watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176051 times)

azel

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #20 on: February 01, 2012, 08:15:22 am »
^^sis shatz super nakakalurkey ang experiences mo! binabasa ko pa lang nangingilabot na ko, my prayers for you & your family sis, that God may always protect you from evil... sorry po, OT, pero bigla ko lang naalala yun movie The Rite.

greenwood05

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #21 on: February 01, 2012, 03:13:02 pm »
pasubscribe muna mga sis, next time baka magshare na rin ako :) nakakawindang yung mga experiences ni sis shatz

dialamari

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #22 on: February 01, 2012, 03:49:09 pm »
@sis shatz

sobrang creepy ng mga stories mo.kung gabi ko binabasa yang mga yan baka di na ko makatulog hehe..
about yong guy na nanghahatak ng paa at ng blanket mo, may pagka-incubus ba sya? yon bang tipong rapist na ghost?  :o

shatz

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #23 on: February 01, 2012, 09:10:45 pm »
^haha! kinda,.. oh well gets nyo na din pala,..

sis azel anong movie yung the rite?

azel

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #24 on: February 02, 2012, 05:01:49 am »
^well, wala naman sya masyado similarity sa experiences mo.. ewan ko bigla lang pumasok sa isip ko, siguro dahil kapapanood ko lang this weekend? hehe ewan..

the Rite is about a skeptical seminary student who goes to Rome to attend the exorcism course. While in Rome he meets a priest who is well known in practicing exorcism. even after witnessing supernatural (he was present in a few exorcisms performed by the priest), he still remains skeptic. later on the priest gets possessed by a powerful demon & the seminary student had to perform the exorcism by himself (the priest that's supposed to do it was away). it is revealed that the dark side had been eying for the student since he was a kid. he almost got possessed, but triumphs over the demon when he regains his once lost faith & is able to rebuke the demon & completes the exorcism.

dialamari

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #25 on: February 02, 2012, 02:03:41 pm »
mga sis try to watch Season of the Witch (nicolas cage movie).it's about exorcism also..adik din kasi ako sa horror movies :) .sorry ot wala kasi ako maseshare na experience..

@sis shatz

please share sana yung experience with the incubus...mas gagaan ang loob mo kung mailabas mo yun saloobin mo about it. we're here to listen/read and symphatize with you. at least maging aware din yung ibang women na hindi lang humans ang nang-aassault ng women kundi mga devils din..

keeshta

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #26 on: February 03, 2012, 01:47:02 pm »
let the scary stories begin!

last night, siguro mga past twelve na yun, everyone was asleep na.  Inaantok antok na din ako nun, and I was in that state na you're na yet asleep pero you're not fully awake.  Nagising ako kasi i could distinctly hear na may sumisipol sa may door namin.  Di naman sa loob, sa labas sya. Pero wala naman tao.

Sis ganyan din ang experience namen ni hubby! Asa room na kami nun, watching TV and kami lang tao sa house. Tapos may naririnig akong sipol, na parang pa-kanta, yung parang may tune. Akala ko sa TV lang yun, then napansin din ni hubby. Sinilip niya sa window ang tinignan yung buong house baka dumating na si father dear kaso walang tao and naka-lock mga pinto. Pero meron parin talaga! Nag-iiba iba pa ng pinanggagalingan. Minsan malapit sa window, minsan sa my bedroom CR namen naririnig. wah! then pagdating ni father dear kinuwento namen, baka daw yun yung matandang nakatira dati samen (di pa raw ako nabubuo nun, hehe) kase mahilig daw sumipol sipol yun. First time kong maexperience yun aside from the kaluskos ng mga slippers sa sala kahit ako lang mag-isa sa house kaya medyo sanay na kong marinig. Hehe

ibarra

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #27 on: February 16, 2012, 12:35:52 am »
sa amin araw-araw at gabi-gabi meron.
 kasi yung kapatid ko may third eye. at hindi niya lang nakikita kundi kaya niya ring kausapin. sayang nga kasi dati naisip namin i-encourage siya na sumali sa mga grupo ng paranormal expert or something. kaso pag-sinasabe namin yun tumatawa lang.

before kasi nag-seminary yung brother ko. kaso umalis dahil sa babae.
simula nung dumating siya sa bahay (manila) napansin namin na minsan may kaka-iba sa kanyang kinikilos. kasi magkasama kame sa isang kwarto, magkaiba lang ng kama. minsan nakikita ko siya ng madaling araw na malikot at hindi mapakali na para bang may gumugulo sa kanya at minsan tumatayo pa nga siya at uupo sa kama na naka-pikit.

