hindi talaga safe these days. kahit san ka magpunta, kahit mismo sa bahay mo.
1. What I do naman is laging nakalock pinto sa bahay. When we were not yet staying in a condo, tuwing dating namin, magmamasid munako kung may tambay, bago ipa-open ang gate sa maid. Tapos pag aalis sa umaga, tatawag pako sa house kung ok lang sila at di kami na salisihan.
2. Tapos necessity nanga these days ang sasakyan kaya kung mall ang punta, kotse ang dala namin basta sure na may parking. tapos dark ang tint. Pero in going to/from a bank, lagi akong nagmamadali lumabas. tapos pag alis mo, tingin tingin karin kung may sumusunod, etc. Iwas din kami magtambay sa places like Tomas Morato. Ang hirap kasi, aside from having parking as an issue, tapos paglabas/pasok mo sa resto, di mo lam kung naabangan ka na. Tsaka with establishments like that - along the main road, ang dalas din nila malooban.
3. Pag pupunta ng quiapo, divisoria or sa crowded places, jeans, rubber shoes at cap ako. if possible nga, walang bag. Tapos walang jewelry at walang celphone. kung kelangan talaga magbag - magdadala ako ng maliit lang na bag para madali maramdaman kung may mandurukot - iwas din sa mga motorcycles na nanghahablot.
4. Ang default ko, lahat ng katabi ko ay magnanakaw. nang sa gayon, wala nakong problem distinguishing sino ang good/bad. lumabas naman kasi ako to do errands at hindi para makapagkilala, kaya deadma sa lahat ng tao.
5. Wearing a cap works for me, at least that's what I think. Make the crooks think that you are also one. haha
6. Iniiwasan kong lumabas pag gabi. Kung nasa labas man ako, talagang ang stance ko ay parang nasa gera ako na ready ako tumakbo lagi "in case may mangyari"
7. Public commute - tinitingnan ko lahat ng tao sa jeep. At least some eye contact. Sila matakot saken. hehe Iwas din ako magFX, hirap kasi - I feel more vulnerable pag nasa FX ka. In general I just take jeep and taxi. Pag taxi naman, chinichika ko ang driver para kung may balak man sya eh magbago isip nya. Syempre make sure all doors are locked (in taxis, private vehicles etc) Then pag nakarating ako kung san ako nakarating, sobra akong pasasalamat, kaya malaki din tip nya.
So, that's how I stay safe. Pero asar lang ako kasi at the end of the day, I hate the feeling na lagi akong on my toes pag lumalabas. laging dilat ang mata ko. Secondly, nawala na talaga ang right ko to dress how I want, to be free and just go where I want. Punta lang ako sa places na kelangan ko puntahan o may bibilhin.

Kahit pa pangit ang get-up wala nakong pakialam. Ni hindi nangako makapagjewelry when stepping out of the house.