watch now

Author Topic: Horror Guests  (Read 91152 times)

samtorini

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #220 on: July 28, 2015, 03:22:40 pm »
Naku, mukhang common naman ata ang 'horror guests ko'

1/ First death anniversary ng papa ko, mga kapitbahay namin, kaunti ang kasama sa dasalan, then nung kainan na, ang dami nila dumating. As in! At sinama pa nila bisita, mga borders nila sa bahay. Di lang isa naming kapitbahay ang gumawa noon. So yung tunay na bisita ng nanay ko, wala na mapwestuhan kasi yung mga kapitbahay namin at bisita nila, ayaw pa umalis sa hapag-kainan, haha. Nahiya nga mama ko sa mga kaibingan nya. Wala na sila mapwestuhan, naubusan pa ng pagkain Haha!. Nakulangan kami ng pagkain, so nagpabili na lang mama ko ng pagkain sa labas.

2/Yung mga makapag take out wagas. Haha! Eh may kakain pang iba.

3/Then yung magsasabi na pupunta, di naman at nagpa reserve pa ng X seats.

4/Ito ewan ko kung horror ito, pero nung binyag ng baby ko, per plate ang binayaran namin pero yung set-up ng serving ng food is buffet style and may waiter na nag-a-allot ng food. Good for 70 yung binayaran naming food, then guests namin around 65 ang dumating so confident ako na enough naman ang food.

Pero nagkaubusan ng food at humihingi pa ng additional food ang mga kamag-anak ni hubby kasi nagugutom pa daw sila. Tinanong ko yung mga waiters kung bakit naubos yung food at nakulangan, may extra plate naman na 5.Ang sabi nila, yung mga nauna daw kasi sa pila, nalagyan na ng plate nila ng food, pero nagsandok pa ulit ng napakadami nung binitawan ng ng-s-serve yung sandok. Di na daw nila napigilan. Actually, nagdagdag na daw sila ng free extra rice at ulam. Taob daw kusina nila. At alam ko ang mga nauna sa pila ay mga kamag-anak ni hubby (tita, mga half-sisters nya, wala na syang parents).

Tapos sabi nung SIL ko kung pwede daw umorder kami ng food pa, kasi nagugutom pa daw anak nya. So tinanong ko waiter, magkano kung magd-dagdag kami. 4000+ daw para sa isang serving ulit good for 6. Di na ako pumayag kasi it's too much. . So sabi ko sa waiters, sige yung food na para sa amin sana, bigay nyo na lang sa kanila. In the end, sa binyag  ng anak namin, my hubby and I -- tubig lang ang nainom sa hinanda namin.

Actually, inisip ko pa na baka nga kaunti lang talaga ang food per plate ng restaurant, pero nakita ko sa mga bisita namin na friends namin, mukhang enough naman ang food kasi may natira pa nga sa plate nila. Hahaha!

LGV

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #221 on: July 28, 2015, 03:49:08 pm »
Im not sure if considered ito pero bukod sa mga bwiset na magcoconfirm na hindi pupunta or vice versa at yung mahilig magtake out pati mga fusction sa resto and hotel. Naiinis din ako sa mga nagsasama ng yaya sa mga binyag, kasal and the likes. Okay lang sa childrens party kasi nagsasama din ako pero nagpapaalam ako kung okay lang. Pero yung kasal huwag naman haha!

bk

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #222 on: July 28, 2015, 05:13:26 pm »
Natatawa na lang ako sa mga nababasa ko dito. Relate much! Lalo na yung mga naghohoard ng food. Parang normal na lang sa min makaencounter yun. Pero yung sa mga handaan sa tito/tita ko exag talaga...everytime may handaan sa kanila ubos agad pagkain. Paano ba naman kahit niluluto pa lang nakaabang na agad mga kapitbahay. As in pagkalutong-pagkaluto, umuusok pa...hindi pa naaahon sa talyasi at nalalagay sa food tray/pan kanya-kanya na silang sandok sabay lagay sa mga dala nilang lagayan. My goodness! Hindi naman nila mapigilan kasi usually sila yung mga taga squatters na malapit sa kanila. Everytime malaman nila may handaan it'll spread like wildfire at magsusulputan na sila sa bahay. Kaya ngayon ang ginagawa na sa bahay na namin niluluto lahat since one tricycle away kami sa kanila so hindi naman na siguro dadayo sa min mga kapitbahay nila. Tapos pag naluto na ihahatid na sa bahay ng tito/tita ko yun food at dapat may server. Pero pagdating dun marami pa rin nagbabalot pero at least nakarating na muna sa lagayan at lamesa yun food bago sila nakapagbalot. Nakakainis talaga pero itinatawa ko na lang. Hahaha!

