Literally LOLed sa mga stories here, mga kwentong balot, hakot ng guests at kung ano ano pa, sooooo Pinoy na lahat na ata nawitness ko. Thank goodness, hinde naman kami pinalaking ganyan maski we aren't born with a silver spoon. Here are my list of horror guests:
1.) Yung pag nagparty sa house mga Tita/Tito namin, LAHAT ata ng kapitbahay imbitado din, akala namin minsan for our family yung gatherings, like get together/reunion ng Pasko and New Year so obliged lahat magdala ng food for potluck tapos imbitado nila mga kapitbahay nila and relatives sa kabilang side, like really???
2.) Sa balot and hakutan, wala pa naman ako personal experience ng nakakagalit, puro nakakatawa lang na nawitness ko like last Friday lang umattend kami ng Husband ko ng Christmas party, we're based abroad, in fairness apaw naman ang foods dito, to the point na talagang common practice na magbalot after, hosts pa nagbabalot for the guests kesa masira nga naman eh wala naman kami sa Pinas na sa kapitbahay mo palang ubos na handa mo, pero nawindang kami sa 1 Colleague ng husband ko, yung tirang food sa table kinalahati nya, 1 buong cake inuwe, kaloka! Hahaha! Natawa kami ng bongga, ayy gutom si Ate good for one week ang balot.
3.) Pet peeve ko yang magcoconfirm na aattend tapos biglang hinde. Or last minute magka cancel.
4.) Mga mahaderang "Tita" "Tito" na nakabusangot buong party, hinde ito lamay, konting smile naman.
5.) Pintasera Queen and King tho guilty din dito parents ko haha, lalo na if hinde tender ang meat at sobrang alat ng food. Madami din ako relatives na ganito. LOL
6.) Nung wedding namin last April, may invited kami couple na di man lang nagpaalam bago umalis, as in kumain lang ata, sad part, yung lalake isa sa entourage and close friend ng Husband ko. Medyo may bad blood talaga kami sa GF nya, kaya din siguro di na kinaya umalis na sila maaga haha!
7.) Ok lang sakin yung walang gift whatsoever, pero yung di ka man lang lumapit sa Host, bumati and magpasalamat, sobrang ill mannered ng mga ganyan.
8.) Yung mga walang kalatoy latoy na guests, na di naman nakasimangot pero puro phones ayaw maki mingle, either sobrang nahihiya or tamad, ayaw makisali sa games maki chit chat sa ibang guests. So nagpunta ka lang para kumain?
9.) Mga relatives na inimbitahan mo na nga, nakuha ka pa pagbulungan at pagchismisan habang andon ka mismo.

Ilang beses ko na yan naexperience mga asawa ng Tito ko so basically di ko naman kadugo, maguusap sa language nila paguusapan parents ko, habang nasa pamamahay pa namin. Kung wala lang ako manners, ayoko lang din ng drama at gulo. Sarap patulan na minsan.
10. ) At syempre yung mga akala mo super ok kayo, then after ng party kung ano man di nila nagustuhan ichichismis sa mga kamaganak or friends na di nakapunta haha!