Silent treatment ko ang asawa ko, nakakabuwisit kasi! We had an argument which led na hindi nya ako kausapin for 3 days, dahil kasi may mga ka officemates ako na pumunta sa bahay namin at dun naglunch, kaso may nagpabili ng alak so parang hindi ko na binigyan ng bigdeal tutal isa bote lang naman, btw ldr nga pala kami, but yung pagpunta ng mga officemates e alam naman ni hubby dahil pinagpaalam ko, all those times na andun ang mga officemates e kausap ko naman sya sa phone, pero di ko sinasabing may one bottle ng alak, hanggang later on nabanggit ko din about sa alak, hala galit na galit at binigyan ko daw sya ng kahihiyan, ni hindi man lang daw ako nagsabi about sa alak, at kung ano ano pang pinagsasabi, so ino-off ko nalang ang phone at baka kung ano pang masasamang words ang lumabas sa kanya at baka patulan ko. After 3 days uli tinext ko sya anong problema nya? Aba pinagmumura ako na halos di ko na makain ang mga sinasabi nya, kesyo sinungaling daw ako, sinira ko buhay nya, halos madurog ang puso ko. So war na naman kami, kasi nga sobra sakit yung mga pinagsasabi nya. After 3 days uli, nagtangka akong kausapin sya, dahil Malayo kami sa isat isa at ayaw ko ma bad mood sya sa work nya at namimiss ko na sya, medu malumanay na at explain nya kung bakit ganun ang naging feelings nya, gusto nya malaman bakit ako nag lie sa kanya about alak, sabi ko di ko nabigyan ng pansin at too late na para bawalan ko pa dahil ayaw ko namang mapahiya sila sa akin, katwiran ng asawa ko yung bisita naiisip ko pero sya na asawa ko di ko naiisip habang nag iinom sila, fyi nga pala, hindi ako umiinom,hay ang hirap paliwanagan, ayaw tumanggap, nag sorry na ko, nagpaalam ako for seminar pero di nya ko pinayagan. Para lang masunod sya at lumabot ang puso nya, hindi ako sumama sa seminar. Naging ok kami pero after a week ayun na naman sya, ibinabalik na naman ang nangyari, at kahit mag explain ako ng mag explain ayaw nyang tanggapin, sarado isip nya, nakakapagod na! Ngayon, ayaw ko muna syang kausapin, pag handa na sya umunawa, tumawag sya, kinausap ko naman but cold treatment lang, halos another 3days na naman kaming hindi na nag-uusap, i dont know now how to fix things, baka ready nako kumausap e bigla na naman ako balikan ng masasakit na salita.
Pasensya napahaba naglalabas lang ng sama ng loob. Di ko sure kung nasa tamang thread ako.