cupcakejane

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #223 on: July 28, 2015, 10:51:15 pm »
Natawa naman ako sa mga nababasa ko dito.  Wala pa naman akong na-experience na naguuwi ng food in my parties, yung yaya reliever ko lang yung gustong mag uwi ng food.  When she told me about this, "Dami pang food natira, gusto ko nga sana mag uwi nahiya lang ako." I told her nakakahiya talaga yan kasi hindi natin yan party, we shouldn't bring home food.

What I dislike about having parties is when you text people and they don't confirm whether pupunta or not.  Sana common courtesy lang naman that we are spending so much money with catering and styling tapos sasayangin lang nila by not going.  Nakakahiya naman kung kulangin ang food, so I always make it a point to really make sure may sobra instead na kulang.

Ayaw ko din when I invite someone they magdadala pa ng guest.  I only invited you for a reason, it's not as if I am requiring you to give a gift tantamount to what I am spending for the party so please lang.

All in all, I'm probably just not an in-born hostess :)  I do not like having parties in the house or in the office. I get stressed easily with invitations and making sure guests are happy.  Too much stress with minimal to no pasasalamat.


Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #224 on: July 30, 2015, 07:47:21 am »
bk Naalarma ako bigla dyan sa kwento mo kasi I will be having event next week na. Kasi the Lola of my hubby is requesting pa to invite someone else na wala sa plano and meron namang isang request na kahit hindi kumain gusto niya papuntahin inside the venue. For all I know yung isang nirerequest niya is taga squatter tapos parati naman kinekwento nitong Lola yung bad side like nirereklamo niya na kawatan or kung ano pa. So what is the sense na imbitahan ko yun inside the venue? And I don't like the attitude of this Lola kapag nakakasama niya yung particular person na yun. So sabi ko talaga WAG NA LANG! I am hoping na may guard yung venue and bibigay ko sa kanya list of names dahil ayaw ko magkaroon ng horror guests. The Lola is that one who is particular in terms of respect then she should respect me too. Hirap na hirap na nga kami mag invite ng ibang kamag anak eh tapos itong Lola kung sino sino pa gusto isingit.

pinklilac

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #225 on: July 30, 2015, 06:55:38 pm »
May naalala ako.wedding ng sister ko.
Sa resto ang reception. May kababata kame ng sis ko na flower girl ang daughter na inaanak ni sis.
Eh ang nanay ni kababata makapal ang mukha ..jusko! Akalain nyong buong table occupied nila.10 per table..
ang horror doon, ni wala man lang gift. .
I mean, kakahiya na nga yung buong angkan nag attend mas lalong nakakahiya na hindi man lang nag abala mag regalo...


Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #226 on: August 16, 2015, 01:43:34 pm »
Unfortunately now ko lang nalaman na may 1 horror guest pala kami ni hubby and it was the Uncle of my hubby as in yung close pa. Late na siyang dumating sa event tapos nagtira pala siya sa plate niya ng pagkadami dami. I just told my hubby na sana pala pinatake out yun tapos pinauwi sa kanya kasi may styro naman. Gawain niya kasi magtira kahit sa bahay, so it made me think now na nananadya siya sa pagtitira niya o pagsasayang ng pagkain since he is well known naman as rebelde sa family. So siempre it is also offensive on my part na ganun ang ginawa niya hindi lang siempre sa pamangkin niya na hubby ko kundi siempre sa asawa naman ng pamangkin niya diba? Tapos ang issue pa rito parating nangungutang sa hubby ko na good thing hindi na pinapautang ng hubby ko and I forced him too na kahit makaluwag kami hindi na pwedeng pautangin ni hubby lalo na ngayon siempre may family na at priority kami ni hubby.

Now I am thinking na, I will force my hubby not to invite him anymore because of his attitude and that is the issue. I know it for a fact na Tito niya yun kamag anak and all pero kung may attitude then why should I bother na pagtyagaan siya?

