Author Topic: All about SILENT TREATMENT  (Read 34135 times)

ri-anne

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #120 on: March 10, 2015, 12:34:46 pm »
I usually confront him the issue as it happens... nip it in the bud, ika nga. With this particular issue it doesn't seem to work. So this time i'll do the silent treatment naman. Let's see....

redgirln

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #121 on: June 28, 2015, 10:16:10 pm »
Silent treatment ko ang asawa ko, nakakabuwisit kasi! We had an argument which led na hindi nya ako kausapin for 3 days, dahil kasi may mga ka officemates ako na pumunta sa bahay namin at dun naglunch, kaso may nagpabili ng alak so parang hindi ko na binigyan ng bigdeal tutal isa bote lang naman, btw ldr nga pala kami, but yung pagpunta ng mga officemates e alam naman ni hubby dahil pinagpaalam ko, all those times na andun ang mga officemates e kausap ko naman sya sa phone, pero di ko sinasabing may one bottle ng alak, hanggang later on nabanggit ko din about sa alak, hala galit na galit at binigyan ko daw sya ng kahihiyan,  ni hindi man lang daw ako nagsabi about sa alak, at kung ano ano pang pinagsasabi, so ino-off ko nalang ang phone at baka kung ano pang masasamang words ang lumabas sa kanya at baka patulan ko. After 3 days uli tinext ko sya anong problema nya? Aba pinagmumura ako na halos di ko na makain ang mga sinasabi nya, kesyo sinungaling daw ako, sinira ko buhay nya, halos madurog ang puso ko. So war na naman kami, kasi nga sobra sakit yung mga pinagsasabi nya. After 3 days uli, nagtangka akong kausapin sya, dahil Malayo kami sa isat isa at ayaw ko ma bad mood sya sa work nya at namimiss ko na sya, medu malumanay na at explain nya kung bakit ganun ang naging feelings nya, gusto nya malaman bakit ako nag lie sa kanya about alak, sabi ko di ko nabigyan ng pansin at too late na para bawalan ko pa dahil ayaw ko namang mapahiya sila sa akin, katwiran ng asawa ko yung bisita naiisip ko pero sya na asawa ko di ko naiisip habang nag iinom sila, fyi nga pala, hindi ako umiinom,hay ang hirap paliwanagan, ayaw tumanggap, nag sorry na ko, nagpaalam ako for seminar pero di nya ko pinayagan. Para lang masunod sya at lumabot ang puso nya, hindi ako sumama sa seminar. Naging ok kami pero after a week ayun na naman sya, ibinabalik na naman ang nangyari, at kahit mag explain ako ng mag explain ayaw nyang tanggapin, sarado isip nya, nakakapagod na! Ngayon, ayaw ko muna syang kausapin, pag handa na sya umunawa, tumawag sya, kinausap ko naman but cold treatment lang,   halos another 3days na naman kaming hindi na nag-uusap, i dont know now how to fix things, baka ready nako kumausap e bigla na naman ako balikan ng masasakit na salita.
Pasensya napahaba naglalabas lang ng sama ng loob. Di ko sure kung nasa tamang thread ako.

skela96c

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #122 on: June 30, 2015, 07:14:36 am »
Ako to.

Well i just do this kasi i have to get my balance back pag nagagalit ako or disappointed or frustrated. I also pep talk myself and analyze things detached from the situation/object/person. 

Once i'm composed though (siguro after 2 days max depende sa level ng emotions lol!) i talk to my husband. I explain to him how and why i felt that way.  Hindi ko kasi kaya to act normal when i'm upset. He knows this kaya he usually gives me space dahil alam nyang when i'm done fixing my thoughts and emotions, i'll talk to him about it.  Yun naman din ng ibibigay ko sa kanya in return. Parang just let me be for a while i will just sort things out by myself.

ramamads

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #123 on: June 30, 2015, 10:36:33 am »
ako din to. pinakamatagal namin di nagkibuan ni hubby umabot ng 3days. di ko talaga sya kinibo kahit nag sorry sya. alam nya kasi na kasalanan nya. ang ginawa nya para magkaayos kami, pumunta sa nanay nya tapos pag-uwi sa bahay lasing tapos nag-iiyak. with matching knife pa na kesyo magpapakamatay sya. eh buntis pa ako nun kaya nakipagbati na ako. saka natakot din ako kasi yun kuya nang friend namin nagpakamatay. umuwi daw kasi sa bahay ng lasing kaya inaway at hindi pinapasok ng asawa kaya ang ginawa pumunta sa nanay para makitulog tapos dun na rin nagbigti. 

ri-anne

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #124 on: July 03, 2015, 07:23:09 pm »
I don't see the point of giving silent treatment. Mas lalo lang tumatagal yung issue.

