@sis mae, condolence sis, alam ko kung gano kasakit mawalan hindi lang isang beses kundi twice din, kahit na walang baby yung first pregnancy ko (blighted ovum) masakit pa rin para sa isang umaasang magiging nanay na, lalo na nung ito nga IUFD yung pangalawa parang pwede bang mamatay na lang din? sabi ko nga sana ako na lang nawala kesa yung si baby yung nawala.. pero sis kaylangan mo din maging strong kasi andyan pa yung isa mong anak para sayo! you're still lucky..
kamusta ka na nga pala sis? nailabas mo na ba sya?
sana lang next time wag naman gawing angel ni God yung babies natin para naman makasama natin sila..
thanks, oo, i had my d/c last Aug 11, induced labor ako since im only 23 weeks pregnant then, August 11 nun naabutan ako dito sa bahay namin manganak, hubby ko kasama ko that time, tuliro din sya kasi as in sumigaw talaga ako sa sakit hanggang sa ayun, naire ko na at nailabas, sobrang lungkot ako dahil wala na nga siya buhay, afte rko nun manganak, tinabi pa sa akin ni hubby baby namin, sobrang na depressed ako nun, kasi ewan... di ko maipaliwanag yun feeling na wala buhay baby ko.... inilabas ko din un inunan ko nun dito sa bahay, all the while akala ko di na ko dadalhin sa ospital dahil buong buo ko nailabas yun inunan ko, kaso my bleeding didnt stop, so hubby called my OB and yun sinugod na ako sa ospital para i-d/c.. i got out of the hospital the following day, since ayoko na tumagal dun dahil nga sa ayaw ko na din madagdagan yun gastos namin....
nakakulong lang ako dito sa bahay, takot ako lumabas at questionin ng mga tao kun bakit parang di na malaki tyan ko, kun kelan ako manganganak, di ko lam, ayoko matanung nila ako, kasi dati nun nangyari sa akin nun una, di ko nagustuhan yun mga nasabi nila, kahit sa alam ko na di yun ang iniibig sabihin nila.... alam ko ding wala ako dapat ipaliwanag sa knila dahil di ko yun obligasyon, kaso ayoko talaga ng pakiramdam na kakaawaan nila ako, dahil awang awa na nga ako sa sarili ko, kung pwede nga lang din oo, kasama na sana ako namatay, kaso andito yun isang anak ko, dapat ako mabuhay, at dapat ako magpatuloy....
sa ngayon, oo, umiiyak pa din ako gabi gabi, at minsan di pa nakakatulog o di kaya magigising na lang dahil umiiyak na pala ako sa pagtulog.... sana nga makabangon na ako, kasi kahit ngayon ang hirap isipin bakit sa dinami dami sa akin pa nangyari.... samantalang andami sa balita na napapanuod ko na buhay pa yun sanggol tinatapon sa basurahan... tapos kaming mga may gusto magkaanak, nagdadanas ng ganito....
im always praying na sana nga maging okay ang lahat, gusto ko na sana patali kasi yoko na talga sumubok pa na magbuntis at maging paranoid kung magiging okay ba o hindi yun pagbubuntis ko... pero si hubby, ayaw sumuko, magpapatingin daw kami, ewan, feeling ko parang di niya alam kun anong klaseng emotional pain un nararamdaman ko kaya parang ganun ganun na lang....