watch now

Author Topic: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery  (Read 62107 times)

ryxzie

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #80 on: January 09, 2013, 07:12:01 pm »
Samin naman, more like salisi gang ata. Sa lumang office namin, bigla na lang nawawala yung cellphone ng ilang officemates namin. tapos mayroon pang nakuha yung mismong wallet sa bag at saka sa pedestal. nahuli naman sa cctv yung babae so alam na namin itsura nila. ang style ata nila ay mag-ikot ikot sa mga table ng offices pag break para makakuha ng mga gamit. kaya kahit sa office, dapat di natin iniiwan yung mga gamit sa table natin even with security. minsan naloloko din yung security eh..

tellycopter

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #81 on: January 14, 2013, 02:13:38 am »
Ilang beses na kong na biktima ng kung ano ano. Grabe. Ang liit ko kasing babae tas sabi nila mukha daw akong madaling nakawan. :(

Magingat sa mga bus from Cubao going to Novaliches. There's this group na tandang tanda ko na mga mukha kakabyahe dun. Modus nila yung nanggigitgit sa bus pag pababa ka na or pag kokonti lang kayong standing dun. Galit na galit pa ko that time pagbaba ko ng Muñoz. Kabago bago ng phone ko na pinaghirapan ko. Magmeemeet pa naman kami ng mom ko sa Mcdo. Pagbaba ko wala na cellphone ko.
Nakakita pa ko ng ibang inipit nila sa bus. Alam ko na yung nangyayari kaya lang di naman ako pwede sumigaw baka mamaya may baril sila mamatay pa ko. Pagupo nung girl kinakapa na nya yung phone nya, poof! Wala na.

Tapos sa byaheng Cubao naman going to Marikina. Kala mo bakla talaga. Nakamake-up, may mga borloloy. Medyo konti lang sakay ng jeep at nasa malapit ako sa exit. Nagtetext ako inside my bag malas ko lang may palawit na stuffed toy na maliit from my bf that time. Hinila si mini rabbit! Sumama phone ko putol pa earphones ko. Ay grabe si ate ang bilis tumakbo di ko na nahabol.

Tapos sa Guadalpe naman, naholdup ako. Dalawa sila. Ang nakakatawa, binigay simcard ko nung hiningi ko sabay takbo. Haha. Natiktikan ata ako kasi everyday ako dumadaan dun for 6 months.

Tapos sa Recto naman. As in sobrang nashock ako at MALILIIT NA BATANG BABAE binuksan backpack ko at nahila wallet ko. (Super dumb ko din kasi at nasa likod wallet ko. Bata pa kasi ako nun.) Natulala ako tapos napasigaw ako ng wallet ko! Aba, inabot sakin ng bata natakot siguro. Haha. Sabay takbuhan ang mga chikiting. Sa sobrang gulat ko di ko na nahabol.

Tapos Recto again going to Divisoria. College days ko yun at may bago akong mp4 player kasi uso haha! Nasa backpack ko nanaman. Naramdaman ko na nahahatak yung earphones ko habang tumitingin ng books, ay nagtititili ako na parang baliw. Tumakbo si kuya.


Parang ang t@ng@ ko tuloy. Nadala na ko yung backpack ko lagi ng frontpack kahit dyahe tignan. Pero 2yrs na kong di nabiktima mula nung dumami yung tattoos ko. Naging panakot na ata to e. lol

daisy_duck

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #82 on: January 14, 2013, 09:32:42 am »
My experience naman happened mga more than 5 yrs ago. Bus from Naia to MRT Baclaran. I picked up my bf sa arpt and while sa bus naguusap kami in our dialect kung saan kami bababa and magttransfer. Tapos me mamang sabat nang sabat sa likod namin na di namin pinapansin. Siguro they were thinking na bagong salta kami kasi nga di namin alam kung saan kami bababa though alam naman namin kaso were just discussing kung mag LRT, or bus or taxi going to Manila area. When we decided na bababa sa MRT, pag baba namin, me humarang sa door tapos pinagitnaan yung bf ko, parang me nagcut na mama in between us. Tapos I called my bf, and I mouthed CP mo. Ayun, tumingin yung mama sa akin sabay takbo pababa. Sabi nung bf ko, inaangat daw nung mama yung cp niya sa pocket niya. Kaya sa next MRT na kami bumaba sa takot na bantayan kami.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #83 on: March 18, 2013, 02:25:25 pm »
Share ko lang:

YUng husband ko rin nabiktima nyang ipit-ipit gang na yan. He was supposed to pick me up at my office in Ayala, sa super pagmamadali nya at taranta, hindi nya namalayan na nakuha yung phone nya. It was Motorola mobile phone na di pa na rrelease sa Pinas and testing unit lang sya. Ginitgit lang sya sa MRT paglabas then wala na yung phone. Kainis kasi bago sya umalis dun sa previous company nya binayaran nya pa yung nawalang phone. Kabwisit lang

Then ito recently lang:

Be careful if you're going to Alabang Town Center. My dad called me up to pick yung pinadala nya na monetary gift for my baby. My dad instructed me to claim it at Western Union. Buti nalang good decision na sinama ko si hubby at may dala kami car to claim the padala. While I was writing info sa paper for remittance may 3 kids ages 15-17 years old na nakatambay dun sa Western Union na nag aabang ng mga kumukuha ng pera. Since napansin na sila ni hubby ino-observe na sila. While I was getting the money, they were eyeing us and nagtanong pa sa Western Union counter kung magkano yung dollar exchange. Lalo kami kinabahan ni hubby na kami target nila kasi I was getting a dollar remittance. Narinig pa ni hubby yung usapan nung mga kids while they were eyeing us na dollars nga kukunin namin. So nung paalis na kami, my husband whisper to me to run sa escalator, sakto yung mga bata haharangin sana kami pero we went into opposite direction going to escalator at nakabantay si hubby. Pagdating namin sa 2nd floor binilisan namin yung lakad and my hubby instructed me to wait on Rustans with guards tapos dadaanan nya ako dun. Super scared namin kasi na baka may kasama silang iba at hindi lang silang tatlo. I decided not to go with my husband sa parking lot kasi baka may nag aabang dun. So I waited sa Rustans at tumabi talaga ako sa guard. Wala naman nawala pero lesson learned na be careful sa mga kids na pakalat kalat sa mall. Talagang matatakot ka kasi mga gusgusin pero nakabantay dun sa Western Union. Ginagamit na rin nila yung mga kids ngayon kasi nga wala naman kaso yung mga bata pag gumawa ng crime especially menor de edad. :P

Careful lang when going there kasi they were really eyeing yung mga nag wwithdraw sa ATM or mag ppick ng mga money remittance sa mga money changers or remittance center. :P  Baka mamaya sumusunod na sa inyo while you're strolling sa mall.

17arci

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #84 on: March 18, 2013, 02:30:20 pm »
^ kaya siguro sa Trinoma may cover yung glass enclosure ng Western Union. Sa ATC ba kitang-kita yung mga taong nagta-transact ng mga tao sa labas?

Eto mga naexperience ng mga kakilala ko:
1. Yung mom ko twice na nahigitan ng hikaw kahit di naman mamahalin yung hikaw nya. Sa Blumentritt, Manila. Buti andun lang yung CGH kaya diretso sya dun kasi sugat talaga sya at kelangan ng anti-tetanus shot.
2. Mom ko ulit, na-snatch naman yung bag nya along A. Bonifacio. Early 2000s pa toh.
3. Nahigitan din ng hikaw yung batchmate ko, tanghaling tapat sa Blumentritt ulit. Di naman sya nasugatan.
4. Nakwento naman ng nakasakay ko sa van nung sabado lang: May lalake na pinagitnaan ng tatlo pang lalake sa jeep. Yung isa nasa harap nya. Kunyari nasuka yung isang lalake tapos yung dalawa magrereact na ambaho daw. Yung isa sasabihan na natamaan yung lalake na biktima. Tapos magooffer na pupunasan ganyan. Yun pala dinudukutan na sya.

« Last Edit: March 18, 2013, 02:50:41 pm by 17arci »

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #85 on: March 18, 2013, 02:48:27 pm »
^ @17arci, sis walang glass enclosure yung sa ATC. :P nasa loob naman sya ng mall pero daanan yung area at nakikita kung sino nag ttransact :P. Wala din protection kasi ang layo nung mga guards. Buti na nga lang yung cashier sa Western Union hindi nya binigay na kitang-kita yung money. Naka fold sa paper para nakatago kung magkano yung nakuha mo.