If the purpose of being silent is to calm yourself down to avoid saying unnecessary and hurtful words, ibang usapan yun. Okay lang, and dapat talaga.
Keep calm, inhale exhale, leave for a while, etc.... Then talk to each other na.

Pero para lang for spite or to drive your husband /wife crazy by not talking to him/her....i don't think it's healthy for the relationship.
Communication talaga is a very important ingredient to make a relationship work.

simang

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #125 on: July 04, 2015, 01:00:45 am »
If the purpose of being silent is to calm yourself down to avoid saying unnecessary and hurtful words, ibang usapan yun. Okay lang, and dapat talaga.
Keep calm, inhale exhale, leave for a while, etc.... Then talk to each other na.

Pero para lang for spite or to drive your husband /wife crazy by not talking to him/her....i don't think it's healthy for the relationship.
Communication talaga is a very important ingredient to make a relationship work.

So how do you really know? Is silence pagpapakalma lang, or is it to drive the other person nuts?

Isn't silent treatment a form of communication too? Baka ibig sabihin noon na 'teka lang, let's pause, baka kung ano pang masabi ko sayo na hindi maganda.'

izabelle

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #126 on: July 04, 2015, 05:47:11 am »
Bihira kong gawin ito, kapag galit na galit lang talaga ako.

Madaldal akong tao and people na close sa akin knows na sinasabi ko talaga lagi nararamdaman ko. Para tapos agad issue.

Pero may times na sobrang nahurt ako or nagalit sa nangyari, nanahimik talaga ako. Mas takot si hubby kapag tahimik ako, kasi alam nya na galit na galit ako. :D

ang tao kasing natural na madaldal kapag tumahimik, masama. :)

ri-anne

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #127 on: July 06, 2015, 06:19:04 pm »
So how do you really know? Is silence pagpapakalma lang, or is it to drive the other person nuts?

Isn't silent treatment a form of communication too? Baka ibig sabihin noon na 'teka lang, let's pause, baka kung ano pang masabi ko sayo na hindi maganda.'

It depends on the person's personality. The "giver" of the silent treatment of course will know why he/she is doing it.
For the "receiver" end, mejo challenging...manigas kakahintay...unless you really know each other.
Pero in general, the more mature ones do it pampakalma; the immature ones do it to make the other person nuts.
You will know the difference based on the result.

And i'm speaking out of experience kasi gawain ko yun before.hehe Pag naiinis ako, i don't talk to my hubby at gusto kong inaamo-amo lol ang arte lang...until i realized it's so immature of me at ayun nga, tumatagal lang yung away, pareho lang kaming galit, inis at irritable for a long time .pataasan ng pride etc...

So i changed my habit... When i was really angry i decided to speak up na but nasobrahan. So i have to keep calm.(naks matured na daw) Like you said,"teka lang..baka may masabi na di maganda"
so mas positive yung approach kasi maganda yung intention at gearing towards working things out.

« Last Edit: July 06, 2015, 06:41:20 pm by ri-anne »

Evolet027

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #128 on: July 06, 2015, 06:30:03 pm »
I'm good at this. Pag may away kame ni hubby, hahayaan ko na lang sya at di ako nag pa fight back sa mga sinasabi nya, dahil alam ko pag bumuka ang bibig ko eh mas lalong lalala ang away namin. Uuwi at aalis ako ng bahay ng di ko sya kinakausap. I can totally act like hangin lang sya at wala akong kasama sa bahay. Umaabot kame ng 5 days ng ganito gang sya ang susuko. never pa ko sumuko sa silent treatment na sinimulan ko. :)