una, hindi ko lang pinansin kasi siguro hindi lang makatulog or baka may iniisip lang. kaso ang minsan nagiging madalas. shinare ko naman agad yun sa isang kapatid ko at sa mga malapit naming kaibigan. napag-desisyunan namin na hayaan muna at i-observe lang ng mabuti.

isang araw nagulat na lang ako kasi yung pinaka-close na kaibigan ng kapatid ko nag-open sa akin. at sinabe nga na yung kapatid kong may third eye, sabihin na nating si ALLEN (hindi tunay na panagalan) ay hindi daw makatulog minsan sa gabi. dahil daw marami daw siyang nakikita at ginugulo siya. kinakausap siya, at ayaw daw i-entertain ng kuya kong si ALLEN.

(before kasi yung bahay namin is pinuntahan na ng 3 albularyo at sinasabe nila na yung bahay namin is daanan ng mga ligaw na espiritu, kasi nga tabi kame ng creek, at yun daw ang hallway nila, which is yung kwarto namin as in tabi lang ng hallway)

kaya pag-madaling araw nagigising si ALLEN.

(karamihan kasi ng may third eye minsan ay moody. minsan hindi na lang umiimik or nagsasalita. yun ang nakikita ko sa kuya ko.)

habang tinatype ko toh mag-isa lang ako sa sala at iba na nararamdaman ko.

to be continue..

RuChe

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #28 on: February 17, 2012, 05:45:47 pm »
yaiks.. ayaw nyo pang lumipat ng house? 3 albularyo na pala yng nagsabi.  Kawawa naman bro mo kung lagi sha ginugulo . Scaarry..  :-\

annerella

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #29 on: February 17, 2012, 06:23:12 pm »
nakakaloka.

i was backreading this thread then i looked outside (desktop is just beside the window ng harap ng house and naisip kong madilim na and my mom is still outside waiting for my brother, so i thought buksan ko yung light, but my little boy asked for some cookies so tumayo ako and got some cookies for my kiddos, then kinuha ko yung walis and dustpan sa likod sa labas ng backdoor, pagharap ko, hola! nakabukas na yung light sa front ng bahay namin! nakita ko yung mom ko sa may gate, so inisip ko na baka di ko lang naramdaman na pumasok siya, pero kumatok si mom sa sliding door sa side ng bahay, and nakalock yung door, sinabihan pa ko na bakit naka-lock 'to?  mind you square lang ang shape ng house namin, so talikuran lang ang front and back door. so bali tumaikod lang ako for a while.

i have been pondering pa naman if i'll share my stories here. ha! eto tuloy naging first post ko. :)

death anniv today ng sis ng father ko, which according to my relatives, kamukha ko daw.
« Last Edit: February 17, 2012, 06:56:00 pm by annerella »

annerella

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #30 on: February 17, 2012, 06:46:50 pm »
When we got married, we stayed sa house ni hubby for 1 year.  I've been there many times before and may na-feel na ko.

so, anyway, kwentong doppel muna.

my hubby was working in makati then, and nagkaroon ng like sunod sunod na OT si hubby, as in di na siya nakakauwi, the next day na siya nakakauwi after ng regular hours niya kaya lagi siyang pagod, and minsan from friday to saturday asa office siya.

one night, natulog na kami ng then a few months old na daughter ko kahit wala pa siya.  naalimpungatan ako ng i don't know kung anong oras and nakita ko si hubby na natutulog na sa pull-out bed.  (we were staying sa isang room with the baby, si baby sa taas, kami sa pull-out but since wala si hubby, lapit kami ni baby) . i was relieved na nakauwi siya.  come morning, he wasn't there.  eh di nagtaka na ko.  after a few hours, more or less 8am na noon, dumating siya.  sabi ko nalang sa kanya, akala ko umuwi ka kagabi,  i saw you na natutulog sa pull-out bed.

another instance,  saturday, laundry day. yung 2 matandang kasama namin sa house wala kasi nag-el shaddai, so nung hapon, nagligpit na ko ng sinampay, nilagay ko sa sala and dun nagtupi ng damit. si baby naman natutulog sa crib kasama ko. si hubby upstairs nag-ga-games.  nakita ko si hubby na bumaba ng stairs (tapat nung sala yung stairs) tapos dumiretso sa kitchen, umupo sa dining area.  napansin ko nalang nawala siya, so inisip ko umakyat na ulit,  ako naman, nainis, kasi hindi man lang ako tinulungan.  so nung bumaba uli si hubby, sinabi kong nakakainis siya, nakita nang andaming liligpitin na damit iniwan ako at di tinulungan.  sabi niya, bago lang daw siya bumaba. sabi ko eh kitang kita ko siyang bumaba pumunta ng kitchen and umupo sa dining table. tapos sabi niya, napansin mo bang umakyat ako?  sabi ko hindi. so... lol...