bellanjelah

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #86 on: April 28, 2013, 02:11:38 am »
I just want to share my experience kanina sa SM Fairview , nilabas ko kasi cellphone ko while asking info sa information booth i was with my daughter and eldest daughter's classmate that time then may lumapit na tomboyish looking woman asking if she could borrow my cp, biglang napataas boses ko sabay sagot na, "sorry ha, hindi pwede!" then we walked out. Sa totoo lang i got scared pero di ko pinahalata , friends say i look so frail kaya akala siguro ng mga manloloko/magnanakaw e madali ako maisahan, may na-witness na rin akong ganitong scenario sa SM North and the poor girl was weeping kasi nakuha cellphone nya. Moral lesson #1 don't talk to strangers #2 as much as possible wag ilabas ang cp dahil may mga matang nakamasid at nagtitiktik.

imyourangel

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #87 on: April 30, 2013, 08:40:43 pm »
^Grabe pati sa mall nakakatakot na din maglabas ng phone. Akala ko sa labas lang nakakatakot.

hellomi123

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #88 on: May 13, 2013, 06:12:17 pm »
3 years ago, 4th year HS ako nun. Di ko alam kung salisi gang ba tawag dun. Nasa Mcdo ako, sa tapat lang ng school namin. Di ko akalain na makukuhaan ako ng phone dun. Kasi everyday after class dun kami tumatambay. Halos lahat din ng nandun, mga schoolmates ko din. Kaya medyo eng eng ako, nasa table lang yung phone ko nun habang nakikipagkwentuhan ako sa mga friends ko. Biglang may lumapit sakin na lalaki, siguro mga late 20s lang. May pinapakita siyang papel tapos sobrang hina ng boses niya. Di namin maintindihan sinasabi niya then maya maya bigla na lang siyang tumakbo. Nagtawanan pa kami nun kasi ang weird niya, maya maya narealize ko na kinuha pala niya phone ko. Ginamit niya yung papel pantakip habang kinukuha niya yung phone ko.

Yung friend ko naman, magisa siya sa mall. Parang nahypnotize din daw siya. Di niya alam bakit niya sinusunod yung ale. May lumapit kasi sakanyang ale tapos nagpapatulong pumili ng damit na panregalo daw sa anak niya, kasi daw kasing size nung friend ko yung anak niya. Dinala daw siya sa dept store tapos pinagfit ng damit. Sabi daw nung ale, hahawakan daw muna bag niya havang nagfifit siya. Binigay naman niya. Tapos ayun, paglabas niya wala na yung ale saka yung bag niya.

Recently naman, sa jeep from Cubao to Marikina, magisa lang ako tapos may sumakay na matanda. Sa tabi ko umupo. Madami siyang dalang mga papel tapos may cotton candy pa.Kinakausap niya ko kesyo nagkamali daw siya ng baba , galing sa ibang jeep. Nakakalito daw sa place na yun. Basta paulit ulit lang. Salita siya ng salita, oo naman ako ng oo. Tapos maya maya, nagmouth yung girl sa tapat ko, sabi niya wag ko daw kausapin. Hawakan ko daw bag ko. Natakot naman ako. Yung mga gamit kasi nung matanda, medyo nakapatong na din sa bag ko. Kaya tinaas ko yung bag ko tapos sakto na bumaba yung katabi ko sa kabila, so umupo ako pa side tinalikuran ko yung matanda. After nun, bigla nalang bumaba yung matanda, di rin nagbayad sa jeep. Pinanuod ko san siya pumunta, ayun sumakay sa ibang jeep. Sobrang thankful ako dun sa girl na nakatapat ko, kundi dahil sakanya siguro may nakuha sakin yung matanda.

Ako pa naman tung type ng tao na kahit sabihin ko sa sarili ko na dont talk to strangers, eh hindi ko maiwasan. :( Lagi pa naman ako magisa nagpupunta sa mall. Yung tipong magisa ako kumakain sa jollibee, may makikitable tas makikipagkwentuhan ako. Buti nalang mababaet naman yung mga yon.

