Author Topic: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery  (Read 45625 times)

soLaris

  • neophyte photo geek and a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 496
Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« on: November 16, 2011, 11:06:29 am »
Hi fellow GTalkers,

Christmas season is already here. Rampant na naman ang mga budol-budol, salisi gang ngayon.
Share ko lang, just this morning. I learned that my officemate was a victim of budol-budol gang. They approach people who are alone, let's say kumakain sa mall tapos makikipag-usap sa iyo out of nowhere. Nakapagwithdraw daw siya ng thousands of pesos from her atm kinuha din cellphone niya at binigay doon sa mga perpetrators.
Grabe na ngayon talaga. Nagkalat na naman sila.
Be safe everyone.
« Last Edit: November 16, 2011, 11:08:29 am by soLaris »
Happy girls are the prettiest

chiqmom

  • on work clothes on...
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1554
  • CONSTANT VIGILANCE
    • The Web Assistant
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #1 on: November 16, 2011, 11:08:54 am »
yung lola ko din nabiktima. she was 88 now, but the incident happened siguro 3 years ago. come to think of it, sobrang tanda na biniktima pa nila. ::)

akthung

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 1631
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #2 on: November 16, 2011, 06:47:07 pm »
one thing i learned long ago specially sa community namin,

pag dating ng September, inggat inggat na sa mga lakad at extra security measures sa bahay.

sometimes, sa sobrang daming nakawan at nasasaktan, i'd like to think na minsan masmaganda na lang to have a culture that embraces simple celebrations. kasi some people na prepressure to steal just to give or have a good celebration.

I'm a baby Arhat. An Arhat has a well developed intuition, advanced mental powers, highly refined emotions and a strong desire to contribute personally to the uplifting of humanity.

MGM13

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 104
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #3 on: November 16, 2011, 07:12:04 pm »
Yung helper namin nabiktima din. Lumapit sa kanya isang bakla at isang matandang lalaki. Nagpatulong kunyari. Di nya namalayan na nakuha na pala cellphone at money nya. Feeling daw nya sunud-sunuran sya sa lahat ng sabihin sa kanya. Pag-uwi nya sa house yung perang dala nya mga ginupit gupit na dyaryo pala. Grabe ang dami ng masasamang loob. Kaya ingat na lang tayong lahat.
"Hope, Pray and Don't Worry"

http://pinkandgreendots.blogspot.com  (Me and my Cohen Journey)

soLaris

  • neophyte photo geek and a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 496
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #4 on: November 17, 2011, 10:00:27 am »
I just wonder, hindi yata nahuhuli agad ang mga taong gumagawa ng ganito. Sana ma-trap naman sila para hindi sila makapangbiktima ng mga tao.
Happy girls are the prettiest

supertears

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #5 on: November 22, 2011, 12:29:25 am »
diba sabi hinihypnotize daw mga biktima? san kaya nanggaling tong mga nagpasimuno na to?

slovy

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 291
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #6 on: November 22, 2011, 11:24:42 pm »
I've experienced this 2 years ago. ^ yeah, hyptonism nga ang technique dito. I was at Quiapo church that time, opo sa loob ng simbahan ng Quiapo mismo, wala talagang pinipiling lugar ang mga masasamang loob ngayon. After ko magdasal, umupo muna ako dahil hinihintay ko ate ko. Then suddenly may matandang babae na tumabi sa akin, maayos ang aura nung ale, magara suot tas may dala syang sling bag at may shoulder bag pa sya. nakasuot din sya alahas, di mo akalain talaga. tapos bigla nya ako kinausap (ako yung taong mahirap lokohin) pero at that time parang nawala ako sa ulirat. Unti unti nya nakuha loob ko. marami daw syang anak nasa abroad na lahat, 4 daw ang doktor nyang anak, 2 FA, tapos 3 daw mga RN nasa states daw. may hinihintay din daw sya nun mga pamangkin nya namili pa raw kasi. tapos tinanong nya rin ako kung ano trabaho ko, iilan kami magkakapatid at kung ano ano pa. Tapos maya maya, sabi nya mabait daw ako, tapos nagpaalam sya na may bibilhin daw muna sya palang santo, matagal pa ba daw ako mag stay sa simbahan. Ang nakakaiba pa dun basta may sasabihin sya, kahit hindi ako agree napapa-opo ako, eh hindi kasi ako ganun pag alam kung may mali, nanganagtawiran talaga ako. Tas yun na, alis daw muna sya iiwanan daw muna nya sa akin yung shoulder bag nya dahil mabigat daw, masakit na balikat nya. Ang laman daw nun 2000 dollars at netbook, mga papeles at mga branded na make-up daw. Iiwanan daw muna nya sa akin at bibili nga syang santo, mukhang mapagkatiwalaan naman daw nya kasi ako dahil mabait daw ako kausap. Pero sabi pa rin nya sa akin na hubarin ko daw yung kwentas ko dahil baka naman daw nagbait baitan lang ako, baka bigla akong aalis tangay tangay yung bag nya. Biruin nyo yun, binaligtad pa ako at napapayag pa nya ako, buti na lang yung kwentas ko nahirapan akong tanggalin kaya nagpalit agad sya ng item, saisip nya baka kasi magising ako or what, sabi nya cp na lang daw, iphone 3gs yung cp ko nun na hawak hawak ko, gift yun ni hubby, binigay ko naman. After a few minutes saka dumating sis ko, hindi kaagad kami makaalis dahil hinintay muna namin yung ale. Alam nyo yung tiwalang tiwala ka, tas ganun pala. Lumipas na lang 20-30 minutes, hindi pa rin bumalik, e ang lapit lang nung bilihan ng santo, nakapaligid lang yun sa simbahan e. Kaya sinundan namin, kaya lang hindi namin nakita. Dun ako nagising na, nung binuksan namin yung bag, may netbook na lumang luma na talaga at sira, tanggal na yung mga keypad. merong dollars din, pero FAKE. Marami ring mga make up kit, pero walang laman. tas mga old papers na wala naman mga importante nakasulat. Kaya asar na asar talaga ako nun. >:(