Plus yung mata ko pa pag alam nyang matalim pa galit pa ko, though di ko nilalabas. hehe.

huggykaye

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #129 on: July 07, 2015, 11:01:01 am »
ginagawa ko to kapag alam kong hindi maganda lalabas sa bibig ko pero hindi ko matitiis ng matagal... kailangan ko lang magpalipas ng init ng ulo ng sama ng loob... ayaw ko din naman kasi gawin sa kin ito ng matagal hehe :)

iam_me

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #130 on: July 08, 2015, 08:38:13 am »
sasabihin ko muna yung mga gusto kong sabihin lahat ng galit at sama ng loob ko after nun silent treatment na.

doinks527

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #131 on: November 12, 2017, 12:47:12 am »
 :'( :'( :'( hi guys, nakita ko lang sa site na ito about this topic which is Silent Treatment. I want to share my experienced sa amin ng hubby ko, madalas nyang ginagawa sa akin ang Silent Treatment, nakakapagod, nakaka iyak, mabigat sa dibdib, di kami magkasama physically kasi nasa abroad parin cya nag wo work, ayun, usually sa chat lang, eh madalas, unpredictable nga cya magalit, di mo ine expect na bigla nalang cya mawawala sa mood at magsasalita ng masakit pag di nya nagustuhan yung mga sinasabi ko, usually pag parang naglalambing ako sa kanya, kasi as a girl naman diba natural naman siguro sa atin yung maghanap ng sweetness especially at di pa kayo magkasama, eh ang madalas nya sinasabi, pag cya daw ang kausap ko, puro lungkot at puro pag daing, pag kasama ko naman daw mga friends ko parang wala akong problema, napaka unfair ko daw, and dun lang sa mga simpleng ganon, mag sha shutdown cya ng chat, and kahit i call ko cya at i message, as in, deadma na nya di na nya sinasagot,naka seen zone nalang, at madalas tumatagal na cya ng ilang araw, grabe ang hirap mga sis  :'( napakabigat sa loob yung ganito, pinag dadasal ko na nga lang palagi na sana hipuin ni Lord yung heart nya, marami na daw cyang problem sa work, nangungulit pa ko, there are times na naiisip ko na di nya talaga ako ganon ka mahal ba kaya ok lang sa kanya na di nya ko nakakausap or nakaka musta pag galit cya, kahit tumagal ng minsan more than a week? :'( :'( :'(

Len0523

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #132 on: December 15, 2017, 11:33:15 am »
:'( :'( :'( hi guys, nakita ko lang sa site na ito about this topic which is Silent Treatment. I want to share my experienced sa amin ng hubby ko, madalas nyang ginagawa sa akin ang Silent Treatment, nakakapagod, nakaka iyak, mabigat sa dibdib, di kami magkasama physically kasi nasa abroad parin cya nag wo work, ayun, usually sa chat lang, eh madalas, unpredictable nga cya magalit, di mo ine expect na bigla nalang cya mawawala sa mood at magsasalita ng masakit pag di nya nagustuhan yung mga sinasabi ko, usually pag parang naglalambing ako sa kanya, kasi as a girl naman diba natural naman siguro sa atin yung maghanap ng sweetness especially at di pa kayo magkasama, eh ang madalas nya sinasabi, pag cya daw ang kausap ko, puro lungkot at puro pag daing, pag kasama ko naman daw mga friends ko parang wala akong problema, napaka unfair ko daw, and dun lang sa mga simpleng ganon, mag sha shutdown cya ng chat, and kahit i call ko cya at i message, as in, deadma na nya di na nya sinasagot,naka seen zone nalang, at madalas tumatagal na cya ng ilang araw, grabe ang hirap mga sis  :'( napakabigat sa loob yung ganito, pinag dadasal ko na nga lang palagi na sana hipuin ni Lord yung heart nya, marami na daw cyang problem sa work, nangungulit pa ko, there are times na naiisip ko na di nya talaga ako ganon ka mahal ba kaya ok lang sa kanya na di nya ko nakakausap or nakaka musta pag galit cya, kahit tumagal ng minsan more than a week? :'( :'( :'(

Try mong mag pa miss and cold treatment naman.

