayon sa nabasa ko.. may paniniwala na wag daw tumingin sa salamin ng hating-gabi na may hawak na candle.. kasi may magpapakita daw.. idk if it's true.. gusto ko subukan para malaman.. but natatakot ako since our house is possessed nga po ata.. eh ang dami daw entities dun.. baka kung an pa makita ko.. ang lakas pa naman ng imagination ko! wew..

regarding about this mirror (haunted?).. mas naniniwala na ako sa story ng friend ko and other stories na may kinalaman sa mirror..

when i was in elementary.. yung classmate (boy) ko nagpaalam sa teacher namin na iihi lang.. then halos mag-30mins na, di pa rin sya nakakabalik.. then hinanap namin sya.. and 1st place na pinuntahan namin syempre yung cr.. pag open namin ng door.. andun sya sa cubicle (katapat ng cubicle is yung malaking mirror sa cr) then nakaharap lang talaga sya sa bowl.. tulala, and ang putla nya.. nanginginig sya.. then hindi sya makapagsaita.. then nilabas namin sya (mahigpit kapit samin, nanginginig parin and parang paranoid, and ayaw tumingin sa salamin) then sa room nya na sinabi.. yung umiihi daw sya, bumukas daw dahan-dahan yung door ng cubicle, so napalingon sya and yung salamin una nyang nakita.. then.. nagulat sya sa nakita nya sa reflection ng mirror.. may girl na puro dugo sa labas ng cubicle and nakatingin daw sa kanya! kaya natulala sya and hindi na ulit tumingin sa salamin.. and hindi daw sya makaalis sa takot kasi daw nakaharang 'to sa daanan. mabuti na lang daw at pumunta kami..

another one is there's a girl na halos nabaliw, as in super paranoid.. ang kwento sakin ng bff nya, sa cr daw, nagtatali sya ng hair.. then napansin ng girl na hindi na daw gumagalaw reflection nya! kahit anong gawin nya is still lang daw yung reflection.. then mas natakot daw sya kasi masama na daw yung titig ng reflection nya as in nakatitig lang sa kanya.. so umalis si girl.. then sinabi nya yung pangyayari sa bff nya.. and sa inaakalang ok na ang lahat, ilang days lang daw.. parang palagi na raw may nasunod dun sa girl.. then yun nga.. may nakita daw sya na duguang girl sa hagdan bago sya bumaba.. minsan sa pinto.. or sa hallway.. sya lang nakakakita.. palagi daw sya sinusundan.. kaya halos mabaliw sya.. it all started mula nun nangyari sa kanya sa cr.. wew..!

creepy! kaya pag naaalala ko mga ganitong stories, kinikilabutan talaga ako humarap sa malalaking mirrors, or kahit sa cr! feeling ko may nakatingin din sa akin, or may magpapakita sakin sa bawat paglingon ko at blink ng mata.. :(

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #242 on: April 18, 2013, 10:22:32 am »
Hi, jaymejorrol.

Very interesting that a lot of the events are linked sa stairs.  Question!  Yun material ng stairs ay wood including yun handles and banisters?  Is the space underneath - yun storage room - lit or has light?  Ano yun light rin if there is - warm/yellow or white?

Noted na may mirror pala sa may stair area.  No wonder you are having all these experiences.  Wrong placement of that can magnify what is in the area and sa arrangement niya with the stairs creates a portal to the twilight zone.  Sa mga may CR sa dulo o ilalim or above the stairs share your stories.  Definite mga weirder pa than this.

Mirrors kasi are containment tools.  Sigh, I hate how Kris Aquino acts but yun movie niya na Feng Shui has some weight.  Notice what item has a mirror there more so the item in question in an antique.

Oh, schools are often laced with such experiences as they attract weird energy.  More so mirrors are present sa CR.  Sa mga mahilig sa nightlife or simply find themselves working on such establishments catering to that kind of customers ay its worse.


Hi, heaven charm.

Noted :)  Remind lang kita na sa church, temples and such rin ay where others and even us release our negative energies which is why may possibility na bad chi rin masagap mo.  If you recall may mga different postures required during mass and even when we come and go sa church.  Those are your clues as to how one can shield oneself from the negative chi as well as gain yun benefits ng cleansing, healing and blessing.

