watch now

Author Topic: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery  (Read 62096 times)

pinklilac

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #60 on: August 22, 2012, 05:04:46 pm »
buhayin ang thread na ito ..
keep on posting mga sis

imeego

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #61 on: August 22, 2012, 05:22:34 pm »
nabiktima din ako nito...share ko lang
2 years ago we went to MOA, sinamahan ko balik-bayan cousin ko, we were a group of 4...we went there early, as in kaka-open pa lang so konti pa lang tao, pumasok kami sa isang store (sorry cant remember the name of the store na) and medyo napahiwalay ako sa kasama ko kasi may tiningnan akong item...there was a group na nanay, lola and 2 kids na tumitingin-tingin din ng items pero napansin ko madungis sila..never ko naman pinaghinalaan pero ang napansin ko lang parang sinadya nilang gitgitin ako...the lola was seated and dumaan ako in front of her, tamang pagdaan ko yung nanay lumapit kunwari kay lola so parang na-sandwich ako in between them...wala akong namalayan talaga na may ginawa sila but then, nung nasa kabilang store na kami and magbabayad na sana ako, pagtingin ko naka-open na yung front pocket ng bag ko and wala na ang wallet ko, that's when i realized lang yung ginawa nilang paggitgit sa akin...grabe kunsumisyon ko kasi lahat ng IDs, atm, credit cards and 6k cash nandun >:( buti na lang na-inform ko agad credit card comp at di pa nila nagamit

pinklilac

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #62 on: August 22, 2012, 09:15:28 pm »
^thanks for sharing sis.. bad talaga nila ano.di nila alam perwisyo na dulot non ..hassle pa naman magpagawa ulit ng IDs

tiggerlily

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #63 on: August 24, 2012, 05:37:26 am »
from a crime channel before, they said that if you think you can never be conned, you will be conned. i think nabibiktima tayo when we are too confident na hindi tayo maloloko. so dapat palaging alert.

anyone who knows of this modus: pabubunutin ka at papanalunin ng mga free appliances. wala daw bayad. pero kailangan mo bumili ng something from them to claim your free prize. pag-uwi mo ay marerealize mo na overpriced ang ibinenta sa yo kahit pa i-total mo kasama yung mga free "daw". usually nasa mall sila. credit card usually ang ipapambayad mo sa kanila kaya madali ka mapapapayag. tapos may pinapapirmahan pa silang kontrata - di ko alam kung ano laman nun kontrata. ganito ba ang dating modus ng family first? iba na yata ang pangalan nila ngayon to operate their modus...

kaya ako di ako nakikipag-usap sa mga offers offers kahit kailangan ko pa. kung kailangan ko, ako na lang ang maghahanap. at kapag tinatanong ako kung may cc ako sinasabi ko na ayoko ng cc. actually, yung cc ko ngayon e napilitan lang akong tanggapin through mail. hindi talaga ako nag-apply.

azel

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #64 on: August 25, 2012, 03:53:55 am »
may mga experiences na din ako sa mga modus-modus na yan.

1. High school ako non, PUPLHS, on my way to school, may nakatabi ako matanda lalaki may dala malaki towel. 5110 cp ko non, during dat time bongga na din pag 5110 ka. ugali ko non pag sumasakay ako ng jeep, hinaharang ko yun arm ko sa gilid ko pra maharangan yun bulsa ng palda ko since don ko nilalagay yun cp ko. e napuno yun jeep so napilitan ako alisin yun arm ko sa gilid ko. then yun katabi ko mama, nag-overlap sa palda ko yun towel nya. then parang meron ako kakaiba feeling na parang may munting paggalaw sa bulsa ko tapos pagtingin ko sa banda bulsa ko nakita ko nahulog sa upuan yun cp ko, so kinuha ko agad & binulsa ko. e wala pa ko muwang non sa mga modus-modus na yan so baka kako dumulas sa bulsa ko since madulas naman talaga tela ng palda ko. tapos maya-maya ayun na naman yun kakaiba feeling tapos bigla lingon ako sa bulsa ko. nakita ko yun mama sa tabi ko parang nagulat na bigla bawi ng kamay under his towel tapos pagkita ko half na ng cp ko nakalabas sa bulsa. kaloka! tapos parang nashock ako di ako nakareact agad, bigla bumaba naman ng jeep yun mama.