Sana makonsesnya naman yung mga taong ganyan noh. Nakakatakot. Nobody deserves to live in fear dahil sa mga taong ganyan.

monamie02

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #89 on: October 09, 2013, 05:11:54 pm »
This morning lang on my way to office habang nasa jeep ako pagtawid ng vitocruz-harrison may kahinahinalang mga lalake na sumakay 3 or 4 guys na sabay sabay.. tapos yung dalawa isang bayad lang sila kasi 20 yung pera tas nung nagtanong yun driver kung ilan at saan bababa , ang sagot "dalawa, dyan lang", pero before magbayad yung guy sobrang focus na focus sya sa pagtitig dun sa bag ng katabi nyang babae sa right side nya na napakatagal magkalkal ng bag, yung tipong naghahanap ng barya or something na bukang buka ang bag.. walang kaalamalam na nakikiusyoso din yun lalakeng katabi nya..kitang kita ko kung gaano kalikot yung mata nung lalake kasi nasa kabilang side ako ng jeep so nakaharap ako sa kanila.. alam ko nga nakikita ako ng lalake na tinitignan ko sya.. then nung nagstop yung jeep sa quirino dahil naka red  may sumakay pa na babae ulit at yung guy na malikot ang mata aba nagbigay talaga ng space sa pagitan nila ng unang girl na tinitiktikan nya para dun umupo yung bagong girl passenger. Same din ginawa nya habang naghahanap ng pambayad yung girl 2 eh todo tingin din sya sa gamit. by this time naconfirm ko na na talgang naghahanap to ng mabibiktima, sobranglakas ng kaba ko.. nagdadalawang isip ako kung bababa ako para lumipat ng jeep o hindi.. pero yun bumaba ako at lumipat sa jeep na nasa likod namin. Pagsakay ko sa 2nd na jeep may kasunod ako na girl na galing din pala sa binabaan ko na jeep.. bago totally mag-GO nakita namin na yung mga lalake na kahinahinala ang [agmumuka eh nagsibabaan na dun sa jeep at nagkanya kanyang lakad sila.. tinanong ako nung girl na kasama ko kung napansin ko daw yung ginagawa nung mga lalake sabi ko oo kaya nga ako lumipat ng jeep eh kasi sobrang kabado ako sa itsura nila..

before tong incident na to, meron na din ako ganitong experience mga two months ago. Same ng gawain, grupo ng mga lalake halos sabay sabay sumakay pero ang aayos ng porma nila malinis baong ligo, di mo talaga paghihinalaan.. pero nung narealize siguro nila na wala silang mapapala sa amin eh isa isang bumaba at nagsiliptan ng jeep, after nila maubos, yung matandang babaeng kasama namin nagsalita na mga salisi gang nga daw un..

hayss.. buti na na na lang wala pa talagang masamang nangyayari sa akin.. Salamat kay God.

Hindi mo talaga masisigurado kung sino yung hindi gagawa ng mabuti, sobrang pag-iingat talaga dapat lalo na sa atin mga girls..

daveigh

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #90 on: October 09, 2013, 06:10:55 pm »
^ Matalas ang pakiramdam ko sa ganyan. Minsan galing kami ng Trinoma mga 11pm na, kakanood lang ng sine. Nag-jeep kami pauwi tapos may mga naglalakad na lalaki na biglang sumakay sa jeep namin. Ang likot talaga ng mga mata nila, kinabahan talaga ako. Sinenyasan ko asawa ko na bumaba kami sa SM North lang. Sakay na kami ng taxi. Di bale nang mapagastos ng 50 pesos, wag lang ako manakawan at matrauma.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #91 on: October 10, 2013, 10:01:13 am »
^ ako naman di talaga ako tiwala sa mga sunod sunod na lalaki na sumasakay ng jeep. Even sa mga provincial routes dito sa laguna madami rin loko. Pagka ganun bumaba na rin ako ng jeep. Di bale dumoble bayad ko kesa naman mabiktima ako.

Meron din kami na experience ng husband ko. Galing kasi kami ng Manila that time sinamahan ako ng husband ko sa Grad school and sumakay kami ng Starmall pauwi ng laguna. Una palang medyo di ko na feel sumakay kasi sa likuran tapos puro lalake. Though nagbayad na kami di talaga ako mapakali sa mga kasakay namin kasi nag ssensyasan sila. Sinisiko ko na asawa ko at bumubulong na di ko talaga sila feel. Kabadong kabado nako kasi medyo notorious minsan yung mga van sa Starmall na madalas nahholdap. So blessing naman nagpa-gas si Manong sa Magallanes near APC so hindi na kami nagdalawang isip na bumaba. Nagtaka yung driver bakit kami bumaba sinabi nalang namin na may nakalimutan kami. Nung naglalakad na kami pa-MRT pareho pala kami ni hubby na kabado... kasi nakikita din pala nya na nagssenyasan yung mga lalaki sa unahan at malikot din yung mata hindi rin daw maganda pakiramdam nya kaya sumakay nalang ulit kami pauwi ng laguna.

monamie02

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #92 on: October 10, 2013, 10:56:14 am »
Grabe, wala na talagang safe na lugar sa panahon na to.. Kanina on my way to work napakaparanoid ko kasi lahat ng sumasakay sa nasakyan kong jeep eh tinitignan ko. haha pati mga tao sa daan tinitignan ko din kasi baka nakatambay yung mga lalake na nakasakay ko kahapon,..

