Author Topic: Horror Guests  (Read 65961 times)

mahc

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
Re: Horror Guests
« Reply #380 on: October 24, 2018, 08:53:59 am »
Sana mag-level up na din tayo sa mga ganitong situations noh, I mean, how difficult ba para magdecline politely sa invitation. Personally, whenever maimbitahan kami sa mga celebrations, we try to show up talaga, kasi I value yung thought na sa dami friends nila, napili kami to witness a special occasion. Yung gift, MUST din yan sa akin. Idk, parang ang awkward lang pag wala ka maiabot. hehe. And kung di ko talaga mapuntahan (example: kiddie party ng Tuesday @2pm), I tell them straight away para ma-accommodate nila ibang guests. Hindi yung pabebe na "try namin pumunta".

Feeling ko kasi yang mga mahilig sa no-show, last minute "excuses", mga never nag-organize ng parties kaya di nila vina-value ang effort ng host.

At ayoko din ma-tag na horror guest, hahaha!

As a host naman, whether may gift o wala, okay lang sa akin. Basta gusto ko yung G na G pag party games na para masaya  :)

kaythrielle

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 518
Re: Horror Guests
« Reply #381 on: October 26, 2018, 05:26:22 am »
Sa mga pinoy birthday parties lang yata na pag nag-invite ng classmates and friends, buong pamilya kasama. Lol
Napansin ko kasi when we were in Singapore, and now here in Canada, kapag may birthday party, usually the parents just drop off their kids and leave. Tapos babalik nalang sila when it is time to pick up their kids.



Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2127
Re: Horror Guests
« Reply #382 on: October 27, 2018, 07:59:54 am »
^sa akin naman ok lang kasama parents pero sana naman if ever nag agree na pupunta sana dumalo di un parang last minute magbabago isip. Parang no respect at all talaga sa iba. Mas gusto nila un respect na gumagamit ng po at opo, ate/kuya, madam/sir. Though there's nothing wrong with that naman kaso dapat sa action nakikita rin.

rics

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1153
Re: Horror Guests
« Reply #383 on: July 14, 2019, 08:12:06 am »
A friend whom I have invited to attend my birthday party asked me "ano oras matatapos ang party?" She didn't mention anything else.

I just answered 8pm, although normally, and she has attended 2x already a get together dinner at our house so she should know, that guests normally go home past midnight.

I just find it weird that she would ask without any explanation at all. Had this notion that she and her family plan to come late like she normally does. The last time she was invited, her response was "wala na ba kayong alam gawin activity tuwing weekend?"  Will not invite her ever again
-- If the only prayer you say in your life is "Thank you Lord," that would suffice. --

KVsWahmmy

  • Wonder Wahmmy and
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 727
  • I believe happiness is a choice. :)
Re: Horror Guests
« Reply #384 on: July 25, 2019, 01:46:39 pm »
Kailan kaya matututo ang mga Pinoy na magreply sa RSVP request ng party host ano? Kalurks.  We recently attended a kid's birthday party and we had 'friends' na imbitado din and they wouldn't even bother to RSVP up to the last minute and when we asked them before the party their only answer was 'malayo pa naman'.  Di pa din nila gets yung purpose ng RSVP.

Also at a recent wedding we attended...kalurks pa din yung mga guests na di marunong sumunod sa seat assignments. We had to stand around for like 20 minutes dahil yung assigned table sa amin eh kinuha ng iba. Mahina lang din talaga yung coordinator kasi they lost control of the situation, and hindi nila keri magpatayo ng mga tao sa upuan.  Di talaga nagpatinag yung mga nasa wrong table kahit inannounce na over the mic na sana sundin daw seat assignments. :D
Everyday is worth waking up for :)

airish_2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1696
  • You must do the things you think you cannot do.
Re: Horror Guests
« Reply #385 on: July 25, 2019, 03:42:27 pm »
The last time she was invited, her response was "wala na ba kayong alam gawin activity tuwing weekend?"  Will not invite her ever again