Or show 100% support sa work nya , try to comfort him and do not be as demanding.

Open up sa issue mo and hear his solution try to work it out.

krispygreen

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #133 on: December 16, 2017, 07:19:30 pm »
Silent treatment can do no good in the relationship. Based from experience mas ok pagusapan agad. Ok lang din siguro yung silent treatment if may agreement kayo that the giver is not yet ready to talk about the issue and requested for a day or two to cool down. Pag medyo matagal na and nasanay na sa silent treatment nagiging normal na sya parang instead of i face ang problem and look for solution nag reresort na lang sa silent treatment hanggang mapagod or masanay and in return nagbu build up yung resentment on both ends. My husband used to to this to me. Bf Gf palang kami that time, tatahimik sya and although his style of silent treatment is not totally zero communication, masakit and sobrang mabigat tlaga sa dibdib. Nagsasalita naman sya kinakausap ka nia but alam mo na hindi sya 100% normal parang walang energy and sad. Being the receiver naman nung una magtatampo din ako because hindi ko gets bakit sya frustrated sakin and feeling naman pala nia lumalayo ako. Minsan magagalit din ako and kapag finally nagsalita sya, hindi ko naman matanggap yung accusations and reasons kung bakit sya nagalit sakin in the first place so I usually end up explaining my side but like other husbands, hindi nia tinatanggap yung reason ko and for him I'm stubborn, ma pride and laging ayaw magpatalo. This cycle went on for a while then napagod nako ipagtanggol sarili ko and kahit anong explain ko I felt like he never believed in me and all my emotions was never validated. So I thought of trying different ways naman of reacting sa silent treatment nia. I tried to be the bigger person and maging mapag pasensya lagi. Kapag nagiba yung treatment nia sakin I just accept it thinking na it's just a phase, sanay nako dito, magiging ok din lahat and I will be able to forget but I was so wrong. . sorry napahaba pero I hope this serves as a lesson to other people din so please do your marriage a favor and choose the better path of resolving problems.
« Last Edit: December 16, 2017, 07:27:31 pm by krispygreen »

Shadow Angel

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #134 on: December 19, 2017, 05:25:50 am »
Kasi naman kaya ka nya kinakausap para he feel love and maging happy kaso kung problema at daing maririnig nya sayo sino naman hindi mawawala sa mood nun hindi ko sinabi wag ka magsabi ng problema pero wag naman sanang madalas at paulit ulit. Ganito ako dati kapag may tampo silent treatment hindi para parusahan sya but I want to cool down muna kasi pagemotional pa ako masakit ako magsalita. Now naman nag improve na ako sya rin kapag tahimik na ako binibigyan nya na ako ng time na calmahin sarili ko ang gagawin nya aalis sya saglit pagbalik nya maydala ng pagkain for me hehe. Bilang naman sa daliri tampuhan namin for almost 3yrs na marriage namin kaya carry nya lang. Sya kasi makulit din at masalita talaga gusto nya express and explain your thoughts and feelings right away si hubby kasi 30 minutes or less ok na agad. Hindi ko alam paano nya nagagawa un ako kasi di ganun kabilis mg cool down.

Girltalker2

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #135 on: December 22, 2017, 10:20:38 pm »
Kasi naman kaya ka nya kinakausap para he feel love and maging happy kaso kung problema at daing maririnig nya sayo sino naman hindi mawawala sa mood nun hindi ko sinabi wag ka magsabi ng problema pero wag naman sanang madalas at paulit ulit.


Pero mahirap naman din magdala ng prob especially LDR kayo at di naman nar-resolve yung issue.

Alangan mag kunwari ka ok lahat but actually it?s not. Sooner or later, sasabog ka talaga.


Ganito ako dati kapag may tampo silent treatment hindi para parusahan sya but I want to cool down muna kasi pagemotional pa ako masakit ako magsalita.


Yup usually iyan reason. The giver of silent treatment wants some time on his own. Normally, that is, if the giver of silent treatment still loves his/her partner.

However, as the recipient, iba ang torture na dulot nito. Especially if it happens so often. As the recipient, para kang walking on egg shells anytime. And once nangyari Ang silent treatment sayo, wala kang idea kung 1 hour or 1 year syang tatahimik.