When you exercise sa may church area always remember to ground yourself sa plants before and after. 

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #243 on: April 18, 2013, 11:32:23 am »

Hi, jaymejorrol.

Very interesting that a lot of the events are linked sa stairs.  Question!  Yun material ng stairs ay wood including yun handles and banisters?  Is the space underneath - yun storage room - lit or has light?  Ano yun light rin if there is - warm/yellow or white?

Noted na may mirror pala sa may stair area.  No wonder you are having all these experiences.  Wrong placement of that can magnify what is in the area and sa arrangement niya with the stairs creates a portal to the twilight zone.  Sa mga may CR sa dulo o ilalim or above the stairs share your stories.  Definite mga weirder pa than this.

Mirrors kasi are containment tools.  Sigh, I hate how Kris Aquino acts but yun movie niya na Feng Shui has some weight.  Notice what item has a mirror there more so the item in question in an antique.

Oh, schools are often laced with such experiences as they attract weird energy.  More so mirrors are present sa CR.  Sa mga mahilig sa nightlife or simply find themselves working on such establishments catering to that kind of customers ay its worse.


yung stairs ay gawa sa stone, pero wooden handles.. creepy din kasi sa gilid ng stair is window.. nakakatakot kasi pag-umaakyat/baba ka feeling mo may nakasilip sayo lalo na pag gabi.. yung ilalim is storage ng mga walis, dustpan, may mga tambakan ng sako, plastics, and may trash can.. wala syang ilaw.. kumbaga yung nagpprovide lang ng light dun is yung light from 1st floor lang..

regarding CR naman, ang katabi ng storage is yung dalawang CR.. (ang na-experience ko nga sa CR is yung doppel ng ka-boarder namin na bumaba sa stair tapos pumasok sa CR.. and sometimes ambaho amoy kanal, dagang patay, imburnal and lumang kahoy na nabubulok sa loob..) and share ko nadin yung another creepy experience ko sa cr.. sumakit tiyan ko ng 2am.. so nag-cr ako.. tahimik ang paligid.. tulog lahat ng tao.. pero i know may bumaba ng hagdan, daha-dahan lang lakad nya.. yun lang kasi ang tanging sound na naririnig ko.. then alam ko huminto sya sa tapat ng cr ko kasi dun huminto yung sound ng footsteps.. putakte biglang umungol yung aso ng kapitbahay namin! nawala bigla antok ko.. sa sobrang takot ko naghugas kaagad ako and nilakasan ko loob ko tumakbo pataas nang mejo nakapikit! kinabukasan nilagnat ako sa sobrang takot..

the mirror (luma na, pahaba sya.. wooden frame, width is mahigit 1ft, height is half-body ng tao,) is nakasabit sa kabilang wall against kung saan nandoon yung stair.. (kumbaga pag humarap ka sa mirror, ang makikita mo is sarili mo and sa likod mo is yung stair pati yung ilalim.. wew! creepy pag naiimagine ko..)

..pero now wala na yung mirror, matagal na rin inalis.. dahil sa mirror na yan mejo takot ako mag cr mag-isa lalo na pag may malaking salamin, malakas kasi imagination ko kaya minsan parang feeling ko nabubuo yung iniisip ko..

boss dagdag ko pa pala sa stairs, this happened last 2008 pa.. yung pamangkin ko (6 years old) napansin namin na mahilig umupo sa hagdan and nagsasalita sya mag-isa.. (i know normal sa bata yung minsan nagsasalita mag-isa pag naglalaro, kasi minsan nagiimagine din sila, pero sa kanya kasi kakaiba talaga, buo ang emosyon nya.. as in talagang may kausap! wew.. kinikilabutan ako) ..parang may imaginary friend sya.. then araw-araw nya 'to ginagawa.. nagagalit sya kapag pinapauwi ng mama nya kasi enjoy daw sya maglaro! mejo kinutuban kami since marami na ngang weird stories samin.. so nagpatawag kami ng mangagamot.. then totoo nga daw na may imaginary friend sya.. dalawang imaginary friend.. (creepy!!) isang sing laki ng pamangkin ko at yung isa is mas maliit.. puro girl din daw yung entites.. sya lang ang nakakakita.. nakikipag-laro daw.. pero mahirap na kasi baka inaaliw lang yung bata then later on kuhanin sya..

