watch now

Author Topic: Budget when you go back to the Phils for vacation  (Read 40365 times)

lonely_dad

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #60 on: March 17, 2017, 07:57:54 am »
Good thing there is a thread like this. Thanks for the ideas. We are planning to go next year 2018 around November. we are family of 4 and thinking 3 weeks should be enough time. My sister will have her wedding thats why we're going. We are also planning a Palawan trip. since magkaiba kami ng town ng mister ko, i am thinking, 1week to spend on my town --meeting friends,classmates, one week on his, and 1 week just for us 4--thats the Palawan trip plus some shopping, buffets, pasyal. is $10K enough? i have 2kids.

IMHO sobra na yung $10k for a family of four (3 weeks)

cha-cha

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #61 on: July 21, 2017, 05:43:42 am »
San hotel/condotel kayo nagstay?

My sister recommends Prince Plaza II or BSA since walking distance lang sa Greenbelt and mga pasyalan.
We were gonna stay sana sa Astoria Plaza pero sobra traffic daw dun.

TIA!

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #62 on: July 23, 2017, 08:26:36 pm »
Budget for vacations will depend on the type of activities na naka-plan for you, if it's during the holidays, well mas magastos for some because of the gifts and parties, pero for me, it's almost the same ke Pasko or not, may mga tao kailangan pasalubungan, abutan ng cash, i-treat, ipasyal like my parents etc. I usually spend 150k a month, kasama na travel ko (local destination) pwera lang last vacation since we got married so nakahiwalay honeymoon budget or last last year when we went to Vietnam and Cambodia, mas magastos syempre pag may trip abroad. Halos yearly din kami nag-rent ng condo for a whole month ng ex bf ko - husband ko na ngayon (so we can rest properly lalo na after night outs) , hati kami sa expenses non (condo rental and bills). Magastos sa food, kasi tendency either may na miss kang food or restaurant so you'll dine out often, or you'll meet some friends over lunch, dinner, coffee or in clubs to catch up. Sa houses naman namin, maski pa our parents prepare home cooked meals, magaabot ka pa din syempre, since special mga viands, lambing na din sa parents. Tapos may budget din for salon, dentist, spa,facials etc. a little shopping for the beach trips, and so on and don't forget yung budget sa gas.

Excluding my airfare, sagot ng company ko rt tickets yearly.
« Last Edit: July 23, 2017, 08:58:10 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

xiannasofia

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #63 on: July 23, 2017, 08:33:28 pm »
wow grabe mga budget nyo mga sis. i go home every year and my ideal budget is 100k lang talaga. pag sumobra na don, naghihigpit na ako haha pero usually abutin talaga ng 150k php eh. sobrang mamahal na ng mga bilihin sa pinas. madalas napapagastos ako sa mga damit at kain2 namin naming immediate family lang. once ko lang ilibre friends ko at konti lang naman sila at in group talaga para isang libre lang. mas magastos kung by pair or paisa-isa sila i-meet. ang hindi maka-attend, sorry haha

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #64 on: July 23, 2017, 08:45:32 pm »
xiannasofia true Sis, saang bansa ka ba? Qatar ako, yearly, nagbabawas ako pasalubong and set of people na tini-treat haha, mas focused nako sa'min family and samin ng Asawa ko na ngayon. Usually naman kasi pag may mineet tayo, libre na natin, lalo na if mga super close naman sa'tin.  ;D Now I know bakit madaming OFW ang nagtatago na after 5 years or 10 years ng pagbabalik bayan! Haha! Ginagawa ko sa closest friends ko I try to visit them nalang sa mga houses nila, magdala ng food and drinks much cheaper, mas relaxed pa.  ;D

Ayoko na i-mention sana pero iba pa credit cards pag may personal things na gusto bilhin, I agree sa ibang posts above, hirap magbudget maski anong pigil lagi nag over spend. There's this one time na umuwe ako kasi my Dad was hospitalized, so sagot ko tickets ko, hospitalization and all of the expenses sa 10 days na yun. I've spent 250k for 10 days.   ::)
« Last Edit: July 23, 2017, 09:03:27 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

mimiku

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #65 on: July 23, 2017, 09:43:07 pm »
250-280 k usually when my hubby goes home. Pero this coming vacation, paguwi namin siguro minimized to 100k kung kaya.

mommyx3_

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #66 on: July 23, 2017, 11:56:13 pm »
I had a 2-month vacation in the Philippines with my two daughters last November-December 2016 after 10+ years and roughly spent around 20,000 CAD excluding airfare for the three of us, first time ng second daughter ko makauwi sa Pinas. It was endless gala, family gatherings, bayad sa bills (electricy pa lang namin for 2 months 40K+ PHP na 😳), high school and college friends reunion, and random trips to the mall (shopping + eat out). We went to Boracay, Cebu, Palawan, and Ilocos plus we had many side trips. May mga time pa nga na kapag may binibili ako akala ko nakamura ako but di pala hehe excited lang!

