sisses... i'm a mom of an angel now...

sobrang sakit, sobrang hirap tanggapin..
1st trimester ko.. my spotting ako, request ng ob n mag duphaston at bedrest.. lahat sinusunod ko xempre, lahat ng bawal hindi ko ginagawa..
2nd trimester, bed rest ulit dahil nakita sa ultrasound na placenta previa totalis ako..
sinunod ko dahil takot akong mawala ang baby ko at baka mag labor ako nga maaga or baka duguin ako.. dhl nkita ko s net na gun daw un..
lahat ng mga check up namin ni baby ok.. kaya sobrang hindi ko inaasahan tong mga nangyri..
3rd trimester.. ito na yung pnakamasakit..
last check up ko is july 2, july 10 (29weeks) ako.. tapos huli kong nramdaman gumalaw si baby ng july 11 ng 2am bago ako matulog.. nagising ako ng around 11 am tapos buong araw ko na syang hindi naramdaman.. kaya at around 11pm pmunta n kmi ng hospital.. nag nst at ultrasound pero wala talaga mahanap na heartbeat.. umaasa pa din ako nun at kinakausap ko pa si baby na gumalaw naman sya at makisama.. hindi na ako pinagbayad sa nst at ultrasound.. bingyan lang ako ng request na magpa ultrasound kinaumagahan, magdamag na akong hindi natulog nun.. nag search na din ako sa internet.. hanggang sa ayun ng ultrasound na kinaumagahan at confirmed na nga na wala na si baby.. hindi ko alam kung pano ako magrereact, hindi ko matanggap.. 2nd pregnancy ko to at yung una is blighted ovum... sobrang sakit... hindi na ako placenta previa totalis sabi no sono.. low lying na lang.. pero aanhin ko naman un diba? tapos iyak na lang ako ng iyak.. pina admit nila ako agad at ang daming lab test.. my request ng torch at tsh, ft3, ft4.. yung tsh, ft3, ft4 lang muna pinagawa namin dahil sobrang mahal ng torch nsa 23k.. lumabas result na my subclinical hypothyroidism ako.. na hindi ko alam kung posibleng dahilan kung bakit nawala si baby.. kasi ang sabi ni dra. nung lumabas c baby ay cord coil.. hindi pa ako nkpag post natal check up dahil hinhntay ko pa yung result ng torch na s iba ko nalng pinagawa.. importante dn kasi yun pra malamn kung may iba pang dahilan.. my repeat tsh,ft4 dn ako...
4 days ako sa labor room.. (12hrs everyday hanggang s 4th day nga lumabas n sya)
masaya ako nung nkita ko syaa pero mas mgging msaya sana ako kung buhay syaa..
sobrang hindi ako makapniwala n wala n syang buhay..
ang taba nya, ang tangkad nya, may buhok n nga sya eh..bwal n xang hwakan, pliguan at bhisan..
prang kaya nya namn kung nilabas ko lang sya ng maaga...
kung alam ko lang na mangyyri yun sana ngpa CS na ako kaht ang layo pa ng due date ko.. sobrang nag eexpect ako na ok kami kasi wala naman akong bleeding..
sobrang nkaka disappoint na ganun yung nangyri. sobrang mahal na mahal namin si baby..
sorry sa sobrang haba kong post...