may mga experiences na din ako sa mga modus-modus na yan.
1. High school ako non, PUPLHS, on my way to school, may nakatabi ako matanda lalaki may dala malaki towel. 5110 cp ko non, during dat time bongga na din pag 5110 ka. ugali ko non pag sumasakay ako ng jeep, hinaharang ko yun arm ko sa gilid ko pra maharangan yun bulsa ng palda ko since don ko nilalagay yun cp ko. e napuno yun jeep so napilitan ako alisin yun arm ko sa gilid ko. then yun katabi ko mama, nag-overlap sa palda ko yun towel nya. then parang meron ako kakaiba feeling na parang may munting paggalaw sa bulsa ko tapos pagtingin ko sa banda bulsa ko nakita ko nahulog sa upuan yun cp ko, so kinuha ko agad & binulsa ko. e wala pa ko muwang non sa mga modus-modus na yan so baka kako dumulas sa bulsa ko since madulas naman talaga tela ng palda ko. tapos maya-maya ayun na naman yun kakaiba feeling tapos bigla lingon ako sa bulsa ko. nakita ko yun mama sa tabi ko parang nagulat na bigla bawi ng kamay under his towel tapos pagkita ko half na ng cp ko nakalabas sa bulsa. kaloka! tapos parang nashock ako di ako nakareact agad, bigla bumaba naman ng jeep yun mama.
2. Modus na nanghihingi ng pera -- twice ata ako nabiktima nito, eng-eng lang hehe. maawain kasi ako. first was, two kids sa ortigas, gabi papasok ako sa work may nadaanan ako bata babae tapos may kasama maliit na kapatid. nanghihingi ng pera kasi wala daw sila pamasahe pauwi. e naawa ako don sa bata maliit, what if totoo so binigyan ko ng 50. tapos second was, sa crossing edsa, nag-aabang ako bus, may lumapit saken guy, nakacorporate attire. sabi nanakawan daw sya ng wallet so wala daw sya pamasahe, baka daw pwede huminigi konti tulong. sabi sakin don't worry di ako masamang tao wala lang talaga natira pera sakin. nagpakita pa ng id & kunin ko p daw cp # nya kung
[textspeak!] ko para mabayaran nya daw ako. sabi ko hindi na, binigyan ko na lang sya ng 20, naisip ko baka totoo nanakawan,.
3. galing kami sunday service ng friend ko sa taft. pauwi na kami non, naglalakad kami. bigla may kumausap sa amin ng friend ko nagpakilala tapos sabi nakakahiya man hihingi sana sya ng tulong kasi nahold-up daw sya don kanina habang naglalakad. baka daw pwede makitext, tetext daw nya yun sis nya kasi may usapan daw sila magkikita & para magpasundo na lang daw sya. wala ako load that time yun friend ko ang meron, hesitant kami kasi baka kuhanin bigla cp nya & itakbo pag nilabas nya. napansin non guy yun hesitation namin so sabi nya harmless daw sya sabi nya Christian din daw sya (apparently, alam nya na may church don sa loob ng mall na pinanggalingan namin) & nagsite pa ng verses sa bible about helping those in need etc. tapos sabi nya since malapit kami sa SM manila, para daw maging kampante kami don daw kami sa loob ng mall para marami tao & di nya kami snatchan or something. so pumayag kami ni friend. pagdating sa mall si friend ko yun nagtext sa cp nya kasi syempre di kami tiwala ipahawak na lang basta sa stranger yun cp nya. e di nagrereply yun pinatext nya sabi namin uwi na kami. tapos nakiusap sya na baka pwede pahiramin na lang sya ng pamasahe, para matapos na nagbigay na lang ako 20 tapos nagbigay din yun friend ko. tapos non paalis na kami, sabi baka daw pwede makitawag sa cp e sabi ng friend ko di na kaya ng load pantawag, so sabi nya baka daw pwede hiramin yun cp magpapaload daw sya sa loob ng mall tapos papupuntahin daw nya yun sis nya don para mabayaran kami & sabi pa since mabait daw kami bibigyan daw nya kami ng cp kasi may nakita daw sya don sa taas na nakapromo na cp. nagkakatinginan na kami ng friend ko kasi iba na talaga yun napifeel namin. sabi namin di pwede & kelangan na namin umuwi, & pagpasensyahan nya na yun nakayanan namin tulong. tapos umuwi na kami. nakakaloka!
4. sumakay ako ng bus from ortigas, before ako bumaba sa stop & shop may umupo sa tabi ko na mama, standing na din sa loob ng bus kasi punuan. non pumara ako yun nakaharang na 1 pa mama sa aisle ayaw tumabi halos sumigaw na ko deadma pa rin sya. yun pala mula sa likod na row ng upuan nakuha na pala yun wallet ko sa bag ko. fortunately, 100 na lang ang laman ng wallet ko & wala pa ko cc non. ang nakasama lang na nawala is yung medicard ko. buti nga sa kanila. bwiset na mga yun!