meron ding instance sa workplace nila. nakita daw siya ng work mate niya na nakaupo sa harap ng computer niya. nag-ask pa nga daw kung sino may gusto ng banana cue pero di daw siya sumagot pero isinama siya sa bilang ng bumili. pagbalik, hinanap siya. sabi nung isa nilang kasama sa work , absent daw yung hubby ko.

annerella

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #31 on: February 17, 2012, 07:20:47 pm »
story sa house ng in-laws ko.  as mentioned earlier, nakapunta na ako dun many times, kasi magkabarkada kasi kami ni hubby.

so there was atime inabot kami ng gabi sa house nila, nandun kami sa dining area. napatingin ako sa stairs nila and i saw a girl,  8-10 years old, naka-white dress, long hair, maputi yung face, full bangs, mukha siyang japanese doll. sinabi ko kay then friend palang na hubby.  sabi niya, may nakatira nga daw sa house nila na iba.

so nun nga when we got married, dun kami sa house nila nag-stay.. for 8 months, wala nag-ooccupy nung 2nd floor kasi nagmigrate na sila sa canada and kasi yung 2 matanda sa baba lang sila, umaakyat lang to get their clothes or mamamalantsa.

we occupied the smaller room, yung room ni hubby and his brother, right across is the masters bedroom.  creeped out ako sa masters bedroom na yun,  kaya lagi kong sinasara yung door.  pag saturday nga kami lang 3 nina hubby and baby dun sa house, kumakain ng dinner sa room, ayaw ko na kasing bumaba  kasi natatakot nga ako.  so kain kami , eh ako nakaharap dun sa door, so nakikita ko yung masters bedroom, nakikita ko may lumilipad na mga white things sa room na yun.  nyerks talaga.

one morning naman, alam kong bumaba na si hubby to go to work, pagtingin ko sa door, may nakita akong little thin black creature (kasi yung silhouette niya is not human) na nakasilip. tapos, ang bilis niyang nawala. hindi yung tipong biglang poof nawala, yung mabilis na kilos patakbo.

pero the worst thing that happened there to me and my baby was one time, bumaba ako ng stairs carrying my daughter para ibaba yung phone after making call sa tmc to set an appointment for hubby, then 3 steps nalang, nahulog kami sa stairs! buti nalang patalikod yung bagsak so ako yung tumama sa stairs and di ko nahulog si baby.  i was wearing my trusty havs then, yun kasi yung slippers na hindi talaga ako nadudulas.

dun kinuwento ni tita na pati pala si father in law eh nakikita yung girl sa stairs. ayun, pina bless namin yung house and every friday nag-i-insenso nina tita.

that was in 2008-2009. buti nalang when we stayed there for a month last december nung umuwi si hubby, wala na kong na feel na nakakatakot.  we even used the masters bedroom pero wala naman.  buti nalang kasi baka makita sila ng daughter and son ko.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #32 on: February 20, 2012, 01:02:36 am »
pa subscribe ako..  :)

hindi muna ako mag kwento ng experiences ko kasi patulog na rin ako.. baka hindi ako makatulog nito.  ;D

sis annerella: katakot yung mga kwento mo. naku, ako rin naniniwala sa mga paramdam lalo na pag death anniversary.

sis shatz: ay grabe yung story mo sis, hindi ko alam gagawin ko if i were in your situation.

greenwood05

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #33 on: February 20, 2012, 10:22:23 am »
sisses, share na rin ako ng experience ko. may mga nararamdaman din ako sa house namin. especially dun sa room ko (formerly guest room). di naman nakakatakot gaya ng experiences niyo :D

Nung high school kasi ako lagi kami tumatambay ng friends ko sa amin. We were 5 persons nun, 3 girls, 2 guys. We were sitting sa sofa, e pang 4 persons lang yun, so yung isang guy friend namin, nakaupo sa solo chair sa tapat namin. Sa may right side ng sofa is yung tv tapos sa other side naman ng sofa is an end table, tapos dun ako banda nakaupo sa gilid sa tabi ng table. Wala yung parents ko nun kaya todo harutan at tawanan kami hanggang napagod na and natahimik saglit.