mukhang nagka-anak yung white lady samen.. haha! choz!

den.nica

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #244 on: April 19, 2013, 10:05:11 am »
Hi, share ko na lang din dito yung message ko kay Cityhunter. Nag consult kase ako sa kanya on where should I place my dresser sa room ko. Natatakot kase ako na baka may makita ako na something dun tulad ng nangyari sa sister ko before. Ganito kase yun. may 3 rooms kame sa bahay. 1 sa parents ko. 1 sa brother ko. 1 samin ng sister ko. Nung nagka family na kame, dun parin kame nag stay sa parents namin dahil sa iba't-ibang reason. reason ko naman wala si hubby. nasa abroad nagwowork so hindi ako pwede bumukod dahil 2 lang kami ng baby ko at hindi ako makakuha ng matinong yaya na pwede magbantay pag nasa office ako. last year bumukod na brother ko. next month bubukod na rin sister ko.

yung room na occupy ko ngayon saka sa ate ko(w/ family) pag iisahin na. tatanggalin yung wall. gusto ko ng dresser w/ mirror pero namumurublema ako saan ko lalagay :D.  meron kase kami dati na mirror sa room nung share pa kami ng ate ko. maganda sya pero luma na. may white swirls sya sa gilid pero may mangilan ngilan na stain ng parang kalawang. isang beses pagsalamin ng ate ko may nakita syang black lady sa likod nya na naka belo ng itim. walang face pero alam nyang nakatingin sa kanya. simula nun tinanggal na yung salamin at hindi na naglagay ng bago.

isang beses naman since ako ang bunso, ako ang utusan noon. elementary ako nun. pag pasok ko sa kwarto bukas kagad ng ilaw. pag open ko ng ilaw bintana kase kagad makikita kase malaki. eh tapatan yung bintana namin ng likod bahay namin. may nakita akong parang batang nakahubad. ulo hanggang balikat lang yung kita. madilim hindi ko kita itsura nya kase against the light sya sa ilaw nung kabilang bahay. pero ang napansin ko. mas malaki ulo ng ng konti sa katawan nya. tapos yung part na medyo naiilawan is yung tuktok ng ulo nya. bakas yung mga ugat ugat nya. parang mga ugat sa binti ng babae na sinasabi nilang ugatin. tinitigan ko hindi sya nawawala na. hindi rin ako nakagalaw kagad. tumakbo ako pababa. hanggang ngayon hindi ko alam kung ano yun. 

may mga bisita/friends  kame na may mga nakikita sa bahay. pero feeling namin bantay namin yun. usually lumalabas sila pag may bagong tao sa bahay at hindi nila feel. sa bakuran namin lalaking anino. sinisilip nya mula sa labas yung tao na hindi nya gusto. nakita namin yun. college ako nun at may nanliligaw sakin. nung time na yung may bf ako pero inintertain ko :D nasa sala kami with my cousin and friend. biglang may sumilip sa pinto. shadow lang. pero hindi kami nagkataka kase madilim na nun at yung poste ng ilaw nasa tapat ng bahay namin so shadow lang talaga ng tao makikita namin pag may taong sumilip kase against the light. pinagtaka namin kakaiba yung pagka slant ng katawan nya. naka 3  o'clock yung angulo nya na straight na straight. tapos tagal naka ganun. kala namin isa kong pinsan kaya nakatingin lang kami at inantay lang namin pumasok sya. mga 2 minutes yun tapos umalis. ayun sinundan ko. walang tao at sarado gate namin.

yung shadow na yung nagpakita din sa anak sa labas ng father ko. nakituloy samin yun ng ilang gabi (napaka bait ng mother ko talaga). sa sala sya natutulog. tuwing madaling araw nakikita nya may anino sa bintana na parang nakatingin sa loob ng bahay.