Akalain nyong naisahan ako. Pati tuloy kapatid ko napag buntunan ko kasi ang tagal tagal nya. Kaya dapat mag-ingat talaga, be assertive palagi, alert dapat. Wag magpapaniwala. Madali namang mahalata yang budol budol eh. Pag may lumapit sayo na matanda o kahit bata pa tas nagkukwento kahit hindi nyo tinanong magduda na kayo. malamang miyembro yan ng gang na yan, nang hi'hypnotize yan.
The only way out of the labyrinth of suffering is to forgive!

MGM13

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 104
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #7 on: November 22, 2011, 11:50:19 pm »
Just this afternoon around 5PM, naloko na naman ang sis-in-law ko (SIL).
Yung brother-in-law (BIL) ko umuwi ng pinas from australia for his wedding. And kakabalik lang nya sa australia last saturday. Kanina may nag text sa SIL ko sabi sya daw si BIL using a new roaming number kaya he needs a load daw dahil naubusan sya. Niloadan naman ng SIL ko at sabi pa loadan din ang isang friend na wala ding load. Ayun niloadan din. Nag text ulit si BIL kuno and sabi buy ng mga card load at ipadala sa ibang number naman. So itong si SIL punta ng loading center para bumili ng mga cards. Buti na lang mabait ang tindera at sinabing i-confirm muna sa BIL baka may nagpapanggap lang kasi may mga nangyari na palang ganung incident sa loading center. True enough naloko nga. Buti na lang 800 lang ang naisend na load.
Ang nakakapagtaka lang paano nalaman ng texter ang name ni SIL at BIL. Ang galing daw magpanggap.
Hay naku talaga, naglipana ang mga manloloko! Ingat tayong lahat!
"Hope, Pray and Don't Worry"

http://pinkandgreendots.blogspot.com  (Me and my Cohen Journey)

mhacyful

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 77
    • https://twitter.com/Mhaceyful
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #8 on: November 22, 2011, 11:57:22 pm »
^^hala sis grabe noh. kahit ingat na ingat na nabibiktima pa din nila...ang dami ko din naririnig na stories na ganyan.. pati tita ko nabiktima natangay lahat alahas nila sa bahay dahil na-hipnotyze nga daw. may pinatago pang pera 5ook daw pero ng tignan nila ulit puro papel na ginupit gupit.

 paano kaya nila  ginagawa yun? medium?

blooming

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 832
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #9 on: November 23, 2011, 07:50:25 am »
hindi talaga safe these days. kahit san ka magpunta, kahit mismo sa bahay mo.

1. What I do naman is laging nakalock pinto sa bahay. When we were not yet staying in a condo, tuwing dating namin, magmamasid munako kung may tambay, bago ipa-open ang gate sa maid.  Tapos pag aalis sa umaga, tatawag pako sa house kung ok lang sila at di kami na salisihan. 

2. Tapos necessity nanga these days ang sasakyan kaya kung mall ang punta, kotse ang dala namin basta sure na may parking. tapos dark ang tint.  Pero in going to/from a bank, lagi akong nagmamadali lumabas. tapos pag alis mo, tingin tingin karin kung may sumusunod, etc.  Iwas din kami magtambay sa places like Tomas Morato. Ang hirap kasi, aside from having parking as an issue, tapos paglabas/pasok mo sa resto, di mo lam kung naabangan ka na.  Tsaka with establishments like that - along the main road, ang dalas din nila malooban. :(

3. Pag pupunta ng quiapo, divisoria or sa crowded places, jeans, rubber shoes at cap ako. if possible nga, walang bag.  Tapos walang jewelry at walang celphone.  kung kelangan talaga magbag - magdadala ako ng maliit lang na bag para madali maramdaman kung may mandurukot - iwas din sa mga motorcycles na nanghahablot.