Ay! Grabe! May hugot si friend mo baka wala na siya pang regalo. 😂
We don't need more laws, we need implementation.

exquisitegem

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 983
  • Be Bold or Italic. Never Regular.
Re: Horror Guests
« Reply #386 on: July 25, 2019, 05:33:35 pm »
Agree on some people not having the decency to respond on or before the RSVP due date. Kasi the party host needs to finalize the headcount so that they can accommodate those that are shortlisted sana. Haist these people! May hugot ako ngayon kasi sa Vikings ang venue ng 1st birthday ng baby ko and we reserved 100 guests. May mga hindi pa nagconfirm despite few reminders sent already.
« Last Edit: July 25, 2019, 11:19:09 pm by exquisitegem »

kaythrielle

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 518
Re: Horror Guests
« Reply #387 on: July 26, 2019, 01:14:05 am »
Baka dapat ilagay sa invitation na mag-RSVP until a specific date. And if they did not get back to you then, it is considered a no show and they will not be counted na. 
Tapos reminder before the end date, if wala pa rin, sorry na lang sa kanila.

rics

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1153
Re: Horror Guests
« Reply #388 on: July 26, 2019, 03:27:50 am »
Actually, she replied that they will come, pero mala-late daw sila, which I was expecting  ;D. The last party that we were invited together, she didn't go, because nga of "wala na daw ba kaming alam gawing iba" thought of hers. As if naman every weekend may get together kami pinupuntahan.

Ay! Grabe! May hugot si friend mo baka wala na siya pang regalo. 😂

RSVP - pwede ilagay that non confirmation of attendance on or before ____ will not be allowed to the party venue. After make a follow-up email/text mentioning that since the time to confirm attendance has lapsed, it is understood that you are will not be attending the party (something to that effect)

-- If the only prayer you say in your life is "Thank you Lord," that would suffice. --

exquisitegem

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 983
  • Be Bold or Italic. Never Regular.
Re: Horror Guests
« Reply #389 on: July 26, 2019, 01:44:37 pm »
Baka dapat ilagay sa invitation na mag-RSVP until a specific date. And if they did not get back to you then, it is considered a no show and they will not be counted na. 
Tapos reminder before the end date, if wala pa rin, sorry na lang sa kanila.

Yup, nakalagay naman. Kaya Horror Guests talaga. These are kamaganaks din kasi. Kaya ang hirap. On our wedding, may mga hindi rin nagrespond, we assumed they're not coming pero pumunta sila. Good thing may buffer kami.
Itong bday party naman, same ulit. May specific date naman and follow ups. Kaya nakakaloka!
« Last Edit: July 26, 2019, 01:48:07 pm by exquisitegem »

winkar22

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 363
Re: Horror Guests
« Reply #390 on: July 27, 2019, 12:18:39 am »
^ Wala kasi sa culture natin ang RSVP. Yan din naging dilemma ko nung kasal namin. And mostly sa kamag-anak din yung mga issue ko. Meron pa nga nagsabi last minute then may driver pa daw na kasama plus jowa nung anak nya na never ko pa na-meet. OMG. Na-stress ako.  :o

Kaya for the birthday naman ng baby namin. We decided na sa Jollibee na lang. Gusto ko din sana magpa-cater kaso naisip ko nanaman ang RSVP (since magiging pricey per head if catered). Jollibee na lang para less hassle. Ayoko na ma-stress. Haha!

exquisitegem

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 983
  • Be Bold or Italic. Never Regular.
Re: Horror Guests
« Reply #391 on: August 06, 2019, 12:02:24 am »
Just done with my lo's 1st birthday last Friday. We reserved 100 pax at Vikings SM Jazz, 91 yung count ng adults dumating plus 15 kids, sakto. And may mga pumunta na hindi nagconfirm. Good thing at isinama na namin sila sa count. Hayst!

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2192
Re: Horror Guests
« Reply #392 on: September 16, 2019, 06:37:21 pm »
Nakasanayan na rin kasi nating mga pinoy ang nagbibitbit kahit pa kasing laki ng invitation card ang note ng number of guest invited. So for me hindi na big deal pero yung nagtatake-out ang medyo off sa akin lalo na kung may inaasahan ka pang bisita. 