2. Modus na nanghihingi ng pera -- twice ata ako nabiktima nito, eng-eng lang hehe. maawain kasi ako. first was, two kids sa ortigas, gabi papasok ako sa work may nadaanan ako bata babae tapos may kasama maliit na kapatid. nanghihingi ng pera kasi wala daw sila pamasahe pauwi. e naawa ako don sa bata maliit, what if totoo so binigyan ko ng 50.  tapos second was, sa crossing edsa, nag-aabang ako bus, may lumapit saken guy, nakacorporate attire. sabi nanakawan daw sya ng wallet so wala daw sya pamasahe, baka daw pwede huminigi konti tulong. sabi sakin don't worry di ako masamang tao wala lang talaga natira pera sakin. nagpakita pa ng id & kunin ko p daw cp # nya kung [textspeak!] ko para mabayaran nya daw ako. sabi ko hindi na, binigyan ko na lang sya ng 20, naisip ko baka totoo nanakawan,.

3. galing kami sunday service ng friend ko sa taft. pauwi na kami non, naglalakad kami. bigla may kumausap sa amin ng friend ko nagpakilala tapos sabi nakakahiya man hihingi sana sya ng tulong kasi nahold-up daw sya don kanina habang naglalakad. baka daw pwede makitext, tetext daw nya yun sis nya kasi may usapan daw sila magkikita & para magpasundo na lang daw sya. wala ako load that time yun friend ko ang meron, hesitant kami kasi baka kuhanin bigla cp nya & itakbo pag nilabas nya. napansin non guy yun hesitation namin so sabi nya harmless daw sya sabi nya Christian din daw sya (apparently, alam nya na may church don sa loob ng mall na pinanggalingan namin) & nagsite pa ng verses sa bible about helping those in need etc. tapos sabi nya since malapit kami sa SM manila, para daw maging kampante kami don daw kami sa loob ng mall para marami tao & di nya kami snatchan or something. so pumayag kami ni friend. pagdating sa mall si friend ko yun nagtext sa cp nya kasi syempre di kami tiwala ipahawak na lang basta sa stranger yun cp nya. e di nagrereply yun pinatext nya sabi namin uwi na kami. tapos nakiusap sya na baka pwede pahiramin na lang sya ng pamasahe, para matapos na nagbigay na lang ako 20 tapos nagbigay din yun friend ko. tapos non paalis na kami, sabi baka daw pwede makitawag sa cp e sabi ng friend ko di na kaya ng load pantawag, so sabi nya baka daw pwede hiramin yun cp magpapaload daw sya sa loob ng mall tapos papupuntahin daw nya yun sis nya don para mabayaran kami & sabi pa since mabait daw kami bibigyan daw nya kami ng cp kasi may nakita daw sya don sa taas na nakapromo na cp. nagkakatinginan na kami ng friend ko kasi iba na talaga yun napifeel namin. sabi namin di pwede & kelangan na namin umuwi, & pagpasensyahan nya na yun nakayanan namin tulong. tapos umuwi na kami. nakakaloka!

4. sumakay ako ng bus from ortigas, before ako bumaba sa stop & shop may umupo sa tabi ko na mama, standing na din sa loob ng bus kasi punuan.  non pumara ako yun nakaharang na 1 pa mama sa aisle ayaw tumabi halos sumigaw na ko deadma pa rin sya.  yun pala mula sa likod na row ng upuan nakuha na pala yun wallet ko sa bag ko. fortunately, 100 na lang ang laman ng wallet ko & wala pa ko cc non. ang nakasama lang na nawala is yung medicard ko. buti nga sa kanila. bwiset na mga yun!  >:( i'm sure nadisappoint sila na 100 lang ang nakuha nila, buti nga. hahaha

5. pauwi na ko non from work, actually malapit na ko, huminto yun jeep sa kanto nag-aantay ng pasahero. may sumakay na 2 babae sa tabi ko. yun katabi ko may folding na payong pero di sya nakafold. di ko napansin medyo nakaoverlap sa bag ko yun payong na hawak nya. eng-eng ako kasi  antok antok na ko non & medyo wala na sa huwisyo, nakatingin ako sa labas ng jeep. maya-maya non umaandar na yun jeep nagulat ako kasi parang may nalaglag sa lap ko or something so bigla tingin ako sa banda lap ko tapos nagulat yun katabi ko babae nakita ko parang bigla bawi yun kamay nya sa ilalim ng payong nya. non ko lang napansin na nakaoverlap payong nya sa bag ko. so na-de ja vu ako. chineck ko agad yun cp ko sa bag ko, kabibili ko lang non, & to my horror! wala ang cp ko sa bag! then naalala ko na parang may nalaglag kanina sa lap ko tapos ayun! ayun ang cp ko! walanghiya yun katabi ko magnanakaw pala! ayun bigla sila bumaba ng jip non kasama nya kahit umaandar. bwiset na mga babaeng yun!!  >:(

