watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176208 times)

andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #60 on: July 23, 2012, 11:40:11 pm »
share ko naman ang experience ko sa school... sa lahat ng schools sa intramuros, ang school namin ang mukhang hindi haunted or may creepy stories... from PLM, Lyceum, Letran... Mapua lang ang parang wala.. pero I was wrong...

algebra class ko sa south wing ng school.. from 3-4:30 pm.. while waiting for the class, sabi ko sa friends ko na mag c-cr ako... wala naman sumama kasi busy sa kwentuhan... pagpasok ko sa cr.. walang tao... bukas lahat ang cubicles... siguro 7-8 cubicles lahat in one row.. mirror naman facing ng mga cubicles... I decided to use the 3rd cubicle.. yung cubicle na yun halos sakop pa nung wall na harang papasook ng cr.. hindi kita ang mirror sa labas...
habang nakaupo ako... nakayuko ako.. walang pumasok sa cr.. madidinig mo yun kasi maglolock yung pinto... to my surprise, may anino akong nakita sa floor... ulo na kulot ang buhok.. nasa taas yung ilaw, so meaning, someone or something is above me... dali dali akong nagsara ng pants, sabay slam the door at takbo sa next room para sa algebra class ko.. naabutan ko na yung prof ko nun and taking the attendance.. namumutla daw ako pero hindi kami pwding magkwentuhan.. after class nalang ako nag kwento.. naniniwala naman sila kasi alam nila lahat ng mga nararamdaman ko sa dorm... simula noon, ayaw ko nang mag cr mag isa sa south building....

next experience ko is sa tulay pauwi sa amin (pampanga)... everytime I pass the bridge, very creepy talaga.. ayun yung mga sumusunod sa akin.. kasi ilog yun.. at may kwento na may white lady daw doon.. one friday night, nakauwi ako ng 11pm na kasi ended class at 9:00pm.. while talking, kinilabutan ako... at parang ang tagal ko nang nalalakad pero hindi ko marating yung dulo ng tulay.. ginawa ko, nilugay ko buhok ko.. at tinitilamsik ko.. sabi kasi nasasaktan daw sila sa buhok.. tapos nagdadasal ako ng Our Father at Hail Mary... hindi ko alam pero narating ko ang dulo.. pagod na pagod ako pagdating ng bahay.. nagkwento ako sa nanay ko pero napagalitan lang ako.. ang lakas daw kasi ng loob kong umuwi pa ng gabi na ako lang mag isa.. pano daw kung masamang tao nag maencounter ko.. kaso no choice.. kesa naman sa dorm ako ng fri night na wala naman tao.. hahaha.. baka iba naman ang makita or maramdaman ko...

geekybride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #61 on: July 23, 2012, 11:47:16 pm »
habang nagtutupi kami ng mga nilabhan namin, kumakanta ako.. ewan ko kung sintunado... maya maya may isang magandang tinig na sumabay.. ewan ko ba pero hindi nakakatakot yung voice, refreshing pa.. parang yung mga boses ng sirena sa mga movies..

sis andylhen, nangyari sa 'kin 'to before, pero hindi sa bahay, sa office. mahilig kasi ako magpagabi kasi mas alert ang brain ko sa gabi. heheh. one time, mga 11:30 pm na ata yun.  may narinig akong magandang boses na kumakanta sa corridor. hum lang, walang words.  mejo umeecho pa nga, kasi ganun talaga acoustic sa corridor namin.  tapos when I checked, wala namang tao. so tumawag na ko sa night guard para samahan na ako lumabas (nagpapasama kasi sarado na lahat ng ilaw, except sa workstation ko). just for curiosity's sake, i asked the night guard kung may iba pa bang tao sa floor namin, wala na daw, ako na lang.  ngiiii. 

di pa pala tapos ...

paglabas ko ng building, pumara na ko ng taxi.  tapos yung taxi driver, sabi niya, "akala ko, ma'am, sasakay din yung kasama niyo." eh wala naman akong kasama.  kasi empty na yung streets.  sabi ko, "nge, manong, niloloko niyo naman ako eh. wala naman akong kasama eh." sabi niya, "hindi ma'am. yung babae na nakapaldang puti.  nakangiti pa nga eh. akala ko nagkukwentuhan kayo."

the next day, kinuwento ko sa night guard. ayun, nagclick agad sa kanyan.  sabi niya, madalas daw cia may hinahabol na girl na nakaputing palda pag gabi sa floor namin.  hinahabol, para kunin ang pangalan (nirerecord kasi nila yung mga nag-O-OT). pagdating niya dun sa kuartong pinasukan nung nakaputing palda, wala palang tao. hehe. mumu pala.  sabi ni manong guard, "baka, ma'am, isinakay lang kayo ng taxi!"