All of a sudden, biglang tumakbo si guy friend, sumisiksik sa gitna namin and pinipilit niya akong haltakin. The guy repeatedly shouted na "Amel, may babaeng nakatayo!". Sobrang panic siya tapos yung 3 pa, e napasigaw na rin sa gulat at takot. Natakot din ako pero I still asked kung nasan and i was looking around kasi baka naman nagbbluff lang siya. Then he just grabbed may head and pinapatungo niya kami and said "Andyan sa tabi mo, andyan sa tabi mo. wag kayo tumingin diyan or sa tv! ang sama ng tingin niya sa atin!"

And sobrang natakot na ako. And for like 2 more minutes super panic na kami pero walang makaalis sa pwesto. Iba na yung feeling ng room.

Until dumating na parents ko. The doors where closed kaya akala nila naghaharutan lang kami kaya nagsisigawan kami. We tried to act normal. Pero pagtingin namin kay guy friend namumula yung eyes niya, ang putla niya and nanginginig siya.
« Last Edit: February 20, 2012, 10:26:43 am by greenwood05 »

rianne_mallows

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #34 on: February 22, 2012, 09:31:52 am »
hindi ko alam kung saan ko ipopost pero since sa house naman nangyari, dito nalang

sunday, nagpunta kami sa office ng may-ari ng commercial space na dapat uupahan namin for a salon/spa..  masukal yung place..
sunday night night.. iyak ng iyak yung anak ko.. mga 12 mid na nakatulog kakaiyak..

monday night, around 6pm, nagstart na nman mag-iiyak si baby, so pinatawag namin yung magtatawas na lagi naman namin tinatatawag... sabi dwende daw pero hindi taga sa amin (meron kasi talaga sa house) after the tawas, nakatulog na si baby.. so akala namin ok na

tuesday night.. umiyak saglit ng 6pm ulit... mga 6pm to 6:30... then natulog... 10:30 pmiyak na naman pero iba yung iyak niya... may tinitignan tapos takot na takot... napasugod talaga gabi disoras ng gabi sa isa pang manggagamot... ang nakita sa tawas.. ibon malaki... sabi, baka daw may napanood sa tv tapos napapanaginipan...  edi ok na na naman...

wednesday ayan na naman... 6 pm nagstart na naman... nagpasama na sa ninang ko na may kilalang magaling na manggagamot sa malabon... on the way there, nung nagtanong kami sa mga tanod, patay na pala yung manggagamot... buti na lang may isa pa na malapit lang dun at magaling din

edi tinawas na si baby.. ang dami nakita... may mga lamlupa, pugot na ulo saka aswang... nilagyan ng pangontra si baby then pinabalik kami nung morning... sabi din wag na daw mag-alala kasi nahuli na yung aswang..

binigyan niya din kami ng flowers na tuyo na, yung alay sa poon,yun daw ipausok  namin... tapos yung asin daw dasalan namin kung anong dasal kami may pananampalataya tapos hipan namin sa santo nino tapos ibudbod sa lahat ng sulok at gild ng house..

basta madami pa pinagawa... i believe may gift siya from Santo Nino kasi kinakausap niya kung ano gagawin... parang interpreterlang siya ganun... and very open siya that wala sa kanya yung power but kay Santo Nino...

after that nung umuwi kami sa house... the strangest thing happened.. 
si baby, kinausap yung Santo Nino namin sa room, at kiniss niya na never niya ginawa.. tao lang kinikiss ni baby... kapag nakakita siya ng toy or barbie etc, kinukuha niya saka niyayakap.. but at that time, nagpabuhat siya sakin at nung level na sila nung Santo Nino kinausap niya.. ang tagalasis saka kiss siya ng kiss..

tapos parang may kalaro si baby kasi hagikgik ng hagikgik kahit kami lang dalawa sa kwarto..  naiyak talaga ako at that point kasi alam ko binabantayan kami..


ayun lang.. nashare ko lang.. ok na si baby ngayon

superbubly

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #35 on: March 16, 2012, 11:39:55 am »
hindi ko alam kung nakakatakot ba itong experience ko pero parang hindi naman hehe nagulat na nakakakilabot lang ng konti...