6. may nawitness na ko naslashan ng bag. papunta kami ng UP ng friends ko. sa jeep na patok yun 1 lalaking kasakay namin, busy sa kakadaldal ayun. may dala malaki duffel bag yun lalaki nakaoverlap sa bag nya. di naman namin sya masabihan kasi may dala matalas yun saka baka may mga kasabwat sa jeep. sinabi na lang namin agad non bumaba yun 2 lalaki. swerte naman hindi daw nakuha yun cp & wallet nya kasi nakabalot ng tshirt sa loob ng bag nya.

7. dura-dura gang -- kasama ko si momy sa jeep. nagpupuno yun jeep. may katapat kami babae (the victim). may katabi sya lalaki sa right nya (guy1), then may katabi ako lalaki sa left ko (guy2)  (magkatapat yun 2 guy). maya-maya sabi ni guy1 don sa girl, miss dinuruan ka nong naka-bike, ayun oh. napatingin naman ako sa labas ng jeep pati si momy. wala naman kami nakita nakabike sa labas. tapos ayun na nagstart na ang komosyon sa  jeep. si girl kawawa may dura sa hair & damit nya maplema pa (eeew!) si guy1 & guy2 mega sabi kay girl na ay kadiri naman yan, dali punasan mo  kuha ka ng panyo o tissue. si guy2 nagigitgit ako, e dala na ko madukutan sa bag, so lagi na mahigpit ang hawak ko sa bag ko & nakayakap ako sa bag ko. pinaurong ko na lang si momy ko para di na ako magitgit ni guy2. sabi ko pa sa momy ko ang OA naman ng concern nito sa girl. si girl naman ayun natataranta sa pagpunas ng dura sa kanya, kumuha ng panyo, inagaw pa ni guy2 sa kanya yun panyo at ito ang nagpunas kay girl na oa sa concern talaga, inaamoy amoy pa yun panyo sabi "ang baho, ang baho". tapos umandar na un jeep. e malapit lang yun babaan ko. weird na yun feeling ko non. tapos pagpara ko napatingin saken si guy2,feeling nya siguro napansin ko yun modus nila. bumaba ako. pagbabang pagbaba ko chineck ko agad bag ko kung may nawala kasi iba nga yun feeling ko, wala naman nawala. tapos bumaba din si guy 2 & lumakad palayo habang nakatingin saken. after a while nagulat ako at pinuntahan ako ni momy, she was supposed to go the market kaya nagtaka ko kung bakit nya ko pinuntahan. chineck nya daw kung ok ako kasi after ko bumaba ng jeep tinanong daw ni guy1 si momy kung kasama ako & sabi daw don sa girl nanakawan daw ito ng cp & pinapababa ng jeep yun girl para daw sundan yun kumuha ng cp nito. sabi ng momy ko hoy anak ko yon noh. buti daw di bumaba ng jeep yun girl kasi apparently nakuha ni guy1 sa bag yun cp & nahulog sa upuan, buti nakita non 1 pa babae na sakay ng jeep yun cp & tinanong si girl kung kanya yun. tapos bigla bumaba ng jeep si guy1. natakot daw si momy kasi baka daw balikan ako non 2 guys kasi alam nila kung saan ako bumaba. nakakaloka!  >:(



wowry

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #65 on: August 25, 2012, 06:37:29 am »
biktima na rin ako hay katakot talaga. i was on my way to work sa may bandang macapagal then pagstop ng cab ko sa traffic light biglang may sumulpot na 3 lalaki trying to open the door. i was shocked and helpless and the taxi driver was shocked too.thank God naka lock pati door ng driver otherwise:(
may experience na rin ako sa hypnotism na yan lalo na sa labas ng church.dati sa bulacan pumunta kami fiesta sa relatives then outside ng church may nag-ooffer ng flowers free daw kami naman ng sis ko uto uto kinuha hanggang sa hindi ko na alam bakit binigay ko lahat ng laman ng bulsa ko. then another fiesta sa laguna naman with my college friends. same strategy outside church lumapit ulit matanda samin nag aalok ulit free daw pero dahil alam ko na lumayo agad ako tapos mga friends ko paulit ulit ko sinasabihan manloloko yan at hinihila ko na pero ayaw na nila ayun nabigay din nila pera nila.
my friend was a victim din sa makati naman an old lady pretended to faint so she helped her then ayon habang tinutulingan niya un lola makatayo biglang tinangay ang LV niya wawa naman:(
sis ko naman recently lang nadukutan ng blackberry sa bus.
« Last Edit: August 25, 2012, 06:49:07 am by wowry »