Yung iba naiintindihan ko pa na nagkaroon ng tira kasi sila kumakain ng tira ng mga anak nila. Mahirap rin naman yun. Pero alam ko talaga kung sino ang nananadya na gawin yun.

ehlabart

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #227 on: January 26, 2016, 12:43:17 am »
did you also experience na maindian ng bff mo at some friends and relatives na nagconfirm pero no call, no show? yung feeling na wala ka gaanong guest to think na ang expected guest mo e 100, wala pa yata 50 dumating... at worst e wala namang bagyo at center naman ang venue. Grabe! ang sama sama loob ko until now..

coco_cola

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #228 on: January 26, 2016, 05:42:31 pm »
During our wedding, we invited my relatives. 3 pax sila sa invitation. Eh they can't come, which is okay lang naman. Naghanap ba naman ng kapalit which is hindi ko naman close! Hindi pa nag follow ng dress code. Grr!

Also those who rsvp'd but didn't come. Grrr!

miloo

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #229 on: January 26, 2016, 06:04:50 pm »
Mga hindi marunong mag rsvp! Ako na nga ang mag message to confirm, tapos seen zone lang, hindi man lang mag reply na hindi pupunta. Mga mag rsvp na pupunta with madaming kids and yayas, tapos no show  >:(

chikit

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #230 on: January 26, 2016, 06:26:32 pm »
Hindi ako materialistic pero napapansin ko talaga sa in-laws ko sa 3 okasyon na inimbita ang buong pamilya nila (recently binyag ng first apo sa amin ni hubby) wala talaga silang dala regalo kahit sabon pang laba hahahaha. Ako kase pag invited kami talaga may dala kame kahit simple lang. Wala lang na share ko lang. Di ko kase alam kung malapit na lo magdamdam or baka malapit na ko mabadtrip at hindi ko na sila invite ulit.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #231 on: January 26, 2016, 08:52:30 pm »
^di ka nag iisa sis haha! Ganyan din ang inlaws ko. Kadiri nga eh. Lahat ng okasyon wala man lang mga regalo. Hilig pa makikain at mag take out. Kaya pag kami ang may okasyon hindi na kami naghahanda, lumalabas na lang kami ni hubby haha. Tsaka pag pasko puro recycled gifts ang bigay ko sa kanila quesehodang mug na souvenir sa kasal, ireregalo ko sa kanila haha, wala akong pakelam kasi wala naman sila regalo sakin lol!

chikit

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #232 on: January 26, 2016, 09:48:21 pm »
Naku sis apir!

Naalala ko nga first christmas namin dito sa new house namin ni hubby nung 2014 we invited his whole family kase birthday din ni MIL.  So understood na yun na sa amin ang handa kase kame nag invite.  Kaya lang nagulat talaga ako wala sila dala kahit isang leche flan na mumurahin.  Napaisip tuloy ako kung wala ba sila handa nung Dec 24?  kasi parang ang imposible naman di ba.  Or kahit Joy pang hugas ko sa kinainan nila wala din.  Kaya last christmas hindi ko na talaga sila inimbita hindi rin kami nagpunta sa kanila.  Napilitan na nga lang ako magpakain sa resto for the binyag kasi naman everytime I see them ang tanong agad kelan ang binyag na alam na alam ko naman yung handaan ang iniisip nila. 


mslcgrey

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #233 on: January 26, 2016, 09:49:44 pm »
Since house party naman kami and talagang sinobrahan namin yung food kaya medyo okay lang na may extra guests like a friend ng mama ko na dumating with her kids. I invited some of her friends naman but yung mga kakilala ko syempre. Well, sya lang naman yung hindi namin kakilala ni hubby.
May mga nag-going na no show but most have texted us naman why.
Super appreciated ko  talaga yung mga guests na nag-effort talaga to go to my baby's first birthday party. May friend and kapitbahay kami na dumaan lang talaga to give their gifts dahil may iba silang lakad. Nakakatuwa naman.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #234 on: January 26, 2016, 11:24:48 pm »
Sa akin ok lang na walang gift, ako pa nga nagsasabi na basta pumunta lang kahit walang gift. Ang ayoko lang talaga yung mga gatecrashers o kaya yung mga nagrsvp tapos di pupunta lalo na kung per plate or per head ang binayaran. Nainis ako sa pinsan ko dati kasi sinama gf niya, sis ng gf niya pati barkada ng gf niya. Grabe isang sasakyan sila kapikon

