Naku, mukhang common naman ata ang 'horror guests ko'
1/ First death anniversary ng papa ko, mga kapitbahay namin, kaunti ang kasama sa dasalan, then nung kainan na, ang dami nila dumating. As in! At sinama pa nila bisita, mga borders nila sa bahay. Di lang isa naming kapitbahay ang gumawa noon. So yung tunay na bisita ng nanay ko, wala na mapwestuhan kasi yung mga kapitbahay namin at bisita nila, ayaw pa umalis sa hapag-kainan, haha. Nahiya nga mama ko sa mga kaibingan nya. Wala na sila mapwestuhan, naubusan pa ng pagkain Haha!. Nakulangan kami ng pagkain, so nagpabili na lang mama ko ng pagkain sa labas.
2/Yung mga makapag take out wagas. Haha! Eh may kakain pang iba.
3/Then yung magsasabi na pupunta, di naman at nagpa reserve pa ng X seats.
4/Ito ewan ko kung horror ito, pero nung binyag ng baby ko, per plate ang binayaran namin pero yung set-up ng serving ng food is buffet style and may waiter na nag-a-allot ng food. Good for 70 yung binayaran naming food, then guests namin around 65 ang dumating so confident ako na enough naman ang food.
Pero nagkaubusan ng food at humihingi pa ng additional food ang mga kamag-anak ni hubby kasi nagugutom pa daw sila. Tinanong ko yung mga waiters kung bakit naubos yung food at nakulangan, may extra plate naman na 5.Ang sabi nila, yung mga nauna daw kasi sa pila, nalagyan na ng plate nila ng food, pero nagsandok pa ulit ng napakadami nung binitawan ng ng-s-serve yung sandok. Di na daw nila napigilan. Actually, nagdagdag na daw sila ng free extra rice at ulam. Taob daw kusina nila. At alam ko ang mga nauna sa pila ay mga kamag-anak ni hubby (tita, mga half-sisters nya, wala na syang parents).
Tapos sabi nung SIL ko kung pwede daw umorder kami ng food pa, kasi nagugutom pa daw anak nya. So tinanong ko waiter, magkano kung magd-dagdag kami. 4000+ daw para sa isang serving ulit good for 6. Di na ako pumayag kasi it's too much. . So sabi ko sa waiters, sige yung food na para sa amin sana, bigay nyo na lang sa kanila. In the end, sa binyag ng anak namin, my hubby and I -- tubig lang ang nainom sa hinanda namin.
Actually, inisip ko pa na baka nga kaunti lang talaga ang food per plate ng restaurant, pero nakita ko sa mga bisita namin na friends namin, mukhang enough naman ang food kasi may natira pa nga sa plate nila. Hahaha!