Cessiechu

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #93 on: May 04, 2014, 07:13:13 am »
Kung may AWARD lang ang pinaka maraming beses nabiktima, ako na siguro yun. Since nursery ako, nananakawan na ako (gold necklace - ewan ko sa mommy ko bakit ako pinasuot ng totoong necklace) hanggang nag highschool ako, nananakawan ako ng cellphone. Maraming beses na kaso di ko na matandaan yung iba. Yung una sa jeep yung "dura gang" sabe nung lalake may dura daw ako sa kwelyo ko, so ang tendency [textspeak!] attention ko nasa left kong shoulder (wala naman talagang dura) habang ninanakaw niyang phone ko sa bulsa then bumaba siya, sinabe na lang nung ibang passengers saken. 2nd instance sa jeep ulit (working na ako nito) Medyo same sa "dura gang" but this time sauce ng fishball ang ginamit all over my shoulder, sa damit ko. So this time totoong meron and ganun ulit yung modus, nanakawan ulit ako.

Lastly, ang pinakamalupit at di ko makakalimutan. Sa bus yun kaka out ko lang from work (4am AYALA Makati) nakaupo ako sa harap ng bus, sa side ng door tapos sa aisle ako. Sinabunutan ako nung guy from the back tapos kinuha yung iphone 4 ko na bago pa nun :( Tapos that same moment, transfer na ako jeep pauwe samin Las Pinas.. Nung medyo malapit na ako, sinakyan ng maraming lalaki yung jeep, imagine 5am may sabit sa jeep? so nakaramdam na ako. Bumaba ako and tama nga ako holdaper at magnanakaw sila kasi yung sumunod saken bumaba nawalan agad ng phone.
Grabe lang that day. Never ko makakalimutan. Magmula noon never na ako bumibili ng expensive phone and aware na talaga ako ng bongga.

crayzee

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #94 on: May 15, 2014, 02:41:32 pm »
do advice your house helper about this incidents, recently may tumawag din sa house ng friend ko and ask the helper to distroy the lock of the door and get all the money, bec, his father was involved in an accident hitting a child and the child is currently in critical condition and the "taong bayan" MOB his father and is currently full of bruises and in the QC police headquarters. fortunately they have a good brand of door knob and the helper was not able to break in

imyourangel

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #95 on: May 15, 2014, 08:24:28 pm »
^Dugo dugo gang yan. Navictim na rin yung helper ng directress namin sa school. Nakaaksidente daw sila, kaya tumawag kay helper na need kumuha ng pera. Ang nakakapagtaka, how are they able to imitate the voice of other people? Kaboses na kaboses daw kasi ng directress namin yung nakausap ng helper sa phone.

honeybunny

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #96 on: January 01, 2015, 09:04:25 am »
i have been a victim once in college. naslash yung bag ko. sumakay ako ng jeep from masinag to LRT santolan. nilagya ko yung bag sa lap ko. i noticed yung katabi kong manong, malaking lalake talaga at naka jersey bag na ewan, basta malaki, tapos yung bag nya nakapatong na sa bag ko. since hindi ko sya matulak dahil masikip sa jeep at sinisiksik nya talaga ako, i just decided to move all my things on the other side of the bag away from him, putting my forearm on top of my legs, para may hati sa gitna between where his bag is and my things.

so nung pagbaba ko sa LRT, naglalakad nako sa train, i noticed may slash na bag ko, weaved pa naman yon so sayang.. anyway, wala naman sya nakuha sakin.