ElegantSis

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #66 on: August 26, 2012, 02:16:31 pm »
some of our neighbors were victims of budol. :( felt bad for them.

ravena

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #67 on: August 27, 2012, 11:00:47 am »
dapat hindi pinapayagan ang black tint windows na kotse, di lang sa mga taxi dapat lahat ng kotse kahit nga may sticker dapat windows down pa din kasi hindi natin malalaman kung sino at ilan ang nakasakay sa sasakyan.

pinklilac

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #68 on: August 27, 2012, 11:11:32 am »
thanks mga sis  for sharing..at least magiging aware tayo sa mga modus ng  mga kriminal..

^ agree ako sayo.dapat talaga hindi tinted mga sasakyan dito.. sa hongkong alam ko hindi tinted kahit pa celebs nakasakay. minsan may nakita me local celebs nakasakay sa kotse nya kase nga not tinted..not sure lang if till now ganon pa rin..

ElegantSis

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #69 on: August 27, 2012, 12:48:54 pm »
RE: Taxi -- that's shocking... which part? Ayoko na dumaan diyan.

anirazc anasor

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #70 on: August 30, 2012, 05:41:15 pm »
has anyone heard the news where yung birthday party ng bata pinasok at hinold up yung mga tao at bisita?

grabe. even our houses are not that safe anymore!

eeekar

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #71 on: August 31, 2012, 08:55:39 am »
^ Wow. Katakot naman yun.

I know someone na nabiktima ng budol-budol.
I was just wondering kung pano sila nakapasok ng bank at nakapag-withdraw ng malaking halaga without anyone from the bank noticing it. May cctv ba lahat ng banks?

FoxyPhoenix

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #72 on: September 12, 2012, 03:38:21 pm »
Hi. My mom was a victim of budol-budol. I found out about this when I asked where her wedding ring was, she said na-hold up daw sya. Ayaw pa niyang aminin sa akin nung una, siguro nahihiya din sya sa nagnyari sa kanya. We have a small store near our house, everyday nandun si mama, may lumapit daw sa kanyang lalaki and sinabihan siya na kailangan niyang sumakay sa van, sumakay naman daw si mama, sa loob may 2 din daw na babae. Inutusan sila nung mga lalaki na tanggalin alahas nila and ibigay wallet. Umaandar daw yung van and paikot ikot lang daw sila sa area namin sa Pasig. Then after nilang makuha mga alahas and wallet, ibinaba din si mama malapit sa tindahan namin. Nagalit pa nga ako nung una sa mama ko nung kinuwento na niya sa akin, bakit kasi sumama siya at sumakay sa van. Pero ngayon naiintindihan ko na na naging victim siya ng budol-budol na nanghihypnotize ng tao. Ngayon pag naaalala ko yung nangyari kay mama, I'm very thankful na walang masamang nangyari sa kanya, at naawa din ako sa kanya kasi hindi dapat niya ma-experience tong mga ganto dahil senior citizen na siya and sadyang mabait na tao. Pinapasa-Diyos nalang namin yung gumawa nun sa mama ko.

