When we got married, we stayed sa house ni hubby for 1 year. I've been there many times before and may na-feel na ko.
so, anyway, kwentong doppel muna.
my hubby was working in makati then, and nagkaroon ng like sunod sunod na OT si hubby, as in di na siya nakakauwi, the next day na siya nakakauwi after ng regular hours niya kaya lagi siyang pagod, and minsan from friday to saturday asa office siya.
one night, natulog na kami ng then a few months old na daughter ko kahit wala pa siya. naalimpungatan ako ng i don't know kung anong oras and nakita ko si hubby na natutulog na sa pull-out bed. (we were staying sa isang room with the baby, si baby sa taas, kami sa pull-out but since wala si hubby, lapit kami ni baby) . i was relieved na nakauwi siya. come morning, he wasn't there. eh di nagtaka na ko. after a few hours, more or less 8am na noon, dumating siya. sabi ko nalang sa kanya, akala ko umuwi ka kagabi, i saw you na natutulog sa pull-out bed.
another instance, saturday, laundry day. yung 2 matandang kasama namin sa house wala kasi nag-el shaddai, so nung hapon, nagligpit na ko ng sinampay, nilagay ko sa sala and dun nagtupi ng damit. si baby naman natutulog sa crib kasama ko. si hubby upstairs nag-ga-games. nakita ko si hubby na bumaba ng stairs (tapat nung sala yung stairs) tapos dumiretso sa kitchen, umupo sa dining area. napansin ko nalang nawala siya, so inisip ko umakyat na ulit, ako naman, nainis, kasi hindi man lang ako tinulungan. so nung bumaba uli si hubby, sinabi kong nakakainis siya, nakita nang andaming liligpitin na damit iniwan ako at di tinulungan. sabi niya, bago lang daw siya bumaba. sabi ko eh kitang kita ko siyang bumaba pumunta ng kitchen and umupo sa dining table. tapos sabi niya, napansin mo bang umakyat ako? sabi ko hindi. so... lol...
meron ding instance sa workplace nila. nakita daw siya ng work mate niya na nakaupo sa harap ng computer niya. nag-ask pa nga daw kung sino may gusto ng banana cue pero di daw siya sumagot pero isinama siya sa bilang ng bumili. pagbalik, hinanap siya. sabi nung isa nilang kasama sa work , absent daw yung hubby ko.