meron naman babae. as in babae na parang tao lang pag nagpapakita. yung bagong bf ng bestfriend ko nakita may naglalakad. kala nya kasama namin sa bahay kaya binati nya. tapos ilang lakad lang biglang nawala. yung kasambahay namin sa sala natutulog. nagising sya isang beses nakatayo yung babae sa gilid nya. nakatingin lang sa kanya.

sa kwarto naman ng mother ko may kama kaming malaki na narra. bigay din ng lola ko. bigay pa sa kanya ng lola ko sa tuhod nya. nasa tabi ng window yun. ilang tao na nagsasabi na mula sa labas ng bahay namin, may babae laging nakatanaw sa kalsada. nakatanaw lang ganun lang. may nakapag sabi na attached yung taong yun sa kama.

Yung pinaka hindi namin gusto na naramdaman sa bahay is yung sobrang baho na amoy. pag may away away ayun lumalabas sya. as in ang baho na hindi namin maintindihan. amoy sa buong bahay pero may area na mas malakas yung amoy. minsan sa malapit sa cr. kinabukasan lilipat sa taas ng hagdan. deadma lang naman namin. nawawala sya pag bati bati na kame.

medyo malayo na yung mga kwento ko sa concern ko na saan dapat ilagay yung salamin :D pero ayun nga. since konti na lang kami next month. at hindi ako sanay. gusto ko maiwasan yung  mga ganun... gusto ko na maging maganda yung aura ng bahay namin lalo na yung kwarto ko pag nirenovate na...

thanks po CityHunter. Sobrang na appreciate ko yung advise nyo :)

den.nica

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #245 on: April 19, 2013, 11:12:56 am »
correction, 2 o'clock yung anggulo not 3 o'clock :D

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #246 on: April 19, 2013, 11:56:21 am »
Nako kaya that's why I don't look at myself in the mirror na rin eh. Tsk.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #247 on: April 22, 2013, 10:16:24 am »
@den.nica: mukang possessed din yung place nyo tulad samin.. regading mirrors, for me kasi.. looking at the mirror (esp. the big ones..) is the best way to scare myself.. as in iba ang nararamdaman ko.. gusto ko i-try (pero ayaw ko haha..) yung magsisindi ako ng candle, tapos haharap ako sa salamin ng madaling araw.. sabi kasi may magpapakita daw kaya wag daw subukan.. wew.. creepy.. may mga paniniwala din about mirrors.. here's the link:

http://www.hauntedamericatours.com/museum/hauntedmirrors.htm
http://seeker7.hubpages.com/hub/Spirit-Reflections-Ghosts-and-Haunted-Mirrors

exciting basahin kaso nakakatakot :)

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #248 on: April 22, 2013, 03:40:57 pm »
@CityHunter,

Thanks for your advise. After you told me how to address yung mga sumusulpot na spirits sa house namin wala na nakikita si hubby. Pinaligiran kasi namin ng thorny plants yung harap at likod ng apartment namin and according to my hubby wala na sya nakikita na nag sstay sa sala namin na lost spirits.

By the way, if you don't mind asking, why is it di lumalapit yung mga spirit sa thorny plants?

ceejhei

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #249 on: April 24, 2013, 10:29:59 am »
^ i was really exhausted from work yesterday so at around 6pm i decided to go upstairs at magpahinga.
nung una, naka bukas lights ko, then sabi ko parang masakit sa ulo, pinatay ko yung ilaw. i left the door open kasi sobrang dilim sa room kapag
walang ilaw. so yung ilaw from our living room and ginamit kong ilaw.

nakatagilid ako facing the wall near the door, may narinig akong babae sumitsit saakin twice. i thought its my maid or my
daughter trying to caught my attention, pero pag tingin ko wala naman sila sa labas ng room.

di ko nalang pinansin pero iba pakiramdam ko eh kagabi, alam kong may kasama ako sa kwarto. ramdam ko na hindi lang din siya iisa. ewan ko pero nararamdaman ko.
may family friend kami na nakakakita at marunong din sa mga spirits, kasi nung nagpunta daw siya sa house namin marami daw siyang nakita, sa laundry area, may lalaking malaki daw naka white pero di naman
daw nang-aano. then there's someone naman on the stairs lagi lang daw andun yun, kaya pala kapag gabi na at lights off na sa living room iba ang nararamdaman ko sa stairs.