ravena

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #73 on: September 12, 2012, 06:30:37 pm »
^ - na hypnotize silang 3 siguro? I encountered that before nung college ako pero hindi naman ako nahypnotize. after ng p.e. namin sa megamall diretso ako sa foodcourt. ako kasi lahat pinapansin ko kung sino dumadaan at nakakasalubong nung bago pa lang  pumasok napansin ko na yung 2 tao na nakatayo isang matanda at isang lalaki na mataba at malaki ang tiyan na magkasama. umupo na ako tapos nilabas ko yung cellphone ko na gray and black lang naman ang kulay na nakikita sa lcd para itext ko si mama na tapos na p.e. subject namin maya maya biglang lumapit yung matandang babae, hinanap ko yung kasama niya na umupo sa malayo, sa totoo lang, nung napatingin ako sa mga mata ng matanda natakot ako sa itsura niya disente naman siya manamit at pormal na bistida ang nagpatindig balahibo lang sa akin ay ang kaniyang mga mata hindi naman bulging eyes pero nanlilisig at lumalabas na yung mga ugat sa mata niya. nakakatakot talaga. hinihiram niya yung cellphone ko makikitawag daw siya, sabi ko naman, may mga payphones diyan malapit sa labasan ng foodcourt bakit hindi niyo gamitin? she kept on insisting hanggang sa nahirapan akong makatayo sa upuan ko kasi naawa na ako. pero dahil naiisip ko yung mga modus operandi at inisip ko yung payphones na gumagana naman, ah siguro masama intensyon nitong matandang 'to. naiinis ako sa sarili ko dahil hinintay ko pa yung mama ko, eh kasi, parang naaano ako makipag-usap sa matanda muntikan ko na din isiping ibigay ang cellphone ko nung oras na yon.


soLaris

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #74 on: September 13, 2012, 04:46:25 pm »
thank you for these infos fellow gtalkers. grabe na ngayon. usong -uso iyung bukas kotse gang, kasi iyung cousin ko habang traffic tapos umuulan, may 2 lalake pilit binubuksan iyung sasakyan.

pinklilac

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #75 on: September 14, 2012, 11:58:22 am »
^ true sis.. uso nga yan. kaya ako pag sakay pa lang sa taxi lock ko agad ang mga pinto..

wowry

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #76 on: September 19, 2012, 10:14:45 pm »
Ngayon naman may BIL is so worried for his mom kasi she's staying alone sa apartment nila sa Kamuning. Sabi kasi ng mga kapitbahay may nagmamanman daw na lalaki madalas sa apartment where my BIL's mom is staying. Natunugan siguro na magisa na lang ang matanda doon kasi before my sis and her kids doon nakatira so ngayong nalaman ng lalaki na yon na mag isa e kahit daw tanghaling tapat daw e nagmamanman ang guy so very worried sis and BIL ko kaya naghahanap na sila ng ibang apartment for her at baka samahan na ulit nila sa bahay. Nakakatakot na talaga ngayon.:(

yohan_louis

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #77 on: December 10, 2012, 04:12:11 am »
mga sis kwento ko lang experience ko kung budol  budol yong nag-approach sa akin last week. nakasakay ako ng jeep konti lang pasahero tapos may sumakay babae at lalaki. nagbayad ang babae dumikit sa akin tapos nagbayad din ang lalaki ibang lahi yata siya. tapos napansin ko yong girl na dikit na dikit sa akin eh maluwang naman ang jeep tapos bigla niya akong kinausap hingi daw siya ng favor kung pwede magpanggap kami na magkakilala kc yong lalaki kanina pa sunod ng sunod sa kanya at natatakot na daw siya. pumasok kaagad sa isip ko budol budol sila. ask niya ako kung saan bababa tpos sabi niya pareho daw kami ng bababaan. di daw naman siyang masamang tao natatakot lang daw siya. dahil maluwang pa ang jeep at vacant yong likod ng driver sabi ko punta siya don at sabihin ihinto sa may madadaanang pulis or ibaba siya sa hotel na madadaanan namin na maraming nagkalat na guard. ayaw pa niya nong una pero siguro napilitan dahil sabi ko sa kanya "wala naman akong magagawa para matulungan ka sa driver ka humingi ng tulong". pagkalapit niya sa driver bumaba na yong lalaki na sunod daw ng sunod sa kanya.

sa tingin niyo mga sis budol budol gang mga yon?

kiara_yao

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #78 on: January 09, 2013, 06:38:54 pm »
most of the time, mga helpers from agencies are the ones who steal from us.  when we are at home, we feel safe kasi kaya siguro nananakawan tayo.  sa office naman namin, talagang we have cctv for protection narin so that minsan, we can do spot check.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #79 on: January 09, 2013, 07:06:43 pm »
^ true itong hypnotize ek ek na to marami akong kilala relatives and friends na na victim grabe na talagas sa pinas normal na alng ang scam, holdap, snatch masacre ito na lang ang nasa news.. Ang malupitpa kahit my cctv walang pakialam ang mga kawatan tsk tsk

 

Latest Stories

Load More Stories
Close