one night nasa sta.mesa ako yung malapit sa school ng p.u.p, nakitulog ako sa bahay ng bf ng pinsan ko syempre andun yung pinsan ko, tapos siguro mga 11-12 midnight na ata nun, then nanonood pa kami ng soco nun, then maya maya kwentuhan kami ng cousin ko ako super daldal hanggang maya maya may nalaglag na empty box ng Likas Papaya sa ulo ko mismo, hindi ko pinansin pero nagduda ako saan nanggaling yung box na yun, so dedma lang. maya maya daldal na naman ako tapos naramdaman ko naman next yung inuupuan ko umuuga uga, eh ala namang ibang nandun sa double deck na inuupuan ko kundi ako lang, ayan medyo kinakabahan na ako kasi there is something na eh syempre medyo laking manila din ako so di pa din masyado ganun ka convince pero may kaba na din, so tsinek ko kung may tao sa inuupuan ko, so confirmed wala!! then dedma ulit, maya maya we finally decided ng matulog, so ako hindi pa rin makatulog, maya maya na naman may something na malamig at may something akong nakita sa painting, sabi ng cousin ko na may 3rd eye, meron daw talagang something sa painting na yun so, hindi ko tinignan pa at baka lalo ako mabaliw sa takot, then I checked what time na, so mga 3 am na yun pero di pa rin ako makatulog dahil may something na naman na nanonood sa amin lalo na sa akin, so ginising ko yung cousin ko, kinwentuhan ko na naman aba maya't maya lang biglang nag on yung radio, sa gulat at takot ko napatili ako, kumatok tuloy yung kabilang kwarto kasi nga hating gabi na nagtitili tili pa ako, so napaisip ako baka naiingayan na yung multo sa akin kaya I decided na to quiet ayun, I feel konti na di na niya ako tatakutin, hindi na nga niya ako tinakot pero nakatayo naman sa gilid namin.... ayun lang, experience ko, ayoko ng bumalik sa sta.mesa madami pala mga multo sa sta.mesa.
« Last Edit: March 16, 2012, 11:48:49 am by superbubly »

SakuraBride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #36 on: April 24, 2012, 02:32:46 pm »
Katakot naman pala ang mga nasa thread na to.

Ako madami din experiences nung dalagita pa ko pero eto muna share ko.

Sa pic namen sa pasko may nakita kame orb. ewan ko.. pero di ako naniniwala don eh. hehe
Tapos si Sis-in-law may third eye daw.. tinawas nya anak ko tapos nakita nya may kalaro anak ko entity.. hinde naman daw multo pero cute na cute daw na entity na bata. Mukhang eskimo daw. hehe Yan lang muna kase di naman ako naniniwala sa ganon pero yung experience ko talaga dati bongga yun. next time ko na share nasa office ako eh. hehe

Serena.

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #37 on: April 24, 2012, 07:44:56 pm »
Share ko na nga din tong story ko.  :P Maikli lang pero nakakatakot kasi magisa ako. at madaling araw pa.



I experienced it in my dorm sa Dapitan (likod ng UST), kasama ko sa dorm kapatid kong girl, 1 year younger sakin, parehas kami nagaaral sa UST, wala sya nung time na yun, magisa lang ako sa dorm, usually para hndi malungkot sa pakiramdam kapag wala akong kasama sa dorm, iniiwan kong bukas yung TV sa gabi. 3AM na non, papikit pikit na ko, tapos bigla bigla ba naman namatay yung TV, e wala naman akong kasama, yung remote nasa side table at hndi naman brownout. E matapang ako pag ganyan, bnubuksan ko talaga ulit yung TV, haha, naisip ko baka nasasayangan sa kuryente yung mumu e.


Sa bahay naman namin sa BULACAN, tuwing 3AM, HANGGANG NGAYON, sa kwarto naming magkakapatid. Sakto yan, inoorasan pa nga namin, may maglalakad sa kisame namin, imposibleng pusa o daga, napakalakas ng tunog para maging paa ng pusa o daga. Kahit sino masasabi na footsteps. Nakakatakot lang isipin kapag magisa ka, pero dahil sanay na ko, kinakausap ko, sabihin ko, " wag kang maingay, natatakot mga kapatid ko", ayun, tatahimik na sila. :) Harmless naman sila, ang hindi ko lang kaya e yung mga nagpapakita, di ko alam kng ano gagawin ko pag ganun, lucky me kasi 21 na ko wala pa naman ganung ngyayari sakin, i think lagi kasi ako binabantayan ng lolo ko. :) every NOV.1 lagi ko kasi sya visit at nagdadasal na lagi kami babantayan at wag sya mgpaparamdam kasi scared ako! HAHA!



xo

orange069

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #38 on: April 28, 2012, 08:02:33 am »
@sis shatz
ang number 4 sa mga chinese means death. Kaya madalas daw sa mga chinese na merong bldg ginagawa nilang 5th ang 4th floor kasi nga di maganda. Although marami namang di nag aapply ng ganun. Nalaman ko itey kasi chinese si hubby :)

superbubly

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #39 on: April 29, 2012, 09:36:28 pm »
^wow ngayon ko lang nalaman yan sis ah, thanks ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close