One time nagluto ako for small get together with my cousins nung umuwi ako sa province namin so i expected mga 20 or less lang sila which is tama ako, i prepared some my specialties for them to try, then habang kumakain kami nagulat ako sunod sunod mga pumasok sa bahay nanggaling sa likod puro kalalakihan pa hindi ko naman kakilala as in napuno ang table kuha sabay labas then another batch kuha then labas sa likod. Tinanong ko kapatid ko saan galing, tinawag daw ng Tiyuhin ko yung isang pamangkin niya na nakatambay then nagsunuran daw lahat. Honestly nung una mas nashock ako kesa sa nainis, nag alala pa ako na baka di magkasya sa kanila 😄 then later on tsaka ako nainis kasi nainvade privacy namin, then after that nawala naman inis ko, inisip ko nalang at least nakatry mga tambay sa amin ng ibang luto kaya tinawanan nalang namin.

Me naman as the side of guest, our family once was invited sa wedding four of us then sinama ko ang nanay ko, Juan Dela cRuz Family ang mentioned sa invites but the parents of the groom personally invited my mom naman kasi, inassume ko nalang na hindi lang nasama sa list. Ayaw ko rin naman iwan sa bahay ang nanay ko then kami nasa party since kaibigan naman niya yung parents ng groom. And hindi naman sa pagmamayabang, super big cash ang regalo namin sa groom since masyadong generous si hubby pagdating sa kamag anak niya.  So sabi ko nga pinapalampas ko nalang din pag isa or dalawa lang ang plus lalo na kung parents kasi ako mismo gusto ko sinasama ang nanay ko. 😄

hisana

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1632
Re: Horror Guests
« Reply #393 on: September 16, 2019, 10:00:12 pm »
Regarding occasions that involve several members of the family, kung nasa probinsya, my parents and relatives expect and prepare na talaga for a lot of extra people attending, kaya sanay na sila maghandle. Tulong tulong naman sila to accommodate everyone kaya manageable.

If sa manila naman ang event, usually kaming mga kids and cousins ang in charge, theres often long and careful planning involved kahit simpleng party lang yan haha, and strict ang ate ko and a few other cousins sa ganito to the point of being anal about it. Invitations and instructions are clear, and they follow up on you, so no excuse. Baka matarayan lang yung mga pasaway.

Contrasting talaga.

FayeP

  • mom of three boys and a princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2087
  • life's good! praise the Lord!
Re: Horror Guests
« Reply #394 on: September 17, 2019, 12:50:38 am »
this happened a week ago lang kasi nagpapatry sa 7th bday ng anak nya ang kumare ko...invited kaming ibang kumare..ang siste, yun ibang guests ng ate nya, di pa nga tapos yun party, pinagkukuha na yun mga malilit na wodden footstools na giveaway sana ng kumare ko sa parents ng classmates ng anak nya...bilang lang kasi yun at since para talaga yun sa mga co-parents nya, iba dapat dun sa mga guests na tulad namin...di sila naghintay di pa tapos yun party...

"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5738
Re: Horror Guests
« Reply #395 on: September 17, 2019, 06:23:36 am »
^Laging ganyan eksena namin. Kami yung legit na invited pero kami yung walang naiuuwing give away. Pero ok lang naman kung minsan iisipin mo dagdag na kalat lang din.

Siguro ang isang experience na ikinainis ko talaga sa kapitbahay namin, bday ng pamangkin ko. Naglalagay palang kami ng lobo. Hindi pa nagsisimula yung party hinihingi na yung malaking lobo kung saan nakasabit yung banner. Ang nakakaloka pa dun sabi kuya, uy akin nalang itong lobo na malaki a.
Hindi pa kami umuoo kinakalas niya na sa tali yung lobo. Ang kapal lang.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

 


Latest Stories

Load More Stories
Close