naglipat din kami ng room from the one facing the street to other room na likod na ang view. dun sa room na facing the street laging may kumakatok doon, nagigising nalang ako sa katok
tapos pag gising ko wala naman, tapos door is half open na. tapos feeling ko ginigising niya din ang little girl ko, kasi i woke up at around 5am dati to prepare for work. mga after 15-20 minutes
susunod na ang daughter ko, biglang nagigising, andun naman ang hubby ko sa kwarto para isipin ng anak ko na wala siyang kasama kaya bumaba na siya.
pero nung nakalipat kami sa kabilang room, late na siya nagigising or at least 1 hour after i woke up.


molybdenumstudios

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #250 on: April 24, 2013, 12:03:05 pm »
May narinig akong malakas na footsteps paakyat/pababa nung palapit na ang 11PM. Grabe lang.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #251 on: April 24, 2013, 12:19:09 pm »
^ wew.. gaano kadalas mangyari yan? sa amin kasi pag nasa 1st floor ka, maririnig mo may naglalakd sa 2nd floor.. kahoy lang kasi yung sahig.. and yung path ng paglalakad nya is always nag-eend sa stairs.. nakakatakot lalo na yung langitngit ng sahig.. wew..!

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #252 on: April 24, 2013, 12:25:32 pm »
^ Recent lang. I did not expect na ganun kalakas ang padyak.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #253 on: April 24, 2013, 06:09:52 pm »
Hi, theshopaholicprincess.

Trade secret kasi yun full description as to why the cacti works but rest assured that it is able to change the chi of the place where its used.  As the area that is in question is often plagued by yin energy or that of the unknown na masasabi rin natin not-so-pwede ay it countered that effectively.  Just make sure you wash that area with water mixed with some sea/rock salt once a month at least para mas maging effective even more yun benefits ng cacti.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #254 on: April 25, 2013, 08:40:19 am »
^ applicable din ba samin yang thorny plants like cacti sa house namin? and san sya maganda ipwesto since boarding house kasi sya..

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #255 on: April 25, 2013, 11:09:42 am »
Hi, jaymejorrol.

As you are renting space along with others ay I doubt you can use the cacti remedy for yours not unless the landlord allows that.  Do note na dapat sa EXTERIOR spaces lang ilagay ang cacti and the only time you are to use it INSIDE ay sa CR IF the walls of that reaches the ceiling.  You can resort to washing your floor area with water na may rock/sea salt or simply place rice pouch sa windows and doors mo to be replaced at least once every 30 days.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #256 on: April 25, 2013, 11:27:03 am »
^ ow.. ok sige.. thanks po sa advice! yung walls sa CR namin is reaching the ceiling so i'll try to put some inside (oo nga pala how many?), hindi naman siguro magagalit yung owner kasi kilala ko naman and para rin naman yun sa ikabubuti ng house and ng boarders.. kaya baka i-apply ko nadin yung sa exterior spaces.. so far wala pa naman any creepy things ang nagyayari pero maganda na yung may pangontra kahit papano.. maya tumatiming lang sila eh..

mllapina

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #257 on: April 26, 2013, 09:40:31 am »
hi po,

this story was told by my sister, sa province kase sya nakatira ngayon with her family, since her in laws migrated in US, sila nalang ng husband nya ang naiwan dito sa Pinas temporarily since they had also an application there, kwento nya saken na nasanay na daw sya sa nangyayari sa bahay nila don, kase sa araw araw nya don, lagi sya may nakikita ang nararamdaman, but they never hurt them naman daw, paramdam and pakita lang, minsan nilalaro, nililito or tinatago mga gamit. even their "kasambahay"   were asking them kung meron talaga don, kase everytime na umuuwi samen sister ko, naiiwan solo yung maid nila, takot na takot lalo na sa gabi, lakas ng yabag ng paa sa hagdan, minsan nakaupong matandang lalake sa labas ng bahay, at nung gabi naman nakita mismo sister na isang puting babae sa labas ng bahay,

