Hi, share ko na lang din dito yung message ko kay Cityhunter. Nag consult kase ako sa kanya on where should I place my dresser sa room ko. Natatakot kase ako na baka may makita ako na something dun tulad ng nangyari sa sister ko before. Ganito kase yun. may 3 rooms kame sa bahay. 1 sa parents ko. 1 sa brother ko. 1 samin ng sister ko. Nung nagka family na kame, dun parin kame nag stay sa parents namin dahil sa iba't-ibang reason. reason ko naman wala si hubby. nasa abroad nagwowork so hindi ako pwede bumukod dahil 2 lang kami ng baby ko at hindi ako makakuha ng matinong yaya na pwede magbantay pag nasa office ako. last year bumukod na brother ko. next month bubukod na rin sister ko.
yung room na occupy ko ngayon saka sa ate ko(w/ family) pag iisahin na. tatanggalin yung wall. gusto ko ng dresser w/ mirror pero namumurublema ako saan ko lalagay

. meron kase kami dati na mirror sa room nung share pa kami ng ate ko. maganda sya pero luma na. may white swirls sya sa gilid pero may mangilan ngilan na stain ng parang kalawang. isang beses pagsalamin ng ate ko may nakita syang black lady sa likod nya na naka belo ng itim. walang face pero alam nyang nakatingin sa kanya. simula nun tinanggal na yung salamin at hindi na naglagay ng bago.
isang beses naman since ako ang bunso, ako ang utusan noon. elementary ako nun. pag pasok ko sa kwarto bukas kagad ng ilaw. pag open ko ng ilaw bintana kase kagad makikita kase malaki. eh tapatan yung bintana namin ng likod bahay namin. may nakita akong parang batang nakahubad. ulo hanggang balikat lang yung kita. madilim hindi ko kita itsura nya kase against the light sya sa ilaw nung kabilang bahay. pero ang napansin ko. mas malaki ulo ng ng konti sa katawan nya. tapos yung part na medyo naiilawan is yung tuktok ng ulo nya. bakas yung mga ugat ugat nya. parang mga ugat sa binti ng babae na sinasabi nilang ugatin. tinitigan ko hindi sya nawawala na. hindi rin ako nakagalaw kagad. tumakbo ako pababa. hanggang ngayon hindi ko alam kung ano yun.
may mga bisita/friends kame na may mga nakikita sa bahay. pero feeling namin bantay namin yun. usually lumalabas sila pag may bagong tao sa bahay at hindi nila feel. sa bakuran namin lalaking anino. sinisilip nya mula sa labas yung tao na hindi nya gusto. nakita namin yun. college ako nun at may nanliligaw sakin. nung time na yung may bf ako pero inintertain ko

nasa sala kami with my cousin and friend. biglang may sumilip sa pinto. shadow lang. pero hindi kami nagkataka kase madilim na nun at yung poste ng ilaw nasa tapat ng bahay namin so shadow lang talaga ng tao makikita namin pag may taong sumilip kase against the light. pinagtaka namin kakaiba yung pagka slant ng katawan nya. naka 3 o'clock yung angulo nya na straight na straight. tapos tagal naka ganun. kala namin isa kong pinsan kaya nakatingin lang kami at inantay lang namin pumasok sya. mga 2 minutes yun tapos umalis. ayun sinundan ko. walang tao at sarado gate namin.
yung shadow na yung nagpakita din sa anak sa labas ng father ko. nakituloy samin yun ng ilang gabi (napaka bait ng mother ko talaga). sa sala sya natutulog. tuwing madaling araw nakikita nya may anino sa bintana na parang nakatingin sa loob ng bahay.
meron naman babae. as in babae na parang tao lang pag nagpapakita. yung bagong bf ng bestfriend ko nakita may naglalakad. kala nya kasama namin sa bahay kaya binati nya. tapos ilang lakad lang biglang nawala. yung kasambahay namin sa sala natutulog. nagising sya isang beses nakatayo yung babae sa gilid nya. nakatingin lang sa kanya.
sa kwarto naman ng mother ko may kama kaming malaki na narra. bigay din ng lola ko. bigay pa sa kanya ng lola ko sa tuhod nya. nasa tabi ng window yun. ilang tao na nagsasabi na mula sa labas ng bahay namin, may babae laging nakatanaw sa kalsada. nakatanaw lang ganun lang. may nakapag sabi na attached yung taong yun sa kama.
Yung pinaka hindi namin gusto na naramdaman sa bahay is yung sobrang baho na amoy. pag may away away ayun lumalabas sya. as in ang baho na hindi namin maintindihan. amoy sa buong bahay pero may area na mas malakas yung amoy. minsan sa malapit sa cr. kinabukasan lilipat sa taas ng hagdan. deadma lang naman namin. nawawala sya pag bati bati na kame.
medyo malayo na yung mga kwento ko sa concern ko na saan dapat ilagay yung salamin

pero ayun nga. since konti na lang kami next month. at hindi ako sanay. gusto ko maiwasan yung mga ganun... gusto ko na maging maganda yung aura ng bahay namin lalo na yung kwarto ko pag nirenovate na...
thanks po CityHunter. Sobrang na appreciate ko yung advise nyo