4. Ang default ko, lahat ng katabi ko ay magnanakaw.  nang sa gayon, wala nakong problem distinguishing sino ang good/bad. lumabas naman kasi ako to do errands at hindi para makapagkilala, kaya deadma sa lahat ng tao.

5.  Wearing a cap works for me, at least that's what I think.  Make the crooks think that you are also one. haha 

6.  Iniiwasan kong lumabas pag gabi.  Kung nasa labas man ako, talagang ang stance ko ay parang nasa gera ako na ready ako tumakbo lagi "in case may mangyari"

7.  Public commute - tinitingnan ko lahat ng tao sa jeep.  At least some eye contact.  Sila matakot saken. hehe  Iwas din ako magFX, hirap kasi - I feel more vulnerable pag nasa FX ka. In general I just take jeep and taxi. Pag taxi naman, chinichika ko ang driver para kung may balak man sya eh magbago isip nya. Syempre make sure all doors are locked (in taxis, private vehicles etc) Then pag nakarating ako kung san ako nakarating, sobra akong pasasalamat, kaya malaki din tip nya.


So, that's how I stay safe.  Pero asar lang ako kasi at the end of the day, I hate the feeling na lagi akong on my toes pag lumalabas. laging dilat ang mata ko.  Secondly, nawala na talaga ang right ko to dress how I want, to be free and just go where I want.  Punta lang ako sa places na kelangan ko puntahan o may bibilhin. :(  Kahit pa pangit ang get-up wala nakong pakialam.  Ni hindi nangako makapagjewelry when stepping out of the house. 


« Last Edit: November 23, 2011, 07:58:39 am by blooming »

slovy

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 291
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #10 on: November 24, 2011, 05:33:12 pm »
^^ ewan nga sis, ang galing galing nila.. may inoorasyon daw mga yun eh. Kaya para makaiwas kapag may kakaiba kang naramdaman, umalis ka na agad.



The only way out of the labyrinth of suffering is to forgive!

imyourangel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1340
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #11 on: December 07, 2011, 02:08:25 pm »
Orasyon? Mga satanista ba yung mga yun? Woah.

ladynetwork

  • Probationary
  • Posts: 4
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #12 on: December 16, 2011, 03:30:09 pm »
mag ingat na dapt lahat ngayon, lalo sa loob ng mga malls... or anyplace be more vigilant.

yung friend ko, nanakawan ng cellphone, according to her may babae daw na bumungo sa kanya na napakalakas... then yung pauwi na kmi tska niya napansin na wala na cellphone niya

baracom

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #13 on: January 10, 2012, 11:41:06 am »
sad to hear kahit kahapon sa black Nazarene parade maraming ng nanakaw....

skylite

  • Probationary
  • Posts: 7
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #14 on: January 11, 2012, 12:33:41 pm »
saw a cctv video in facebook, may 2 guys na nagnakaw ng bag from one customer.. (ortigas area)

share ko na lang ang link ng video, para maging aware ang lahat... (hope ok lang sa mga mods..)
http://www.facebook.com/photo.php?v=10150471909120835

pink_stardust

  • Jed's one and only :)
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 334
  • she's all that =)
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #15 on: January 15, 2012, 01:19:21 pm »
Nabiktima na ako dati nung kakausapin tas nanakawan. Kaya ngayon, pag naglalakad ako and ako lang mag-isa, I put on my masungit look. Yung mukhang badtrip ako para sure na walang makikipagusap sa akin.

Pag naman alam kong pupunta ako sa lugar na medyo alanganin, di ako nagdadala ng mamahaling gadgets. Yung phone ko lang na basic, walang cam. I don't wear jewelry and makeup din. Yung porma, super simple lang. Naka-slippers pa nga ako. :p

Naiinis ako sa mga magnanakaw. Pinaghihirapan ng parents ko mga bagay na meron ako tas kukunin lang nila. Di na talaga safe ngayon, nakakatakot lumabas ng bahay minsan.

Oh, I always carry pepper spray with me.
It is very difficult to go back and make a brand new start.