meron pala ulit, college din, sumakay ako ng jeep from SM fairview to Lagro loob. nakasuot ako ng headset and nakikinig ako sa phone ko ng music, then i noticed parang gumagalaw yung tali ng headphones ko, then yun na hinawakan ko maigi yung phone. right then and there i know mandurukot katabi ko. so nung pumalpak sya na dukutan ako, yung katabi naman nya yung tinry nyang dukutan, i noticed  bigla yung kamay nya na andun na sa kabilang side, so ginawa ko, kinalabit ko yung babae "miss yung bag mo..." then biglang bumaba yung lalake, wala naman nadukot sa kanya. at buti di ako sinaksak nung mandurukot. tee hee!  :D

lately, tuwing maglalakad ako outside the mall, i.e megamall sa likod going to shangrila, or sa may robinsons galleria bandang mercury, merong babae, usually matanda, na nakatayo sa kanto, and habang papalapit ka sa harap nya, bigla syang magsasabi ng "kelangan ko lang po ng pamasahe..", "nawalan po ako ng pera..", "nadukutan po ako..",  meron pa ngang nagsabi talaga ng "nadukut po kasi yung 200 ko kelangan ko lang ng pamasahe pauwi",

naloka lang ako kasi kung manloloko sila e aba may exact amount pa talaga.. ;D so yung mga ganito, we all know na nakakaawa, but then i still ignore them kasi i wanna protect myself, malay ko ba kung nagsisinungaling sya, or maybe if i try to talk to her e bigla nya ako hypnotize or tutukan ng patalim, or whatever diba,,, so safety first pa rin ako..

and i remember meron pala sa mall din nag approach sakin na makikitext lang daw or hihiramin cellphone ko, e hindi naman mamahalin cellphone ko, it's just nokia c3 na old na noh. so kahit sometimes may konting guilt akong nafifeel e iniisip ko na lang na i am just protecting myself..

tips lang i can give is:

*do not talk to strangers

*be alert all the time

*wag hayaan na may sumiksik sa inyo sa jeep or sa bus, if hindi maiiwasan e siguraduhin na nakadikit sa mismong katawan nyo sa harap yung gamit nyo, at siguraduhin na within your eyesight yung gamit at hindi nahaharangan ng bag ng katabi or anything na pwedeng iharang to block your view against your belongings.

*isa pang lagi kong ginagawa pag nasa jeep ako e hinahanap ko kung nasaan yung dalawang kamay ng katabi ko, baka mamaya nasa loob na pala ng bag ko. ;D

*if u feel that there is something wrong, then immediately alight from the vehicle (jeep/bus) and transfer na lang. better safe than sorry..  :-\

imyourangel

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #97 on: January 01, 2015, 01:37:41 pm »
^Agree with all the tips! Kung merong kahinahinala baba nalang talaga ng vehicle. Dibale na magpamasahe twice kesa naman marisk ang safety natin. Scary na talaga these days!!

shan_chai

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #98 on: February 22, 2015, 04:09:01 pm »
mga sis ingat kayo sa mga mandurukot sa tabi tabi. kahit sa matatao na lugar kahit botika, or palengke pwede gumala at mabibilis ang mandurukot.

astarte

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #99 on: February 22, 2015, 04:57:07 pm »
Ilang beses na din ako naging victim ng mga magnanakaw na yan. Slash ng bag sa binondo, hablot bag sa jeep, bukas zipper sa edsa, cellphone snatch hayyy napaka saklap talaga. Those were the years na nasa call center pa ko. Anyway, yung brother ko naman ibang story. Parang nawala daw siya sa sarili.

He works as a company driver kasi na tagahatid ng mga night shift agents sa QC. Break nya usually 11pm onwards and nagmomotor siya to eat somewhere na mura lang kesa sa fastfood. So nung kumakain siya sa carinderia may lumapit around past 12mn na daw yun. Tapos di daw nya maexplain na bigla siyang sumunod sa mga sinasabi nung matanda na lumapit at sumakay siya sa motor nya to withraw. 30k lang ang total ipon nya sa atm nya and kinuha nya lahat yun and binigay.

Di ko madedescribe exactly kasi di ko pa naexperience at ayoko din maranasan, pero aware naman daw siya sa ginagawa nya pero parang hindi siya makatanggi at oo lang siya ng oo. Nag sink in lang daw sa kanya after a while nung wala na yung tao. Ayun nanlulumo siya habang nagkukwento nung makauwi ng bahay kinaumagahan. Kaya ako kahit bata, matanda, disabled, kahit naaawa ako di ako nag eentertain kahit magtatanong ng oras or directions. Di na lang ako tumitingin at lagi ko sagot hindi ko alam sabay lakad palayo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close