waaaaaaaah!!!!   :'(  :-\
« Last Edit: July 24, 2012, 01:46:17 am by geekybride »

glitterysugar

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #62 on: July 24, 2012, 11:35:51 pm »

na-experience ko na din yung may kakanta na ang ganda ng boses. i was taking a shower naman nun. nasa living room sister and cousins. naririnig ko sila nagkkwentuhan pag pinapatay ko yung shower. biglang may kumanta na nga kahit bukas pa yung shower. ang ganda ng boses kahit di ko maintindihan yung words kase parang hindi clear pero hindi naman sya muffled. parang kasama ko lang sa cr yung nakanta. idunno pero natakot ako kaya i shouted for my cousins and my sister to stop scaring me. hanggang matapos ako maligo nakanta lang sya. paglabas ko ng cr, galit na galit ako kase takot na takot ako. my cousins and my sister swore na hindi daw talaga sila yung nakanta.

andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #63 on: July 25, 2012, 11:48:26 am »
^ pag alam natin na hidi tao ang nakanta kahit anong ganda pa ng boses nila siguradong matatakot tayo...  :'(

sharing the most experience ko.. It happened Oct 29, 2008 sa previous company ko sa clark.. production planner ako at tradition na ang overnight pag monthly inventory.. hindi kasi aandar ang production hanggat hindi namin natatapos ang inventory comparison..
madami na akong nararamdaman at nakikita sa building.. hindi naman ako natatakot kasi naman kahit tirik na tirik ang ang araw andun sila at nkikita ko..

nung inventory ko lang talaga napatunanyan ang kwento ni "alvin" sa building.. tinawag siyang ganun kasi daw naglalaro siya ng bola sa corridor.. since halloween nun, may mga fruits offering sa landing ng stairs para nga daw kay "alvin" at sa nanay niya... bandang hapon pumunta pa ako dun para magdasal kasi nga aabutin kami ng magdamag sa building...

mga 8 pm palang, nakakaramdam na ako ng mga kakaiba.. sabi ko sa mga kasama ko walang pupunta sa cr mag isa.. dapat may kasama.. mahirap na eh.. may matatakutin kasi kaming kasama.. siguro mga 10 lang kami sa building plus yung guard sa gate na..
nagumpisa na akong kilabutan nang may marinig akong umaakyat sa stairs, galing sa landing na may offering... hinahampas niya yung pinto... nagkakatinginan na kaming lahat.. sabi ko walang aalis sa upuan kahit anong mangyari... hanggang sa bumukas na ang pinto.. narinig ko yung bakal na hinahampas yung mga keyboards pero walang tao.. may isang naramdaman naman ako na naglalaro ng bola... palapit ng palapit sa pwesto ko.. sobrang lamig ng nararamdaman ko pati nakatayo na yata ang lahat ng buhok ko sa katawan... pakiramdam ko ang laki ng ulo ko... nasa tabi ko na yung naglalaro ng bola.. tapos yung may bakal naman yung keyboard ko na ang hinampas.. kitang kita ko na gumalaw yung keyboard ko.. pati yung bola binato na sa akin.. sa takot ko tumakbo na ako.. sabay sumonod na yung mga kasama ko.. takot na takot daw sila kasi nga nararamdaman daw nila lahat... nagsumbong kamai sa guard pero wala kaming napala...
mga 2am bumalik kami sa taas kasi nga kailanagn naming tapusin yung mga reports.. basta walang matatakot at walang magrereact sa mga nakikita... inantok ako.. sabi ko tutulog muna ako sa ilalim ng mesa ko.. sobrang bigat ng katawan ko pero nakatulog ako.. 4am ng gisingin ako ng mga kasama ko.. sumalakay nanaman daw "sila" kaya nagsibaba silang lahat.. hindi daw nila ako magising kaya iniwan nila ako sa taas.. sobrang galit ko sa kanila kasi nga baka kung anong ginawa sa aking ng mga nilalang na yun...

simula noon, hindi na ako pumayag na mag overnight para lang sa inventory, 10pm na ang pinakalate kong uwi pag inventory....

