sis mamapeew tama si sis englemamma kahit gano pa kaliit yang baby mo, buhay pa rin yung nawala. sa totoo lang naiinis ako kapag may nagsasabi ng ganyan, na ok lang kasi hindi mo sya nakasama, ganun ganun at ok lang yan bata ka pa naman. hindi naman nun mababalik yung baby ko eh, nangyari na din sa akin yan, blighted ovum naman yung akin, gestational sac lang ang meron pero walang baby.

na d&c din ako. ilang bwan akong umiiyak nung nangyari yun, nabawasan lang nung nabuntis ulit ako, pero yun nga, kinuha naman sya ni Lord.

kaya ngayon sobrang sakit talaga, kasi i'm expecting na magiging family na kami. and may subchirionic hemorage din ako nung 1st tri ko, nawala din naman siguro effective yung bed rest, puro na nga ako bed rest eh, pero ganun pa din nangyari.
sis redgirln, super tama ka, ang sarap ng feeling ng buntis kahit na ang hirap hirap. ang sarap nung may baby sa loob mo,

parang ikaw na yung pinakamasaya sa buong mundo.

yup sis englemamma, sana nga magkaron naman ng something para sa mga bereaved parents, ni hindi ko nga nadamitan yung anak ko, sobrang sakit. sana naayusan ko man lang sya. buti pa sa ibang bansa meron nung I lay me down to sleep, na kumukuha ng mga pictures ng stillborn baby kasama yung family.

oxytocin lang ang binigay sakin, sa dextrose ko, 12 hrs yun nakasaksak sakin, hindi raw pwedeng tuloy tuloy kasi makakasama kaya ayun, 4 days bago lumabas si baby. sa 12 hrs sa araw araw na nasa labor room ako, para akong baliw. wala akong kasama kundi yung intern lang na nagmomonitor sa contractions, bigla na lang akong umiiyak tapos kakausapin si baby. meron akong sinalihang group sa fb. Stillborn And Sleeping Babies Support Group. nakakagaan ng loob na meron nito, kasi ayoko naman ng paulit ulit ako sa frend ko ng pagkwento ng paulit ulit. sasama lang loob ko kasi parang they dont want to listen, ayoko naman sa family ko kasi ayokong mag alala sila sakin.
sobrang thank you sa inyong lahat.
hindi ko pa alam kung pano sa undas.. ang daming tao, tapos lahat dun ng makakasabay ko namatayan ng baby.

tapos kelan lang. ang hirap hirap.

oo nga pala dinalaw namin sya nung isang araw. at naligaw kami, nakikipaglaro ata si baby ng taguan eh,

ang dami na nila dun. sobrang nakakalungkot.

nagpromise kami ni bf na dadalawin namin sya every month
