i have been a victim once in college. naslash yung bag ko. sumakay ako ng jeep from masinag to LRT santolan. nilagya ko yung bag sa lap ko. i noticed yung katabi kong manong, malaking lalake talaga at naka jersey bag na ewan, basta malaki, tapos yung bag nya nakapatong na sa bag ko. since hindi ko sya matulak dahil masikip sa jeep at sinisiksik nya talaga ako, i just decided to move all my things on the other side of the bag away from him, putting my forearm on top of my legs, para may hati sa gitna between where his bag is and my things.
so nung pagbaba ko sa LRT, naglalakad nako sa train, i noticed may slash na bag ko, weaved pa naman yon so sayang.. anyway, wala naman sya nakuha sakin.
meron pala ulit, college din, sumakay ako ng jeep from SM fairview to Lagro loob. nakasuot ako ng headset and nakikinig ako sa phone ko ng music, then i noticed parang gumagalaw yung tali ng headphones ko, then yun na hinawakan ko maigi yung phone. right then and there i know mandurukot katabi ko. so nung pumalpak sya na dukutan ako, yung katabi naman nya yung tinry nyang dukutan, i noticed bigla yung kamay nya na andun na sa kabilang side, so ginawa ko, kinalabit ko yung babae "miss yung bag mo..." then biglang bumaba yung lalake, wala naman nadukot sa kanya. at buti di ako sinaksak nung mandurukot. tee hee!

lately, tuwing maglalakad ako outside the mall, i.e megamall sa likod going to shangrila, or sa may robinsons galleria bandang mercury, merong babae, usually matanda, na nakatayo sa kanto, and habang papalapit ka sa harap nya, bigla syang magsasabi ng "kelangan ko lang po ng pamasahe..", "nawalan po ako ng pera..", "nadukutan po ako..", meron pa ngang nagsabi talaga ng "nadukut po kasi yung 200 ko kelangan ko lang ng pamasahe pauwi",
naloka lang ako kasi kung manloloko sila e aba may exact amount pa talaga..

so yung mga ganito, we all know na nakakaawa, but then i still ignore them kasi i wanna protect myself, malay ko ba kung nagsisinungaling sya, or maybe if i try to talk to her e bigla nya ako hypnotize or tutukan ng patalim, or whatever diba,,, so safety first pa rin ako..
and i remember meron pala sa mall din nag approach sakin na makikitext lang daw or hihiramin cellphone ko, e hindi naman mamahalin cellphone ko, it's just nokia c3 na old na noh. so kahit sometimes may konting guilt akong nafifeel e iniisip ko na lang na i am just protecting myself..
tips lang i can give is:
*do not talk to strangers
*be alert all the time
*wag hayaan na may sumiksik sa inyo sa jeep or sa bus, if hindi maiiwasan e siguraduhin na nakadikit sa mismong katawan nyo sa harap yung gamit nyo, at siguraduhin na within your eyesight yung gamit at hindi nahaharangan ng bag ng katabi or anything na pwedeng iharang to block your view against your belongings.
*isa pang lagi kong ginagawa pag nasa jeep ako e hinahanap ko kung nasaan yung dalawang kamay ng katabi ko, baka mamaya nasa loob na pala ng bag ko.

*if u feel that there is something wrong, then immediately alight from the vehicle (jeep/bus) and transfer na lang. better safe than sorry..