All I can say is, masakit talaga sa bulsa but sulit naman because tagal kong hindi nakauwi and my daughters were very happy and they loved PH! Yun nga lang, sobrang init daw. 😄 Next time we'll have a shorter vacation nalang.

xiannasofia

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #67 on: July 24, 2017, 02:05:01 pm »
sis Rory_Lorelie_Gilmore, dito kami ng husband ko sa Dubai. bukod sa budget ko for my family, may budget din sya for his family and sa amin mismo. naku ako rin, nung umuwi kami last march, nag overspend kami unexpectedly kasi na-ospital ang papa ko. hindi naman good thing but okay na rin na it happened while andun na kami so hindi ganun kamahal nagastos sa tickets pero meron pa rin kasi bumili kami new tickets pabalik ng dubai kasi mas mahal pa magrebook. at least one way na lang nadagdag.







Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #68 on: July 24, 2017, 02:10:00 pm »
xiannasofia kapitbahay lang pala tayo, hehe nagpapasalubong pa din ba kayo? Nung mga first 3 years masipag pa ako, pero netong mga last halos chocolates nalang.

Ako din sumasagot ng groceries namin madalas sa bahay, aside sa allowance nila monthly na galing din sakin. Sole breadwinner kasi ako hehe.

xiannasofia

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #69 on: July 24, 2017, 03:07:39 pm »
^ chocolates lang din sis. oo nga, yung first years medjo generous pa haha. eh naisip namin, bibili rin naman for them pag andon tayo, pasalubong pa ba? doble doble na gastos pag ganun.

sa amin naman hindi ko solo ang expenses sa bahay kasi earning okay din naman parents ko pero sa bahay nina hubby, siya talaga lahat eh pag andun sya though nagpapadala rin mga kapatid niyang nasa ibang country din every month pero pag andun talaga siya, parang understoond na siya gagastos kaya mas gusto niyang umuwi pag scheduled din umuwi mga kapatid niya.




Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #70 on: July 24, 2017, 03:25:06 pm »
xiannasofia oo kasi ibang level din ng gastos ang groceries and market, everyday we feel the need to prepare special foods, at madami dapat hehe. Ako naman baligtad, kela Husband naman ang wala kami halos shinashare, saamin ang lahat ako.

lays04

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #71 on: August 21, 2017, 09:18:53 pm »
masaya na magastos magbakasyon sa pinas. yearly kami umuuwi, last time parang naka 300k kami.  ::)

unicorn_ChicMD

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #72 on: August 23, 2017, 05:22:27 am »
i think around 200k is safe na. mostly ang gastos namin is pasalubong and mga lunch outs with friends and family. and siyempre kapag nasa pinas, di maiwasan pumuntang beach. hotel, food and airfare din iyon. may isa akong tita na ang strategy niya is hindi siya nagpapasalubong. nag seset siya ng party and iyon na bale ang treat niya. pero minsan di pa din maiwasan na may hihingi ng pasalubong di ba? so lalabas pa din siya ng dollar. hehe.

masaya naman and i believe sulit ang gastos lalo na kapag nakita mong masaya ang parents mo kasama kayo.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #73 on: August 23, 2017, 03:25:51 pm »
Totoo, lalo na halos 1 year or more namin/natin hinde nakakasama family and friends.  :D

lovemeagain30

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #74 on: August 23, 2017, 07:20:07 pm »
Ganyan ba talaga kamahal ang dapat gastusin pag nasa pinas? Katakot! haha  ;D

Balak din namin umuwi (family of 4) next year pero sinabihan ko na yung husband ko na sakto at normal gastos lang gawin namin pag umuwi kami. Wag kami magpretend na madali lang kumita dito sa overseas!  sa ganun walang expectation on both sides namin.  Kung on budget kami dito sa overseas regarding sa amin food at minsanan gala, ganun din dapat kami sa Pinas. Tamang budget lang din dapat.