i never believe at first, ayoko talaga kase minsan praning lang kapatid ko, saka sa panahaon ngayon modern tech. na, parang nakakatawa ng paniwalaan yung mga ganon. but when she started to tell that story iba yung takot nya, isa pang di ako makapaniwala is yung tiktik na umaaligid sa kanila, may sister is 3mos. pregnant, takot na takot sya kase yung kaibigan nya na malapit lang yung house sa kanila encountered that also, so binigyan ko sister ko ng "buntot pagi" na hiniram ko din sa kaibigan ko. naglagay sya ng salt sa windows nila at yung walis tingting.

Isang umaga, naisipan sister ko na maglagay ng tingting sa may labas windows nila, 5 sticks to be exact then nilagyan nya ng makapal na scotch tape. That night around 1am, nagising daw sila sa malakas na pagaspas sa bubong nila, sabi ko pa nga baka naman dahon lang ng puno yon or hangin, pero helllooo..summer naman ngayon, ni walang bagyo nga. di na sila nakatulog, sabi daw ng matatanda pag ganon daw sisigawan mo yon at mumurahin para alam nila na kilala mo sila, then yon ginawa ng husband nya,. pag gising nila kinabukasan, yung tingting na dinikit ng sister ko 1 piraso nalang, yung yung isang natira e matatanggal pa sa pagkaka dikit nito.. di ako naniniwala sa mga ganon, pero inisip ko na di naman gagawa kwento kapatid ko, para san di ba?  :( then nagpa check up sya, ayun dumadami daw bleeding nya..ano ba yan! kaya rest sya ng todo  :( sori po napahaba kwento ko  ;)

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #258 on: April 26, 2013, 09:49:39 am »
^ musta naman ang sis mo? katakot naman yon.. baka mapano pa yung bata sa loob nya..

mllapina

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #259 on: April 26, 2013, 10:23:19 am »
jaymejorrol: ayos naman sya, sana nga di na maging grabe condition nya, first baby pa naman nila yon if ever. ewan ko ba, ayaw na ayaw mo naniniwala sa mga ganon kase feeling ko sa comics at movies lang yun, pero may mga bagay talaga sa mundo na di mo kaya ma explain lahat  :-\  sabi ko nga sa kapatid ko bumalik nalang muna sa bahay namin, kase kakatakot, kahit ba totoo or hindi, mas ok yung nag iingat,..


nga pala, believe it or not, kilala nila yung tiktik, actually likod bahay lang nila, nakausap na nung barkada ng sister ko, sa umaga e normal people sila, may normal activities din, nagpapataya pa nga daw ng jueteng eh hahaha..imagine no?  :)  and "tikang" yung name nya, ayaw nga daw nila maging ganon, pero no choice daw naman sya, kase pinanganak syang ganon ang lahi..binibiro biro pa nung barkada ng kapatid ko, that time preggy din yon barkada nya kaya, nakuha pa nilang tanungin. di na nga daw effective yung bawang sa kanila or any religious elements/rosary, ang pinaka ayaw daw talaga nila is yung amoy ng luya..hmmm...   ???

 gustong gusto nga daw nila amoy ng baby yung medyo maliit palang yung mga 3 mos, mabango daw yon sa kanila  ::)  then mga 3years ago dun sa boarding house na pinapa rentahan nung family ng husband nya, which is katapat bahay lang nila bigla may nag sigawan, naglabasan mga boarders, kc may kumalabog daw sa bubungan nila na sobrang lakas, di alam ng sister ko na sa isang student boarders nila e may buntis, ayun takbuhan sila lahat sa labas ng boarding house, tinignan nila kung san yung parang may nahulog sa bubong, then laking gulat nila sobrang laki ng ibon na naging aso, pero yung asong yun di sya natatakot sa tao na normal sa mga asong nakikita natin na gumagala gala lang. dun nalaman ng sister ko na meron nga daw na ganon, kase dito naman sa province namin wala naman ganon.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close