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #64 on: July 25, 2012, 03:46:25 pm »
^ sis, ang dami mo naman naencounter.  at ang tapang mo rin kahit pano ha....

geekybride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #65 on: July 26, 2012, 01:41:40 am »
sis andylhen, alam na!  isa kang ghost and engkanto magnet--it's now official!  next time na magkita tayo, at bigla kang namutla, alam ko na ang ibig sabihin! kaya tatakbo na lang ako palayo, wala nang usap-usapan. text  you na lang.   ;D ;D ;D 


aoshi_01

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #66 on: July 26, 2012, 08:46:52 am »
Last year pa to nangyari. One of my agents/trainees passed away the day before my birthday. Wala kaming ka-alam alam ng ibang trainees ko. They even planned a surprise birthday lunch for the entire class/wave. Although ang alam ko kasi was 1 week nang nilalagnat si agent, and it was the mom who was contacting me kasi ang taas nga daw ng fever.

The following week, while I was conducting their product training tumawag ang mother ni agent sa akin. She passed away na daw. I was not able to attend the wake nor the burial kasi ang daming ginagawa sa office. Although, hindi ko naman nakalimutan asikasuhin ang papers ni agent sa HR. And then, dahil I work for a slave-driver, tambak ang work and tasks parang hindi ko na naasikaso uli.

Napanaginipan ko bigla yung agent ko that she was in a coffin and wearing a grey dress. Tapos, may elderly lady (who I assumed was her mom) that was crying at the foot of the coffin. Yung coffin was in an open grave.

Tinanong ko ng hiwalay yung mga naka-attend nung wake niya and pare-pareho yung sagot nila. She WAS wearing a grey dress in her coffin.

Ayun, inasikaso and kinulit ko ang HR to release the benefits agad and made sure that the mom was properly accommodated pag punta niya ng office to claim her daughter's benefits.

andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #67 on: July 26, 2012, 09:20:10 am »
^ super close ka ba sa agent mo? ano kayang meaning at nagpakita siya sayo sa panaginip? yan ang hindi ko pa nararanasan... pero yung panaginip ko minsan nangyayari.. yung tipong same people encountered or same place na familiar na sa akin.. normally na nangyayari naman sa iba.. I know it has something to do with your past life...

sis phurple0515matapang ako para sa mga kasama ko namatatakutin.. pero sa sarili ko, parang puro malamig na tubig ang laman ko plus ramdam kong lumalaki ang ulo ko.. ayaw ko nang may makita, maramdaman at marinig.. pero ewan ko ba laging meron na hindi ko na pinapansin.. as if wala lang...

sis geekybride kaloka ka.. sige lunch tayo ulit.. pero wedding preps pa din ang topic.. kahit mamutla ako, hindi naman ako nagkkwnto pag nakikita ko padin.. after a day lang ako magkkwento or pag nakalayo na ako sa pwesto..  :)

aoshi_01

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #68 on: July 26, 2012, 09:28:04 am »
^I never got to know her that well kasi after the first week of their training, she fell ill na. After that day, hindi ko na siya napanaginipan. Pero may times pa rin na bigla ko siyang maalala for no reason at all.

aoshi_01

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #69 on: July 26, 2012, 10:00:59 am »
eto another story. ayoko lang kasi i-entertain yung thought na "lapitin" ako. it creeps the hell out of me.

lumipat na kasi ako ng workplace. pero mukhang marami ngang other "tenants" tong building. like yung isang sis natin dito, may one time tumigil rin yung elevator sa isang floor (this one kasi is day shift so 5am, ang dilim nung area). dinedma ko lang kasi I always have my mp3 player with me pag breaks and malakas ako magpatugtog (hehe bad i know). pero after non, by the time na patapos na yung shift ko, inapoy ako ng lagnat.

there was also this one time na may vacant station dito sa floor (bago pa ako non and hindi ko alam na nag-resign na yung agent who occupies the station), I noticed this guy na naka light blue shirt na gumagamit nung station. so tinanong ko yung ibang colleagues ko after work "Sino yung naka-upo don sa station?". And they were all like "Sino?" so akala ko they were just kidding. But then they were all saying na wala ngang nakaupo doon for the entire duration of our shift.