i'm sure nadisappoint sila na 100 lang ang nakuha nila, buti nga. hahaha
5. pauwi na ko non from work, actually malapit na ko, huminto yun jeep sa kanto nag-aantay ng pasahero. may sumakay na 2 babae sa tabi ko. yun katabi ko may folding na payong pero di sya nakafold. di ko napansin medyo nakaoverlap sa bag ko yun payong na hawak nya. eng-eng ako kasi antok antok na ko non & medyo wala na sa huwisyo, nakatingin ako sa labas ng jeep. maya-maya non umaandar na yun jeep nagulat ako kasi parang may nalaglag sa lap ko or something so bigla tingin ako sa banda lap ko tapos nagulat yun katabi ko babae nakita ko parang bigla bawi yun kamay nya sa ilalim ng payong nya. non ko lang napansin na nakaoverlap payong nya sa bag ko. so na-de ja vu ako. chineck ko agad yun cp ko sa bag ko, kabibili ko lang non, & to my horror! wala ang cp ko sa bag! then naalala ko na parang may nalaglag kanina sa lap ko tapos ayun! ayun ang cp ko! walanghiya yun katabi ko magnanakaw pala! ayun bigla sila bumaba ng jip non kasama nya kahit umaandar. bwiset na mga babaeng yun!!
6. may nawitness na ko naslashan ng bag. papunta kami ng UP ng friends ko. sa jeep na patok yun 1 lalaking kasakay namin, busy sa kakadaldal ayun. may dala malaki duffel bag yun lalaki nakaoverlap sa bag nya. di naman namin sya masabihan kasi may dala matalas yun saka baka may mga kasabwat sa jeep. sinabi na lang namin agad non bumaba yun 2 lalaki. swerte naman hindi daw nakuha yun cp & wallet nya kasi nakabalot ng tshirt sa loob ng bag nya.
7. dura-dura gang -- kasama ko si momy sa jeep. nagpupuno yun jeep. may katapat kami babae (the victim). may katabi sya lalaki sa right nya (guy1), then may katabi ako lalaki sa left ko (guy2) (magkatapat yun 2 guy). maya-maya sabi ni guy1 don sa girl, miss dinuruan ka nong naka-bike, ayun oh. napatingin naman ako sa labas ng jeep pati si momy. wala naman kami nakita nakabike sa labas. tapos ayun na nagstart na ang komosyon sa jeep. si girl kawawa may dura sa hair & damit nya maplema pa (eeew!) si guy1 & guy2 mega sabi kay girl na ay kadiri naman yan, dali punasan mo kuha ka ng panyo o tissue. si guy2 nagigitgit ako, e dala na ko madukutan sa bag, so lagi na mahigpit ang hawak ko sa bag ko & nakayakap ako sa bag ko. pinaurong ko na lang si momy ko para di na ako magitgit ni guy2. sabi ko pa sa momy ko ang OA naman ng concern nito sa girl. si girl naman ayun natataranta sa pagpunas ng dura sa kanya, kumuha ng panyo, inagaw pa ni guy2 sa kanya yun panyo at ito ang nagpunas kay girl na oa sa concern talaga, inaamoy amoy pa yun panyo sabi "ang baho, ang baho". tapos umandar na un jeep. e malapit lang yun babaan ko. weird na yun feeling ko non. tapos pagpara ko napatingin saken si guy2,feeling nya siguro napansin ko yun modus nila. bumaba ako. pagbabang pagbaba ko chineck ko agad bag ko kung may nawala kasi iba nga yun feeling ko, wala naman nawala. tapos bumaba din si guy 2 & lumakad palayo habang nakatingin saken. after a while nagulat ako at pinuntahan ako ni momy, she was supposed to go the market kaya nagtaka ko kung bakit nya ko pinuntahan. chineck nya daw kung ok ako kasi after ko bumaba ng jeep tinanong daw ni guy1 si momy kung kasama ako & sabi daw don sa girl nanakawan daw ito ng cp & pinapababa ng jeep yun girl para daw sundan yun kumuha ng cp nito. sabi ng momy ko hoy anak ko yon noh. buti daw di bumaba ng jeep yun girl kasi apparently nakuha ni guy1 sa bag yun cp & nahulog sa upuan, buti nakita non 1 pa babae na sakay ng jeep yun cp & tinanong si girl kung kanya yun. tapos bigla bumaba ng jeep si guy1. natakot daw si momy kasi baka daw balikan ako non 2 guys kasi alam nila kung saan ako bumaba. nakakaloka!
