mga sis, pa-share din ako.. hindi ko masasabing "horror" story talaga ito pero natakot din kasi ako. here it goes..
my bestfriend died in 1998 at age 14 due to dengue fever. since then, pinagsisindi ko sya ng kandila during her birthday, death anniversary and all souls' day. basta napapansin ko, tuwing papalapit na yung mga nasabing kong araw na yan, something reminds me of her. lalo na nung kamamatay lang nya, minsan sa dreams pa sya nagpapaalala. july 27 2002, death anniversary nya, i was so busy with my thesis kaya hindi ko sya naipagsindi ng kandila. dumaan ang birthday and all souls' day, naipagsindi ko sya, talagang nung july 2002 ko lang sya hindi naipagsindi. come july 27 2003, at exactly 12am.. may kausap pa ako sa phone nung time na yun, uso pa ang telebabad.. narinig ko may tumawag sa akin, "Dy..". nasa sala ako nun at yung boses parang galing sa may pinto ng bahay namin. nung una, hindi ko pinansin pero tinawag nya ulit ako, "Dy.." nagpaalam ako sa kausap ko tapos tumakbo ako paakyat ng kwarto. the next morning, kinwento ko sa mom ko at kinilabutan sya. pinagsindi ko rin sya ng kandila that day, nagreremind kasi ata dahil nung previous year, hindi ko sya pinagsindi ng kandila. mula noon, hindi na talaga ako nag skip sa pagsindi ng kandila, kahit ngayon na may asawa na ako. it was her 14th death anniversary last july 27 btw, and after ko ipagsindi sya ng kandila sa church, while waiting for a jeep pauwi with my mom, may dumating na jeep which has her name on the sign board (yung mga nasa taas ng jeep, yung may mga pangalan, not sure kung anong tawag dun), samantalang unusual yung name nya. i told my mom while pointing at the jeep, "ayan na ma o, tignan mo yung jeep". sabi ni mama "oo nga no, kinilabutan naman ako". for me, sign yon na nakarating sa kanya yung dasal ko nung pinagsindi ko sya ng kandila..