Pansin ko lang yung mga ganyang eksena madalas mangyari sa akin tuwing Friday. Weird lang.


andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #70 on: July 26, 2012, 10:17:46 am »
isa pang encounter nung 1st job ko as production engineer sa laguna.. tumira ako sa tito ko sa binan para wala ng extra expenses sa boarding house.. ramdam ko nang may iba kaming kasama sa bahay.. mga bata na mahilig maglaro.. sabi ng tita ko, may dwende nga daw sa bahay pero mababait... pag nasa sala ako, nakikita kong napasok sila sa kwarto kung saan ako natutulog.. wala lang.. ganun lang naman lagi ang scene eh.. pero pag hindi ako napasok at naiiwan sa bahay, nakikipaglaro sila.. itatago nila yung gamit mo tpos maghahanap ka.. makikiusap ka lang na ipakita na nila kasi kailangan mo, tapos makikita mo sa lugar na malayo sa alam mong pinag iwanan mo.. ayun din yung naririnig ko silang magtawanan..

sa same house din nangyari.. ang shift ko kasi 6am.. so need ko ng maagang magising.. ewan ko ba na laging 3am nagigising ako na sobrang lamig at hirap akong huminga.. wala akong kinikwnto sa mga tita ko kasi nahihiya akong na baka isipin nilang nagawa ako ng mga stories.. one morning, sakto nagising ako ng 3am.. pagmulat ng mata ko, may isang lalaki ang nakatayo sa harap ko.. pinipilit kong isara ang mata ko pero ayaw sumara... ayaw ko naman gumalaw kasi baka anong gawin sa akin.. nappretend nalang akong natutulog.. gabi gabi ganun ang nangyayari.. hanggang si tita na rin ang nagtanong bakit daw ang ingay kong matulog... sabi ko sa kanya may lalaking nagbabantay sa akin sa kwarto.. tinanong niya kung anong suot at gaano kataas... sabi ko naka tuxedo at mataas na lalaki, balingkinitan ang katawan at hindi naman mukhang nakakatakot.. sabi ni tita tatay daw niya yun.. basta wag lang daw akong matatakot... no harm nga naman.. nakakailang lang na may nagbabantay sayo..

geekybride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #71 on: July 26, 2012, 10:39:13 am »
speaking of nagbabantay...

meron din ako ganyan, sis, babae naman na nakaputi at mahaba ang buhok.  though walang mukha. nagising ako one night, kasi naramdaman ko may humahaplos sa left cheek ko.  pag dilat ko nakatayo lang cia sa tabi ng bed ko. 

naparalyze ako sa takot, di ako makagalaw, makasigaw. parang nag shutdown lang yung brain ko.  tapos nung mejo nahimasmasan ako, nagtalukbong ako ng kumot. buti na lang katabi ko nun ang sister ko. although di ko na cia ginising. the next morning ko na lang nakwento.   

thankfully, once lang ito nangyari. baka nakiraan lang.  :-\

andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #72 on: July 26, 2012, 10:59:44 am »
may mga nagsasabi na ang puti ay mababait, ang maiitim, salbahe daw.. ewan ko pero bakit hindi ata ako naniniwala.. yung sa cr ng dorm, black lady pero nakatayo lang siya.. yung white lady sa paliguan, deadma din.. nakatayo lang.. yung bantay sa bahay ng tita ko nakaitim, kasi naman tuxedo.. yung dwende sa bahay ng tita ko white, nakikipaglaro lang.. yung dwende sa dorm white din pero bakit naging cause ng mga nakikita ko? meaning sila nagbukas ng third eye ko?

SakuraBride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #73 on: July 30, 2012, 11:37:18 am »
^ nakikita kita sa wedding thread. hehe

eto naman story ko, nung 1st yr HS ako nakatira kame sa pasig at halfday lang pasok namen.
1st time ko tumira sa parents ko kase laking lola at lolo ako.
Tuwing tanghali mag-isa lang ako sa house. Bigla na lang lalakas yung TV volume pero di ko naman nauupuan yung remote, actually malayo nga remote saken eh. Tapos yung component namen habang nagpapatugtog ako ng cd or tape bigla na lang lumilipat sa AM/FM. Grabe lang yung naranasan ko nagtalukbong ako ng kumot kahit sobrang init dahil wala ako magawa at mag-isa lang ako. Super takot na takot talaga ako.

Pero di ko pa din ineentertain yung thoughts na multo yon pero kung iisipin ko talaga sya, kung sira ang TV namen, bakit pati yung cd player ganon din... sira sila pareho magkasabay? hehe

andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #74 on: July 30, 2012, 01:22:02 pm »
^ yes sis.. nasa wedding thread din ako..
re sa experience mo, someone is welcoming you in the house.. or napapakilala sila sa iyo.. para next time na gumalaw sila, hindi ka na matatakot...