Andami namin kakilala dito kapag umuuwi sa pinas baon sa loan at credit card kaya pagbabalik nila halos 1 taon yata silang diet! :) maawa ka din kasi hindi pinapaalam sa kamag anak ang tunay na kalagayan. Sarap kayang bumalik overseas na walang inaalalang utang.

three8one

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #75 on: August 23, 2017, 08:29:34 pm »
nakakalula basahin yung mga expenses nyo pag nagbabakasyon. hehe! samantalang sakin malaki na ang 60 to 70k, dalawang beses pa umuwi yun kada taon ah. hehe!  ;D

ako mula nun mag sink in sa utak ko na may pamilya na pala talaga ko hindi na ko madalas umalis sa bahay ng hindi sila kasama. at naging wakeup call na din sakin yun sinabi ng wife ko minsan na pasensya na sa mga kamaganak at kaibigan na hindi nabibigyan ng time kasi nga naman limited lang talaga ang oras ng mga ofw pag nagbabakasyon so parang ang naging mantra ko kada uuwi eh spend time sa asawa at anak. ngayon para mapagbigyan yun mga kaibigan na gusto talaga makipag kita, ang ginagawa ko pinapapunta ko na lang sa bahay naming. parang lumalabas napagbigyan mo na invitation nila ngayon nasa sa kanila na  yun kung makakapunta sila o hindi.

lays04

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #76 on: August 23, 2017, 08:34:20 pm »
tapos ang nakalagay pa sa luggage bags naming puro chocolate at ibang pasalubong  ;D meron pa balikbayan box (2) na pinapadala bago ang bakasyon namin. para pagdating pinas halos kasabay lang namin dadating ang box na halos one year ko inipon #buhayOFW

pero a big NO NO sakin yung magpapasalubong or gagastos kami using credit card tapos tagal namin babayaran. yan ang hindi pwede for me, mag aaway kami ni hubby kapag ginamit nya ang CC para lang mapagbigyan ang kamag anak or friends sa mga request nila.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #77 on: August 24, 2017, 02:20:29 pm »
nakakalula basahin yung mga expenses nyo pag nagbabakasyon. hehe! samantalang sakin malaki na ang 60 to 70k, dalawang beses pa umuwi yun kada taon ah. hehe!  ;D

ngayon para mapagbigyan yun mga kaibigan na gusto talaga makipag kita, ang ginagawa ko pinapapunta ko na lang sa bahay naming. parang lumalabas napagbigyan mo na invitation nila ngayon nasa sa kanila na  yun kung makakapunta sila o hindi.

Parehas tayo. nalula din ako sa mga naunang nabasa ko! ahaha. sabi ko nga sa mister ko , tayo ba sa Pinas nuon namamalengke ng 20K kada linggo? Araw araw din ba natin kailangan kumain sa restaurant nuon? Kung hindi naman, magpaka totoo tayo!  ;D Kung dito nga sa overseas nagagawa natin mag delata at magluto sa bahay para makatipid, nagbabaon pa nga sa work makaipon lang. ganun din dapat lifestyle pag umuuwi. sakit sa dibdib magburn ng 100K in one month.  ::)  samantalang alam mo sa sarili mo gano kahirap yan kitain sa overseas. halos ilang buwan pagtitiis yun.  kaya karamihan ng pinoy baon sa utang sa loan at credit. di ko magets bat kailangan mag please ng ibang tao. eh samantalang nandiyan kami sa pinas, hindi ko rin sila nililibre anoh.  :)

three8one

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #78 on: August 24, 2017, 02:48:51 pm »
^ haha! naalala ko tuloy yung sabi sa akin nun nakasabay ko sa eroplano na beterano na sa pag aabroad. wag daw masyado magpasalubong dahil noong umalis ka naman wala naman daw sila binigay na pabaon sayo para suklian mo ng pasalubong pagbalik mo.  ;D

naiintindihan ko yung mga gumagastos ng more than 100k kung siguro mahigit 5 years silang hindi nakapagbakasyon sa pinas. normal lang siguro na mag enjoy talaga sila. and wala din naman ako against sa mga gustong gumastos ng malalaki pag nagbabakasyon. pera at pinag hirapan naman nila yun. nalula lang talaga ako at nagulat.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #79 on: August 24, 2017, 03:25:08 pm »
Sorry mga sis pero maikwento ko lang (OT story) naalala ko yung bro in law ko kada baba ng barko (mataas ang posisyon niya) from airport palang direcho sa duty free at restaurant agad kasama lahat ng kamag anak. Nakapost sa FB yun agad.  Out of town kinabukasan tapos palagi  nasa galaan kasama ng mga pinsan at mga pamangkin. Kasama na barkada. Panay thank you makikita mo sa fb niya. Lakas din magpa salubong.

One time nagkaron ng  problema , yung last na baba hindi na nakasakay ulit agad. yung one month na bakasyon umabot ng almost 1 year. Sa panahon na yun na wala siya work, halos walang dumadalaw na kamag anak sa bahay nila. Ni hindi na bumibisita yung mga pinsan at pamangkin (gaya nuon) para kumustahin manlang at ipasyal kahit  yung anak nalang niya. Naging Eye opener eto sa mister ko. totoo pala yan ganyan kwento. Wag maging people pleaser kapag uuwi. haha!
« Last Edit: August 24, 2017, 03:27:27 pm by lovemeagain30 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close