Now naman nag improve na ako sya rin kapag tahimik na ako binibigyan nya na ako ng time na calmahin sarili ko


Para sakin, this is very important. Give the other person the time. Para di sya nakaabang na parang aso na kung kelan mo lang feel i-end yung silent treatment tsaka mo sya kakausapin.

Di naman kasi robot ang asawa natin (recipients ng silent treatment /cold shoulder). They have feelings too kaya they?re entitled to know if they should just keep themselves busy muna sa mga everyday stuff or mag rom kasi time to talk and patch things up na.

Samin dalawa, ako ang mas expressive. Even though try ko mag silent treatment, di ko kaya kasi ako yun tipong 30min lang, after namin usap, ok nako.

But for my partner, he needs time. Kaya napag usapan namin if ever ganyan, I will give him time but he has to tell me how long if it?s gonna be more than a day. I have work, school to think of kaya to be fair lang, Mas mabuti my mind is not disturbed at alam ko later or tomorrow pa kami mag usap.

Somehow I notice, it is possible to figure this out if it runs in the family. Sa side ko kasi, di uso iyan. Minsan makakarinig ka ng arguments or discussions, but after that, ok na ulit lahat, sabay sabay na kami mag salo salo.
Sa side naman ng partner ko, naku Hindi. Wala talagang usap usap. And pansin ko it takes weeks or even months for them (ie siblings) to patch things up.

Shadow Angel

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #136 on: December 23, 2017, 02:06:43 pm »
^tama ka dyan mahirap ang ldr napakaswerte ng couple na until the end sila kahit magkalayo. Mahalaga sa akin ang physically kasama ko ok lang if may limit like 1-2 years.

^paano mo nagagawa na 30 mins ok ka na? Pareho kasi kayo ng asawa ko.

krispygreen

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #137 on: December 23, 2017, 05:06:18 pm »
Parang ganyan ako sis Girltalker2 tipong pag ok na asawa ko ok nako or pag feeling ko hindi na sya galit sakin ok na din ako. Okay in a sense na pwede na sumaya and kayang mag back to normal ulit pero pag andyan yung issue ulit ang bilis bumalik lahat ng pain parang back to zero ulit,..siguro kasi hindi talaga naresolve? Then dumating yung time na hindi ko na bigla kaya mag back to normal agad parang naubos na lahat ng pasensya and strength ko. Sobrang emotionally drained na. Ayoko na ng ganon talaga..last night we talked, we fought and he ended up realizing my point.FINALLY.SANA.
Sarap ng feeling not because feeling ko I won the argument but yung thought na nasabi mo lahat ng gusto mo sabihin and nalabas mo yung sama ng loob mo malaking bagay na for me and hopefully mag tuloy tuloy na :)

Girltalker2

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #138 on: December 24, 2017, 12:05:30 am »

^paano mo nagagawa na 30 mins ok ka na? Pareho kasi kayo ng asawa ko.

Actually di nga 30min

Siguro sis, in time. If you exert enough effort to separate their actions from who they are. Kasi I?m like this sa kids ko. If they didn?t fix their room pero sinabi ko na 2-3x, nagagalit ako.  But then after ko magalit, ok na ulit. Proceed with the next activity.


Shadow Angel

  • Guest
Re: All about SILENT TREATMENT
« Reply #139 on: December 24, 2017, 12:52:04 am »
^Hindi ko kaya ang ganyan na I need time talaga na marelax muna or mgcalm down.

Kaming nagsisilent treatment mahirap din para sa amin na pilitin ang sarili na makipag usap agad lalo na alam namin kapag nagsalita kami hindi maganda ang kalalabasan. I better shut my mouth than to hurt his feelings. Kapag kasi nasabi mo na nasabi mo na kahit pa magsorry. Nakatanim na rin sa isip ni partner mga masasakit na sasabihin natin. Ang hindi lang maganda sa silent treatment kapag intentional or ginagawa mo para pasakitan si partner mo. Nakikipagmatigasan para masabi mo ikaw ang panalo at sya hindi makatiis. Ito naman ang bug no sa akin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close