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #75 on: July 30, 2012, 01:56:52 pm »
mga sis, pa-share din ako.. hindi ko masasabing "horror" story talaga ito pero natakot din kasi ako. here it goes..

my bestfriend died in 1998 at age 14 due to dengue fever. since then, pinagsisindi ko sya ng kandila during her birthday, death anniversary and all souls' day. basta napapansin ko, tuwing papalapit na yung mga nasabing kong araw na yan, something reminds me of her. lalo na nung kamamatay lang nya, minsan sa dreams pa sya nagpapaalala. july 27 2002, death anniversary nya, i was so busy with my thesis kaya hindi ko sya naipagsindi ng kandila. dumaan ang birthday and all souls' day, naipagsindi ko sya, talagang nung july 2002 ko lang sya hindi naipagsindi. come july 27 2003, at exactly 12am.. may kausap pa ako sa phone nung time na yun, uso pa ang telebabad.. narinig ko may tumawag sa akin, "Dy..". nasa sala ako nun at yung boses parang galing sa may pinto ng bahay namin. nung una, hindi ko pinansin pero tinawag nya ulit ako, "Dy.." nagpaalam ako sa kausap ko tapos tumakbo ako paakyat ng kwarto. the next morning, kinwento ko sa mom ko at kinilabutan sya. pinagsindi ko rin sya ng kandila that day, nagreremind kasi ata dahil nung previous year, hindi ko sya pinagsindi ng kandila. mula noon, hindi na talaga ako nag skip sa pagsindi ng kandila, kahit ngayon na may asawa na ako. it was her 14th death anniversary last july 27 btw, and after ko ipagsindi sya ng kandila sa church, while waiting for a jeep pauwi with my mom, may dumating na jeep which has her name on the sign board (yung mga nasa taas ng jeep, yung may mga pangalan, not sure kung anong tawag dun), samantalang unusual yung name nya. i told my mom while pointing at the jeep, "ayan na ma o, tignan mo yung jeep". sabi ni mama "oo nga no, kinilabutan naman ako". for me, sign yon na nakarating sa kanya yung dasal ko nung pinagsindi ko sya ng kandila..
« Last Edit: July 30, 2012, 01:59:35 pm by Dhee-Dhee »

queendi

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #76 on: July 30, 2012, 02:44:06 pm »
^kinilabutan naman ako dun sa name sa jeep. it reminded me naman of my lolo. sa jeep din, nakasakay ko sa jeep kamukhang kamukha nya (matagal ng ded ang lolo ko non). parang gusto ko nga sya kausapin. tapos bumaba rin agad. feeling ko nga sya talaga yun. nagpakita sa akin sa hindi nakakatakot na way.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #77 on: July 30, 2012, 03:09:19 pm »
^nakakakilabot nga sis, pero sanay na rin ako. sabi ko sa kanya kasi noon wag syang magpapakita sa akin kasi takot talaga ako kaya sa ganong way nalang nya pinaparamdam sa akin. sabi nila, hindi naman na raw talaga bumabalik ang soul ng tao. siguro way lang nila yun, gaya nung nakita mo sa jeep na kamukha ng lolo mo, to remind us na nandiyan pa rin sila, watching over us. :)

odessa17

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #78 on: August 01, 2012, 10:29:22 pm »
Share ko lang yun nagyari sa friend ko nun nag OJT siya sa Manila Hotel since maatgal na din yun Bldg na yun walang pinipiling oras  mga 11 am daw nun and since need magwash ng hands ni friend sa CR nakita niya naka open yun door sa CR , nakita niya may paa  and naka red nail polish nakatayo.
aantayin niya sana matapos yun lady sa loob pero sa sobrang tagal nag excuse na siya na mag wash lang ng hands pero walang tao dun sa CR.

tapos sa Hallway daw papunta sa isa pang kitchen naglalakad sila nun isa niya classmate ng biglang napatigil si friend tapos nakita niya yun 1 arm niya na parang hinawakan ng mahigpit tapos dun lang yun nakatayo un balahibo niya. hindi naman balbon si friend. buti na lang daw at 1 month lang sila dun at puro paramdam lang nagyari.


may nabasa din ako dito na possible ba na ang nakikita lang e paa na ghost.
kasi dito sa bahay namin may nakikita sa stairs  na paa.

pero lately wala na siya parang paa ng lalaki.

minsan naman bata na naka sando na white and shorts na brown ang paikot ikot
at minsan tumtabi daw sa amin pag natutulog.

pero lately hindi namin siya nakikita.sana wag na sila magpakita.



shatz

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #79 on: August 07, 2012, 09:14:45 pm »

Pansin ko lang yung mga ganyang eksena madalas mangyari sa akin tuwing Friday. Weird lang.


alam ko kung bakit =)

hindi ko na sasabihin,. hehe..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close