crzysxycl

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #235 on: January 27, 2016, 12:12:38 pm »
Naalala ko yung uncle ko nung wedding namin ni hubby. May nakalagay naman kung ilan ang reserved seats for them, susko pati yaya at driver nila kasama. Nagulat nalang ako nung magpapapicture sa amin per table, yung iba hindi ko kilala. Hindi naman sa minamata ko yung regalo nya or binibilang ko yung value pero sa dami nila, susko mumurahing stove pa binigay sa amin, haha. Sa side naman ni hubby, hindi rin makaintindi nung "reserved seats", dami rin bitbit na kung sino sino. Nag over kami ng 45 guests.

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #236 on: January 27, 2016, 03:56:56 pm »
Dapat pala sa invitation malaking font talaga ang ilalagay sa reserved seats. Nakalagay dapat STRICTLY # of seats ONLY. All caps pa dapat kung kinakailangan. Better yet na rin talaga to send them printed invitation kahit na may names na nila of course include pa rin number of seats. Siguro naman sobrang understood na yan. Pero meron talagang makapal ang mukha na matigas ang ulo hindi mo malaman kung mahina ba talaga comprehension nila or talagang makapal lang ang mukha. Hindi ko rin minamaliit ang driver o ang yaya pero sa ibang okasyon talaga kung hindi sinabi ng nag-invite hindi talaga dapat gawin na isama kasi strictly family affair yun. Driver naman yan pwede naman bigyan ng pera para pakainin sa ibang lugar, mas madali kasi nga nagdadrive.

^di ka nag iisa sis haha! Ganyan din ang inlaws ko. Kadiri nga eh. Lahat ng okasyon wala man lang mga regalo. Hilig pa makikain at mag take out. Kaya pag kami ang may okasyon hindi na kami naghahanda, lumalabas na lang kami ni hubby haha. Tsaka pag pasko puro recycled gifts ang bigay ko sa kanila quesehodang mug na souvenir sa kasal, ireregalo ko sa kanila haha, wala akong pakelam kasi wala naman sila regalo sakin lol!

Hindi ko pa nagagawa ito sa gift items pero sa gift wrap lang :D

cutemama

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #237 on: January 27, 2016, 04:27:37 pm »
Nakakainis talaga yung mga nag RSVP na pupunta tapos no show naman,, tsaka yung mga kakilala mo (relative and friends) na PM mo pa sa FB or text tapos hindi man lang nagrereply.. seen zone lang. . parang utang na loob mo pa na ininvite mo sila.. dapat nga maappreciate nila na sa dinami dami naming friends eh invited sila.. hindi ba nila naiiisip yun??

sobrang disaapointed ako sa 1st bday ng anak ko, 14p pax pinareserve ko tapos 80+ lang yung dumating.. yung mga nagconfirm na pupunta hindi sumipot.. ang lapit lang naman ng ortigas hello.. bilang na bilang ko yung invited para hindi kami mag over, tapos hindi pala sila sisipot.. eh di sana binigay ko na lang pala sa iba yun slot nila,.. kaso nag confirm sila eh..

ang daming natirang food and prizes.. but still successful naman yung party, mas maganda lang sana kung maraming umattend kasi pinaghirapan ko din and pinag gastusan yun.

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #238 on: January 27, 2016, 05:24:28 pm »
^Sa akin naman mabuti iilan lang yung naging ganyang pasaway although sana nabigyan ko rin ng slot yung iba pa. Yung mga second priority ko puro mga nagpunta rin kaya worth. Natanggap ko na yang ganyang situation na hindi maiiwasan kaya sana someday I have the budget to invite all na gusto ko tapos babawasan na lang sa confirmation kung sino yung sure na hindi na makakapunta. Para na rin hindi na ako natataranta sa 2nd priority.

shygirlme

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #239 on: January 27, 2016, 05:43:09 pm »
^^the reason kung bakit ayaw ng husband ko magpaparty sa 1st bday ng anak namin. nadala sya nung wedding namin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close