But you can always start from now and make a brand new ending.

ravena

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 446
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #16 on: January 18, 2012, 09:56:12 am »
"ang upuan para sa tao." yan yung naiisip ko everyday kung lalabas ako/family/friends ko. I always remind them to be careful of "HOODLUMS" and don't talk to strangers.. malay mo MONSTERS pala.

i have been a long time observant. usually tinitiktikan ka ng mga yan to know your usual routine. once you got out of the house meron na yang INSIDER na magsasabi sa partner in crime na aalis ng bahay they will follow you MINSAN magarbo pa mga kotse pero iba iba gamit nyan. hmm.. rent a car o buy and sell cars ang hanap buhay? sometimes motor naman ang susunod nakasuot ng PNP uniform o blue sky na shirt nakasulat PULIS palaging FOR REGISTRATION ang plate. if not PULIS uniform minsan casual lang ang damit pero FOR REGISTRATION lagi ang plate. INSIDERS usually they rent a house inside a village.

once you are in the usual hangout susunod yan kunwari nagmamasid pero lumalapit sa'yo to get closer to your bag. kahit nasa harapan ang bag niyo it's still not safe. always put your hands infront para hindi niya mabuksan o lumayo ka.
The key to succeeding in a relationship is not finding the right person; it's learning to love the person you found.

LimaCharlie

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 158
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #17 on: February 23, 2012, 05:52:04 pm »
I just thought of posting this to warn everyone especially those na na j jeep palagi.

I witnessed a modus operandi sa jeep.  I was on my way to work, sa jeep terminal ako sumasakay.  After a couple of minutes na umaandar na jeep, bumaba yung isang lalaki (the 1st guy).  Then after a while, yung katapat na lalaki (the 2nd guy) informed the victim (a girl about 24 yrs old) that her celphone was taken by that guy who got off from the jeepney.  “Miss nakuha yung celphone mo, ayun pa yung nagnakaw, mahahabol mo pa”.  Nagulat yung victim, sabi nya “HA! Nakuha?!”.  The 2nd guy said, “oo, habulin mo”.  Yung lalaki pa yung pumara sa jeep para makababa yung victim.  Yung victim hindi man lang chineck yung bag kung nakuha nga celphone nya, dali dali bumaba ng jeep para habulin yung 1st guy.  Then after a while, pumara yung 2nd guy, tapos tatlo silang lalaki na sabay sabay bumaba. 

Pagbaba nila, nagkatinginan yung mga naiwan sa jeep.  Shock din kami lahat eh.  Then yung isang girl na kauna unahan sumakay sa jeep suddenly realized na magkkakasabwat yung apat based sa observations nya sa apat at baka iccorner na nila yung girl to get all her valuables.  Kase dun sila bumaba sa wala masyadong tao.  Sabi pa ng isang passenger na katapat nung victim, parang wala naming nakuha yung 1st guy, parang modus lang nila yun para ma corner yung victim sa lugar na wala masyado tao.

slovy

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 291
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #18 on: February 23, 2012, 06:51:37 pm »
^ayy! wawa naman yung girl, sana walang ginawang masama yung mga gagong yun sa kanya I mean sana kinuha na lang mga gamit. sana di nila pinagsamantalahan. katakot yung mga ganyan talaga. hayy! :(
« Last Edit: February 23, 2012, 06:53:20 pm by slovy »
The only way out of the labyrinth of suffering is to forgive!

tiggerlily

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1280
  • Whoa!
    • The Lazy Mama
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #19 on: March 09, 2012, 10:14:07 pm »
sobrang hirap talaga ng buhay ngayon. hindi naman sa panahon lang ng christmas lumalabas yan mga yan. basta naghihirap ang mga tao sa krimen kumakapit.

i was once almost a victim of budol budol. student pa lang ako that time. nalimutan ko na yung exact story nya basta gusto nya isanla ko yung earings and bracelet ko. mahilig pa ako magsuot ng jewelry nung college. pero ayoko magsanla. as in dinala pa nya ako sa harapan mismo ng sanlaan pero ayoko magsanla. hahaha! siguro natatak na talaga sa utak ko na may interes kapag nagsasanla ng alahas at ayoko nagbabayad ng interes. hehe!

binigyan ko yata sya ng P20 or P50 pamasahe kasi last money ko na yun tapos may saktong pamasahe na ako. yun lang nakuha nya. at nakauwi naman ako ng matino.

gusto ko yan mga tips nyo sa paglabas. ginagawa ko rin yang sungit/problematic look para walang lumapit sa akin. tinititigan ko rin ng masama ang pilit na nakikipag-eye contact sa akin. and i treat everyone as manloloko. in addition, kapag nagcocommute ako, may dala ako palaging malaking payong. the bigger the better. i'm planning to use it pero i don't know if i really can if the event arises. pero dahil hawak ko sya na isang malaking bagay na pwede kong maging weapon, iiwasan nila ako maging mark. note that would usually have a mark that looks vulnerable.

siguro kaya di ako nakumbinsi magsanla kasi alam ko na yung ginagawa nung ale e kumbinsihin ako. kaya rin parang di ako naniniwala sa hypnotize. palagay ko yung ginagawa nila is divertion lang. not exactly hypnotism. pero that's for me lang ha. baka i just got lucky lang.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close